Share

Chapter 5

"This is so unfair, Dad! Si Ate Cecile pinapayagan niyong magkaroon ng boyfriend. Habang ako pinagkalulo niyo ako sa isang adik!" sigaw ni Caroline. Pumikit siya at hinayaan ang mga luhang lumabas sa kaniyang mga mata. "You're so unfair! Inaalisan niyo ako ng karapatang gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin! Naging mabait akong anak, Dad. Sinunod ko lahat ng mga sinasabi niyo. Pero maling-mali ang ipagkalulo niyo ako sa taong 'yon!"

"Sir, nandito na po ang hinihintay niyo." Anunsiyo ng kanilang katulong na si Marikit.

Bumuntong hininga si Samson. "Papasukin mo."

Pinunasan ni Caroline ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. Padabog na umupo si Glenda sa couch bago sumimsim ng tea. Masama niyang tinitingnan ang kaniyang anak.

Sinalubong ni Samson ang bagong hired na personal bodyguard ni Caroline. Ngumiti si Glenda at sumunod sa kaniyang asawa.

"Mabuti naman at nakarating ka. Tamang-tama at kauuwi lang din ng pasaway naming anak." Sabi ni Glenda at sinulyapan si Caroline na nakatalikod habang pinupunasan ang mukha.

Ikinuyom ni Caroline ang kaniyang mga kamay. Kailanman ay hindi siya naging pasaway na anak. Hindi niya alam kung bakit ganun ang tingin ng kaniyang mga magulang sa kaniya.

"Halika rito, hijo." Nakangiting sabi ni Samson at iginiya ang binata patungo sa couch. "I want you to meet our daughter."

"Caroline," tawag ni Samson sa kaniya. Dahan-dahan siyang humarap at nag-angat ng tingin. "This is Caroline, our second daughter. Siya ang babantayan mo."

Kumunot ang noo ni Caroline nang nakita niya muli ang naka-one-night stand niyang si Miguel. Nakasuot na ito ng black suit. Hindi siya makagalaw sa kinatatayoan niya. Ngumiti ang binata sa kaniya bago ito lumapit para magpakilala.

"I'm Miguel De Castro. Your personal bodyguard, Ma'am."

"Hindi ka aalis ng bahay nang hindi siya kasa-"

"No!" pagputol ni Caroline sa kaniyang ama. "Hindi ko kailangan ng taong magbabantay sa akin, Dad. Hindi na ako bata!"

"Caroline!" saway ng kaniyang ina.

Sinulyapan niya si Miguel. Nanatili lang itong nakatayo at nakayuko. Suminghap siya nang muli na naman sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila. Mas lalo siyang hindi makakalimot sa taong naka-one-night stand niya dahil palagi niya na itong makikita. Hindi niya alam na nagtatrabaho pala ang lalaki sa kaniyang mga magulang.

Ikinuyom ni Caroline ang kaniyang mga kamay. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapaalis sa trabaho si Miguel.

"Miguel, ikaw muna ang bahala sa anak namin habang nasa business trip kami. I-report mo sa amin lahat ng ginagawa niya at mga lakad niya," sabi ni Samson.

Tumango lang si Miguel at sinulyapan si Caroline na masamang nakatingin sa kaniya.

"Damn it!" sigaw ni Caroline bago nag-walk out.

Pagkatapos kausapin ng mga magulang ni Caroline si Miguel ay dumiretso siya sa kaniyang silid. Inayos niya ang kaniyang mga gamit bago humiga sa kama. Wala siyang ideya na anak pala ng kaniyang bagong amo ang babaeng nakasama niya kagabi.

Bumuntong hininga si Miguel habang kinukwenta ang perang kakailanganin niya para sa operasyon ng kaniyang kapatid. Hindi sapat ang perang naipon niya sa pagpapagamot ng kapatid niyang si Michelle. Naibenta niya na ang bahay at lupang nabili niya pero kulang pa rin.

Magtatrabaho siya ng limang buwan sa pamilya ni Caroline bilang personal bodyguard ng dalaga. Kung maayos ang performance niya ay may posibilidad na pwede siyang magtagal sa kaniyang trabaho.

Hindi na bago sa kaniya ang mga gagawin dahil ganito rin ang dati niyang trabaho. Huminto lang siya sa pagtatrabaho bilang bodyguard sa dati niyang amo dahil mas malaki ang sahod na makukuha niya sa pamilya ni Caroline.

