"Love, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, I'm okay." Nakangiti naman niyang sagot. "Love, ang tahimik mo." Sabay ngiti ko rin. "Wala, may iniisp lang." "Ganun nga, ano ba 'yon. Pwede mo bang sabihin sa akin, para makatulong naman ako. Walang lihim sa ating dalawa diba?" Mahinhin kong tugon habang inaayos ang kwelyo niya. Kaka-ayos ko nga lang kanina tapos ngayon naman tabingi na naman. "It just nothing, honey. Dont think about me." "Bakit naman hindi? Asawa kita, asawa mo ako diba? Bakit naman hindi kita iisipin? Teka nga lang may tinatago ka ba sa akin, Love???" Sabay lagay ng dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko, habang malalim ko siyang tinitigan. Napakurap siya, tila'y kinakabahan siya. Bakit ba ganito, pakiramdam ko may nililihim siya sa akin. Gaano ba ka-importante 'yon? Bakit hindi man lang niya sa akin sinasabi? Wala ba siyang tiwala sa akin? Wala siyang tiwala na baka matulungan kong sulosyonan ang problema niya??? "Honey, hindi naman sa ganun. Maram
DAVID POV. Sa ilang taon na nakaraan, naging isa akong agent, secret agent. Pero, sa sitwasyon ngayon parang hindi ko alam kung saan ako mag-uuna sa gagawin ko. Mahirap ang bagay na 'to, hindi ko matanggap-tanggap. Na akasuhan pa si, Mylene sa pagpatay. Magaling din ang nasa likod ng buong pangyayari. Pero, nagtataka ako dahil ang lakas naman ng loob nila. Pumapasok sa isip ko, malapit lang talaga sa amin ang mga taong 'to. Pero sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino. Nababahala ako kay, Nelia. Hindi ko talaga siya napigilan at hidni ko talaga siya mapipigilan. Kilala ko siya, kung gusto niyang maghiganti gagawin niya. Kung ano ang gusto niya, kukunin niya. May pagkamalala din siya, dahil mula nang mga bata pa kami, kaya niyang makipagsabayan ng away sa ibang tao para lang maprotektahan kami. Mahirap kontrolin si, Nelia. Lalo na kapag malaman niya kung sino ang nasa likod nito. Simple lang ang pinapakita niya, pero delekado pa siya sa sobrang delekado. By the way, narito ako sa lo
"Hindi ka lang hangal, hambog pa! Baka nakakalimutan mo, galing ka lang sa mababang buhay. Kung hindi ka lang pinabalik ng walang kwenta mong ama! Nasa kangkongan ka pa rin ngayon, David! Napakawalang hiya mo talaga! Lahat ay kinuha mo na! Dapat mula bata ka pa, namatay ka na lang!" Familiar sa akin ang bagay na 'to, kung hindi ako nagkakamali, siya ang pinsan ko. Ang kapatid kong walang ibang inisip kundi ang sarili niya. Damn it! Kailan ba niya ako titigilan! Bakit siya kasama ng masasamang taong 'to! Mali ba ang pagkakilala ko sa kaniya? Iba naman ang pinapakita niya sa harap ng aming pamilya!"Mikel, anong ginagawa mo? Paano mo nagawa sa akin 'to??? Asan ka? Lumabas ka diyan sa pinagtataguan mo at harapin mo ako!" "David, ang galing mo talagang manghula kung sino ako." Ang boses niya ay natutuwa pa. "Tinatanong mo kung bakit?" Bigla naman siyang lumitaw galing sa bintana banda. "Tsk! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako ang naka-upo ngayon sa pwesto mo kahit ako ang karapat-da
