Chapter 3:
ISANG malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Hindi na ako nag-aba pang magsuot ng bra at basta na lamang akong lumabas ng silid saka dumiretso sa sala. Naabutan kong umiiyak si Aling Bebeng, siya iyong kasa-kasama namin ni Lola Esme rito sa bahay.“Ano’ng nangyari? Bakit ho kayo umiiyak?” taranta kong tanong. Nilapitan ko pa siya para pakalmahin.Itinuro naman ni Aling Bebeng ang kuwarto ni lola habang patuloy siyang umiiyak. Mabilis kumabog ang aking dibdib nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Bebeng. Nanghihina kong inihakbang ang mga paa palapit sa silid ni lola at dito’y naabutan kong nakahiga siya sa manipis nitong kama habang wala nang buhay. Nanlumo akong napahawak sa malamig na bangkay ni Lola Esme habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. “Lola Esme,” tanging nasambit ko. Napahagulhol ako nang iyak kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa malamig niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni lola at doon ay patuloy lamang akong umiiyak. Wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang sandali pa ay may humawak sa likuran ko. Naramdaman ko agad na kaninong kamay iyon kaya mabilis akong humarap upang yakapin siya.“Niko, wala na si lola. Wala na akong ibang kamag-anak maliban sa kanya tapos—”“Jessy, nandito pa ako. Hindi kita pababayaan,” aniya sabay hagod sa likuran ko.Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa ginawa ni Niko. Makaraan ang ilang minuto, sabay kaming lumabas ng silid ni Niko. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta dahil nawala na rin ang kaisa-isang kamag-anak ko. Wala pa ngang isang taon namatay sina mama at papa tapos ngayon si lola naman ang pumanaw. Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking pisngi bago tinungo ang terasa. Malalim akong bumuntonghininga. Magiging maayos din ang lahat. LIMANG buwan na rin ang lumipas simula nang mamatay si Lola Esme. Buhay na buhay pa rin siya sa aking alaala. Pero kailangang tanggapin dahil lahat naman tayo ay nilikha lang Niya at anumang oras, babawiin din Niya ito sa tamang panahon. “Ayos ka lang ba?” basag ni Niko sa katahimikan. Nasa terasa kami at kasalukuyang kumakain ng ice cream. Tumango ako bilang tugon. Napapansin ko rin ang panaka-nakang sulyap niya sa akin. Napangiti ako pero kaagad din nabura nang makita sa labas ng bahay si Ate Tina. Dali-dali ko siyang sinalubong nang makita siyang dumiretso lang sa pagpasok sa loob ng bahay. Nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil sa kapabayaan niya. Sana buhay pa ang kanyang ina ngayon.“Nabili na ang bahay na ito, Jessy. Kaya wala ka ng lugar dito,” taas-kilay nitong sabi.Nanlaki ang mga mga ko sa narinig. Hindi kaagad nag-sink in sa aking utak ang sinabi niya. Ilang saglit pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niyang sinagot ito sa harap ko. Tila ipinagmalaki pa niya na naibenta na ang bahay ni lola samantalang iniwan lang naman niya ito. Ano’ng klase siyang anak? Wala siyang puso. “Talaga ba, Ate Tina? Parang wala lang sa iyo ang pagkamatay ni Lola Esme? Ni hindi ka nga umuwi no’ng namatay siya.” Natigilan siya sa sinabi ko pero kaagad din nakabawi at mabilis akong sinampal. Hindi ako nagpatalo, sinabunutan ko rin siya ngunit napigilan kami ni Niko. “Mag-impake ka na ngayon din, Jessy. Isasara ko na ang bahay na ito,” walang buhay niyang sabi.Napalunok ako nang tila may bumara sa lalamunan ko. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko. Napalingon ako sa silid na tinutuluyan ko nang marinig ang kalabog kasabay niyon ay ang pagbasag ng kung ano sa sahig. Dali-dali akong pumasok sa loob. Naabutan kong tinapon ni ate ang salamin sa sahig.“Umalis ka na, Jessy!” malakas niyang sigaw. Mariin din kumuyom ang mga kamao niya habang matamang nakatitig sa amin ni Niko. Bitbit ang maleta, dinala ako ni Niko sa bahay nila. Malaki ang bahay nila para sa kanila. Gawa lamang ito sa kahoy pero pulido at maganda ang pagkakagawa. Mayro’n ding ’di kalakihang garden sa tabi ng gate na gawa sa kahoy. “Jessy, okay lang ba sa iyo na sa iisang kuwarto tayo? Tatlong kuwarto lang kasi ang mayro’n. Iyong isa naman ay ginawa ng tambakan ng mga lumang gamit,” bungad sa akin ni Niko. Ginagap niya ang isa kong kamay at marahang hinalikan. “Magsama na tayo kung okay lang sa iyo.”Mabilis akong napatingin sa mga mata niya. Seryoso siya sa sinabi. “Alam mong hindi pa tuluyang na-annul ang kasal namin ni Phillip. Hinihintay ko pa rin ang tawag ng abogado ko hanggang ngayon,” sagot