Ninoy Aquino International Airport.
Napabuga ng hangin si Sierra nang makalabas sa lobby ng airport. Napapikit siya at dinama ang pamilyar na hangin ng bansang kinagisnan. Sa pagmulat niya ay kasabay niyon ang pagragasa ng alaala mula sa nakaraan. Limang taon na ang nakalilipas ngunit tila walang pinagbago ang lugar na ito. Maging ang mga tao ay halos ganoon din. Limang taon. Limang taon ngunit sariwa pa rin sa isipan ni Sierra ang nangyari sa kanya. Sariwa na para bang kahapon lang nangyari ang panloloko sa kanya ng inaakala niyang kapatid at kasintahan. Limang taon na rin ang makalipas nang mawala ang kanyang anak. Nang itapon sila ni Adriana sa dagat ay himalang nakaligtas si Sierra, ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang kanyang anak. Ni hindi man lang niya ito nagawang pagluksaan dahil ilang minuto lamang matapos siyang masagip ay isinilang niya ang isa pang anak niyang babae. Doon napagtanton ni Sierra na kambal pala ang dinadala niya. Namatay ang lalaking anak at naiwan ang isang babae. Bumalik siya upang maghiganti at saka lamang niyang ibabalik sa Pilipinas ang anak pagkatapos ng lahat-lahat. Ayaw niyang madamay ang inosente niyang supling, hindi niya hahayaang maging ito ay mawala pa sa kanya. Isang itim na SUV ang tumigil sa harapan ni Sierra, kapagkuwa'y may lumabas na ginang na sa hinuha niya ay nasa lagpas trienta na. Nakasuot ito ng pang-propesyonal na damit. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at inilahad ang kamay rito. “Pasensya at nagkaroon ng matinding traffic sa daan papunta rito, ma'am…” hinging paumanhin nito. Tinanggap ni Sierra ang kamay nito at pumasok na sa loob. Nang komportableng maupo si Sierra sa malambot na upuan at nginitian niya ang ginang. “Wala pong problema Miss Gwen, naiintindihan ko dahil noon pa man ay hindi talaga maiwasan ang traffic sa Pilipinas. Salamat po.” Nailing lang na ngumiti ang ginang. Binuksan ni Miss Gwen ang backseat upang ipasok ang mga gamit ni Sierra. Nang matapos at masigurong wala ng naiwan ay pamasok na siya sa may driver's seat at binuhat ang makina. Tahimik at prenteng nakaupo si Sierra sa likod. Paminsan-minsan ay napapatingin sa labas. Nang mapansin ang sariling repleksyon sa salamin ay tumapang ang kanyang tingin. Hindi na siya ang dating Audrey na sunog ang mukha at pinandidirihan. Hindi na siya pangit. Nagpa-surgery siya at pinaganda ang mukha. Hindi lamang mukha ang binago kundi maging ang pangalan. Siya na ngayon si Sierra Montalban. Hindi na Audrey Santillan, namatay na ang pangalang iyon kasabay ng pagkawala ng kanyang mahal na anak. “Pumayag na si Mrs. Montezides na ikaw ang mapapangasawa ng kanyang panganay na apo, Sierra. Ang kasal ay magaganap tatlong araw magmula ngayon.” Imporma ni Gwen kay Sierra. Montezides… ang tunog na iyon ay parang musikang nagpantig sa kanyang tainga. Julian Montezides. Oo, ang pamilya na kinabibilangan ni Julian ang pakakasalan niya. Si Marco Montezides. Ang lalaking hindi aktibo. Ni hindi magawang igalaw kahit daliri. Ang lalaking imbalido. Si Marco Montezides ay half-brother ni Julian Montezides. Siya ang panganay na apo ni Mrs. Elizabeth Montezides o mas kilalang Senyora Elizabeth. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Sierra, naging ganoon ang kondisyon ng isang Montezides anim na buwan na ang nakararaan. Nakakaawa man ngunit dahil mayaman sila at halos siya ang tagapagmana ng lahat, kahit walang magawang galaw ang lalaki ay marami pa ring magkakandarapang babae para lang maging asawa niya. Iyon ay dahil sa pera. Hindi dahil sa pagmamahal. Maliban sa kanilang yaman, naniniwala din ang ginang na Montezides sa budismo. Ayon sa kaibigan nitong shaman ay may pag-asang gagaling ang panganay na apo sa pamamagitan ng pag-aasawa. Kaya naman aligaga ang ginang na maghanap ng mapapangasawa ng kanyang apo, hanggang sa dumating si Sierra. Pihikan kung mamili ang ginang lalo pa at para iyon sa kanyang mahal na apo. Ngunit dahil naglapag ng mga kondisyunes si Sierra ay kalaunan pumayag na rin ito. “Sige, tatandaan ko iyan, Gwen.” Kung hindi naman dahil sa pagpapakasal niya kay Marco ay wala naman siyang balak na umuwi pa ng bansa. DUMATING na ang araw na pinakahihintay ni Sierra. Ang araw ng kanyang kasal. Isang simple ngunit eleganteng puting wedding dress ang suot ni Sierra. Kahit simpleng make-up ang inilagay sa kanyang mukha, litaw na litaw pa rin ang kagandanhan niya. Pagkatapos masuri at matiyak na handa na siya ay nakarinig siya ng katok sa pinto. