Share

Chapter 2

Auteur: Scorpio93
last update Dernière mise à jour: 2022-11-10 09:45:32

Chapter 2.

“Niko?” bulalas ko. Mabilis kong ibinaba ang dalang maleta sa semento at sinalubong ko siya ng yakap. Ramdam ko rin ang pagkasabik nang gumanti siya ng yakap sa akin. 

“Gumanda ka pa lalo, ah. Kumusta ka na?” 

Natigilan ako. Kung puwede ko lang itago ang nararamdaman ko ginawa ko na pero nang titigan niya ako ay unti-unting pumatak ang aking mga luha. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti. 

“Ayos lang ako. Ikaw ba?” balik kong tanong. 

Hindi siya kumibo bagkus kinuha na lamang niya ang maleta saka ako hinila papasok sa bahay ni Lola Esme. Marahas akong nagbuga ng hangin. Itabi ko muna ang problema ko at magkunwaring walang nangyari. 

“Lola Esme, kumusta na po kayo? Pasensiya na kung ngayon lang po ako nakadalaw,” bungad ko kay lola nang tuluyan na akong makaupo sa maliit na sofa. 

Nagmano ako at mabilis siyang niyakap. Matanda na siya. Bakas din sa mukha na may dinaramdam si lola. 

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang babae kanina na nakadungaw sa akin sa kalsada. Siya na lang siguro ang kasama ni lola sa bahay na ito. 

“Ayos lang, Jessy. Mabuti at napasyal ka rito,” nakangiting tugon naman ni lola. 

“Dito po muna ako titira kung ayos lang po sa inyo.”

Nakita ko ang ngiti sa labi ni lola. Tiningnan ko si Niko sa aking tabi. Tahimik lang siyang nakikinig sa amin. 

“Nasaan po si Ate Tina?”

“Umalis siya nang walang paalam. Iniwan mag-isa ang kanyang ina,” sagot ng babae. 

May dala na itong tray na naglalaman ng  juice. Napalunok ako. Iniwan na siya ng kanyang anak porke matanda na. Napailing ako. Tinapunan ko ng tingin si lola. Tahimik na siya at tila malalim ang iniisip. Marahil ay nami-miss na niya si Ate Tina. Iniwan ko lang siya saglit para dalhin sa kabilang silid ang aking mga gamit. 

“Ah, Jessy, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Magkapitbahay lang tayo.”

Napatingin ako kay Niko. Tinitigan ko siya. Malaki na ang pinagbago niya. Tumangkad, pumuti at gumanda na rin ang katawan. Alagang gym ito. Lalong tumangos ang ilong niya na bumagay sa kanyang manipis na labi. Napalunok ako nang mapansing nakatitig na rin siya sa akin.

“Salamat, Niko,” nakangiti kong sambit. 

PAGSAPIT ng hapon. Isinama ako ni Niko sa palengke. Malaki na rin ang pinagbago ng naturang lugar. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas simula noong umalis ako sa bayan na ito. Napansin ko ang panaka-nakang sulyap sa akin ni Niko. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pinagpatuloy na ang pamimili namin ng gulay, isa at iba pang kakailanganin namin sa kusina. 

Binilhan ako ni Niko ng isaw, isa rin kasi ito sa paborito kong kainin.

“Wala ka pa ring pinagbago, Jes, ang takaw mo pa rin sa pagkaing ’yan,” aniya sabay kamot sa kanyang ulo. 

Panandalian kong nakalimutan ang nangyari sa akin. Mas mabuti na rin siguro para tuluyan ko nang makalimutan ang taong iyon. Hindi siya kawalan sa akin. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang masaktan nang ganito. Pero sa kabila niyon, masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin sa dibdib. 

“Jessy, ’yong totoo. Nag-away ba kayo ng asawa mo? Kasi, hindi ka naman pupunta rito kung walang dahilan.” 

Tama naman ai Niko. Siguro kung hindi pa kami nagkaproblema ni Phillip, marahil ay hindi ko pa naapakan ulit ang Baguio. 