ko. Wala namang kaso sa akin pero naiilang pa rin ako. Mali pa rin na magsama kami ’di dahil sa hindi kami kasal, ayaw ko lang isipin ng mga tao na sumama na ako sa ibang lalaki kahit hindi pa annul nang tuluyan ang kasal sa dati kong asawa. “Nirerespito ko ang desisyon mo, Jes. Hindi naman kailangan may mangyari sa atin. Makapaghintay ako pagdating sa bagay na ’yan,” mahinahon nitong sambit. Ngumiti siya bagay na nagbibay sa akin nang kaginhawaan.Ang bait pa rin talaga sa akin ng Diyos dahil nakatagpo ako ng lalaking kasing bait ni Niko. “Pumasok na kayo rito. Maghapunan na tayo.” Napatingin ako sa nagsalita. Nasa bukana ng pinto at nakasuot pa ng apron. Malapad itong nakangiti sa amin. Napangiti na rin ako. Nakakahawa ang ngiti ng mama ni Niko. Bigla ko tuloy naalala si mama. “Jessy, tatlong apo ang gusto ko,” natatawang sambit ng mama ni Niko bagay na ikinayuko ko.Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko. Hindi ko tuloy malunok-lunok ang pagkain sa bibig ko dahil sa hiya. Naramdaman ko ang kamay ni Niko sa hita ko. Bahagya niya iyon pinisil.“’Ma, hindi pa nga kami kasal. Saka, hindi pa tuluyang annul ang kasal nila ng dati niyang asawa.” “Ilang taon pa ba iyon? Kung wala na kami?”“Pilar, kumain ka na lang,” sabat naman ng ama ni Niko. Napailing na lang ako at lihim na napangiti. Sana hindi magbabago ang pakikitungo nila sa akin. Ang bait ng mga magulang ni Niko. Hindi ako nagkamali sa kanya. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang ay kasama ko na si Niko sa iisang bubong. Tinupad naman niya ang kanyang sinabi na walang mangyayari sa amin hangga’t hindi pa kami kasal. Habang tumatagl ay unti-unti ko rin siyang nakilala bilang siya. Maalaga, mapagmahal at maalalahanin. “Mahal, may tumawag sa iyo.” Humakbang siya palapit sa akin dala ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago inabot ang aking cellphone. Naghugas kasi ako ng pinagkainan namin. “Si attorney.”“Sagutin mo. Baka good news iyan,” nakangiting sambit ni Niko. Bakas sa mukha niya ang saya.Napalunok ako bago sinagot ang tawag.“Jessy, good news! Inaprubahan na ang annulment n’yo. Kailangan mo lang pumunta rito para pumirma.” “Salamat, attorney.” Walang patid ang saya sa mukha ni Niko nang marinig ang sinabi ko. Noong una ay hindi pa siya naniwala pero nang tawagan ko si attorney saka lang siya tuluyang naniwala.Panay rin ang paghalik niya sa mukha ko. Napailing na lang ako. Sana siya na talaga ang itinadhana sa akin hanggang sa pagtanda ko. Ngayon ay malaya na akong makasama siya at handa na rin ako sa panibagong bukas na susuungin kasama siya. “Maraming salamat sa matiyagang paghihintay sa akin, Niko. Ngayon ko napatunayan kung gaano mo ako kamahal,” mangiyak-ngiyak kong sambit.Pinahid niya ang luhang tumulo sa aking pisngi saka ginawaran ng mabining halik sa labi. Napapikit ako at gumanti ng halik. “Magpakasal na tayo.”MAHIGIT ISANG ORAS na simula nang makaalis sina Cedric at Merry. Sinubukan kong umidlip pero hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lamang ako sa silid at dumiretso sa kusina. “Jessy! We need to talk!” Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses ni Philip sa labas ng bahay. Gumalaw ang panga ko at kuyom ang mga kamaong tinungo ang daan palabas ng bahay. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya.Kumibot ang labi niya saka bahagyang lumapit sa akin. “We need to talk, Jes—”“Wala na tayong dapat pag-usapan, Philip! Tapos na tayo! Dahil ikaw na mismo ang tumapos sa l*tseng relasyong ito!”Hindi ko na napigilan ang sariling sumabog. At sa isang iglap lang ay dumapo ang palad ko sa mukha niya.“Tapos na tayo, Philip! Tama na ang pananakit mo sa akin!” “No! Hindi ako papayag! What’s wrong with you?” seryoso niyang tanong. Napalunok ako’t napakunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya alam na katabi niya si Alma sa kama kagabi? “Sinong inuuto mo, Philip? May amnes
“Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa buhay namin? Ano pa bang kailangan mo, ha?!”“Gusto ko lang naman mag-usap tayo, Jessy.” “Wala tayong dapat pag-usapan, Noah. Wala akong obligasyon sa ’yo, kaya umalis ka na sa buhay namin!” singhal ko sa kanya.Narinig ko ang pagtagis ng bagang niya pero nananatili akong nakatingin sa kanya nang masama. Hindi ko alam kung bakit may mga taong mahilig manggulo ng buhay ng ibang tao. “Umalis ka na, Noah! Kung ayaw mong tumawag kami ng pulis!” banta naman ni Merry sa kanya. Pero sa halip na makinig ay unti-unting humakbang palapit sa kinaroroonan ko si Noah.“Hindi pa rito nagtatapos ang lahat, Jessy,” bulong niya sa akin bagay na nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.Napalunok at napayakap sa sarili. Ayaw kong isipin na banta ‘yun pero kakaiba ang sinasabi ng utak at isip ko. Ilang beses akong kumukurap hanggang sa nakarinig na lamang ako ng ugong ng sasakyan, tanda na papalayo na si Noah sa bahay.“Ayos ka
