Share

One Night with Don, Two Heirs
One Night with Don, Two Heirs
Author: Miss Hunterx_A

PROLOUGE

last update publish date: 2026-08-24 14:26:03

TITLE: ONE NIGHT WITH DON, TWO HEIRS

AUTHOR: MISS HUNTERX_A

PROLOUGE: D’ YOUNG DON’s BAR

—

September 15. 7:00 PM. QC.

Nakatayo si Bella sa tapat ng D’ YOUNG DON’s BAR.

Hindi na siya yung basang-basa at nagmumukhang pulubi nung isang linggo.

Dalawang linggo siyang nag-grind. Tutor sa umaga. Sideline sa gabi. Namasukan rin siyang crew sa isang fastfood resto. Kumain ng sapat araw-araw upang makabawi ang katawan mula sa isang linggong pagkalugmok.

Para dito. Para sa gabing ‘to.

Isang simpleng black dress. Hapit sa katawan, kita ang mapuputing binti at balikat. Bagong bili. Hindi ganon ka mahal pero ngayon lamang siya nakapagsuot ng ganoong ka-sexy na damit. Pinili niya talaga ‘yon hindi para magpa-impress kay Oliver, kundi para ipakita na mabuti ang lagay niya ngayon. At hindi nagtagumpay ang mga ito na wasakin siya. Bagkus nakatulong pa upang lalo siyang magpursigi.

Nakaladlad ang alon-alon niyang buhok hanggang baywang. Konting lipstick at face powder lang pero lumabas agad ang tunay niyang ganda.

Alam niyang balak siyang ipahiya ni Andrea at Oliver. Kaya hindi siya papayag na ganoon ang mangyari.

Huminga siya ng malalim. Itinulak ang p***o.

Maingay. Patay-sinding liwanag. Magkahalong amoy ng mamahaling pabango at alak.

Lahat ng batchmates niya nandun sa inupahang private suite ng bar. Naka-dress. Naka-heels. Naka-relong mamahalin. Sumisigaw ang karangyaan ng pamumuhay.

Pumasok siya. Tumahimik saglit ang isang sulok.

"Bella?! Ikaw ba ‘yan?!" Si Trisha, naka silver dress. Sa tabi nito ay si Mark na bahagyang nakanganga ang bibig at hinahagod ng tingin ang kabuuan niya.

"Woooow Bella, you look stunning as always!"

Tipid lang siyang ngumiti. Hanggang sa namataan niya ang mainit na titig sa kanya ng dalawang taong papalapit.

Nakasukbit ang kamay ni Andrea sa braso ni Oliver.

Kinapa niya ang sarili. "Wala na... medyo okay na ako. Hindi na ganon kasakit," saad niya sa isip.

"Ohh hi bestie!" Lumapit si Andrea at pakitang taong b****o sa kanya. Bumulong. "Kahit anong pagpapaganda mo, nasaakin na si Oliver."

Ngumiti si Bella. Matamis. "Ah ganon ba bestie? Sige. Kung ganon ingatan mo si Oliver ha? Baka kasi mapunta pa sa iba. Ang malas naman ng makakapulot."

Nilagpasan niya si Andrea at maging si Oliver na malagkit ang titig sa kanya.

Lalong nagngit-ngit sa galit si Andrea. "Pwede ba Oliver! Stop staring at Bella!"

Sa inis ni Andrea, tumayo ito nang padabog at umalis.

"Hi Bella.. Wala ka paring pinagbago. Mas lalo ka pa ngang gumanda. Balita ko wala na kayo ni Oliver, so ibig sabihin pwede na akong manligaw diba?" Si Jason Balderama.

"Oo nga Bella! Pero kung ayaw mo kay Jason, mamili ka nalang samin ni Eli," singit ni Jasper.

"Stop bruh! Malay mo gusto ni Bella tatlo tayo, pwede naman..." Natatawang sabi ni Eli.

Nawalan siya ng gana. Tumayo siya. "Okay na siguro ‘to. Naipakita ko na hindi ako kawawa."

"Oh san ka pupunta miss all pure.. or should i say, miss virgin?" Hinawakan ni Jason ang braso niya.

"Kung wala ka rin namang magandang sasabihin, bitawan mo ako," mahinahon niyang pakiusap.

"Okay... bibitawan kita. Pero inumin mo muna ito. Kung hindi mo ‘to tatanggapin, iisipin naming hindi ka pa naka-move on kay Oliver."

Inabot ni Jason ang isang wine glass. Kilala niya si Jason. Hindi siya titigilan.

Inisip niyang hindi naman siya agad malalasing sa isang lagok lang.

Sinimsim niya iyon ng mabilis.

"Yowwn! Very good naman pala si miss virgin eh!" Hiyaw ni Jason.

"Sige, pwede na siguro akong umalis?"

