Share

One Rule: Don't Fall
One Rule: Don't Fall
Author: nexirie

Chapter 1

Chapter 1: Offer

"Anak ka ng tokwa oh! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa ako nawalan ng trabaho? Maliit na ngalang ang sweldo tapos tinanggal pa ako!" Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga pagkatapos kong sabihin iyon.

"Edi maghanap ka ng bagaong trabaho," sagot sa'kin ng kaibigan ko habang nakatutok ang mga mata niya sa hawak niyang cellphone.

"Mabuti sana kung ganoon lang kadali maghanap ng trabaho ngayon Bri," seryosong sagot ko. "Alam mo na sobrang hirap maghanap ng trabaho ngayon. Ikaw nga walang trabaho, e."

"Ouch ha! Hindi ko naman kasi kailangan magtrabaho 'no. Kasama ko ang parents ko, may boyfriend akong may pera at kahit papaano kami rin ay may pera." Sa sinabi ng kaibigan ko ay parang nanghina ako.

Siguro kung meron man na pinaka malas na tao sa mundo masasabi ko na ako na iyon. Iniwan na nga ako ng mga magulang ko sa Lola at Lolo ko kasama ang Auntie ko na sobrang mapintas, ako na nga ang bumubuhay sakanila tapos ngayon mawawalan pa ako ng trabaho. Paano na ako nito? Ano nalang ang gagawin ko? Sigurado ako na kapag nalaman ito ni Auntie ay hindi lang masasakit na salita ang matatanggap ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala galing sa mga mata ko. Gusto ko rin ng buhay na katulad ng kaibigan ko. Iyong may mga magulang ka na nasa tabi mo sa tuwing kailangan mo sila. Yung buhay na parang walang problema, gusto ko rin maranasan iyon kahit minsan lang. Gusto ko rin makaranas ng ganoong buhay kahit sa isang araw lang pero alam ko naman na malabo iyon, sobrang malabo na mangyare iyon.

"Paano ka na ngayon n'yan? Ikaw lang inaasahan ng Auntie mo kasi tamad silang magtrabaho ng asawa niya, may mga anak pa sila, 'yong Lola at Lolo mo pa!" Naramdaman ko ang mabigat niyang kamay sa balikat ko pagkatapos niyang sabihin iyon. "Alam mo Solene hindi mo naman kailangan gawin 'yan, e. Hindi mo kailangan magtrabaho para sakanila. Sarili mo nalang dapat ang iniisip mo kasi wala ka namang mga magulang,"

"Sila ang kumupkup sa'kin—"

"Ayon na nga! Andoon na nga tayo. Sila ang kumupkup sa'yo pero grabe naman sila kasi simula noong bata ka pa e ikaw na ang gumagawa ng paraan para makakain sila. Ikaw na nga ang nagpapaaral sa sarili mo tapos ikaw pa ang nagpapakain sakanila! Hindi mo na sila probema oy!" Halata sa boses niya ang inis habang sinasabi niya iyon.

Nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga ulit.

"Patay ako nito, Bri. Anong gagawin ko ngayon?" Tumigil ako sa paglalakad noong tumigil siya. Dahan-dahan kong itinagilid ang ulo ko at tinignan siya. 

Ngumiti ito. "H'wag ka na umuwi sainyo."

"Siraulo 'to!" Malakas ko siyang hinampas at napairap dahil sa walang kwentang sagot niya. 

Nakakita ako ng isang bakanteng bench sa gilid, sa harapan ng store kung saan kami nakatayo ngayon kaya naglakad ako patungo roon para umupo. Umupo ako at inilapag sa hita ko ang bag na dala-dala ko bago yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiinis ako. Masipag naman ako, bakit kailangan pa nila akong tanggalin sa Cafe? Matagal-tagal narin ako roon tapos ngayon biglang papaalisin nalang ako.

