Share

Chapter 42

Nagising ako nang may narinig akong nahulog at nabasag na bagay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Maawa ka sa akin, Ken. Nahihirapan na ako - Ah!"

Sumilip ako sa maliit na butas nang narinig ko ang pagdaing ng babaeng tumulong sa akin kanina. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko si Ken. Nakakadena ang mga kamay at paa ng babae. Hinuhubaran niya ito habang umiiyak. Tatayo na sana ako ngunit biglang tumingin ang babae sa akin. Napapailing siya.

"Tama na, Ken. Pagod na pagod na ako. Pakawalan mo na ako rito," pagmamakaawa ng babae.

"Hindi, Clarissa. Hindi kita papakawalan dito hanggat hindi ko nakikita si Caroline," sabi ni Ken. Hinalikan niya si Clarissa sa leeg. Nagpumiglas ito pero tinawanan lang siya ni Ken. "Papakawalan lang kita kapag kinasal na kami. Gagawin ko rin sa kaniya ang ginagawa ko sa 'yo."

"Napakademonyo mo talaga! Akala ko isa kang anghel na nahulog sa langit. Anak ka pala ng demonyo!" galit na sigaw ni Clarissa.

"Dahan-dahan lang sa pananalita,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status