CHAPTER 6
Taurus? Maski si Chloe, hindi alam ang mararamdaman at magiging reaksyon na makita niya si Taurus sa harapan niya, na naka yuko ng unti para lamang mailagay sa mata ko ang salamin. Bigla rin siya naka ramdam ng hiya sa sarili, dahil pangit na nga siya at lalo pang pumanget ang itsura dahil nabahiran ng luha ang munting mukha. Para na siyang tuyo't na kamote at hindi rin siya kagandahan katulad nang iba kapag umiiyak. Umawang lamang ang gilid ng labi ni Taurus at umayos ng pag kakatayo. Naka pamulsa pa ito, na kahit masungit hindi maikakaila ni Chloe sa sarili na guwapo at maanggas nga talaga ito kong titignan. "Uupo kana lang ba diyan? Get up," masungit na lintarya na mag pakurap na lang sa mata ni Chloe. Naka limutan niyang ilang segundo siyang naka tunganga naka tingin sa guwapong mukha nito at hindi niya na namalayan na naka upo pala siya sa madumi at malamig na sementado. Suminghot pa si Chloe at gamit lamang ang likod ng kanyang palad, pinunasan ang daplis na luha sa mga mata at inipon ang lakas para bumangon. Hindi lamang babangon siya sa utos ni Taurus, kundi nahihiya siyang tumagal pa doon dahil maraming estudyante pa ang napapa daan sa parking lot at bigla na naman umuggong ang bali-balita na naman. Buhay na buhay pa ang balita sa kanilang University sa hiwalayan nilang dalawa ni Bernand, at ayaw niya naman na dagdagan pa ang chismis na umiyak at nag habol siya muli dito. Sinubukan niyang bumangon ngunit napa-ngiwi na lamang siya na kumirot ang kanyang tuhod. Mabuti na lang mabilis na nahatak ang kamay niya ni Taurus paayos na pag kakatayo, kaya't hindi siya muli natumba. Hindi maipaliwanag ni Chloe ang kakaibang bultahe ang nanalaytay sa kanyang kalamnan na mag kahawak sila ng kamay ni Taurus, at napapaso siyang napa bitaw dahil sa nahihiya. "Maraming salamat." Awkward niyang wika na hindi niya ito matignan sa mata. Tahimik lamang naka tayo si Taurus at makikita mo talaga sa mata nito ang galit na lumukob doon at siya pa ang nahihiya nang mapa dako ang masungit na mata nito'y naka pako sa kanyang mamula-mulang tuhod, impact na siguro iyon sa pag bagsak niya kanina. "Maraming salamat ulit sa pag tulong mo na mahanap ang glasses k---" hindi na natapos pa ang sasabihin ni Chloe na kinuha ni Taurus ang kabila niyang kamay na walang pasabi, at may kinuha sa kanyang bulsa. Bago paman siya makapag salita na nilagyan nito na cute na design na band aid ang kanyang palad na may gasgas na sugat, na siguro naitukod niya kanina sa sementado. Padabog na binitawan ni Taurus ang kaliwang kamay ni Chloe nang matapos nitong lagyan at hindi pa rin nag babago ang pakikitunggo nitong emosyon, pero ramdam niya naman na nag aalala ito ngunit ayaw lang ipakita. "Siya na ba iyon?" galit at may pahiwatig na mag salita si Taurus, kaya't naagaw ang atensyon ni Chloe. Sinilip niya ang mukha ni Taurus, kahit tahimik makikita mo sa mga mata nito ang galit at dilim ng mukha. "Siya ba ang tinutukoy mo sa akin nanakit sa'yo?" uyam na wika at hindi maipaliwanag ni Chloe ang sarili na maka ramdam ng takot at pag babanta sa tono ng pag kakasalita nito. Bali-balita rin sa Campus na masunggit si Taurus, pero ibang-iba ngayon na handa itong makipag away. "K-Kasi, ano kas-----" bago pa man matapos na pinutol na naman nito ang kanyang sasabin. Pinagalaw ni Taurus ang panga nito at tumitig sa kalawan, doon kong saan dumaan ang sasakyan kanina ni Bernard. "Gago, gusto niya ata maturuan ng leksyon!" Pabulong na wika ni Taurus, at para kay Chloe hindi niya gaano narinig ang sinabi nito dahil biglang humina ang pag sasalita nito. "Ano iyon? May sinabi ka ba?" pag uulit pang tanong