Umupo sa tabi ko si Bri, ang kaibigan ko matagal na mula palang noong highschool kami. Mahina niyang itinapik ang likod ko na siyang dahilan para sunod-sunod na lumandas sa pisnge ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Dito ka lang ha? Bibili lang ako sa loob ng store, babalik din agad ako." Paalam niya kaya dahan-dahan akong tumango.

Hindi na tumigil ang luha ko. Nagmistula iyong waterfalls dahil sa sunod-sunod at walang tigil na lumandas sa pisnge ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko at kung paano ko mamaya ang sasabihin sakanila na wala na akong trabaho. 

Bakit ba kasi pinanganak pa ako? Pinanganak lang ata ako para sakanila, para maging alila nila. Pinanganak at nabuhay lang ata ako sa mundo para magdusa. Gusto ko nalang maging bula ngayon. Gusto ko na maglaho nalang bigla at h'wag na bumalik pa.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko bago pinunasan ang luha ko. Tinignan ko ang mga sasakyan na nagmistulang nagkakakarera sa daan. Ilang minuto akong nakatingin at pinapanood lang ang mga sasakyan hanggang sa may isang ideya na pumasok sa isip ko. Isang ideya na alam kong tatapos sa problema ko ngayon. Dahan-dahan akong tumayo at nag-umpisang maglakad. May mga nakakabunggo pa akong mga tao pero hindi ko na nagawa pang humihingi ng pasensya ko sumulyap man lang sakanila. Alam naman siguro na may problema ang tao at hindi naman sila tanga para hindi makita ang mga namumula kong mga mata na kakagaling lang sa pag-iyak.

Nagsimula akong maglakad sa kalsada. Walang pakealam kung mabunggo ako dahil sa iyon talaga ang plano ko. Nakakawalang gana mabuhay. Mabuti rin sana kung maayos ang buhay ko pero hindi.

"Ano ba naman kasi e! Bakit ba ganito ang buhay ko!" Nagsimula na namang maglaglagan ang luha ko noong nasa gitna na ako ng kalsada.

Tumigil ako roon at hinarap ang isang sasakyan na palapit na sa akin. Ang ibang mga sasakyan naman ay bumubusina pero hindi na ako tumabi pa. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ipinikit ang mga mata ko, ready na sa mga susunod na mangyayare. Hindi ko alam pero parang nawalan na kasi ako ng gana sa lahat. Ito nalang din ang naiisipan kong solusyon sa problema ko.

Hinihintay ko na mabunggo ako ng sasakyan na nasa harapan ko na kanina. Nakita ko na malapit na iyon sa'kin, halos mapapikit na nga ako dahil sa ilaw ng sasakyan pero wala, wala akong naramdaman na nakabunggo sa'kin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Buhay parin ako?" Tanong ko sa sarili ko bago dumapo ang mga mata ko sa sasakyan na nasa harapan ko. Muntik ulit ako mapapikit dahil sa ilaw ng sasakyan niya na tumatama sa mga mata ko.

Hindi tinted ang sasakyan niya kaya kitang-kita ko ang mukha niya sa loob, kitang-kita ko na nakatingin siya sa'kin, seryoso siyang nakatingin sa'kin. Nakipagsabayan siya sa mga malalim kong tingin bago siya bumaba sa sasakyan niya. Sumunod nalang ang mga mata ko sakanya hanggang sa nasa harapan ko na siya at biglang hinawakan ang braso ko. 

Nagulat ako roon at hindi na nagawang maglaban pa dahil sa bigla niya akong ipinasok sa sasakyan niya. Sumunod ulit ang mga mata ko sakanya noong umikot siya hanggang sa makapasok na siya at doon na ako nabahala noong tinapunan niya ako nang tingin.

"Hoy, bakit ganyan ka makatingin? Sandali— saan mo ako dadalhin? Dadalhin mo ba ako sa presinto? Ano ba naman 'to oh! Bibigyan mo na naman ako ng problema e! Madami na akong problema sa buhay h'wag mo na dagdagan pa oh!" Halos maiyak na ako habang sinasabi ko iyon dahil sa naiisip kong posibleng mangyare kapag dinala niya ako sa presinto.

