/ Romance / One Night Stand with a Stranger / CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

공유

CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

last update 최신 업데이트: 2023-08-11 16:32:49

CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

---

A Day After the Storm...

Lumipas ang isang araw, at nagtungo na ang mga volunteer doctors at nurses ng Samaniego Medical Hospital sa probinsya. Pinangunahan ito ng kanilang head doctor na si Dr. Lorenzo Miguel, lulan ng isang private plane na mula pa mismo kay Governor Clifford ng Maynila. Naatasan sila na magsagawa ng medical mission para matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng super typhoon.

Pagkarating nila sa lugar, ramdam agad ang epekto ng bagyo. Kahit lumipas na ang kalamidad, naiwan nito ang matinding pinsala—mga bahay na nasira, mga punong nagkalat sa daan, at mga tao sa evacuation center na halatang pagod na sa pinagdaanan.

Agad na kumilos ang team ng Samaniego Medical Hospital. Ang iba ay nag-ayos ng kanilang mobile clinic, habang ang iba naman ay sinimulan na ang pamimigay ng relief goods na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at bitamina.

Habang abala ang lahat, iniikot ni Lorenzo ang paningin niya sa lugar. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot sa nakita. Ang dating tahimik na baryo ay parang isang battlefield na iniwan ng isang laban.

---

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Sa wakas, natapos na rin ang bagyong halos dalawang araw na naminsala sa lugar namin. Dalawang araw na rin akong hindi nakakauwi sa bahay.

Dito na muna kami nanatili ni Rylie sa ospital dahil sobrang taas ng baha sa napakaraming lugar, kasama na ang buong unang palapag ng bahay namin. Naiiwan akong nag-aalala para sa pamilya ko, lalo na't nasa evacuation center sila ngayon. Mabuti na lang at sinabi ni Mama na maayos naman daw sila, may tent sila, at sapat naman ang kanilang gamit.

Sa wakas, bumalik na rin ang signal at kuryente, kahit sa ilang piling lugar lang. Pero kita pa rin ang epekto ng bagyo—maraming poste ang nasira at nagsitumbahan, kaya't hindi pa rin ganoon kadali ang sitwasyon.

Ngayong araw, abala ang lahat ng doktor at nurse dahil magkakaroon kami ng malaking medical mission para sa mga nasalanta. Maaga kaming gumising ni Rylie para ihanda ang lahat ng kailangan. Excited kami pero ramdam din ang bigat ng responsibilidad na dala ng araw na ito.

Ayon kay Dr. Blaire, may mga darating na volunteer doctors at nurses mula Maynila para tumulong. Nakakatuwang isipin na kahit ang mga taga-ibang lugar ay handang makiisa para sa ganitong klaseng misyon. Nakakagaan ng loob, lalo na't ramdam mo ang bayanihan sa kabila ng trahedya.

Tinawagan ko si Mama para kumustahin sila at sabihan tungkol sa libreng check-up at relief goods na ipamimigay.

"Opo, Ma. Pumunta na po kayo ngayon sa covered court kasama ang mga bata. Marami pong nag-donate kaya sayang kung hindi kayo makakapunta.

Nandun din po ako, Ma. Namimiss ko na po kayo, sobra. Mag-ingat po kayo palagi, mahal na mahal ko po kayo," sabi ko kay Mama habang pinipigilang maiyak.

Halos maiyak na rin si Mama sa kabilang linya. Mabuti na lang at nagkaroon na rin ng kuryente sa evacuation center nila, kaya na-charge niya ang cellphone niya. Kahapon kasi hindi kami nagkausap dahil naubusan siya ng baterya. Ang bigat sa pakiramdam kahapon, kaya sobra kong na-miss sila.

Hindi nagtagal, sumakay na kami sa truck na magsisilbing transportasyon papunta sa evacuation site. Ramdam ang excitement at kaunting kaba habang papalapit kami sa lugar.

Pagdating namin, bumungad sa amin ang napakaraming tent na tila nagsasalaysay ng hirap na dinanas ng mga tao. Nakita rin namin ang sinasabi ni Dr. Blaire na mga volunteer na makakasama namin sa mission na ito.

Pero wala nang oras para magmasid pa. Agad kaming nagsimula sa pag-aayos ng gamit para sa libreng check-up at pamimigay ng relief goods. Sa bawat galaw namin, nararamdaman ko ang bigat at saya ng pagkakaisa—isang paalala na kahit sa gitna ng kalamidad, may pag-asa pa rin sa pagtutulungan.