Ikinumpas ni Jason ang kamay. Nakalabas siya sa private suite.

Pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo.

Nakaramdam siya ng hilo. Parang ang bigat ng ulo at mata. Sobrang init ng katawan.

Pumasok siya sa CR at naghilamos.

"Anong nangyayari sakin? H-hindi ako gaanong makahinga..."

May pwersahang humablot sa bewang niya.

"Oh bakit Bella? Tumalab ba agad yung drugs na nilagay ko sa inumin mo?" Si Jason. Kasama si Eli at Jasper.

"A-ano? Anong nilagay mo? B-bitiwan mo ako.."

"Huwag ka nang magpakipot! Kaya ka iniwan ni Oliver kasi sobrang pakipot ka!"

Nagtawanan sila. Hinawakan ang magkabilang kamay niya.

Tumunog ang damit niya dahil sa pagpunit ni Jason.

"Tulong..."

Hanggang sa...

"GET THOSE FUCKING HANDS OFF HER!"

Isang malalim na boses. Galit. Malamig.

Isang malakas na tunog. Parang may bumagsak.

Nawala ang mga kamay na humahawak sa kanya.

Ang huli niyang narinig bago siya tuluyang mawalan ng malay...

"Hold on. Don't you dare die on my arms."

May tumakip na tela sa hubad niyang katawan. At naramdaman niyang umangat siya.

---

4:30 AM.

Nagising si Bella. Nanlalamig ang buong katawan.

Madilim. Tanging silaw ng munting lampshade ang maaaninag.

Kinapa niya ang paligid. Wala.

Wala ang lalaking nakauna sa kanya. Muli, Umasa nanaman siyang may ibig sabihin ang mahigpit na yakap nito at ang maiinit na haplos.

Napangiti siya ng mapait. "Ilusyon ko lang pala... ang tanga-tanga mo talaga Bella."

Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi.

Tumulo ang mga luha. "L-lola... S-sorry..."

Masakit man ang buong katawan, pinili niyang lisanin ang kwartong ‘yon.

Paglabas niya, pamilyar ang lugar. Nasa mamahaling bar pa rin pala siya.

Maingat siyang umalis. Mag-u-umaga na.

---

"Where the hell did she go?"

Kumunot ang noo ni Devlin Kreg Nostrad Matapos bumalik sa kama kung saan natutulog ang babaeng kapiling niya sa magdamag.

Kinuha niya ang telepono.

"F*CK! Gorge, Find the woman last night! Bring her to me RIGHT NOW!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Riceelyn Ludia
Yessss naaaman lakas maka vikings ng nostraaaad naimagine ko na ichura nya sa isip ko ...
goodnovel comment avatar
DEO TAMBALQUE
nice. maganda Ang kwento, may Bago nanaman akong abangan ...
goodnovel comment avatar
Julianne Galos
...............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 70. “Look-alike”

    11:14 PM | OUTSIDE EL FUEGO MANSION | SAME NIGHT "SSSH_T!!" Sa loob ng sasakyan, halos mabali ang binoculars sa higpit ng hawak ni Devlin. Pawis ang noo. Yung puting panyo na may amoy pa ni Isabella, hawak-hawak niya pa rin. "F*ck!!" Inalis niya ang binoculars at sumandal sa upuan. Pumikit. Huminga ng malalim. Pero kahit nakapikit, kita pa rin niya — yung white lingerie ni Isabella sa veranda, walang bra, bakat ang dibdib, yung buhok na nililipad ng hangin, umiiyak habang umiinom ng wine. Gusto niyang akyatin. Pero hindi niya magawa. Hindi pa panahon. Matapos paraus*n ang sarili, sinandal niya ang ulo sa upuan ng sasakyan, pawis at hinihingal na napakagat sa labi. Sa di kalayuan, medyo malayo sa sasakyan ni Devlin, may isang matte black Toyota Hilux na nakaparada. Bukas ang bintana sa driver side. May usok na lumalabas. Nandoon si Caleb Nostrad. Pinsan niya. Nakangiti habang nagsisigarilyo. Hawak ang phone, nagvi-video. Gamit niya ang totoo niyang sasakyan. "Huli ka, insa

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 69. “In Heat”

    Halos mabuwal siya sa lakas ng pagkakabitaw nito sa braso niya. Hilot hilot niya iyon habang palinga-linga sa paligid kahit na wala naman siyang naaaninag. Wala na ang lalaki sa paligid niya. “The lights will return in 3..2..1” Dinig niyang announce ng event host na babae. Dali-dali niyang inayos ang sarili. Ayaw niyang may makakita sakanya na ganoon ang itshura. Sya si Atasha Walton at hindi pwedeng mawala ang poise niya lalo na sa mga ganitong kalaking event. Iwinaksi niya ang takot at pangamba sa nangyari kanina. Tumunog ang ilaw, lumiwanag muli ang paligid. Lahat ng tao ay watak watak at halata ang kasiyahan sa mga naganap. Nasa gitna na pala siya ng ballroom. Inikot niya ang paningin, walang pamilyar na mukha siyang nakita sa paligid. “Kung sino ka mang lalaki ka, Prepare yourself when I find out who you are.” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa braso niyang namumula at bakat ang limang daliri mula sa lalaki kanina. “Get ready, Ihahatid na kita pauwi.” Napali

