Chapter 14CHLOE'S POV"Nalalapit na ang intramurals, Chloe." Kinikilig na kwento sa akin ni Nadya na mag kasabay kaming dalawa nag lalakad. Kakatapos lang ng klase nila sa araw na ito at nag kataon naman nag kasabay silang dalawa na maaga ang labas na pasado alas tres pa lang ng hapon. "Excited na talaga ako sa Monday, ikaw ba?" Bumaling ng tingin sa akin ang pinsan ko at simple na lang akong ngumiti.Lahat na ng studyante excited na sa lunes para sa nalalapit na intramurals, malayong-malayo pa naman ang lunes kong saan gaganapin iyon abala na ang mga estudyante sa campus at ang iba pa sakanila nag eensayo at nag hahanda sa mga kasali sa mga palaro kagaya ng basketball, tennis, volleyball at kong ano-ano pang sinalihan nila para sa parating pa lang na event.Simula sa lunes, hanggang byernes ang ganap ng intramurals nila sa school. Paano kaabala ang mga estudyante sa nalalapit na event, ganun rin ang teacher at iba pang staff sa University sa kanilang pag hahanda."Medyo," sagot ko n
Chapter 13MR. DAWSON'S POV"Tangina talaga!" Matinis na mura ko na lamang na mapa titig na lamang sa pintuan na nilabasan ng kanyang anak.Napaka bigat na ang hiningga ko at naka kuyom na ang kamao sa galit, na hindi mailabas ang inis na naramdaman ko.Tumitig na lamang sakanya ang kanyang asawa, malungkot at hindi alam kong ano ang sasabihin sa tagpong naabutan nito. Lumapit sakanya ang kanyang asawa at hinawakan siya nito sa kamay. "Kumalma ka lang Hon, hayaan mo kakausapin ko si Taurus, tungkol dito." Uyam na lamang niyang pinagalaw ang panga at galit na tinignan ang asawa. "Mag sasayang ka lamang ng pagod Melinda, dahil hindi ka niya papakinggan. Matigas ang ulo ng batang iyan!" Gigil niyang asik na hindi na lang kumibo ang kanyang asawa at nakikiramdam lamang. "Alam ko na ang rason kong bakit umaakto siya ng ganito, kong bakit nagawa niya akong bastusin at sagut-sagutin ng ganito. Tuturuan ko ng leksyon ang batang iyan para mag tanda!" Gigil kong asik na hindi na mapag-timpi pa
Chapter 12CHLOE'S POV"So alam mong wala doon ang locker ko." Saad nito at napa-titig lamang ako sa guwapong mukha ni Taurus, naka tingala pa ako dahil mas matanggad siya kumpara sa akin.Naririnig ko na ang malakas na tibok ng aking puso sa sobrang lapit ng aming katawan at ngayo'y may init at kuryente akong naramdaman sa pag lalapat ng aming katawan.Bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit sobrang init na init na ako?Ngumisi lamang si Taurus at hinawakan nito ang aking baba, na mag palupasay na ang aking tuhod sa simpleng ginawa nito. "What's this? Make-up ba ito?" Napa kurap ako sa sinabi niya at hindi ko pa rin magawang mag salita. "Tanggalin mo ang make-up mo sa mukha, nag mumukha kang clown. Mas gusto kong iyong simple ka lang na walang ayos-ayos." Pinisil nito ang aking baba at nilayo nito ang sarili niya sa akin kaya't naka-hingga nang maluwag.Nag lakad na paalis si Taurus at naka-pamulsa pa ito na walang lingon-lingon. Nang hihina ang tuhod kong napa-hawak sa pader na kina
CHAPTER 11CHLOE'S POVDalawang linggo na ang nakaka-lipas at balik sa normal na ang lahat. Hindi na ako muli nilapitan at ginulo ni Tasya at kahit na rin ang mga kaibigan nito, na iyon naman ang aking pinag tataka. Dati-rati na binibintang at sinisisi niya sa akin ang nangyari kay Bernard at heto't hindi niya ako magawang lapitan o titigan man lang na diretso sa mata kapag nag kakasalubong kami. Siya na ang unang umiiwas at para bang takot na takot ito na hindi ko pa rin talaga mapaliwanag kong bakit ganun na lang ang pag-iwas niya sa akin."Ano sa tingin mo kong ano ito, Nadya?" nilabas ko mula sa bitbit kong sling bag ang isang inumin para ipakita iyon sakanya."Inumin? Juice?" takang wika ni Nadya na kina-tampal ko naman ng noo."Alam kong juice at inumin ito Nadya," giit ko pa, kong sakaling may makka-isip pa siya ng iba at mukhang hindi niya ata gets."Ayusin mo naman kasi ang tanong mo sa akin para naman, masagot kita ng maayos diba?" pinandilatan pa ako ng kaibigan ko at umayo