ni Chloe at iniwasan na siya nito ng tingin. "Wala, ang sabi ko mag iinggat ka sa susunod." Hinakbang na nito ang paa paalis at sinundan niya na lang ito nang tingin hanggang mawala na ito. Tumitig na lang si Chloe sa kaliwang palad na nilagay ni Taurus na cute na band aid na may desinyo. Hinaplos niya ng kaliwa niyang kamay at tumitig muli siya sa dinaanan nito. Nag taka kong anong huling salita ang binigkas nito bago siya iwan. ****** Pasado alas dyes na nang tanghali ng maka rating si Chloe sa school dahil ten; thirty am pa naman ang sunod niyang klase. Ganun pa rin palagi suot niya ang mahabang palda na lagpas sa kanyang tuhod. Ibang-iba sa haba ng studante na mga babae, bago mag tuhod ang haba ng kanilang skirt na ang cute para tignan sa kanilang lahat. Hinayaan ni Chloe ang mahabang at dry na buhok munang naka lugay, saka niya na iyon tataliin kapag natuyo na. Nag lalakad si Chloe na hawak ang notebook at nag aaral na naman muli. Sa kaliwang balikat niya naka sabit ang tote bag na madalas niyang dalhin. "angyari sa kamay mo? Nasugatan kaba, Chloe?" ang mag salita ang pinsan niyang kasama ang mag paagaw atensyon sakanya. Naka tingin ito sa kanyang kamay na may band-aid pa rin. Nahihiyang binaba ni Chloe ang hawak na notebook, gusto niya man sanang taguin iyon pero huli na dahil nakita na iyon ng kanyang pinsan. "Ahh o-oo, nadapa kasi ako kahapon," alangan niyang sagot na kina-tango naman ni Nadya. Abala itong sinusuklay ang mahabang buhok na mag kasama silang dalawa na nag lalakad. "Mag-iingat ka naman, ang tanda-tanda mo na pero ang lampa mo pa rin," napa iling nitong wika. Ayaw niya naman sabihin sa pinsan ang totoong dahilan kaya't siya nasugatan, dahil panigurado tatalakan na naman siya nito kapag malaman na nag habol na naman siya kay Bernard. Pilit na lang siya napa ngiti. Habang nag lalakad sila, nabuo na naman ang bulong-bulongan sa ibang mga studyante na para bang may panibago na naman silang nasagap na chismis. Aaminin ni Chloe sa sarili, na bigla siyang kinabahan at natakot na baka nalaman na naman nito na nag habol siya kay Bernard at tuksuhin na naman siya ng mga ito. Pinag papawisan na si Chloe na malala at gusto niya na lang mag palamon sa kahihiyan. Iniiwasan na mag karoon ng eye contact sa kanilang maka salubong, at kutyain at I bully na naman siya ng mga ito. "Chloe," pabulong na wika ni Nadya sa pag lalakad nila. Namutla na si Chloe na baka isinggit na lang ng pinsan, na ikwento na alam na nito ang pag habol niya kay Bernard kahapon. "Alam mo na ba ang balita?" ang pinsan niya lang ang maraming alam sa nangyayari sa Campus. "Tungkol kay Bernard," pang bibitin na kwento nito. Hinihintay na lang ni Chloe na maisinggit siya na ikwento ng pinsan niya pero mukhang hindi nangyari ang kanyang kinakatakutan. "B-Bakit? May panibago na naman bang balita sakanila ni Tasya?" "Napaka inggay kasi ng Apollo University group sa social media kagabi at kalat na kalat doon na naaksidente si Bernard kagabi," anito at bigla naman si Chloe na kinabahan sa kwento ng pinsan. Naging bukas ang taenga niya sa susunod nitong ikwento, at nag aalala rin siya kay Bernard. "Naaksidente ba siya sa sasakyan?" wala naman alam si Chloe sa bali-balita dahil hindi naman siya kasali mismo sa official group ng Apollo University kong saan kasali ang mga estudyante doon. "Hindi. Lumabas kasi na balita na inabanggan daw nang hindi kilala na lalaki si Bernard at ayon, binugbog siya at pati rin ang kanyang sasakyan basag-basag na halos hindi na pwedeng gamitin. Last update ng ilang studyante sa group, na malala nga talaga ang natamo ni Bernard na mga sugar sa taong nanakit