NELIA POV.Narito pa rin kami sa loob ng kwarto ni, Pengpeng. Walang magawa kundi ang pagmasdan si Pengpeng. Habang si Anderson naman hinayaan ko na rin munang mapag-isa. Nakatingin ang aking mga mata sa ibaba, habang nararamdaman ang lamig. Hindi lang lamig sa loob ng kwarto, kundi lamig din na dinadala kung saan patungo sa dibdib ko. Nakatarak pa rin rito ang kutsilyo hindi ko alam kung kailan mabubunot. Dahilan na hindi naghihilom ang sakit nito. Paulit-ulit man ako sa sinsasabi ko minsan. Ganito talaga kapag nais kong makipaghigante, ngunit malalim na ang nasa isip kong plano. Kaya ko naman sigurong gumalaw ng mag-isa. Ngunit, natatakot akong may mangyaring masama sa akin, dahil makakasakit ako ng iba. Tulad na lang kay David, Mylene at mas lalo na kay, Anderson. Sa mga salitang binitawan ni Anderson, natatakot akong mawala rin siya sa akin. Ang pag-ibig, iba talaga hindi natin makokontrol. Iniisip ko pa rin kung kailan magigising si Pengpeng. Sana lang makadlaa pa rito si, Mylen
Matapos kong makita na ibinaba na ni, Anderson ang tawag. Agad akong lumapit sakaniya. Hindi para alamin dahil, personal na bagay niya na 'yon. Kundi sabihin sa kaniya na magpapaalam muna ako dahil may gagawin akong importanteng bagay. At 'yon ang umpisahan ang imbestigasiyon. Ngunit, akmang magsasalita pa lang ako ay bigla niya akong inunahan."Honey, sumama ka sa akin mamayang gabi. My mom, wanted to meet you again. Tumawag ang mommy ko at gusto ka niyang makasama sa dinner. Is it okay to you?" Hindi ko alam kung palayag ba ako o tatanggi. Pero, kung hindi naman ako sasama, baka mamaya ano na lang ang isipin ng pamilya niya tungkol sa akin. Hindi ko ein pwedeng, ipahiya si Anderson, sa harap ng pamilya niya. Mukhang uunahin ko muna 'to at ipagpapaliban ang imbestigasiyon. But, I think, baka may makuha din ako kung sakaling na roon din si Menda. Wala naman akong ibang pinagdududahan, kundi siya. Bigla na lang siya naging bula matapos mangyari ang lahat ng ito. Tanging siya lang rin n
Ilang minuto ang nakalipas. Narito na kami sa kwarto ngayon. Agad akong napahilata dahil nanabik din ako rito. Dahil sa sabik, napalangoy langoy pa ako. Kagit walang tubig, kundi parang ulap. Ang lambot talaga nito, nakakatanggal ng stress ko. Mabuti na lang nakabisita din kami ngayon dito. Nang makaramdam ako ng bagot ay napa-upo naman ako. Pero, kapagod sa pakiramdam parang inaantok ako. Teka nga lang asan na ba si, Anderson? Ano ba ang ginagawa niya sa kabilang kwarto? Ang daya naman ng asawa ko, hindi man lang ako sinamahan dito. Hay naku, hindi bale na nga lang. Muli akong napahiga. Gustong-gusto na din pumikit ng mga mata ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Hindi ko na ito ikinagulat dahil sanay na ako sa ganito. Alam kong si, Anderson naman. Nakakatuwa talaga siya. Subalit ang kaniyang yakap ay tila'y may ibang pinapahiwatig. Naku po, nais niya atang maka-score ngayon. Pagbibigyan ko ba? Dapat matulog na lang din siya baka mamaya mapuyat kami sa dinner kasama an