"Could you please shut your mouth for a while?" May halong inis ang boses nito na nagpadagdag sa kaba na nararamdaman ko ngayon. "You have a problem that's why you wanted to end your life? You didn't even think if I got hit you I was the one who will have a problem after? I can even go to jail if I got hit you and if you die."

"Edi sorry akin! Sana lumiko ka nalang para ibang sasakyan yung makabangga sa'kin," pinipigilan ko ang sarili ko na h'wag maiyak at h'wag ipakita sakanya na kinakabahan ako.

"What?" Anak ka ng malas oh! Okay sana kung hindi siya marunong magtagalog basta nakakaintindi lang ng tagalog.

"Wala, sana binangga mo nalang ako. Mas mabuti pa iyon. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makipag-englishan sa'yo." Biro ko lang naman iyon kasi hindi naman siya nakakaintindi ng tagalog pero nagulat ako noong mahina siyang natawa.

"I can speak tagalog and I understand tagalog," napatingin ako sakanya dahil doon. Nakangiti siya habang napa-iling-iling. "What I mean is what? Gusto mo na ibang tao ang makabangga sa'yo? Binigyan mo pa sila ng problema."

"Kung ikaw kasi nasa sitwasyon ko siguro mas pipiliin mo nalang magpabangga sa kalsada," ibinalik ko ang mga mata ko sa kalsada.

"Everyone has a problem. Mas mahirap at mas mabigat pa nga sa problema mo."

"Oo na nga. Ano na? Bakit mo ba ako sinakay sa sasakyan mo? Saan mo ako dadalhin? May balak ka bang dalhin ako sa presinto?" Iniba ko ang usapan namin.

Hindi agad siya sumagot kaya hindi na ako nagsalita pa. Tumingin nalang ako sa labas. Inisip ko na naman ang sasabihin ko mamaya sa Auntie ko dahil alam ko talaga na ikakagalit niya kapag nawalan ako ng trabaho, posible na palayasin niya pa ako. Saan nalang ako titira? Wala na nga akong trabaho tapos papalayasin pa ako? Mabuti sana kung meron akong pera. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa labas pero nabalik lang ako sa realidad noong tumigil ang sasakyan.

Nauna siyang lumabas at nagulat ako noong pinagbuksan niya rin ako ng pintuan ng sasakyan kaya lumabas din agad ako. Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa harapan kami ng isang malaking bahay. 

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko.

"Okay, ayoko na magpaligoy-ligoy pa. I am a straight forward person so... I wanted to offer you something," binuksan niya ang pintuan ng bahay at sumandal sa hamba nito. "You have a problem right?"

"Oo tapos ano ngayon?"

"Pera?"

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad kong niyakap ang sarili ko. 

"Hindi ako ganoong babae! Oo, may problema ako sa pera pero kahit kailan hindi ko inisip ang mga ganyang gawain para lang magkapera 'no! Hindi—"

"What the fuck are you thinking? Excuse me, girls chased after me, hindi ko kailangan magbayad ng babae 'no." Naningkit din ang mga mata niya. "I just wanted to offer you a money because as you've said, your problem is money and I have a countless money."

Gusto ko siya sagutin na 'share mo lang' kasi akala ko nagbibiro lang siya roon pero mukhang seryoso naman siya. Halatang seryoso siya.

"Gusto ko makuha ang anak ko sa mother ko." Deretsong sabi niya.

"Oh ngayon? Madami ka namang pera sabi mo, diba? Edi ipa-kidnapp mo," napairap siya dahil sa sinabi ko.

"Are you for real? Ugh! Napaka-useless mo kausap!" Napahilot siya ng sentido niya bago bumuntong hininga. "Just accept my offer, please? Hindi naman ito favor lang, offer ito at malaking halaga rin naman ang makukuha mo sa'kin once I get my daughter."

"Anong offer ba 'yan?"

"Marry me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status