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Sierra bago tumungo sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang dalawang panauhing kinamumuhian. Adriana Santillan-Montezides at Julian Montezides. Umusbong ang pinangangalagaan niyang galit sa mga ito at nais na niyang ihampas ang mga mukha nila sa pintuan ngunit pinigilan ni Sierra ang kanyang sarili. Bagkus ay ngumiti siya ng malapad sa mga ito at bukas ang mga brasong sinalubong ng yakap ang dalawa. “Magandang umaga, Adriana, Kuya Julian…” muntik pang masuka si Sierra sa nang banggitin ang huling litanya! “Ako si Sierra, nice to finally meeting you two.” Umismid si Adriana at umikot ang mga mata. Hindi magugustuhan ang pagbati ni Sierra. Tiningnan lang siya ni Julian atsaka umalis. “Pwede ba, huwag kang umakto na parte ng pamilyang ito. Isa ka lang namang babaeng nagluwal ng isang bastardo. Kahit pa binago mo ang mukha mo, kilalang-kilala pa rin kita, Audrey…” Gumalaw ang panga nito at sa likod ng naka-make-up na mukha ay kitang-kita niya ang panggigil nito sa kanya. “Kung si Grandma ay mabilis mong mauto sa mga matatamis mong salita, ibahin mo kami ng asawa ko. Maaaring masuwerte kang makakuha ng yaman ng pamilya ngunit huwag kang papakasigurong magiging ligtas ka. Nagawa ka na naming puksain noon, hindi kami magdadalawang isip na gawin muli iyon sa iyo sa pangalawang pagkakataon.” Puno ng pagbabantang wika ni Adriana. Lihim na nagpakawala ng buntong hininga si Sierra. Gusto niyang paikutin ang mga mata at sabihing hindi siya natatakot ngunit ikinubli niya lamang iyon. Bagkus ay nagpanggap siyang hindi ang mga ito maintindihan. Nawala ang ngiti sa labi ni Sierra at bahagyang nangunot ang noo. “Ano ang iyong ibig sabihin?” Ipinagsalikop ni Adriana ang mga kamay, taas noo niyang tinapunan ng tingin si Sierra. “Pumirma ka ng prenuptial agreement.” Matapang nitong panghahamon. "Hindi ko hahayaang makakuha ka ni katiting na mana ni Kuya Marco, huwag kang feeling dahil ayaw kitang maging kapatid.” Halos magputukan ang ugat sa noo ni Adriana sa labis na panggigil, hindi naman niya maaaring basta na lang sugurin si Sierra dahil marami mata sa paligid at baka makarating pa sa kanilang Grandma. “Hindi ko gagawin iyan dahil sinabi mo, Adriana.” Kalmado ngunit kompyansang tugon ni Sierra. “Kung wala na kayong kailangan sa akin, maaari na kayong umalis.” “Limang milyon.” Biglang saad ni Adriana. “Heto ang limang milyon kapalit ng iyong pagpapakalayo sa pamilyang ito.” Dagdag nito kasabay ng paglalabas ng tseke sa hawak nitong clutch bag.Napanganga na lang si Sierra sa gulat sa naging tanong ng anak. Nang akma na siyang magsasalita ay siya namang pagbaba ni Vester."Stupid," bulong ni Vester, subalit nang mapagtantong naroon ang ama ay awtomatiko niyang isinara ang bibig at kinuha na lang ang kamay ni Thalia. "Didn't you wanted me to teach you how to build a robot?" Sa narinig ay nawala ang atensyon ni Thalia sa ina at nabaling iyon kay Vester. "Really, Kuya? Hindi ka na magagalit kahit pa may masagi ako at hindi ako agad marunong?" Nagniningning ang matang tanong ng bata.Salubong ang kilay ni Vester na tumingin sa batang babae ngunit kalaunan ay tumango. "Yes, I will teach you so that you will know and you won't be destroying my things next time." Kapagkuwan ay lumipat ang kanyang tingin kay Senyora Elizabeth. "Grandma, please watch out for these people because it is not quite healthy to make fight a habit." Mariin nitong paalala na para bang kung makapagsalita ay aakalain mong isang Padre de pamilyang sawa na sa
Mabilis ang naging pangyayari kaya hindi na napansin pa ang pagdapo ng palad ni Stevan sa pisngi ni Marco. Kaya nang tangka na naman nitong gawin muli iyon ay umalma na siya. "Don't you dare hurt him again!" Aniya, hinuli ang pulsuhan ng matandang Montezides at buong tapang itong pinanlisikan ng mata. "How dare you interfere! You are nothing but a dirty woman who pushes herself into the family that she doesn't belong to!" Nanggagalaiting wika ni Stevan at gamit ang bakanteng kamay, sinampal niya si Sierra. Sa lakas ng pwersa ni Stevan ay nabitawan ni Sierra ang pagkakahawan niya sa pulsuhan nito. Napahakbang siya paatras at wala sa sariling dinama ang hapdi ng kanyang pisngi. "Who do you think you are, huh? Anong akala mo, porket kinakampihan ka ng imbalido kong anak-anakan ay may karapatan ka ng harangan ako sa kung anong nais ko? No fucking way!" Parang kulog na kumawala ang tinig ni Stevan, pumuno iyon sa buong kabahayan. "Don't you know who I am, huh, whore?" Nanlilisik ang
