Chapter 17CHLOE'S POVHanggang mag simula ang klase sa subject ni Mrs. Cheska malalim pa rin ang iniisip ko. Maraming mga katanungan ang bumabagabag ang isipan ko, na pangyayari nakita ko si Taurus na nag lalagay ng inumin sa ibabaw ng desk ko.Anong dahilan niya?Bakit ginagawa niya iyon?Noon paman talaga, gusto ko na malaman kong sino ang nasa likod ng pag lalagay at pag bibigay ng inumin sa akin at ngayon nalaman ko na talaga, kong sino siya.Simple na lang akong napa-lingon sa likuran ko, at tinignan si Taurus, na naka-upo sa silya at naka sentro ang atensyon nito sa pakikinig kay Mrs. Cheska, hindi nito napansin na may mga mata na kanina pang nag mamasid sakanya."Diba ang guwapo niya, Chloe? Hihi." Ang kinikilig na wika ng pinsan kong si Nadya ang nag patigil ng malalim kong iniisip. Pasadyang nilapit ang mukha ni Nadya sa akin at sabay naming pinapanuod na dalawa si Taurus.Umiwas na lang ako ng tingin at patay-malisya na lamang na binalik ko ang titig ko sa unahan. "Sa tingi
Chapter 8Taurus?Maski si Chloe hindi makapaniwala sa kanyang nakita na hawak-hawak na ngayon ni Taurus ang pulsuhan ni Tasya, para lamang pigilan ang kamay nitong isasampal sana sa akin.Nabigla din ang mukha ni Tasya at kahit na rin ang mga kasamahan nito, hindi inaasahan ang bigla-bigla na lang pag sulpot ni Taurus na pag dating.Ang gulat sa mukha ni Tasya, naging panandalian lamang at sa isang iglap naging malamig ang mata nitong binabawi ang kamay sa pag kakahawak sakanya ni Taurus. "Bitawan mo ang kamay ko, ano ba." Nainis na ang tono ng pananalita nito na hindi pa rin binibitawan iyon ng binata, malamig ang pakikitungo at paraan ng titig niya dito. "Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, bitawan mo ang kamay k—-Aray!" Daing ni Tasya sa sakit na walang pag aalinlangan na pinilipit ni Taurus ang pulsuhan na kina-lukot naman ng mukha nito sa sakit, at ang mata nama'y nag sasabi na nasasaktan na ito sa ginawa ni Taurus sakanya."T-Tama na, ano ba! Ang sakit na." impit na pakiusap
Chapter 15CHLOE'S POV"Taurus?" Iyan na lamang ang nasambit ko na makita itong naka tayo sa gilid ko. Hindi ko alam kong bakit ako biglang kinabahan sa pag sulpot na lamang nito. Hindi pa rin nag babago ang paraan ng titig sa akin ni Taurus, matabang at para bang medyo naka busangot siya.Dali-dali ko naman pinunasan ang nilagay na foundation sa aking mukha. "Si Nadya kasi, ang kulit-kulit nilagyan ulit ako ng make-up." Tugon ko naman at napa-pikit na lamang ng mata sa sagot ko.Bakit ba ako nag papaliwanag sakanya?Ano bang nangyayari sa'yo Chloe?Tumitig ako muli sa mukha ni Taurus, at wala pa ring sagot. "Pag sabihan mo ang pinsan mo, hindi ko gusto na nag lalagay ka ng make-up."Ha?Ano daw?"Huh? Bakit b——" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko nang tinalikuran niya ako at naka pamulsa nang nag lakad palayo sa akin. "Sandali Taurus," tawag ko sakanya ngunit hindi niya na ako nilingon pa.Wala akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin palayo na may isang tandang panan
Chapter 14CHLOE'S POV"Nalalapit na ang intramurals, Chloe." Kinikilig na kwento sa akin ni Nadya na mag kasabay kaming dalawa nag lalakad. Kakatapos lang ng klase nila sa araw na ito at nag kataon naman nag kasabay silang dalawa na maaga ang labas na pasado alas tres pa lang ng hapon. "Excited na talaga ako sa Monday, ikaw ba?" Bumaling ng tingin sa akin ang pinsan ko at simple na lang akong ngumiti.Lahat na ng studyante excited na sa lunes para sa nalalapit na intramurals, malayong-malayo pa naman ang lunes kong saan gaganapin iyon abala na ang mga estudyante sa campus at ang iba pa sakanila nag eensayo at nag hahanda sa mga kasali sa mga palaro kagaya ng basketball, tennis, volleyball at kong ano-ano pang sinalihan nila para sa parating pa lang na event.Simula sa lunes, hanggang byernes ang ganap ng intramurals nila sa school. Paano kaabala ang mga estudyante sa nalalapit na event, ganun rin ang teacher at iba pang staff sa University sa kanilang pag hahanda."Medyo," sagot ko n
Chapter 13MR. DAWSON'S POV"Tangina talaga!" Matinis na mura ko na lamang na mapa titig na lamang sa pintuan na nilabasan ng kanyang anak.Napaka bigat na ang hiningga ko at naka kuyom na ang kamao sa galit, na hindi mailabas ang inis na naramdaman ko.Tumitig na lamang sakanya ang kanyang asawa, malungkot at hindi alam kong ano ang sasabihin sa tagpong naabutan nito. Lumapit sakanya ang kanyang asawa at hinawakan siya nito sa kamay. "Kumalma ka lang Hon, hayaan mo kakausapin ko si Taurus, tungkol dito." Uyam na lamang niyang pinagalaw ang panga at galit na tinignan ang asawa. "Mag sasayang ka lamang ng pagod Melinda, dahil hindi ka niya papakinggan. Matigas ang ulo ng batang iyan!" Gigil niyang asik na hindi na lang kumibo ang kanyang asawa at nakikiramdam lamang. "Alam ko na ang rason kong bakit umaakto siya ng ganito, kong bakit nagawa niya akong bastusin at sagut-sagutin ng ganito. Tuturuan ko ng leksyon ang batang iyan para mag tanda!" Gigil kong asik na hindi na mapag-timpi pa
Chapter 12CHLOE'S POV"So alam mong wala doon ang locker ko." Saad nito at napa-titig lamang ako sa guwapong mukha ni Taurus, naka tingala pa ako dahil mas matanggad siya kumpara sa akin.Naririnig ko na ang malakas na tibok ng aking puso sa sobrang lapit ng aming katawan at ngayo'y may init at kuryente akong naramdaman sa pag lalapat ng aming katawan.Bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit sobrang init na init na ako?Ngumisi lamang si Taurus at hinawakan nito ang aking baba, na mag palupasay na ang aking tuhod sa simpleng ginawa nito. "What's this? Make-up ba ito?" Napa kurap ako sa sinabi niya at hindi ko pa rin magawang mag salita. "Tanggalin mo ang make-up mo sa mukha, nag mumukha kang clown. Mas gusto kong iyong simple ka lang na walang ayos-ayos." Pinisil nito ang aking baba at nilayo nito ang sarili niya sa akin kaya't naka-hingga nang maluwag.Nag lakad na paalis si Taurus at naka-pamulsa pa ito na walang lingon-lingon. Nang hihina ang tuhod kong napa-hawak sa pader na kina