LOGINSa pagbabalik-tanaw niya, halos nakahinga siya nang maluwag dahil hindi siya gumawa ng eksena sa bahay ng mga Valencia. Kung hindi, baka mas malala pa ang naging gulo.
Tumigil ang mga daliri ni Wade sa paglalaro ng ballpen. Halos hindi mahahalata ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay niya. Hindi pa nga siya tapos komprontahin ni Klaire, pero itinuturing na nitong simpleng pagkakamali ang lahat.
Akala ba nito, ganoon lang kadaling umalis na parang walang nangyari?
Bahagyang ngumiti si Wade, pero hindi pa rin mabasa ang ekspresyon niya.
“Ang ibig mo bang sabihin, tatawagin na lang nating aksidente ang lahat at magpapanggap na walang nangyari? Ganoon lang?”
Hindi sumagot si Klaire.
Anong sinasabi nitong pagiging inosente? Kung umasta ito, para bang isa itong inosenteng ginoo. Pero sapat ang naaalala niya para malaman na hindi naman ito tumutol nang husto sa nangyari.
Sa totoo lang, nagulat siya sa kumpiyansa at husay nito noong gabing iyon. Gayunpaman, halata namang balak siyang pagbayarin nito sa pagtakas niya. Ang hindi lang niya alam ay kung paano, at lalo siyang kinakabahan habang iniisip iyon.
Napalunok siya bago sumagot. “Hindi naman po kayo nagsisi sa nangyari.”
Natawa si Wade. “Hindi ka rin naman nagsisi.”
Sandali itong tumigil, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Tutal, anim na beses naman tayong nag-sex.”
Tuluyang natigilan si Klaire. Kaya pala halos hindi siya makatayo kinabukasan.
Ang kapal talaga ng mukha nito! Anim na beses na nga silang nagsex, pero kung umasta ito, para bang may kulang pa rin. Ano bang gusto nito, ulitin nila?
Sa isip pa lang niya, nanghihina na ang mga tuhod niya.
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili at agad na nagpalit ng usapan.
“Kung ano man ang nangyari, hindi lang naman ikaw ang nag-iisang nag-enjoy. Wala tayong mapapala kung palalakihin pa natin ito. Kalimutan na lang natin.”
Hindi niya iniwas ang tingin dito. “Promise, wala akong hihilingin sa inyo.”
Muling pinagmasdan ni Wade ang kabuuan niya.
Naka-pink na knitted sweater si Klaire at mahabang paldang may floral design. Maluwag ang suot niyang sweater, pero hindi nito lubusang natatakpan ang hubog ng katawan niya.
Hindi maiwasan ni Wade na maalala ang gabing iyon, lalo na ang hitsura ni Klaire habang nakahiga sa ilalim niya. Ang malalambot nitong mga katangian at namumulang pisngi ay mahirap kalimutan. Mas nakatutukso pala ito kaysa sa inaasahan niya.
Kung hindi lang ito maagang tumakas kinaumagahan, baka nahirapan siyang pakawalan ito sa pangalawang pagkakataon.
Sa totoo lang, hindi pa nga siya handang tapusin ang gabing iyon. Hindi lang naman si Klaire ang nakainom nang marami. Hindi rin nakatulong ang alak sa naging mga desisyon niya.
Bahagyang ngumiti si Wade.
“Miss Mondragon, basta ka na lang pumasok sa kwarto ko nang walang paalam, inakit mo ako, at iniwan mo ako habang tulog pa ako’t mag isang hinarap ang mga nangyari kinabukasan. Hindi ko pa nga napagpapasyahan kung anong gagawin ko sayo, tapos ngayon, ikaw pa ang gustong magdikta kung paano ito matatapos?”
Napatingin sa kanya si Klaire. Ganoon pala ang ibig nitong sabihin sa pagbaligtad ng sitwasyon. Ang masaklap, hindi niya talaga maalala kung sino ang unang nagsimula. At kahit siya pa nga ang unang lumapit, hindi naman tumutol si Wade.
Huminga siya nang malalim.
“Lasing po ako. Hindi ako nakapag-isip nang maayos at hindi ako kumilos nang normal. Hindi n'yo naman puwedeng asahan na ako ang sasagot sa lahat ng nangyari noong gabing iyon. Pero ikaw… hindi ka naman lasing, hindi ba?” patuloy niya, unti-unting nagkakaroon ng lakas ng loob. “Puwede mo naman akong pigilan. Bakit hindi mo ginawa?”