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 68. “Unknown”

    Boses ni Mara. Malayo. Tarantang-taranta sa kakahanap. Narinig ni Isabella pero hindi siya makasagot. Nasa pader pa rin siya, nakasandal, yakap parin ni Devlin ng mahigpit. Parang ayaw kumawala. Dama niya ang sunod sunod na pag hugot nito ng malalalim na buntong hininga. Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumalik ang boses ng host sa microphone, mas malakas na kaysa sa love song. "Okay partners! Time's up! Light will return once the 3-second countdown is over.” Nagsimula ng magbilang ang host. “In.. 3...” Napatigil si Devlin. Narinig niya. Alam niyang kailangan niya nang bumitaw kahit ayaw pa niya. "2..." Tumingin siya kay Isabella. Yung mukha ni Isabella sa dilim, hindi niya makita ng maliwanag pero alam niyang umiiyak ito dahil naramdaman niya ang mga pigil na pag yugyog ng balikat nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot at guilt. Hindi pa rin bumibitaw si Devlin. Sa halip, mas hinigpitan pa ang yakap sa babae bago kumalas at hinawakan ulit ito sa mukha. Mag

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 67. “Moan in the Dark”

    ~(Do you ever think about me? Do you ever cry yourself to sleep? In the middle of the night when you awake Are you calling out for me? Do you ever reminisce? I can't believe I'm acting like this Know it's crazy How I still can feel your kiss)~ Kasunod ng pag tugtog ng love song ni Bryan Mc’Night. Gumagalaw ang labi ni Devlin, parang nagmamadali. Parang pinagihiwatig nito ang pagkasabik. Marahas iyon at naramdaman niyang lumakad sila ng konti habang magkasugpon parin ang kanilang mga labi. Naramdaman niyang huminto sila sa malamig na pader sa sulok, dama niya iyon ng idiin siya don ni Devlin. ~(It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away, yeah I miss you so much and I don't know what to say I should be over you, I should know better But it's just not the case It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away)~ Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tutol ang isip niya sa ginagawa ng lalaki sakanya pero ang ka

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 66. “Moonlight”

    Hindi dahan-dahan. Biglaan. Buong Grand Ballroom — blackout. "Ohhh!!" Sigawan ng mga tao, may halong kilig at gulat. May ilan siyang mga narinig na kaluskos at takbuhan. Totoong blackout. Walang LED, walang spotlight. Ang tanging liwanag lang ay yung bilog na buwan sa open roof ng Blue Mansion Place. Maputi, malamig, mahina. Kita lang ang anino ng mga tao, pero hindi ang mukha. Hindi mo alam kung sino ang nasa harap mo. At kasabay ng pagpatay ng ilaw, tumugtog ang malamyos na love song — piano, mabagal, yung tipong love song na masakit ang pahayag sa nakikinig. "Mara?" Tawag ni Isabella sa dilim. Hinawakan niya yung upuan, hinahanap si Mara. "Mara, nasan ka?" Hindi sumagot si Mara parang wala na siyang katabi. "I’m here!," narinig niya si Adam. Pero malayo ng konti ang boses nito "Isabella, dito —" Inabot ni Isabella ang kamay sa direksyon ng boses ni Adam. Pero bago pa man niya mahawakan si Adam, may isang kamay na mas mabilis humatak sakanya mula sa likuran niya.

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 65. “Lights Off Dance”

    Ang boses niya kalmado, professional, pero bawat salita alam niya kung paano laruin kagaya ng pag nasa courtroom siya. Tumingin muna siya sa kabuuan ng lugar. Nakita niya ang mga taong natahimik at halata ang paghihintay sa sasabihin niya. Inikot niya ang paningin maliban kay Devlin na halos hindi kumukurap at titig na titig sakanya. "Good evening." Ngumiti muna siya ng bahagya. "Five months ago, I came back from the Netherlands. I was a lawyer in Amsterdam. I had cases, I had a life there. But my mother, Mrs. Divina El Fuego, got sick. And i had to come home as Acting CEO of El Fuego Group.” "Actually, I didn't know how to be a CEO. I only knew how to be a lawyer — to read contracts, to protect my client, to make sure no one signs something they will regret." Madiing saad niya sa huli. Napakurap si Devlin, pakiramdam niya ay tungkol iyon sa joint project nila sa clark. "In five months, we grew by 200%. Not because I am brilliant. But because I applied the law to my own bus

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status