---

"Double check everything, guys, ha. Yung listahan natin, napaka-importante nyan, kaya keep everything recorded, okay?" paalala ni Dr. Blaire sa amin. Dagdag pa nito, dalawang araw pala ang Medical Mission namin, kaya sobrang exciting! Ang daming nag-volunteer at nag-donate, kaya't punong-puno ang mga ipapamahagi namin.

Kasama ko naman si Rylie sa booth 11, kung saan ako ang kumukha ng blood pressure at temperature ng mga nakapila, at siya naman ang nagrerecord ng mga detalye nila—pangalan, edad, at iba pa. Kasama pa namin ang dalawang nurse na nag-aasikaso ng relief goods at namimigay ng mga iyon sa mga tao.

"Pangalan po, sir?" tanong ni Rylie sa unang nakapila.

"Dominic po."

"Edad?"

"22 po," tugon ng lalaki. Bigla siyang napatingin kay Rylie, parang may tinatago itong ngiti.

"May asawa? O girlfriend?" tanong ni Rylie, sabay tawa kami ng medyo seryoso.

Bigla ko itong tinapik sa balikat.

"Huy, girl! Anong tanong yan? Gaga ka, Medical Mission ho ito, hindi dating kineme! Umayos ka nga, baka mapagalitan tayo, kaloka ka." Matawa-tawa kong sabi, at natawa rin siya sa sarili niyang kalokohan.

"Sorry, maling logbook pala yung nalabas ko. Kasi ba naman, ang pogi-pogi ni Kuya, kamuntikan ko nang ilagay sa slumbook ko. Hmp!" At natawa kaming lahat sa kalokohan ni Rylie. Nagseryoso naman siya pagkatapos.

Aliw na aliw talaga ako sa bestfriend ko na 'to. Kahit saan mo dalhin, never mawawala ang kalokohan nito.

Pagkalipas ng mga ilang oras, halos apat na yata, nakakaramdam na kami ng gutom, pero wala pa ang mga kapalit namin kaya patuloy pa rin kami sa pagbibigay ng serbisyo.

Samantala, napansin namin na parang sobrang dami ng tao sa kabilang booth kung saan naroon ang isa pang volunteer na ospital.

"Ano kayang meron dun, no?" tanong ko kay Rylie, sabay kaming tumingin sa kabilang booth kung saan nakapila ang maraming tao.

"Kaya nga, medical mission din ba 'yan? Baka mamaya, namamahagi na pala ng pera dun! Naku, aalis talaga ako dito para makipila sa kanila!" biro ni Rylie. Wala naman sa amin ang makapagsabi kung ano ba talaga ang nangyayari sa kabilang booth.

Hanggang sa napansin namin na halos lahat ng tao galing sa pila nila ay parang mga nanalo sa lotto, ang saya ng mga ngiti nila.

"Ayy, grabe, si Nanay oh. Biruin mo, pati yung bungal, napapangiti nila! Alam mo, kinukutuban na talaga ako. Feeling ko nandun si Kuya Wil, girl. Kung ako sayo, makipila na tayo dun!" At natatawa na lang ako sa mga hirit ni Rylie, pero at the same time, paano nga kaya kung nandun nga si Kuya Wil?! Omg!

Hanggang sa... sa wakas!

At the right time, at the right moment, dumating na din ang mga karelyebo namin! Makakakain na rin kami! Char! Syempre, uunahin namin makichismis sa kabilang booth.

Pero yun nga lang, agad kaming binasag ng mga karelyebo naming nurse dahil galing din sila sa booth na 'yon.

"Naku, kung ako sa inyo, kumaen na lang kayo. Hindi niyo din naman makikita si Kuya Wil dahil wala na siya, umalis na yung sikat na doctor dun."

Nagkatinginan kami ni Rylie, pero bigla akong natawa sa mukha niya, dahil parang daig pa nito ang nalugi sa negosyo, ang pagkakulubot ng mukha niya.

Nalaman namin na ang doctor na pinagkakaguluhan sa kabilang booth ay si Dr. Lorenzo.

Nadismaya ako, kasi una, hindi ko naman kilala si Dr. Lorenzo, at pangalawa, umasa akong si Kuya Wil ang nandun. Hayyy. Kaya't kumaen na lang kami ni Rylie sa kalapit na booth.

