Share

 CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE

 CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE

----

Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.

Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...

---

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Natapos na din sa wakas ang duty namin dahil may dumating na panibago naming karelyebo. Maaga din kaming pinagpapahinga dahil ayon kay Dr. Blaire ay pang umaga muli kami bukas. Bukas din daw darating ang mas marami pang mga relief goods at volunteers kaya sobrang nakakaexcite. Napakadami talagang tumutulong sa amin kaya sobra kaming nagpapasalamat sa kanila.

At meron pang isang magandang balita dahil humupa na daw ang baha sa lugar namin ayon kay Mama na katawagan ko ngayon at kasalukuyan daw nilang nililinis ang bahay pero may mga kapitbahay daw na tumutulong sa kanila.

" Oo anak, andito ang mga kapitbahay kaya wag kang mag alala dahil hindi mapapagod ang Mama mo. Babayaran ko nalang ito sila pagkatapos at magememeryenda din kami mamaya." nakangiting sabi sa akin ni Mama.

Kaya naexcite kami bigla ni Riley na umuwi. Pero bago umuwi ay naisip kong magpaalam na muna kay Kuya kaya pinuntahan ko ito sa booth nila.

Kasama ko si Riley at syempre, pinanindigan namin na mag asawa kami kaya magkahawak kami ng kamay. At kung nung una ay nandidiri pa kami sa isa't isa ay ngayon ay parang medyo nasasanay na kami kaya wala nang pandidiring naganap sa amin.

At pagdating namin sa booth ay wala si Kuya, nag banyo daw ito ayon sa pinagtanungan namin. Kaya napagdesisyunan namin na antayin nalang si Kuya dito sa booth nila.

Tapos na din sila sa pamimigay kaya kami lang ni Riley ang nandirito sa loob. At habang nag iintay kami ay nagtitingin tingin namin ako dito sa loob at pinagmamasdan ang bawat gamit nila dahil pansin namin ni Riley na sobrang makabago ng kanilang mga kagamitang pang medical. Kaya lubos kaming namangha dahil dito.

Nang sa pag titingin tingin namin nang biglang may masaging mga gamit si Riley at naglaglagan ito kaya agad naming pinagdadampot.

" Hala girl naman eh. Mamaya mahuli tayo." nag aalala kong sabi habanag tinutulungan ito sa pagdampot. Mabuti na lang talaga at wala pang tao dito sa booth kundi baka malagot kaming parehas.

Mga papeles at id's itong mga nahulog ni Riley kaya todo ingat kami rito. Nang bigla akong kalabitin ni Riley.

" Huy, te! Tignan mo to!" habang pinagmamasdan ang hawak niyang id. Kaya lumapit ako dito pero nilagay ko na muna sa lamesa ang mga nadampot kong mga papeles.

" Ano ba kasi yan at madaling madali ka pa?" tugon ko rito nang nakakunot ang noo.

At nagulat ako nang ipakita nito sa akin ang pamilyar na mukha ng lalaki. At mas nagulantang ako nang mabasa ko ang pangalan nito.

" Dr. Lorenzo Miguel Samaniego, Neurosurgeon?" at nagkatinginan kaming bigla ni Riley matapos kong basahin ito.

Omg! Totoo ba itong nababasa ko? Even yung photo niya sa id ay siyang siya nga! Maputi, mapula pulang mga labi, at yung asul niyang mata!! Omg, check lahat ng boxes. Si Miguel nga ito.

Nang bigla nalang may sumulpot na isang lalaki at nahuli kami nitong hawak hawak ang id ni Miguel.

" Excuse me? Sino ho sila? Tsaka bakit niyo po hawak ang id ng bossing ko?" nakasimangot niyang sabi sabay kuha nito ng id mula sa kamay ko.

" Kung may inaantay po kayo, sana sa labas nalang ho. Mahirap na po kasi at baka mamaya may mawalang gamit. Mahirap na po diba?" dagdag pa nito.

Kaya tumayo kami ni Riley at lumabas. Nag uusok naman ang ilong ko sa inis dahil talaga bang pagbintangan kami na magnanakaw? Kaimbyerna!

Pero ang kaibigan ko ay tila nag islowmo pa habang papalabas kami at talagang nakipagtitigan pa ng masama sa lalaki dahil nasa pintuan din ang lalaking yun.