ISANG ORAS na ang nakalipas mula nang dumating kami rito sa hospital. Hindi na rin masyadong mataas ang lagnat ni Angelo. Hindi gaya kanina na nakakapaso ang temperatura niya.“Don’t worry, hon. Magiging maayos din ang lahat.” Mabilis akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita. Walang buhay ko siyang tiningnan. Sa totoo lang, masama pa rin talaga ang loob ko sa kanya, pero hindi rin puwedeng hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari sa anak namin.Huminga ako nang malalim. “Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa anak ko, Philip.” “Hindi ko hahayaang mangyari ‘yan, hon. I promise na poprotektahan ko kayo. Magkasama nating harapin ang—”“Huwag ka nang mangako, Philip. Dahil alam ko naman na hanggang ngayon, may inilihim ka pa rin sa akin,” walang emosyon kong sagot. Marahas akong bumuntonghininga bago hinawakan ang maliit na kamay ng aking anak. Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang pinagmasdan ang natutulog kong anak. Wala pang muwang sa mundo pero kapag gumawa na naman
Nagtagis ang bagang ko habang sinusundan palabas ng bahay si Jessy. I didn't know kung bakit nangahas na namang pasukin ng Noah na ‘yun ang pamamahay ko. Alam ko ang motibo niya simula pa lang—ang angkinin kasama ng hilaw kong pinsan ang pagmamay-ari ko. Habang nabubuhay ako, ‘yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Magkamatayan muna kami bago nila makuha ang nais sa akin o sa pamilya ko.Pagdating sa labas ng bahay, tanaw ko mula sa ‘di kalayuan si Noah habang hawak sa kabilang kamay ang itim na sun glass. Nang makita niya kami ay malapad ang ngiting iginawad sa amin na batid kong kaplastikan lang naman ‘yun.“Oh, I thought wala ka rito, Philip? Well, hindi naman talaga ikaw ang sadya ko rito kundi si Jessy. So, puwede bang bigyan mo kami ng privacy?” Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Privacy? Minamanduhan niya ako sa sarili kong pamamahay? “F*ck you, Noah! Wala kang karapatang utos-utusan ako sa sarili kong pamamahay! Now! Get out of my house! Leave my wife alone!” “Oh, wow! Ju
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Hindi nila napansin kaya nagtago ako sa mayayabong na halaman. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Leo habang nakipagsagutan kay Alma. Hindi ko eksaktong naririnig ang pinag-usapan nila. Pero narinig ko ang pangalan ni Philip. Ano na naman kaya ang plano nila? Makaraan ang ilang minuto ay tumalikod na si Alma papasok sa loob. Kaya naman nagmamadali akong lumayo at nagtungo malapit sa pool. Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang pagtikhim niya sa likuran ko. Hindi ako nagpapahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Wala rin naman akong masyadong naiintindihan doon.“Jessy, aalis na pala ako bukas. Ikaw na ang bahala sa anak ko.” Napalingon ako nang marinig ang sinabi niya. Aalis na siya bukas? Edi mas mabuti kung gano'n para mapanatag na ang loob ko. Tipid akong ngumiti saka tumango.“Oo naman, Alma. Akong bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala, aalagaan at mamahalin ko na parang tunay na anak si Princess.” “Thank you,
“Anong ginagawa mo rito?” walang buhay kong tanong. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao ko habang matamang nakatitig sa harap. Napansin ‘yun ni Cedric kaya maagap niyang hinawakan ang balikat ko. “Don’t touch my woman, Cedric! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito!” Namilog ang mga mata ko nang marinig ang malaking boses ni Philip sa likuran ko. At sa isang iglap lang ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Napaigik ako nang makaramdam ng pananakit sa bandang hinawakan niya. “Hey. Relax, dude. Hindi ko aagawin sa ‘yo ang asawa mo. Nagkataon lang na nagpang-abot kami rito. Kapatid ang tingin ko sa kanya at wala nang iba,” maagap na sagot ni Cedric. Napalunok ako nang maramdamang bahagyang idiin ni Philip ang kamay niya sa braso ko. Kaya naman dahil sa gulat ay mabilis ko itong hinaklit saka dumistansya ng ilang dipa.“Hindi ba? E, malinaw naman na inaakit mo siya. May pahawak-hawak ka pa ngang nalalaman, eh!” maktol ni Philip sa kaharap. Akmang uundayan n