---

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

Ilang oras na ang lumipas at mahaba pa rin ang pila namin. Ang dami na din naming nakasalamuha na tao dito at sobrang welcoming nila. Isa pa, parang hindi alintana ang mga problema nila, dahil lahat ng nakita kong residente dito ay puro mga nakangiti—maliban na lang sa mga batang naiinip.

Kasama ko sa pamamahagi ng mga relief ang isa kong kapwa doktor at kaibigan, si Dr. Charles. Isa siyang pediatrician at siya ang humahandle sa mga bata dito.

" Ayos, in fairness sa mga bata dito, Doc. As of now, wala pa namang nilalagnat at mukhang malulusog naman sila. Kumpleto din sa mga bakuna at maganda ang nutrisyon nila." Pagbigay-puri ni Dr. Charles sa mga bata na kanyang nacheck-up.

"Wow, nakakagalak namang marinig yan, Doc. Mukhang maganda ang healthcare nila dito. Good job," nakangiti kong tugon.

Hanggang sa may tatlong bata na pumukaw ng atensyon ko. Ewan ko ba, siguro namamalikmata lang ako, pero halos kamukhang-kamukha ko kasi yung batang lalaki na nakapila.

They were like my mini-me's, although they were chubby versions of me. Pero yung hugis ng mukha nila at buhok, kasing-kapareho talaga. Lalo na yung mata ko—kulay asul—lalo na sa isang batang lalaki, na parang gray ang kulay ng mata. Parang siya ang pinakamalapit na kamukha ko, at sa tingin ko, kambal sila dahil pareho ng damit.

At yung nasa tapat nila, ang babaeng bata, super cute din. I think kapatid din nila yun dahil magkakausap silang tatlo at nagtatawanan.

Grabe, sobrang cute. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Nica. Ewan ko ba, siya naman ang kamukha ng batang babae na yun. They got the same charm and those beautiful eyes. Hayy, baka sobra ko lang talaga siyang namimiss.

Talagang inabangan ko sila hanggang sa sila na ang umupo katabi ni Dr. Charles para icheck ang vitals at konting interview.

"Oh, a foreigner?" nakangiting sabi ni Dr. Charles sa batang babae, at nginitian siya nito.

At sobra ko lang itong pinagmamasdan. Hayy, bakit ka nga ba ganito, tadhana? Ano bang nagawa ko sa'yo para pahirapan mo ako? Bawat anggulo ng batang ito ay si Nica ang naaalala ko.

"So, what's your name, baby girl?"

"Alison Mariella Samaniego po." At bigla kaming nagkatinginan ni Dr. Charles at napangiti siya.

"Woah, Samaniego? Is she your daughter?" sabay tawa ni Dr. Charles, pero parang may kutob akong iba ang nararamdaman ko sa bata na 'to.

"Kalat na kalat na pala ang lahi niyo, Doc Miguel. At nakakabilib ah, basta Samaniego, ang gaganda talaga ng mga mukha. Pero alam mo, Alison, kamukhang-kamukha mo yung bunso kong kapatid. Na-curious tuloy ako kung sino ba ang nanay mo. Pero imposibleng anak ka nun dahil wala na nga siya." Nakangiting sabi ni Dr. Charles sa bata habang chinecheck ito.

Nagulat ako, kasi sa tagal naming magkakilala at magkaibigan ni Dr. Charles, ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siyang babae. Never niyang nakwento sa akin, but nevermind, kasi hindi naman ako interisado.

Pero balik sa bata, actually, curious nga ako kung sino nga ba ang nanay ng batang ito...

Pero natapos na niyang macheck si Alison, kaya agad itong umalis sa upuan at dumiretso sa kasama nitong Yaya.

Hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko dahil curious pa rin ako sa susunod na bata—yung batang lalaki na kamukha ko kaso ang kaibahan gray ang mata niya.

"Another foreigner! Grabe naman ang mga bata dito, parang mga artistahin eh!" Nakangiting sabi ni Dr. Charles at sinimulan niyang icheck ang vitals ng batang lalaki.

Hanggang sa tinanong ni Dr. Charles ang pangalan ng bata.

"Your name, pretty boy?"

"My name po is Alonzo Mackenzie."