Marahas akong bumuntonghininga. Tipid akong ngumiti.

“Hiwalay na kami,” tugon ko habang nakatingin ng deretso sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero napalitan din iyon nang pag-alala.

“Ayos ka lang ba?”

“Oo naman. Sa una lang ito masakit pero mawawala rin ang sakit kapag makalimutan na siya ng puso ko.” 

Sa paglipas ng mga araw at buwan naming magkasama ni Niko, unti-unti na rin nabura sa isip ko si Philip. Masayang kasama ang kaibigan ko. Inaamin kong, muling napalapit ang loob ko sa kanya. Palagi rin siya sa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng makakausap. 

“Hey, tulala ka na naman. Naiisip mo na naman ba siya?” malungkot na sambit ni Niko sa akin.

Kumunot ang noo ko. Parang may iba sa kinikilos niya ngayon. Hindi rin siya mapakali. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi. 

Napailing ako. “May problema ba?” nag-alalng tanong ko. 

Dinala niya ako sa tulay na gawa lamang sa kahoy. Ilang beses na rin niya akong dinala rito. Maganda kasi ang tanawin. Nakakawala ng problema. 

Maingat akong umupo dahil tubig ang nasa tapat namin. Medyo mataas pa naman ang tulay na ito pero matibay pa rin naman kahit gawa lamang siya sa kahoy. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga bago ibinaling sa kanya ang paningin.

“Nakalimutan ko na siya, Niko. May gumugulo lang sa isip ko ngayon.” Mariin akong napapikit.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang isa kong kamay. Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakapanibago lang. 

“Magsimula kang muli malayo sa kanya. Hindi ko deserve ang masaktan, Jessy. Huwag lang talaga magpakita sa akin ang lokong iyon dahil babalatan ko siya nang buhay,” gagad niya habang nakakuyom pa ang mga kamao.

Napailing ako at bahagyang tumawa. 

“Jessy!” 

Napatingin ako sa may-ari ng boses.

“Merry!” 

Lumapit siya sa tabi ko. Nakangiti niyang inabot sa akin ang hawak na supot na naglalaman ng hinog na mangga. Kumunot ang noo kong napaharap sa kanya.

“Nakita ko kayo kanina na napadaan sa isawan. Nando’n ako pero hindi mo naman ako tiningnan,” aniya na bahagya pang ngumuso. 

Natatawa akong napailing. Iba rin ang babaeng ito. Feeling close na kahit hindi pa kami masyadong magkakilala. Hindi naman siya mahirap pakisamahan kasi friendly siya at parang mabait din.

“Sa kabilang kanto lang ang bahay namin. Hinanap kita noong una tayong nagkakilala kaso umalis ka kaagad.”

“Pasensiya ka na. Nagmamadali kasi ako nang araw na iyon,” hinging paumanhin ko.

Kinuha ni Merry ang numero ko. Natutuwa ako dahil palagi niya rin akong tinatawagan. Hindi ko alam kung babae talaga siya o tomboy. Panay kasi ang pagpa-cute niya sa akin sa tuwing tatawagan niya ako. Kinompronta ko pa siya pero ang sabi, hindi raw kami talo. Gustong-gusto lang daw niya akong maging kaibigan. Natatawa na lang ako sa sariling naiisip. 

LINGGO at abala kaming dalawa ni Merry sa pagluluto. Gusto kong surpresahin si Niko sa araw na ito. Ilang gabi ko na rin itong pinag-isipan. Nitong nakaraan lang ay hindi na siya mawala-wala sa isip ko. Hindi rin ako mapakali sa t’wing sumagi sa isip ko ang mga bonding naming dalawa. Maalaga siya kaya hindi siya mahirap mahalin. Napapikit ako at marahas na bumuntonghininga. 

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi na ito masakit bagkus, napalitan na iyon ng malakas na pagkabog. 

“Nakalimutan ko na nga ba talaga siya?” kausap ko sa aking sarili. 

Siguro nga, kasi sa halip na si Phillip ang nasa isip ko ay si Niko ang palaging umeeksena sa puso ko. Napangiti ako. 