" Yes sir? May problema ho ba tayo? Grabe kung makatingin kayo ah, para ho kayong nangungursunada?" maangas na sabi nung lalaki at naku, mukhang away ito dahil lumapit ang lalaki kay Riley.

Nakakabwisit naman kasi tong si Riley eh sana kasi lumabas nalang ng maayos hindi yung nakipag angasan pa. Paano ngayon to? Nakakahiya naman kung sakali at baka madungisan pa namin yung pangalan ng Hospital namin pag nagkataon.

At nagkatitigan na sila...Pero teka? Namumula ata ang beshy ko? Tsaka bakit parang may spark, infairness ah...Naku, sabi ko na nga ba at mukhang para-paraan lang ito ni Riley para makadikitan niya yung lalaki.

" Ano pre? Maangas ka?" sabi nung lalaki habang nakikipag-matahan kay Riley.

Nang biglang dumating si Kuya at agad silang inawat. At nakahinga na din ako ng maluwag. Jusko po, grabe din yung nerbyos ko dun dahil mukhang palaban din kasi yung lalaki. Malaki din ang pangangatawan at meron ding katangkaran. Kaya naman pala,

parang na-check din niya lahat ng boxes ng mga tipo ni Riley sa lalaki.

" Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa? Jeric? Anong meron? Asawa ito ng kapatid ko, mabuti nalang at dumating ako agad dahil kung hindi eh baka nakita ko nalang kayo na nagrarambulan na. Tinakot niyo pa tong kapatid ko." panenermon ni Kuya dun sa lalaki at umalis na din ito pagkatapos.

Humingi naman ng pasensya sa amin si Kuya dahil sa nangyare. Mabuti nalang talaga at mga nagpapahinga na din sa mga booth ang ilan sa mga taong nandun kaya walang nakakita sa animo'y staring contest nung dalawa.

Inakbayan naman ni Kuya si Riley at humingi rin ito ng paumanhin dito. " Pasensya ka na brad ha. Assistant kasi yun ng Head Surgeon namin kaya bantay na bantay niya yung booth namin. Ano, nasaktan ka ba?" pag aalala ni Kuya at nakakaloka dahil feel na feel naman ni bakla ang pagkakaakbay ni Kuya sa kanya. At yumakap pa talaga ito kaya agad ko siyang hinila dahil baka bigla nalang makalimot.

" Babe!" nanggigigil kong sabi at pinandidilatan ko din ito habang hinahatak siya papunta sa akin. At mabuti nalang ay naalala niyang mag asawa pala kami.

" Haha! Sorry, sorry. Magkamukha kasi kayo ng Kuya mo ano ba yan. Nakakahiya, sorry bro ah."

-----

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

Eto nanaman, nararamdaman ko nanaman yung parehas na pakiramdam nung unang beses kong nakita si Monica sa bar nung gabing yun. It was the same feeling na pananabik ko sa kanya. Kaya nang malaman kong may asawa na ito ay tila pati ang pagkagigil ko ay nanumbalik din pero pilit ko itong pinipigilan dahil ayaw kong magkagulo kami rito kaya pinili kong pagmasdan nalang siya mula sa malayo at umiiwas naman tuwing nakikita kong magkasama sila ng asawa niya.

Pero hindi, hindi naman pwedeng hanggang ganito lang ako. Ako si Lorenzo Miguel Samaniego at hinding hindi ako magpapatalo. That girl was mine, ako ang nakauna sa kanya kaya nararapat lang na sa akin siya mapunta. Wala akong pake kung kasal sila, basta ang importante sa akin ay mapasakin siya.

At isa pa, pinanghahawakan ko din ang kutob ko na akin ang mga bata na yun. Kita naman sa mukha at yung edad nila ay tugmang tugma din kung bibilangin sa araw na may nangyari sa amin hanggang sa taon na hindi kami nagkita. Maaaring nagsisinungaling lamang si Monica sa Kuya niya pero ako, hinding hindi niya ako kayang bilugin.

---

" So ano, Jeric? Okay na ba? Kamusta, anong ginagawa nila?"

" Negative pa boss. Pero mag ready ka lang dahil parang nagpapaalam na sila kay Dr. Charles."

