LOGIN5 Years Later | NAIA Terminal 3Limang taon.Limang taon ng law school sa Leiden. Limang taon ng board meetings sa Amsterdam. Ilang mga kaso na ang naipanalo niya. Limang taon ng pagtakas. Limang taon ng pagpapalakas.At ngayon, bumalik na siya.Bumukas ang automatic doors ng NAIA Terminal 3. Mainit. Malagkit. Maingay na mga taong sumasalubong at nag hahatid sa mga mahal nila sa buhay, Ganon parin ang maynila.At sa gitna ng gulong iyon, lumabas sa pinto si Isabella El Fuego.28 years old na siya ngayon.Kung noon ay nakayuko at laging nakatago sa oversized na damit, ngayon ay hindi na siya makikilala. Suot ang cream white na tailored pantsuit, ang blazer naka-bukas lang para kita ang silk na inner. Nakasuot ng Sunglass, Mas mahaba na ang buhok niyang soft wavy black, bagsak hanggang bewang. Ang balat niya maputi, makinis, parang hindi dumaan sa kahirapan kailanman.Pero ang pinaka nagbago sa kanya ay ang titig niya. Dark brown eyes. Matapang. Untouchable. Yung tipo ng babaeng hindi
“…P-po?” Halos kumunot ang noo ni Bella sa mahaba ngunit walang paligoy-ligoy na mungkahi ng ginang. Lumapit pa ito sakanya at hinawakan ang isang kamay niyang nakapatong sa kumot. “Alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo, at mauunawaan ko kung hindi ka papayag.. Pero.. pag isipan mong maigi Isabella, Bata ka pa malayo pa ang mararating mo at nandito ako handang tulungan ka.” Hindi niya lubos maunawaan ang pinupunto ng ginang ngunit damang-dama niya ang mainit na palad nito sa kamay niya, magka halong sensiridad at pag-aalaga. Ang hindi niya maunawaan ay bakit siya ang napili nito gayong hindi naman siya lubos na kilala at kailan lamang sila nagkita. Hindi siya maka imik, hindi niya alam ang una niyang sasabihin at magiging reaksyon sa mga sinasabi nito. “I feel it, alam kong stranger parin ang tingin mo saakin kaya hayaan mo akong magpakilala ng maayos..” Binitawan nito ang kamay niya at binigyan siya ng magaan na ngiti. Ngiting nag sasabi ng kapanatagan sa
Isang malalim na boses. Galit. Malamig. Isang malakas na tunog. Parang may bumagsak. Naramdaman ni Bella na nawala ang mga kamay na humahawak sa kanya. May tumalsik sa gilid niya. Mainit. Hindi na niya maintindihan. Ang dilim na. Ang huli niyang narinig bago siya tuluyang mawalan ng malay... Isang boses. Malalim. Buo. Pero may pag-aalala. "Hold on. Don't you dare die on my arms." Naramdaman niya ang init na bumalot sa halos hubad niyang katawan. May kung anong tumakip na tela. At naramdaman niyang umangat siya. Magaan. Parang papel. Dilim na lahat. --- Hindi niya alam kung ilang oras o minuto ang lumipas. Nagising siya. Basang-basa. Nakalubog siya sa tubig. Maligamgam. Mabango. Inikot niya ang paningin. Hindi pamilyar. Malabo pa rin ang paningin, Malawak. Eleganteng CR. Marmol at Gold. Nakalubog siya sa malawak na bathtub. Marahan niyang kinapa ang sarili. Hubot-hubad. Sinubukan niyang tumayo. Pero nanghihina ang katawan. Bago pa siya tuluyang bum
---September 15. 7:00 PM. QC.Nakatayo si Bella sa tapat ng D’ YOUNG DON’s BAR.Hindi na siya yung basang-basa at nagmumukhang pulubi nung isang linggo. Dalawang linggo siyang nag-grind. Tutor sa umaga. Sideline sa gabi. Namasukan rin siyang crew sa isang fastfood resto. Kumain ng sapat sa araw-araw upang makabawi ang katawan mula sa isang linggong pagkalugmok.Para dito… Para sa gabing ‘to.Isang simpleng black dress. Hapit sa katawan, kita ang mapuputing binti at balikat. Bagong bili. Hindi ganon ka mahal pero ngayon lamang siya nakapag suot ng ganoong ka sexy na damit. Pinili niya talaga ‘yon hindi para magpa-impress kay Oliver kung hindi para ipakita na mabuti ang lagay niya ngayon at hindi nag tagumpay ang mga ito na wasakin siya bagkus nakatulong pa upang lalo siyang mag pursigi.Nakasuot rin siya ng bagong sandals. May kaunting heels. Nakaladlad ang alon alon na buhok hanggang baywang na lalong nag pa lutang sa magandang hubog ng katawan niya. Konting lipstick at face powder
Halos isang oras din siyang nag babad sa tubig. Hindi niya alintana ang ginaw. Gusto niyang mahimasmasan baka sakaling gumaan ang bigat na nararamdaman niya.Paglabas niya ng banyo, kinuha niya agad ang kanyang cellphone. Nakapatay ito. Lowbat.Chinarge niya muna ‘yon, gusto niyang burahin ang mga pictures at palitan nila ng sweet messages ni Oliver, lalong-lalo na ang numero nito na gusto niyang i-block. Ilang minuto pa, nagbukas ‘yon ,47 missed calls. Lahat kay Oliver. Last message 10 minutes ago..~Oliver Lopez: Bella, Wag ka magpapakamatay. Nagpadala ako sayo 2k. Pang-abala lang. Move on na tayo.Mahigpit niyang nahawakan ang telepono. Hindi niya alam ang mararamdaman sa sobrang kapal ng pagmumukha ng lalaki. “Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha Oliver? Sana nung una palang nakilala ko na ang tunay na ugali mo! Apat na taon akong nagpakahirap tapos papalitan mo lang ng 2k?” Napalakas ang mapait na tawa ni Bella. Tumulo ulit ang masasaganang luha niya sa mga mata na parang
Tumayo si Oliver. Niyakap si Andrea. Parang pagmamay-ari. “Tama na. Nakakahiya ka.”“Ako pa ang nakakahiya?!”“Oo!” sigaw ni Oliver. “Tapos na tayo, Bella! Tinatapos ko na! Kaya kung ano man ang mga narinig at nakikita mo ngayon, totoo ‘yon! 4 years na kami!”Napatigil ang mundo ni Bella.Huminga si Oliver. Tiningnan siya na parang wala lang. Na parang siya pa may sala. “Simula 1st year ko sa Law school oo mahal kita noon, Bella. Pero pakipot ka. Walang time. Laging trabaho, ni hindi ka nga marunong mag ayos ng sarili! Tignan mo ‘yang sarili mo sa salamin sinong matinong lalaki ang gaganahan? Tapos 5 years na tayo pero hindi mo man lang mabigay sarili mo sakin. Laging kasal muna!”.Tumawa siya ng mapait. “Pero si Andrea? Nandyan. Natatakbuhan ko pag stress. Binibigay niya lahat ng kailangan ng lalaki. Hindi gaya mo.”Gumuhit ang nakalalasong ngiti sa labi ni Andrea habang nakayakap kay Oliver. Tumingin kay Bella. “Sorry, bestie. Naunahan lang kita, ikaw naman kasi e wala kang