"Okay, your surname?" At napalunok ako ng laway, medyo nakakaramdam ng nerbyos.

"Saman... Samaniego po," nabubulol na sagot ng bata. Muli kaming nagkatinginan ni Dr. Charles.

Hindi ko na napigilan at ako na mismo ang nagtanong sa bata.

"Uhm, Hi. My name is Dr. Miguel. I am a doctor, anyway, may I know the name of your mother? Is she here with you?" Mahinahon kong tanong, at nakangiti lamang ang bata sa amin.

Nang biglang sumigaw ang isang bata: "Mommyyyyyy!!"

Sabay kaming napalingon ni Dr. Charles.

And f*ck! Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Ang babaeng bumaliw sa akin sa loob ng limang taon...

"Nica??" Ang tangi kong nasambit nang makita ang tinawag na Mommy nung batang si Alison.

Niyakap nito ang anak at sumunod pa ang dalawang batang lalaki. Tila huminto naman ang mundo ko sa mga pangyayaring iyon.

Pinigilan ko ang sarili ko at tahimik na nagmasid. Hindi ko naman maiwasang mapaluha, dahil sa ewan ko ba, pakiramdam ko ay parang ako ata ang ama ng tatlong batang yakap niya, base sa mga detalyeng narinig ko sa kanila.

Kumpyansa akong akin ang mga batang yakap-yakap niya.

Agad ko ding pinunasan ang luha ko, baka may makapansin na umiiyak ako. Hanggang sa inabutan ako ng assistant ko na si Jeric ng tissue.

"Tissue, sir? Para po dyaan sa ano nyo," at minwestra pa nito ang pagpunas sa luha, kaya sinamaan ko siya ng tingin at umalis na siya sa tabi ko.

Samantala, mas gumulat sa akin ang biglang pagsigaw ni Dr. Charles.

"MONICA??" Patanong na sigaw ni Dr. Charles at napatayo ito sa kinauupuan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nilapitan niya si Nica at niyakap.

"KUYA??!" Tugon ni Nica at niyakap din siya.

Hindi ko naman kayang paniwalaan ang mga nangyayari.

WTF, so all along, Monica pala talaga ang tunay niyang pangalan? Kaya pala hindi ko siya mahanap-hanap. At isa pa, yung babaeng ilang taon kong pinaghahanap ay yung bunsong kapatid pala ni Dr. Charles?!

WTF!! Bigla akong nakaramdam ng sobrang pananakit ng ulo.

Napakalaki mong t*nga!!! Miguel!! Ano bang pinag-gagawa mo sa buhay mo?! Nasa tabi mo lang pala ang sagot!! Isang tanong na lang sana, at matagal na sanang naresolba ang problema ko!! Fck!!

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Pagkatapos naming kumain, naisipan namin ng bestfriend ko na maglakad-lakad muna, kasi mamaya pa naman kami babalik sa booth namin. Tsaka, nagtext si Mama na nandiyan na sila at nakapila. Kaya nagtinginan kami ni Riley, para tignan kung nasaan sila.

Hanggang sa nakarating kami sa medyo malapit na booth, at biglang kinalabit ako ni Riley.

"Girl, ayun!!" sabay turo ni Riley at hindi ko na napigilan ang saya ko nang makita ko sila. Sobrang namiss ko sila kaya napatakbo na ako papunta sa kanila.

"Mooommmyyy!!" pagsigaw ni Alison nang makita ako, at biglang nagtakbuhan din sina Alonzo at Addison.

Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko sa sobrang tuwa. Agad ko silang kinamusta, at mukhang maayos naman sila. Behave lang daw sila, at laging sumusunod kay Mama Emma.

Hindi na ako nagtagal, dahil alam kong nakapila pa sila, kaya sinabihan ko sila na bumalik na sa pila nila.

Paalis na sana ako nang bigla nalang may sumigaw ng pangalan ko, at laking gulat ko nang paglingon ko, nakita ko ang isang tao na matagal ko nang hindi nakita—ang pinakamamahal kong Kuya... Si Kuya Charles!!

"Monica!!"

"Kuya??"

Parehas kaming maluha-luha nang makita ang isa't isa.Napatakbo kami at niyakap ang isa't isa.

"Oh my God, Monica. Ikaw ba yan?" At grabe ito kung makatingin, pinipisil-pisil pa ang pisngi ko at kinukurot ang braso ko.