"Love, ayos lang ba ang suot ko? Parang ang iksi, hindi ba nakakahiya sa parents mo ang suot ko, love?" Inayos ayos ko nang maigi ang damit ko. Oo, modela ako pero parang nahihiya ako ngayon sa family niya. Kinakabahan din ako, ano kaya ang sadya sa akin ni Tita."It's okay honey. Your beautiful on that dress. Don't worry about my parents, you know them already. My mom's like you, so just calm." Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Patuloy kaming lumakad, sa tapat pa lang ng malaking pintuan, mas lalo na akong kinabahan na parang ewan. Pero, inayos ko pa rin ang aking tindig. Dapat, maging positive lang din ang isipin ko ngayon para maging maayos ang lahat. Napahinga ako nang malalim, habang napahawak sa braso ni, Anderson. Kalaunan pa, biglang bumukas ang pintuan kahit hindi naman ito binuksan ni, Anderson. Pagkabukas nito, parang may party na nagaganap. Anong meron??? Wala naman si, Anderson, binabanggit sa akin tungkol rito. Naguguluhan tuloy ako ngayon. Hindi naman kaya ma
"By the way, tita I have a gift for you. I hope you like it." Nakangiti pa talaga siya. Ito naman si, Anderson hindi sinabi ayan tuloy wala akong gift na maibigay kay, Tita. Hindi ko alam parang nahihiya tuloy ako. Tsk! Toyak na gagamitin na naman itong alas ni, Menda. "How about you, Nelia? Where is your gift for Tita?" Sinasabi ko na nga ba at gagamitin niya itong alas. Ei! Ano sasabihin ko, wala??? Hayssss ano ba 'yan. Sa bagay dapat magpakatotoo ako, total hindi naman ako kagaya niyang sinungaling. "Ahmm, wa-" "Of course my wife have a gift to my mom." Laking gulat ko nang pagputol ni, Anderson sa sasabihin ko. Ano naman ang gift ko? Ehh, wala nga akong dala kahit isa. Pinagsasabi nito, ako pa mamaya malagot nito. Kalaunan, itinaas niya ang kamay niya na parang isang sign. Hanggang sa dito lumabas ang mga lalaking, may dala na mga alahas. Halos hindi ako makapagsalita, habang gulat na gulat sa nakikita. Wahhh! Anong inagawa ni Anderson, wala naman akong alam sa ganitong bagay
"Wala kaming magagawa, buntis ka na pala. Pero, kailan pa?" seryosong tanong sa akin ni David. Nagtungo kami rito sa cafeteria upang dito na pag-usapan ang lahat lahat. "Sorry, ngayon ko lang din naman nalaman ehh. Nahuli ako, ngayon ko lang natuklasan na buntis ako. Talo pa rin ako diba? Talo pa rin ako ni Menda dahil na una siya kaysa sa akin diba?" mahinang boses na lumabas sa bibig ko. Puno pa rin nang paghihinagpis at lamig ang laman ng puso ko "Anong pinagsasabi mo? Anong na una si Menda? Tandaan mo 'to Nelia, ikaw pa rin ang naging asawa ni Anderson. Anong pakealam ni Menda? Tsk! Mas na una ka pa rin Nelia," madiin na sinabi ni Peng. "Tama si Peng, isa pa huwag ka nga mag-isip nang ganyan. Nandiyan na ang bata, wala ka nang ibang magagawa kundi ang gampanan ang pagiging mabuting Ina. Nelia, kilala ka namin kaya mo." Mahinahon na dagdag ni Mylene. "Parang magiging mas lalo lang maging magulo kapag malaman ni Anderson na bunsti ako. Lalo lang lalaki ang gulo at issues." Mukh
NELIA POV."Doc, kumusta po ang result? Maayos lang naman po siguro ang lagay ko po diba? Doc, wala naman po siguro akong malalang sakit diba? Maayos lang ang lagay ko. Wala akong stomach cancer diba?" Tarantang tanong ko sa doctor. Kahit paano ay natatakot din akong alamin ang totoo. Takot ako na kung ano ang mangyari sa akin. "Wait Mrs. Nelia Montealto. Ahmm, huwag po kayong mag-alala, walang problema. Maayos lang ang lahat. Normal naman ang naging resulta. Hindi din bad news kundi ay isang good news," nakangiting wika nito."Huh? Anong good news? Ilang araw pong naging masakit ang tiyan ko. Tapos, duwal po ako nang duwal. Nahihilo din po ako palagi. Minsan kapag nakakaamoy ako nang mabahong amoy naduduwal din po ako. Tapos, may mga gusto akong gawin at kainin. Yung tipong, atat na atat po ako. Tapos naiinis ako kapag hindi ko 'yon makuha. Doc, anong good news do'n?" Pagtataka ko, subalit nakangiti lamang siya sa akin."Ma'am, you're pregnant." Tila'y huminto ang oras ko nang mari