---

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Halos isang oras din ang kwentuhan namin ni Kuya at grabe, parang kulang pa nga ang oras na yun dahil sa sobrang dami naming napagchikahan pero yun nga, pang umaga din pala sila bukas kaya kailangan na niyang umalis. Dumating na kasi yung shuttle bus na sinasakyan nila kaya umalis na siya kaagad. Napag alaman ko nga din na sa Hotel pala sila nag iistay at uuwi na din pala sila agad kinabukasan pagkatapos ng Medical Mission kaya wala na talaga kaming oras para makapag bonding.

At nang makaalis na si Kuya ay naisip namin na umuwi na din pero inaya ko muna si Riley para magbanyo dahil kanina pa talaga ko na-ccr.

Medyo madilim na dito sa nilalakaran namin dahil may mga bumbilyang hindi na gumagana. Medyo creepy nga dahil kumukurap kurap pa ang mga ilaw dito. Hanggang sa makarating na kami sa banyo at syempre, bawal akong samahan ni Riley sa loob kaya ako lang mag isa ang pumasok.

---

Infairness maluwag ang banyo dito. May malaking salamin at tatalong cubicle . At dahil ihing ihi na kaya nagbanyo na agad ako.

At wala pang isang minuto ay lumabas na ako para maghugas ng kamay.

" Lalala lala." pag awit ko habang naghuhugas...

Nang biglang...

" Ayy put***in*!!" pagsigaw ko dahil bigla nalang namatay ang mga ilaw.

Omg! Wala akong makita. Wala pa din akong magamit na ilaw dahil pinabitbit ko yung bag ko kay Riley na nasa labas. Kaya kumapa kapa ako hanggang sa mahawakan ko ang pinto.

Nang...

" Ahhh!!! Omg! Sino ka?!!!!" pagtili ko ng malakas dahil bigla nalang may lumitaw na lalaki sa harapan ko. At bigla na ring bumukas ang ilaw at pagtingin ko sa lalaki...

" Ano?!! Ikaw?!!!"

---

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

Ang tanging paraan na naisip ko...Ang ikulong siya...at syempre, nang kasama ako.

Sa tulong ng assistant kong si Jeric ay matagumpay naming nagawa itong plano. Nagtyaga itong nag abang sa labas ng halos mag iisang oras nang bigyan niya ako ng sinyales na papunta na nga rito si Monica. Actually, masusi ko ding pinag aralan itong ginawa ko at para makasiguradong si Monica lamang ang makakapunta rito ay tinawagan ko ang driver ng shuttle namin para pick up-in ng maaga ang aming mga volunteers.

Binalita naman ito agad sa akin ni Jeric kaya agad akong naghanda at nagtago dito sa cr ng mga babae. Instinct ko nalang din na magbabanyo itong si Monica pag uwi dahil syempre, halos nakaugalian na din talaga na magbanyo muna bago umalis kaya nagtyaga din akong naghintay hanggang sa dumating ang oras na ito...

Ni-rehearse ko pa ito ng manga ilang ulit para siguradong hindi ako papalpak. At nang makalabas ito ng cubicle ay tsaka ako nag hintay ng tamang pagkakataon para isara ang ilaw at ilock ang pinto...

At tagumpay ang plano...Wala ka nang takas ngayon, Monica Jimenez...

---

" Pakawalan mo ko dito Miguel. Alam mo pwede kitang kasuhan dahil dito sa pinag gagawa mong to." pananakot ni Monica sakin. Pero hindi naman ako natitinag dito dahil meron akong pakay sa kanya ngayong gabi at yun nga ay umamin siyang nagsisinungaling lamang siya at anak namin ang tatlong bata.

" Teka, teka. Kakakita lang natin bakit parang gusto mo na agad umalis? Hindi mo ba ako na-miss?" at hindi ko naman napigilan ang sarili ko at hinawakan ko ang kamay nito pero agad niya ding inalis.

" Ano bang pinagsasabi mo? Pakawalan mo na ko please? Maawa ka, may trabaho pa ako bukas." pagmamakaawa nito sa akin pero tinatatagan ko ang sarili ko na hindi maawa sa kanya dahil alam kong ito lang ang tsansa kong makasama siya at maitanong lahat ng mga naiwang katanungan sa isip ko.

At dahil alam kong hawak hawak ni Jeric ang susi sa labas kaya kumpyansa akong hindi basta bastang mabubuksan ni Monica ang pinto dahil wala pa rin itong tigil sa pag ikot ng door knob sa pag asang mabubuksan ito.