sakanya at muntik pa daw ma emergency sa lala ng tama." Hindi alam ni Chloe ang mararamdaman sa sandaling iyon na pinakita sakanya ni Nadya ang picture ni Bernard na nasa Hospital na halos, hindi na nito maidilat ang mata sa brutal na pananakit sakanya. Sinilid ni Nadya ang cellphone na hawak. "Kong ako lang ang tatanungin. Mabuti na iyon sakanya, karma niya na iyon sa pananakit niya sa'yo." Pag tataray nang pinsan. "Kong sino man ang nanakit sakanya, mag papasalamat pa ako.. Ikaw Chloe, may alam ka ba kong sino ang may gawa nito sa ex mo? Wala naman na kagalit ang gagong iyon dito sa University kaya't malabo rin sa isa sa mga estudyante dito ang may kaggawa nito sa pananakit sakanya." "W-Wala akong alam, Nadya." Alangan kong sagot at umihip nang malakas at naka salubong namin si Taurus sa pag lalakad. Hindi maalis ang tingin ko sakanya na sandaling mag katagpo kami ng titig nito, sumukli naman si Taurus sa akin ng isang ngisi bago nito sinalampak sa taenga ang headphone na parati nitong suot, at siya na ang unang bumawi ng aming titig. Nang tuluyan na kaming maka lagpas ni Nadya dito, doon lamang bumalik at naging klaro sa isipan ko ang huling katagang binigkas ni Taurus, nang mag kausap kami kahapon. Hindi kaya? Siya ang may gawa no'n kay Bernard?Final ChapterCHLOE'S POV"Bilisan na ang lalakad niyo riyan, at baka kanina pa nag hihintay sa atin sila Taurus." Binilisan pa ni Mama ang kanyang pag lalakad na nag mamadali, samantala naman kami ni Papa naka sunod lang sakanya na mabagal lamang. Sa kabilang balikat naman ni Mama naka sabit ang paborito niyang bag na parati niyang dinadala at sabay lingon sa likuran, para tignan kong binilisan na rin namin ang pag lakad namin. "Oh, ano Chloe, nag text na ba sa'yo si Taurus? Asan na ba daw sila?""Kaka text lang Ma, na doon na lang natin sila hintayin sa parking lot at papunta na rin sila doon." Tugon ko na lang na hindi inaalis ang mata ko na naka tingin sa cellphone na hawak ko, binabasa ang pinadala pa lang na mensahe ni Taurus.Napapa ngiti na lang ako na binabasa iyon at ini-scroll na tignan ang sunod niyang mensahe na pinadala."Kahit na, bilisan niyo na sa pag lalakad niyo at nakaka hiya naman kong pag pahintayin pa natin ang mga magulang niya ng matagal." Sita na lamang sa am
Chapter 76CHLOE'S POVNapa yakap na lang ako sa aking sarili na humampas na lamang ang malamig na hangin sa aking katawan. Bumuntong-hiningga na ako ng malalim at inayos ang pag kakasabit ng sling bag na naka sabit sa aking balikat, na pinag patuloy na lang ang pag lalakad ko.Alas syete ng gabi ang tapos ng huli kong subject kaya't konti na lang ang mga tao sa Campus, iilan na lang sa ilang estudyante umuwi na.Ilang parte ng area ng Apollo University, nilamon na nang dilim at iilan na lang na building at floor ang naka bukas na mga ilaw at yayakap na lang talaga sa'yo ang katahimikan ng paligid. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad at ang mga kaklase kong kasabayan ko sa pag labas kanina, mas nauna na silang mag lakad sa akin dahil sa kanya-kanya nilang kasama ang kanilang mga kaibigan.Tahimik lamang akong nag lalakad mag isa hanggang mapa daan ako sa napaka lawak na field, at limang minuto na lang ang lalakarin ko bago maka rating sa mismong gate kung saan doon na lang ako mag