"Ano ba Kuya, oo ako 'to, yung nag-iisa mong kapatid si Monica," naiiyak kong sagot.

"My God, I can't believe na ikaw na 'yan. Sabi ko na nga ba na buhay ka pa eh. Monica, sobrang saya ko! Ang tagal ka naming pinaghahanap pero bigo kami. Alam mo, alalang-alala ang lahat sayo, lalo na sina Mommy, Daddy, at si Lolo. Naging headline ka na nga din eh, hindi mo ba nababalitaan?"

"Hindi, Kuya eh. Simula kasi nang mapadpad ako dito, hindi na din ako nagsocial media. Kahit news, hindi ko na tinutukan. Pinili kong ituon ang atensyon ko sa mga anak ko. Nakita mo na ba sila

Pinakilala ko ang mga anak ko kay Kuya. Tuwang-tuwa siya at hindi makapaniwala na may mga anak na pala ako. Pagkatapos, bumalik na ang mga bata sa pila, at may dumating na doctor na humalili kay Kuya kaya nagkaroon kami ng konting oras para magkwentuhan at mag-catch up.

"My God, I knew it. Sabi ko nga dito sa baby mo, kamukhang-kamukha niya ang kapatid ko. At hindi nga ako nagkamali, dahil ikaw ang nanay nila," nakangiting kwento niya.

"Oh diba? Pretty no? Sikat nga yang mga 'yan dito eh, dahil laging napagkakamalang foreigner," nakangiti kong sabi. Pinag-usapan din namin ang pamilya niya. Matagal na kaming hindi nagkita kasi nagbakasyon siya sa Australia ng halos isang taon dahil doon nakatira ang asawa at anak niya, na sobrang miss ko na rin.

Masyado nang busy si Kuya kaya madalang kami magkita. Dahil sa trabaho niya, talagang hands-on siya kaya iniidolo ko siya. Nangarap din akong maging doktor dati, silang dalawa ni Daddy ang mga hinahangaan ko.

Nang biglang mapunta ang usapan sa ama ng mga kambal, nagtanong si Kuya.

"Eh teka, sino pala ang Daddy nila? I mean, pinanagutan ka ba ng ama nila? I wanna know him," tanong ni Kuya, na may halong pagbabanta.

Dahil kahit na mahinahon siya, kilala ko si Kuya. Kayang-kaya niyang makipagpatayan para sa akin.

Naalala ko nung elementary days namin, magka-schoolmate kami ni Kuya. Muntikan na siyang ma-kick out dahil sa mga nambubully sa akin. Pinagtanggol niya ako, at yung isa pang bully na mas malaki pa sa kanya, binugbog niya. Muntikan pa niyang ihulog sa hagdan, buti na lang may umawat.

Nang kumalat ang kwento ng pambubugbog na 'yon sa buong campus, hindi na muling nangyari ang pambubully sa akin.

Kaya alam kong kung sabihin ko kay Kuya na mag-isa ko lang tinaguyod ang mga anak ko, kukulitin niya akong ipaalam sa kanya ang detalye ng ama ng mga bata. At for sure, kapag nangyari 'yon, baka magdulot pa ng malaking kaguluhan.

Dahil sa politikal na background ng pamilya namin, hindi malabong mag-lead pa ito sa media, at ayaw ko nang mangyari 'yon. Baka masira lang ang tahimik naming buhay dito, at mas lalo na, pauwiin ako ni Mommy.

Ayoko nang mabalik sa magulong buhay ko sa Maynila. I'm living my best life here.

Kaya hindi ko kayang makatingin ng maayos kay Kuya nang biglang lumapit si Riley at inakbayan ako.

"Uy, girl? Ano nang chika d'yan? Kuya mo? Pakilala mo naman ako," nakangiting sabi ni Riley.

Bigla akong nakaisip ng paraan at sinabihan si Kuya.

"Ahh, eto nga pala, Kuya, si Ryle Christian," nakangiti kong sabi, at nagkamay silang dalawa.

Habang ang mata ni Rylie, parang hindi natuwa sa sinabi ko.

"Gaga ka, girl, bakit yun ang sinabi mo? Paano ako mabet-an ng Kuya mo kung panlalaki yung binigay mo, sabotage ka din eh," nanggigigil na bulong niya sa akin.

"Oh, what a nice name. So friend ka ni Monica?" tanong ni Kuya, nakangiti.