Sa ngayon wala akong gana makipag-usap. Kaya, hinayaan muna ako ni Anderson. Gusto kong mapag-isa siguro naman ganun din ang nararamdaman niya. Magkaiba kami ng kwarto pero iisa pa rin naman ang tinutuloyan namin' dalawa. Marahan akong napahiga sa kama pilit na natutulog pero hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa utak. "Aray!" Mahinang tugon ko sa sarili ko subalit may malalim itong tuno. Ang sakit ng tiyan ko, sobra ang hapdi. Dapat pala nag-pacheck up na ako. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko manlang pinapansin dahil ang dami kong inunang bagay. Bukas na lang siguro. PENGPENG POV. "Bwesit na Menda 'yon, wala na ba siyang ibang magawa kundi saktan ang kaibigan natin? Walang hiya siya, malandi talaga. Halata naman na hindi siya papatulan ni Anderson diba? Kaya bakit si Anderson pa talaga ang naging ama ng anak niya? Tsk! Bwesit!" Pasigaw na bulalas ko rito sa condo ko habang kaharap ko sina Mylene ay David. "Tama na Peng, tama na
Mahigpit akong hinawakan ni Anderson. Hinila niya ako sa mga kaibigan ko. "Love, ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ako love, baka kung ano ang isipin ng mga nakatingin sa atin..." Pagpupumiglas ko sa kaniya. Ngunit, tila'y hindi niya 'to naririnig. Nagawa ko pang pumiglas ulit. Subalit, mas humigpit lang ang pagkahawak niya sa akin. "Aaa!" Biglang sigaw na lumabas sa aking bibig, matapos akong matapilok. "Ang sakit..." Dagdag ko pa. Napatigil siya kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at ibinaba niya ang tingin niya sa mga paa ko. Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. Pwede bang alalahanin mo muna ang sarili mo bago ako. "I'm sorry." "Teka, ano ang ginagawa mo?" Bulalas ko nang bigla niya akong binuhat. "I'm sorry, ilang beses na kitang nasaktan." Ramdam na ramdam ko ang bumabalot na pagsisi at kalungkutan sa tinig ng boses niya. Hindi ako naka-sagot, bagkus ay deretso lang ang tingin ko sa mata niya. Kalaunan, nagpatuloy siyang maglakad habang bitbit ako.
Dahan-dahan na nais kumawala ng luha ko. Ngunit, pilit ko 'tong pinigilan. Saksi ako sa magulong iniisip ni Anderson. Sino ang pakikinggan ko ngayon ang puso ko ang puso niya. Marahan kong inayos ang sarili ko sabay hinga ng malalim. Napahawak ako sa kamay niya ramdam ko ang panlalamig niya. Maya-maya pa, pansin ko ang pagtulo ng luha niya. Lubos akong nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko. Pangarap ni Anderson ang magka-anak, pero hindi ko pa naibigay. Ngayon naman buntis si Menda sa kaniya. Paano na ako nito, natatakot akong mawala siya sa akin. Maya-maya pa, humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bigla siyang napayakap sa akin. Ngunit, ang kaninang pagluha niya ay napalitan ng galit. Ramdam na ramdam ko 'to kahit hindi niya sa akin sabihin."No, hindi ko matatanggap 'to. Honey, promise me please. You won't leave me. Just stay at my side. I'll promise I will do everything para malaman kung ano ko ba talaga ang pinagbu
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b