“Oo na, ikaw na ang in-love,” nakangising pukaw sa akin ni Merry nang makita nitong tulala ako.

“Bilisan mo na kaya r’yan,” dugtong niya at tatawa-tawa pa.

Napailing na lang ako saka lihim na napangiti.

“Oo, heto na. Patapos na rin naman tayo,” masigla kong tugon bago tinanggal ang suot na apron.

Nang matapos ayusin ang mesa ay dali-dali kong tinawagan si Niko. Kaarawan niya ngayon kaya ipinaghanda namin siya. Simpleng handaan lang naman pero memorable. 

Napansin ko ang gulat sa mga mata niya nang madatnan niya kami sa kusina. Nilapitan ko siya at binati. Tanging ngiti lang ang itinugon niya sa amin. Matapos ang batian ay sama-sama naming pinagsaluhan ang nakahandang pagkain.

“Jes, may sasabihin sana ako sa iyo,” seryoso niyang sambit bagay na ikinabahala ko.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sana lang hindi bad news ang maririnig ko mula sa kanya. Bahagya kong ipinilig ang ulo bago tumango-tango. Nandito kami ngayon sa terasa habang kapwa umiinom ng kape. Hapon na at medyo malamig din ang panahon. 

“Ano iy—”

“Gusto kita,” putol niya sa sasabihin ko. 

Lihim akong napangiti. Nagbunyi ang puso ko sa tuwa at walang pasabing niyakap siya nang mahigpit. Nagtataka niya akong tiningnan sa mga mata pero nang makitang unti-unti akong tumango ay mabilis niyang tinugunan ang aking yakap.

Mas mahigpit pa sa yakap na binigay ko sa kanya. 

“Gusto rin kita, Niko. Pero natatakot ako,” ani ko sabay kalas ng yakap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata.

Sandali siyang natigilan sa narinig. Pero biglang lumambot ang mukha niya ay umiling-iling.

“Wala kang dapat ikatakot, Jessy. Nandito ako at mamahalin kita. Hindi ko man maibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo pero sisikapin kong magawan nang paraan,” sinseredad niyang sabi. 

Pinaharap niya ako at matamis na ngumiti.

“Ang totoo niyan, noon pa man ay minahal na kita pero natatakot akong ipagtapat sa iyo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin.”

Namilog ang mga mata ko sa narinig kasabay niyon ay ang paghaplos niya sa magkabila kong pisngi.

“I love you, Jes.” 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Scorpio93
Salamat po, mam...
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
hiwalay na ba kayo ng Asawa mo Jessy kung Hindi ayusin mo Muna bago Ka papasok sa relasyon
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
dpt inayos mo muna ang pakikipaghiwalay mo kay philip bago ka ulit pumasok sa isang relasyo,kasal ka pa rin sa knya
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 33

    MAHIGIT ISANG ORAS na simula nang makaalis sina Cedric at Merry. Sinubukan kong umidlip pero hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lamang ako sa silid at dumiretso sa kusina. “Jessy! We need to talk!” Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses ni Philip sa labas ng bahay. Gumalaw ang panga ko at kuyom ang mga kamaong tinungo ang daan palabas ng bahay. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya.Kumibot ang labi niya saka bahagyang lumapit sa akin. “We need to talk, Jes—”“Wala na tayong dapat pag-usapan, Philip! Tapos na tayo! Dahil ikaw na mismo ang tumapos sa l*tseng relasyong ito!”Hindi ko na napigilan ang sariling sumabog. At sa isang iglap lang ay dumapo ang palad ko sa mukha niya.“Tapos na tayo, Philip! Tama na ang pananakit mo sa akin!” “No! Hindi ako papayag! What’s wrong with you?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako’t napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya alam na katabi niya si Alma sa kama kagabi? “Sinong inuuto mo, Philip? May amnes

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 32

    “Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 31

    ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 30

    Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 29

    Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,

  • One Night With My Ex-Husband   Chapter 28

    “Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status