Sabay sagot ko, "O..." Nang mapahinto si Rylie.

"Siya yung asawa ko, Kuya," sabay hawak ko sa kamay ni Riley, pero hindi ko pa nga mahawakan ng maayos ang kamay niya dahil pilit niyang nilalayo. Siniko ko siya, kaya nahawakan ko rin.

"Oh, was he okay?" tanong ni Kuya, medyo nag-aalala nang makita niyang napayuko si Riley.

"Ahh, oo, okay lang siya, Kuya. Hehehe. May nalaglag lang na barya, kaya pinulot niya. Hehehe. Right, babe?" sabay tingin ko ng masama kay Riley.

"Ahh, oo. Oo nga, may barya lang na pinulot. Hehehe. Tama ka, babe, sayang din kasi eh..." sabay pisil ni Rylie sa pisngi ko na sobrang sakit.

"Hmm!! Ang cute-cute mo talaga, babe! Kagigil ang kagandahan mo!"

Napahawak ako sa pisngi ko, pero hindi ko na pinahalata na nasasaktan ako.

"Wow, grabe, wala akong masabi sa inyong dalawa. Sobrang sweet niyo ha. Halatang nasa kainitan pa kayo ng stage ng relasyon. Hindi ako magtaka kung mabuntis ulit itong kapatid ko," biro ni Kuya, at parehas kaming nagkatinginan ni Riley na parang gusto nang magtago sa isang sulok.

"Eww!" sabi ni Riley, pero agad niyang binawi. "I mean, Eww! Kasi naalala ko bigla yung ginagawa namin nung triplets namin. Talagang barurot kung barurot. Sobra kaming pawisan, kasi saktong brownout nun, pinaspasan namin ng pinaspasan, grabe. Nakumpleto nga namin lahat ng posisyon, kaya siguro naging tatlo ang kinalabasan." At habang sinasabi ito ni Riley, parang hindi ko na kayang makinig pa, kaya pinutol ko na ang kwento niya.

"Ahh, Kuya, sige na, aalis na kami. At baka kung ano pa ang lumabas sa bibig nito. Sige na at kailangan na din naming dumuty nitong babe ko. Hehehe. Sige, ingat ka d'yan," at nagpaalam na kami kay Kuya.

Bumalik na kami sa pwesto namin, at si Kuya ay nagpatuloy na rin sa kaniyang ginagawa.

---

Samantala...

Habang naglalakad kami papunta sa booth namin...

"Bwisit ka talaga! Kung ano-ano'ng pinagsasabi mong bakla ka! Hindi ka ba nandidiri dun? Hay nako, na-imagine ko pa yung mga sinabi mo. Tignan mo, oh, tumatayo ang balahibo ko! Bwisit ka!"

"Gaga, sinakyan ko na nga lang yung trip mo. Diring-diri nga ako, kung alam mo lang. Muntik pa akong dumuwal sa harap ng kuya mo, pero pinigilan ko na lang. Hay nako, parang gusto ko nang maligo, feeling ko napagsamantalahan ako! Kadiri! Never akong kakangkang ng babae, no! Hmp!"

"Eh paano pa ako? Hindi rin naman ako papatol sayo, ha?! Hmp! Bwiset!!!"

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Ian General (bhang)
ha ha ha ganda na talaga
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • One Night Stand with a Stranger   SPECIAL EPISODE

    SPECIAL EPISODE --- 20 YEARS LATER Isang malaking araw para sa pamilya ng Samaniego—Lorenzo Miguel has just been elected as the new Governor. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talunin ang matagal nang nakaupong gobernador. Kaya ngayon, hawak na niya ang panibagong responsibilidad para sa kanilang lungsod. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ni Miguel. Kaya mula sa kanilang mansion ay magkasamang nagbunyi ang mag asawa. __ GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV "Love, I am so proud of you," halos maluha-luha kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miguel. "Sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo 'to, diba? Lahat kami, naniniwala sa'yo." We were both teary-eyed at that moment. Miguel never imagined himself as a politician. Sa totoo lang, pakiramdam niya noon, wala siyang laban sa mundo ng pulitika—lalo na't batikang politiko ang nakalaban niya. Pero hindi ko hinayaang panghinaan siya ng loob. Every single day, I reminded him of his purpose—of the people he