Nagkunwaring inosente si Wade.
“It was midnight, tapos may magandang babaeng humahalik sa akin at lumalapit nang lumalapit. Tao lang din ako, Miss Mondragon. Siguro naman, maiintindihan mo kung bakit hindi ako tumutol.”
Nawalan na ng masabi si Klaire. Sandali itong tumigil bago ngumisi nang mapang-asar.
“Isa pa, mukhang nag-enjoy ka rin naman gaya ko.”
Namula nang husto ang mukha ni Klaire. “Hindi ah!”
Kalmadong pinagmasdan siya ni Wade, na para bang wala lang sa kanya ang lahat.
“I seem to remember someone making the first move more than once. I'll leave it at that.”
Gusto na lang maglaho ni Klaire sa sobrang hiya. Hindi niya kayang isipin ang nangyari noong gabing iyon, lalo nang pag-usapan pa nila iyon nang harapan. Paano niya hindi napansing kayang maging ganoon kakapal ang mukha ng lalaking laging maayos manamit at sanay magdesisyon?
Paano nito nasasabi ang mga ganoong bagay nang hindi man lang kumukurap? Talagang mapagkunwari ang mga lalaki. Lahat na lang!
Napakagat siya sa labi, alam na wala siyang mapapala sa pakikipagtalo rito.
“Sige. Ano ba talagang gusto mo sakin?”
Natutuwa si Wade sa pagkailang niya. Hindi niya inaasahang ganoon kadaling mapahiya si Klaire.
Yumuko siya nang bahagya, kinuha ang cellphone niya, at ipinakita rito ang number niya.
“Save my number. Sasabihin ko sayo kapag nakapagdesisyon na ako kung anong gusto ko.”
Pagkatapos ng trabaho, niyaya ni Sofia si Klaire na mag shopping. Naalala ni Klaire ang plano niyang hanapin ang nawawalang kuwintas kaya agad siyang pumayag. Pagkakita pa lang sa kanya ni Sofia, niyakap na siya nito at mapaglarong kiniliti sa baywang.“Klaire, paano ba naging ganito kaganda ang katawan mo? Iniisip ko kung sinong masuwerteng lalaki ang makakatuluyan mo!”Sa tuwing naiisip ni Sofia na maaaring mapagsamantalahan ng kung sinong lalaki ang mahinhin at mabait niyang matalik na kaibigan, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding selos.Siyempre, wala siyang kaalam-alam na napagsamantalahan na pala ng sarili niyang nakatatandang kapatid ang matalik niyang kaibigan. At halos siya pa mismo ang naghatid kay Klaire sa mga kamay nito.Napatawa si Klaire habang patuloy siyang kinikiliti ni Sofia. “Sige na, tama na! Hindi ba't mamimili tayo? Tara na!”Sa wakas, binitiwan siya ni Sofia. “Sige na nga!”Pagkatapos, bigla itong natigilan nang may maalala. “Siya nga pala, nahanap mo
Napatitig si Klaire sa number na ipinapakita ni Wade.“Linawin ko lang po, kung may ipapagawa kayong ilegal, hindi ako interesado.”Nanatiling seryoso ang mukha ni Wade, pero may bahid nang katuwaan sa mga mata niya. At least, may prinsipyo naman pala ang dalaga.“Relax. Sumusunod ako sa batas. Wala akong ginagawang ilegal.”Oo nga, naniniwala ako sa'yo, sarkastikong naisip ni Klaire.Bahagyang itinaas ni Wade ang cellphone niya at nginisian siya nito.“Well?”Kinagat ni Klaire ang labi niya bago tuluyang inilabas ang cellphone at sinave ang numero ng lalaki.Golden retriever ang profile picture ni Wade sa iMessage, at Waffle lang ang contact name nito.Pangalan ba ng aso niya iyon? tanong niya sa sarili.Samantala, sinusuri naman ni Wade ang profile picture ni Klaire. Isa iyong cartoon character na napakapangit. Parang naaalala niyang nakita na niya iyon sa anime na pinapanood noon ng anak ng kapitbahay nila. At naroon nga ang pangunahing karakter, nakatitig sa kanya.Sobrang pangit.