Chapter 10CHLOE'S POVNapaka lalim ng kanyang iniisip, kahit tatlong araw na ang lumipas hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang sandali na mag kausap silang dalawa ni Taurus."Bwisit talagang Nadya na iyan, napaka kapal talaga ng pag mumukha." Himutok na galit ng pinsan ko, na ngayon mag kasama kaming dalawa sa cafeteria para kumain ng Lunch. Naikwento ko na rin sakanya ang pang yayari kong paano ako sinaktan ni Tasya, at ngayo'y hindi na maalis ang galit na nararamdaman ng pinsan ko na gustong-gusto na itong upakan.War freak at pala-away naman talaga ang pinsan ko na napaka-layo talaga ng ugali naming dalawa. Mabait naman talaga si Nadya pero may pag kakataon talagang maldita at hindi mo mapigilan na mag salita ito kapag alam nitong mali."Ikaw pa talaga ang napag disketahan? Alam kong sinasadya talaga ng babaeng iyon na sugudin ka dahil alam niyang wala ako. Nakakapang-gigil." Namula na ang mag kabilang pisngi nito sa galit. Maririnig mo na lamang talaga ang boses na pag tatala
Chapter 9TAURUS POVMabigat ang pag hingga at hindi na maganda ang aura ni Taurus na tinatahak na mag lakad. Matagumpay siyang naka punta sa rooftop ng building at kaagad naman binuntongan ng galit at inis na naramdaman na makita ang mga nag kukumpulan na mga upuan na naka-imbak sa isang tabi at hindi na ginagamit.Lumapit siya dito at walang pang aalinlangan na sinipa niya ang mga upuan, kaya't tumumba ang mga iyon at maririnig mo na lamang ang malakas at nakaka hindik na pag bagsak no'n sa sahig at pag sigaw ng dalawang estudyante sa takot at hindi inaasahan na ganun ang kanyang gagawin.Inis na binalingan ni Taurus ang dalawang babae, takot na takot ang mga ito at bakas ang panlalamig sa kanilang pag katao ang sindak sa kanilang nakita at kanina pa pala ito naka tambay sa rooftop. "What? Anong tingin-tingin niyo diyan?" Pag sisindak ni Taurus sa dalawang babae, na kulang na lang maihi ito sa takot.Walang salita ang lumabas sa dalawang babae at nag mamadali na ang mga itong tumak
Chapter 8Taurus?Maski si Chloe hindi makapaniwala sa kanyang nakita na hawak-hawak na ngayon ni Taurus ang pulsuhan ni Tasya, para lamang pigilan ang kamay nitong isasampal sana sa akin.Nabigla din ang mukha ni Tasya at kahit na rin ang mga kasamahan nito, hindi inaasahan ang bigla-bigla na lang pag sulpot ni Taurus na pag dating.Ang gulat sa mukha ni Tasya, naging panandalian lamang at sa isang iglap naging malamig ang mata nitong binabawi ang kamay sa pag kakahawak sakanya ni Taurus. "Bitawan mo ang kamay ko, ano ba." Nainis na ang tono ng pananalita nito na hindi pa rin binibitawan iyon ng binata, malamig ang pakikitungo at paraan ng titig niya dito. "Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, bitawan mo ang kamay k—-Aray!" Daing ni Tasya sa sakit na walang pag aalinlangan na pinilipit ni Taurus ang pulsuhan na kina-lukot naman ng mukha nito sa sakit, at ang mata nama'y nag sasabi na nasasaktan na ito sa ginawa ni Taurus sakanya. "T-Tama na, ano ba! Ang sakit na." impit na pakiusa
Chapter 7CHLOE'S POVMatapos na mag usap sila ng pinsan niyang si Nadya at sabihin ang nangyari tungkol kay Bernard, lutang at napaka layo pa rin ang iniisip ni Chloe. Hanggang ngayon, palaisipan pa din sakanya kong sino o kong ano nga ba talaga ang atraso ni Bernard sa taong nanakit sakanya?Bakit ganun na lang kalala ang sinapit niya dito?Isa pa rin ang bumabagabag sa kanyang isipan, ay ang huling salita na binigkas ni Taurus nang huli silang mag kausap sa parking area kahapon.Hindi kaya?May kinalaman kaya ito sa pag kaka bugbog kay Bernard?Buong klase, walang konsentrasyon si Chloe kakaisip sa dati niyang nobyo. Nag aalala din siya sa kalagayan nito, kahit anong mangyari mahal niya pa rin ito.Gusto niya sanang dalawin at puntahan ito sa hospital para silipin o kaya naman dalawin man lang ngunit baka pag punta niya doon nandon si Tasya at awayin pa siya.Natapos na ang klase ni Chloe, pinag uusapan pa rin sa Apollo University ang mangyari kay Bernard. Lahat ata ng estudyante a
CHAPTER 6Taurus?Maski si Chloe, hindi alam ang mararamdaman at magiging reaksyon na makita niya si Taurus sa harapan niya, na naka yuko ng unti para lamang mailagay sa mata ko ang salamin. Bigla rin siya naka ramdam ng hiya sa sarili, dahil pangit na nga siya at lalo pang pumanget ang itsura dahil nabahiran ng luha ang munting mukha.Para na siyang tuyo't na kamote at hindi rin siya kagandahan katulad nang iba kapag umiiyak.Umawang lamang ang gilid ng labi ni Taurus at umayos ng pag kakatayo. Naka pamulsa pa ito, na kahit masungit hindi maikakaila ni Chloe sa sarili na guwapo at maanggas nga talaga ito kong titignan."Uupo kana lang ba diyan? Get up," masungit na lintarya na mag pakurap na lang sa mata ni Chloe. Naka limutan niyang ilang segundo siyang naka tunganga naka tingin sa guwapong mukha nito at hindi niya na namalayan na naka upo pala siya sa madumi at malamig na sementado.Suminghot pa si Chloe at gamit lamang ang likod ng kanyang palad, pinunasan ang daplis na luha sa mg