Nanlaki ang mga mata ni Stevan Montezides sa nasaksihan, bagama't iyon ay dahil kailanman hindi niya ito nakitaan ng pagkakaroon ng interes sa babae, sa higit trenta dekada nitong nabubuhay sa mundo. Naaalala niya pa, noong ito pa ang siyang kasalukuyang presidente ng kompanya, lahat ng mga naging sekretarya at assistant nito ay lalaki. Kahit na sa pagdalo ng mga social events ay hindi nito hinahayaang may babaeng sangkot. Nang isang beses nga, nais ng isang kasosyo na mas paunlarin pa ang kooperasyon ng kompanya kaya't nagdala ito ng babae upang paluguran ito. Ang babae ay hinawakan siya sa braso habang malaswang umiindayog ang katawan. Sa galit ni Marco ay binasag nito ang kanyang hawak na wine glass sa harapan ng maraming tao at nilisan ang lugar, dahil sa matinding pagkapahiya, ang kabilang partido ay tuluyan ng bumitaw na makipag-kooperasyon. Simula rin no'n ay kumalat na ang mga sabi-sabi na mayroon itong seryosong problema sa pag-uugali at maging ang sekswal na oryentas
Wala sa sariling dumako ang tingin ni Sierra kay Marco, ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga. Hindi kataka-takang ito ang naging pinuno ng Montezides corporation dahil sa taglay nitong tapang at husay. Wala pa mang ibang salitang lumalabas sa bibig nito subalit kitang-kita sa mga mata nito ang nagsusumigaw na awtoridad. Iyong tipong hindi na nito kailangang magtaas ng tinig para lang sundin. Isang mariing titig pa lamang ay nakakanginig na ng tuhod sa labis na takot. Nanginginig sa takot na tumango ng dalawang beses ang kawawang kasambahay at saka ito nagpaalam na umalis. "Stop staring and eat your food." Puna ni Marco nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Sierra. Nakagat naman ni Sierra ang kanyang pang-ibabang labi at pinamulahan ng mukha sa kahihiyan. Hindi na lamang siya umimik na bumalik sa pagkain. Sa kabilang banda, sa mansyon ng mag-asawang Ericka at Stevan Montezides, nagpupuyos sa galit si Stevan nang matanggap ang ulat mula sa kanyang kanang kamay.
Isang sulyap lamang sana ang gagawin ni Marco at aalis na nang muling maagaw ng kanyang atensyon ang paglitaw ng mga mensahe sa notification bar. 'Nahuli na ang dalawang lalaki at sila'y kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga pulisya. Ang pagkakahulog ng props ay...' Tanging iyon lamang ang mababasa sa screen dahil ang kabuuan mababasa lamang kapag in-unlock ang telepono ng babae. Hindi niya maaaring gawin iyon dahil bukod sa hindi niya ito pag-aari, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi mahirap intindihin na ang tinutukoy ng nagpadala ng mensahe ay tungkol sa insidenteng naganap kahapon. May inutusan itong mag-imbestiga sa pangyayari, ibig sabihin ay alam ng babae na hindi lamang isang aksidente ang nangyari at may hinala itong may sinuman ang nasa likod nito? Kung ganoon, ang pagbubuwis ng buhay ni Lukas Buena, ang usap-usapan sa internet patungkol sa kanila, pawang aksidente nga ba ang mga kaganapang ito o sadya? Walang alam si Marco sa mga iyon dahil wala
"G-gusto mo bang samahan kitang magpahangin sa labas?" Pagbubukas ni Sierra ng usapan makalipas ang ilang sandali. Magkatabi na silang nakaupo ngayon sa isang sofa. Bagama't para pa ring nasa alapaap si Sierra dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaramdam ni Marco, kailangan niya pa ring umakto ng normal. Oo at inaamin niya sa lalaki na gusto niya ito ngunit hanggang doon lamang iyon. Hindi niya aakalaing ganoon ang magiging reaksyon nito nang sandaling lumuhod siya. Lalong-lalo nang hindi niya inasahan ang pagkintil ng halik nito sa kanyang noo. Medyo nakaka-overthink iyon para kay Sierra, hindi tuloy niya maiwasang isipin na kahit papaano ay may gusto sa kanya ang kanyang asawa. "No, I would like to go to the gym instead." Anito. Tumango si Sierra at nagpresintang siya na ang maghahatid dito sa personal nitong gym. medyo nag-alangan man noong una ay wala na ring nagawa pa si Marco nang kuhanin na ng babae ang kanyang wheelchair at iharap sa kanya. Palaging si Carlos ang ka