Sa pagbabalik-tanaw niya, halos nakahinga siya nang maluwag dahil hindi siya gumawa ng eksena sa bahay ng mga Valencia. Kung hindi, baka mas malala pa ang naging gulo.Tumigil ang mga daliri ni Wade sa paglalaro ng ballpen. Halos hindi mahahalata ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay niya. Hindi pa nga siya tapos komprontahin ni Klaire, pero itinuturing na nitong simpleng pagkakamali ang lahat.Akala ba nito, ganoon lang kadaling umalis na parang walang nangyari?Bahagyang ngumiti si Wade, pero hindi pa rin mabasa ang ekspresyon niya.“Ang ibig mo bang sabihin, tatawagin na lang nating aksidente ang lahat at magpapanggap na walang nangyari? Ganoon lang?”Hindi sumagot si Klaire.Anong sinasabi nitong pagiging inosente? Kung umasta ito, para bang isa itong inosenteng ginoo. Pero sapat ang naaalala niya para malaman na hindi naman ito tumutol nang husto sa nangyari.Sa totoo lang, nagulat siya sa kumpiyansa at husay nito noong gabing iyon. Gayunpaman, halata namang balak siyang pagbaya
Kasalukuyang nasa elevator si Klaire patungo sa ikaapatnapung-palapag ng building.Nasa palapag na iyon ang mga opisina ng mga executive, kabilang ang pribadong opisina ng presidente, ang opisina ng kanyang assistant, at ang conference room.Unang beses pa lang ni Klaire sa palapag na iyon, kaya hindi niya alam kung saan ang eksaktong opisina na dapat nyang puntahan. Mabuti na lang at nakita niya si Ryan, ang assistant ni Wade, kaya agad niya itong nilapitan.“Excuse me, Sir Ryan. Puwede ko bang malaman kung nasaan ang opisina ni boss?”Nang makita siya ni Ryan, tumango ito. “Miss Mondragon, sumunod ka sa akin.”Sumunod siya rito sa pasilyo hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang malaking pintuang may dalawang panel.“Nasa loob ang CEO. Pumasok ka na.”Nag-alinlangan si Klaire bago nagtanong, “Sir, alam n'yo ba kung bakit niya ako ipinapatawag?”Sandaling nag-isip si Ryan. “Hindi ako sigurado, pero mukhang masama ang timpla niya ngayon. Mag-ingat ka na lang sa sasabihin at gagawin
Nakaupo si Klaire sa kanyang workstation, mabilis pa rin ang tibok ng puso habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kanina. Paano ba naman siya napunta at bumangga mismo kay Wade sa lahat ng tao? Ngayong nakilala na siya nito, wala na ba talaga siyang takas sa kapalaran niya?Bahala na. Isa-isa na lang niyang haharapin ang mga mangyayari. At worst, puwede naman siyang mag-resign at lumipat ng trabaho. Lumayo na lang siya nang tuluyan.Habang nag-aalala si Klaire, sunod-sunod naman ang mga chismis sa company group chat. Biglang tinapik siya sa balikat ng isang katrabaho."Klaire, bilis, tingnan mo yung company group chat.""Pagdating ng CEO kanina, may babaeng dumiretso at sumubsob sa mga bisig niya! May nakakuha ng picture at pinost sa group chat!"Ano? Na-post ang picture sa company group chat?Kumibot ang talukap ng mata ni Klaire. Agad niyang kinuha ang phone niya at binuksan ang company group chat. Bumaha ang messages. Ilang sandali siyang nag-scroll bago niya
Nagsimulang maghanap si Sofia sa lahat ng guest room. Mula loob hanggang labas, pati bawat sulok ng sala at hagdan ay hindi niya pinalampas, pero hindi pa rin niya makita ang kuwintas na sinabi ni Klaire kaya’t sinabi niya ito sa kaibigan.Nag-atubili si Klaire na magsalita habang iniisip sa sarili, hindi kaya nahulog iyon sa kwarto ni Wade?Tutal, doon naman siya pinakamatagal na nag-stay. Pero paano niya hihilingin kay Sofia na pumasok sa kwarto ni Wade at hanapin iyon? Hindi ba parang siya na rin ang naglantad ng sikreto niya?Forget it. Kailangan niyang humanap ng ibang paraan.Either makakahanap siya ng paraan para makapunta ulit sa bahay ni Sofia at palihim na makapasok sa kwarto ni Wade para hanapin ang kuwintas, o... diretsuhin na lang kaya niya ang lalaki?Hindi napigilang kuskusin ni Klaire ang kanyang sentido dahil sumasakit na ang ulo niya. Palihim siyang umalis habang tulog pa si Wade noong umaga. Kung pupunta siya ngayon diretso sa lalaki, hindi niya alam kung anong klas