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE

    CHAPTER 51 - THE UNENDING LOVE ---- Ang reception ng kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica ay naging isang engrandeng pagdiriwang na puno ng kasayahan, tawanan, at walang katapusang pagmamahalan. Matapos ang isang napakagandang seremonya, lahat ng bisita ay nagtungo sa venue, kung saan isang mala-fairytale na setting ang bumungad sa kanila-mga eleganteng chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong lugar, mga puting bulaklak at luntiang dekorasyon na nagpaparomantiko sa paligid, at banayad na musika na nagdadala ng aliwalas at kasiyahan. The atmosphere was truly magical. It was an intimate yet grand evening wedding, perfectly timed as the golden hues of the sunset melted into the deep blues of the night. Eksaktong alas-sais ng gabi, at tamang-tama ang oras para sa isang masarap at eleganteng hapunan kasama ang lahat ng mahal nila sa buhay. --- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Habang nakaupo kami sa presidential table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Miguel

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE

    CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Sa wakas, dumating na rin ang araw na ito—Oktubre 8. Isang petsang hindi ko kailanman malilimutan. Hindi lang ito ang araw ng kasal namin ni Miguel, kundi kaarawan din ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Mama. Kaya naman, bago pa man magsimula ang napakaespesyal na araw na ito para sa akin, sinigurado kong ako ang mauunang gumising para bigyan siya ng sorpresa. Habang tahimik siyang natutulog, dahan-dahan naming inilapit ang birthday cake na may sinding kandila. Kasabay nito, nagtipon ang ilan sa aming mga kapamilya at kaibigan, at sabay-sabay kaming nagsimulang umawit: "Happy birthday to you, happy birthday to you..." Bahagyang gumalaw si Mama sa kanyang pagkakahiga, at ilang segundo lang ang lumipas bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kaming nakapaligid sa kanya, agad siyang napangiti. Ang saya sa mukha niya ay parang musika sa puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at h******n

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 49 – THE PREPARATION

    CHAPTER 49 - THE PREPARATION ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Matapos ang isang napakasabog na gabi—na puno ng mga malaswang sayaw, kagimbal-gimbal na costume, at hindi ko malilimutan na eksenang muntik akong mawalan ng ulirat sa ginagawa ng mga siraulong kaibigan ko—sa wakas, nagbihis na rin sila. Akala ko tapos na ang lahat, pero mali ako. Dahil bigla nilang inabot sa akin ang isang cake, at sa ibabaw nito, nakasulat ang mga salitang: "Last Shot Before the Knot." Tangina. Ang kulit talaga ng mga ‘to. Pero kahit anong pikon ko sa kanila, hindi ko rin napigilang matawa at mapangiti. Sa kabila ng lahat, ramdam kong mahalaga ako sa kanila. “Aww, thanks, guys. Salamat sa pag-aabala.” Malakas kong sabi habang umiiling. “Kahit halos sumakit ang sikmura ko sa kakatawa at ilang beses akong muntikang masuka sa inyo, you guys did a great job.” Sabay-sabay kaming nagpalakpakan—as if hindi nila ako pinahirapan kanina. At matapos naming magligpit, sumakay na kami sa sasakyan na magh

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD

    CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Sa wakas! Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ngayon, tuluyan nang nawala ang mga alinlangan at bigat ng nakaraan. Sa wakas, nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano sila nasabik sa isa’t isa. Ang saya ng kwentuhan nila—punong-puno ng halakhakan, hagikhikan, at alaala ng kanilang pinagdaanan. "Pero ito, kamukhang-kamukha mo apo! Si Alison!" Natutuwang sabi ni Lolo Clifford habang hinahaplos ang buhok ng anak namin. "Pero grabe, ang lakas ng dugo nitong si Miguel. Mabuti na lang at magandang lalaki ang napili mong mapangasawa, apo." Nagkatawanan kaming lahat, pero si Monica? Bigla akong tinapunan ng malagkit na tingin. "Aba’y dapat lang, Lo! Kasi kung hindi, naku, baka pinakulong ko na agad ‘yan!" sagot niya, sabay tawanan nilang mag-lolo. Napailing na lang ako. Ako pa talaga ang naging tampulan ng asaran! Hay, salamat na lang at

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE

    CHAPTER 47 - PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you saan, love?" tanong ko, hinahagod ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. "Thank you for listening. Alam mo, parang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ngayon ko lang nasabi nang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status