Bumangon si Miguel sa pagkakahiga para tawagan ang kaniyang ina at makausap ang kapatid. Matagal na rin siyang hindi nakakadalaw sa pamilya niya dahil naging abala siya sa paghahanap ng mapapasukang trabaho na may malaking sahod.

"Hello, Miggy. Napatawag ka?" tanong ng kaniyang ina na si Cherry.

"Kumusta na po kayo? Si Michelle po?"

Hindi agad nakasagot si Cherry sa tanong ng kaniyang anak. Natatakot siyang ibalita kay Miguel na palala nang palala ang kondisyon ni Michelle.

"Natutulog na ang kapatid mo." Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Cherry saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Miguel, ang sabi sa akin ng doctor kahapon lumalala na raw ang kondisyon ng kapatid mo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin matawagan ang ama mo. Alam mo naman na may bago na siyang pamilya."

Huminga ng malalim si Miguel bago nagsalita. Hindi pa rin sapat ang perang naipon niya para sa operasyon ng kaniyang kapatid.

"Gagawa po ako ng paraan. Kakausapin ko po ang amo ko kung pwede ba akong mag-cash advanced."

"Maraming salamat, Miggy."

"Pakisabi na lang po kay Michelle na nangungumusta ako sa kaniya. Sabihin niyo po na labanan niya ang sakit niya. Kunting tiis na lang at maooperahan na siya."

Pagkatapos niyang kausapin ang kaniyang ina ay pinadalhan niya ito ng pera na magagamit sa hospital. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata nang naramdaman ang pagsakit ng kaniyang ulo. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera. Kailangan niyang makumpleto ang perang kakailanganin nila sa operasyon sa lalong madaling panahon dahil nanganganib ang buhay ng kaniyang kapatid.

Buong araw nagkulong si Caroline sa kaniyang kuwarto. Hindi niya rin tinatanggap ang mga pagkaing dinadala ng mga katulong. Gusto niyang magpahinga, masakit ang ulo niya at ang pribadong parte ng kaniyang katawan. Hindi niya lubos akalaing naibigay niya ang kaniyang sarili sa kaniyang personal bodyguard.

She grunted as she remembered how mischievous Miguel was earlier in the morning, and now he was acting formal in front of her parents. She felt deceived by Miguel, thinking he was a model or a famous person.

She turned towards the door when she heard a knock. Quickly, she hid under the blanket and pretended to be asleep. She heard the door open.

"Caroline..." Alexander called out to her. She cursed in her mind. "I brought you some food. Tita said you haven't eaten yet."

Maingat na inilagay ni Alexander ang dala niyang pagkain sa table. Hindi nakinig si Caroline. Wala siyang balak na kausapin ang binata. Pagod na pagod na siya sa pagtataboy kay Alexander. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin para tumigil ito sa panliligaw sa kaniya.

"Kumain ka na. Gusto mo bang suboan kita?" Ngumiti si Alexander at umupo sa kama ni Caroline.

Mas lalong nainis si Caroline kay Alexander. Pakiramdam niya ay bata ang pagtingin ng lahat sa kaniya. She's 22 years old at mahigpit pa rin siyang pinagbabawalan ng kaniyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend.

"Tulog pa rin ba si Caroline, hijo?" tanong ni Glenda pagpasok niya sa silid ng anak. Bumaling siya kay Caroline at ginising ito.

"Ayos lang po, Tita. Hihintayin ko na lang po siyang magising."

Tumayo si Alexander at tumabi kay Glenda.

"Bukas ka na lang umuwi sa inyo. Dito ka na lang matulog."

Napakamot ng ulo si Alexander bago nagsalita. "Nakakahiya naman po. Uuwi na lang po ako sa amin mamaya."

"Huwag kang mahiya, hijo. Total magiging boyfriend ka rin naman ng anak ko at magiging asawa mo na siya kapag ikinasal na kayo. Pagpasensiyahan mo na 'tong anak ko. Lalambot din ang puso ni Caroline sa 'yo," sabi ni Glenda at tinapik ang balikat ni Alexander.

Mas lalong nakaramdam ng galit si Caroline sa kaniyang ina. Hindi pa nga siya nakakaranas na magkaroon ng boyfriend ay ipapakasal na siya sa taong kinamumuhian niya. Habang ang kaniyang kapatid na si Cecile ay malayang nagagawa at nakukuha ang lahat ng kagustohan nito sa buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status