Chapter 75NADYA'S POV"T-Taurus." Nauutal ko na lang na salita at aaminin kong dinapuan rin ako ng matinding takot at pangamba sa dibdib ko na makita ang madilim at nakaka takot niyang itsura ngunit hindi ko na lang pinahalata iyon.Lumunok na lang ako ng laway at hindi pinakita sakanya na natatakot ako at sa paraan na iyon, hindi niya ako madaling ma kontrol.Hindi niya madaling makita na mahina ako."Oh bakit, ang talim naman ata ng titig mo sa akin? Hindi mo ba ako na-miss, Taurus? Kasi ako, miss na miss na talaga kita." Akma ko na sanang hahaplusin ang kanyang pisngi subalit bago ko pa magawa iyon nang malakas niyang diniin na lang sinampa nang makakas ang likod sa malamig na pader kaya't napa ungol na lang ako sa sakit."Fuck! Hindi ka pa ba titigil diyan sa ginagawa mo, Nadya? Huwag mong sagadin ang natitira kong pag titimpi sa'yo at baka hindi mo magustuhan ang maari kong gawin sa'yo!" Asik niya na lang na may pag babanta, na ang mata'y kong puno ng saya ngayon napalitan ng pa
Chapter 74CHLOE'S POVNapaka-kagat labi na lamang ako na napa tingin sa repleksyon ko sa hawak kong round mirror. Gamit lamang ang foundation tinakpan ko ang bahagyang pangingitim ng ilalim ng mata na walang anumang sapat na tulog at pamumugto na rin ng mata sa walang humpay na pag iyak.Tumitig ako muli sa salamin at pansin mo ang bahagyang pamumutla ng mukha ko na wala kanang makikita pang anumang bakas pa ng saya.Wala na ang masayahin na Chloe.Ang Chloe, na palaging naka ngiti.Sinarhan ko na ang hawak kong mirror at sinilid na rin iyon sa dala kong sling bag para makapag patuloy na mag lakad pababa ng hagyanan. Linggo ngayon at balak kong pumunta muna sa Mall para mag libang muna saglit, dahil sa tuwing nag kukulong at nag mumukmok na lamang ako sa kwarto ko mag hapon, hindi ko mapigilan na naman ang sarili kong maiyak na naman.Hindi ko mapigilan ang sarili kong maalala na naman ang sandaling mag papanikip ng dibdib ko.At sandali lamang na mag bigay kirot at sugat sa puso ko.
Chaptee 73.2ELISSE'S POV"Good morning Mam Elisse.""Good morning Mam." Iilan lamang iyan sa bumabati sa akin na mga katulong na pababa pa lang ako ng hagyan. Pinagandahan at pinaartehan ko pa ang paraan na pag lalakad ko, sabay hawi ng red orange curly hair.Sa bawat pag yabag ko ng hagyan nakaka gawa na lamang iyon ng tunog sa high heels kong suot. Pormang-pormahan ang ayos ko ngayon na suot lamang ang off-shoulder puffed dress at nag lagay rin ako ng simpleng make-up sa na lumabas ang kagandahan ko pa lalo. Sa kaliwang kamay ko naman hawak ang chanel bag na binili ko lamang last week kaya't hindi na talaga maalis ang matamis na ngiti sa aking labi dahil mag hang-out kami ng mga friends ko.Pag baba ko pa lamang ng hagyan naabutan ko na si Mommy na naka tayo sa malawak namin na living room. Hindi na siya mapakali na, naka lagay naman sa kabila niyang taenga ang cellphone na para bang may tinatawagan na hindi na siya mandaugaga lamang sa pag aalala.Dinaraanan ko lamang ng tingin si
Chapter 72CHLOE'S POVTulala lamang akong nag lakad palabas ng Campus at nilalampasan lamang ang bawat estudyante na maka salubong ko sa daan. Napaka lalim ng aking iniisip at napaka bigat na nang aking dibdib sa mga nalaman ko kanina na nag bibigay sakit at kirot sa aking puso. Namanhid na ang buong katawan ko at uminit na ang sulok ng aking mga mata na gusto ko nang humagolhol ng pag iyak ng sandaling iyon subalit tinatatagan ko na lamang ang sarili ko na hindi maiyak.Ayaw kong makita nilang lahat na umiiyak ako.Ayaw kong ipakita sa kanilang lahat na nasasaktan ako.Binilisan ko ang yabag ng mga paa ko para makaalis kaagad sa lugar na ito.Gusto ko nang mag pakalayo-layo sa kanilang lahat para mailabas ko lahat ng sakit at nag papabigat sa puso ko.Ayaw ko na.Sobrang sakit na.Bakit mo ito ginawa sa akin, Taurus? Bakit?Tuminggala na lamang ako para pigilan na pumatak na lamang ang luha sa mga mata ko, na buong higpit ko na lamang hinawakan ang straps ng sling bag ko na binibi