" Alam mo, walang magagawa yang pag distrungka mo dyan. Tanggapin mo nang nakulong tayo dito kaya halika na muna. Maupo tayo at magkwentuhan." nakangiti kong sabi sa kanya habang nakaupo rito malapit sa may lababo.

At napanghinaan ito dahil sa sinabi ko. Pero ramdam ko ang sobrang galit nito sa akin dahil sa mata nitong nakakatakot.

" Come on, Monica relax. Ako lang to, ano ba't parang takot na takot ka sakin? Wala naman akong ginagawang masama sayo. Unless, ikaw? baka meron kang ginawa or hindi sinasabi sa akin?" pagpapahaging ko rito sabay ngiti sa kanya. At nagpatuloy nanaman ito sa pagsira ng door knob.

At pinipilit ko itong magsalita at hindi pa rin siya umiimik sa akin. Tumatakbo ang oras kaya hindi kami maaaring magtagal dahil baka meron nang makarining sa pagdadabog niya ng pinto. Kaya nilapitan ko na ito at hinawakan ang balikat niya at hinarap ko sa akin.

Pero hindi ko inaasahan nang halos magkalapit ang aming mga mukha. Napatitig ako sa kanyang mga mata at grabe, para akong nalulusaw sa mga tingin niya. Tila nabasag niya din ang matigas kong imahe na pinapakita sa kanya...

" M-monica? Ang mga tingin na yan..." at bigla nalang niya akong tinulak papalayo.

Hindi ko naman maiwasang mapaluha dahil hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon. Ang babaeng sobra kong kinabaliwan at ang tanging babaeng nakapagparamdam sa akin ng ganito...

" Mahal na mahal kita, Monica." at bigla ko siyang niyakap dahil hindi ko na rin macontrol ang emosyon ko.

" Sobrang tagal kitang hinanap. Halos mabaliw ako kakahanap sayo pero, hindi ako sumuko sa pag asang magkikita tayong muli. Kaya patawarin mo kong ginagawa ko ito sayo ngayon. Nagiging desperado na ako dahil sayo, Monica. Ganyan kita kamahal." umiiyak kong sabi habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.

Ramdam ko naman ang pagpiglas nito hanggang sa tuluyan niya akong naitulak.

" Pero, Miguel. Hindi na pwede. Dahil may pamilya na ako at masaya ako sa kanila. Kaya please lang kung ano man ang binabalak mo itigil mo na masaya na ako sa anak at asawa ko."

" Masaya ka nga ba talaga Monica? Look, Akala mo ba maniniwala din ako sa kasinungalingan sinabi mo sa kuya mo na siya ang ama ng mga anak mo. Hindi ako bulag o tanga Monica para maniwala dahil kitang-kita ko sa mga itsura ng mga anak mo na pagmamay-ari ko din sila."

" Miguel kahit kailan hindi mo sila naging pag-aari, dahil hindi mo sila anak. Kaya tumigil ka na!!"Galit na galit na sabi sa akin ni Monica habang naiyak ito. At patuloy pa rin sa pagkalabog ng pinto.

" Alam mo Monica, kung gugustuhin ko lang ay kayang kaya kong ipakuha ang DNA test ng mga bata para lang mapatunayan sa iyo ang lahat. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na ang totoo Monica at wag mo nang antayin pang magkaharap pa tayo sa korte at ipaglaban ko ang karapatan ko para sa mga anak ko. Bibigyan kita ng oras para makapag isip-isip kung kailan mo sasabihin sa akin ang totoo at kapag napatunayan kong akin sila kailangan mong magpakasal sa akin whether you want it or not."Seryoso kong sabi ko kay Monica at binigyan ko siya ng mapaglarong ngisi.

At nakatanggap naman ako ng sampal mula kay Monica at kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Kaya binigyan ko siya ng isang halik sa labi at binulungan ko siya bago ako umalis.

" I miss this sweet lips of yours and i love your scent sweetie." nakangisi kong sabi sa kanya at pagkatapos ay binuksan ko ang pinto at lumabas.

Kita ko naman ang pagkatulala nito sa ginawa kong pagnakaw ng halik.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ian General (bhang)
ako din po
goodnovel comment avatar
Jinny Carandang Lapadan
bakit hindi ko na mabasa yung chapter 6?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status