"I love you too. Sobrang sweet mo tlaga future hubby." hinampas ko pa ang balikat nya ng mahina, ganti ko na din upang itago ang sakit na dulot ng mga sinabi niya. Hindi na ako nasanay lagi namang ganito.
"Migs sawayin mo nga tong kapatid mo, kung pwede ipatingin mo na sa psychiatrist malala na to. Papatulan ko na to pag di ako makapagpigil." tatawa na nasasaktan nalang ako sa straight to the point at mahabang litanya ng lolo nyong pavictim, pero sorry sya hindi ko siya titigilan."Ano bang klaseng patol yan, may future hubby? Yong masarap ba? Ok lang yan hindi naman ako papalag just do it. Wag mong alalahanin si kuya." Sabat ko sa kanya halatang naaasar na talaga sakin pulang pula na ang mukha at tenga."Meisha. Baka sumabog na ang isa dito ng walang kalaban laban." Taas kilay kong baling kay kuya malamang mga babaeng pinopormahan nila ang mga pagkukwentuhan nilang apat at ayaw pa nilang marinig ko." Meisha!"Nagpapadyak ako. "Ito na nga po aakyat na, para naman akong batang itinataboy nito." paalis na ako ,pero muli ko munang tinapunan ng pansin ang future hubby ko."Bye for now, my future hubby. Wag masyadong mangunsumi baka tumanda ka agad, at hindi kana bumagay sakin sige ka, ikaw din baka magmukha kana talagang lolo ko." Humagikhik ako,habang paakyat ng hagdan papuntang kwarto nakisabay din ng tawa sila kuya. "Baka maisipan mong patulan ang pag-ibig ko sayo,magkatabi lang naman ang room natin, just knock my door and your always welcome, babush." sinigaw ko na dahil medyo malayo na ako sinbayan ko rin ng tawa, ano kayang hitsura niya, umuusok na siguro ang ilong sa inis."Lakas talaga ng tama sayo ni Meisha, Buds," narinig ko pang pangangantyaw sa kanya ng mga kaibigan niya. Hindi muna ako dumeretso sa room ko makikinig muna ako saglit sa usapan nila. Hindi naman ako makikita dito sa pwesto ko."Pagsabihan mo nga ang kapatid mo buds. Ayaw kong may masabi sila tita at tito sakin at baka palayasin pa ako dito. She's not my type, kaya sorry, sorry to her." Ouch, ang sakit naman non. Hindi daw niya ako type. Mapanakit naman ng damdamin itong si Dwayne. Pero sorry, nalang din siya, hindi ko siya susukuan."Buds wag kang magsalita ng tapos, para hindi ka makapos." panay tawanan padin."Pagpasensyahan mo nalang,Buds. Hindi kana nasanay sa ugali non, samantalang halos magkakasabay lang tayong lumaki. Habang pinagbabawalan mas lalong na cha challenge." si kuya talaga dapat nilalakad niya ako sa kaibigan niya para mabilis ang process."Feeling ko tatanda ako ng limang taon sa pasaway mong kapatid Buds." pasaway daw ako dinig kong pang reklamo ng husband to be ko."Wala ba talagang space jan ang kapatid ko Buds? Wala namang problema sa parents namin kong liligawan mo." seryusong tanong pa ni Kuya kay Dwayne na hinagisan pa ng throw pillows sa dibdib."Anong space at ligaw ang pinagsasasabi mo dyan? Ikaw talaga Migs problemahin mo ang love life mo. Wag kong kani-kanino."Basta Buds, wag kang iiyak iyak kapag nainlove ka sa kapatid ko kong kailan napagod na siya sa kakahintay sayo. Pag yan nabagok kawawang Dwayne ka talaga, wag na wag kang hihingi ng tulong samin." napakagat labi ako sa winikang iyon ni kuya, ang sweet naman ng kuya ko love talaga ako nito."What? Iiyak baliw ka ba? Kalokohan yan".___Makapasok na nga sa kwarto.Pinahid ko ang luhang humulagpos sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan at tumulay na pala sa aking pisngi sa mga narinig ko. Iilang words lang, pero parang punyal na tumarak sa dibdib ko ang mga katagang pinagsasabi niya. Lagi naman, hindi lang talaga ako nasanay na wala talaga akong pag-asang mahalin niya. Kahit anong klaseng effort pa ang gawin ko."Meisha anak ano nangyari sayo?" nasapo ko ang aking dibdib na kumawala na yata sa gulat ko."Mommy, nanggugulat naman po kayo. Hanapin nio nga po."'Ang alin.""Yong puso ko po, napatalon kasi sa gulat.""Akala ko ba binigay mo na.""Kanino naman po.""Kanino pa kundi kay Dwayne.'"Ay gusto ko yan Mom, kaya love kita e." Niyakap ko si Mommy. "Kaw talaga Mommy namamaster nio na pong makipagsabayan ng lokohan sakin."Ikaw nga nakikipaglokohan sa Puso mo.""Mommy...." ayaw kasing tanggapin gusto ko sanang idugtong, pero hindi ko na naisatinig.Tinawanan lang ako ni mommy"Sayang ang ganda mo anak, hinahayaan mong mahaluan ng lungkot at luha yang mga mata mo." gumanti naman ng yakap si Mommy at hinihimas ang likod ko na wari ay nakikisimpatiya sa lungkot na nadarama ko."Mana po sa inyo. Napuwing lang po, don't worry po. I'm ok naman.""Parang di naman. Naku anak, akoy tigil tigilan mo. Papunta ka palang pabalik na ako."Pero nagkasalubong po ba tayo." ngisi ko."Puro ka biro. Kidding aside dalaga kana talaga,anak. Basta nandito lang si Mommy, wag mong solohin ang bigat, handa akong maging karamay mo.""Thanks sa concern po Mommy pero Ok na ok sa alright po ang bunso niyo. Pasok na po ako. I'm so tired po talaga.I love you " Hinalikan ko ito sa pisngi. Tumalikod na ako ng may pahabol pa siya."I love you more, anak. From party again?""No. Pati ba naman ikaw Mommy mukhang party narin ang tingin sakin.""Sige, sabi mo, malaki kana. Basta ingat lang palagi."Pumasok na ako ng silid ko, hindi ko na hinintay na makaalis si Mommy, dahil ang sikip na ng dibdib ko. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay sumandal ako dito saka ko pinakawalan ang mga luha at impit na iyak kong kanina ko pa pinipigail. Ang sakit mong mahalin Dwayne, mahal na mahal kita kahit wala akong puwang sa puso mo.Habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Inayos ko padin ang sarili ko. I deserve rest. Isinabit ko sa bag rack ang dala kong backpack, naghuhad ng shoes, hinubad ko narin ang damit ko, tanging ang mga underwares ko lang ang itinira ko. Agad kong ibinagsak ang pagal kong katawan sa malambot kong kama, maliligo muna sana ako, pero mas masarap ang mahiga muna sandali para mai flat ang likod kong nangangalay na sa maghapong Ojt sa bakahan ng parents ng best friend ko. Gusto ko sana sa farm namin kaya lang baka sabihin naman na may special treatment sakin dahil pagmamay ari namin mas magandang umiwas na sa possibleng pangit na mangyayari ayaw kong magka hassle graduating na pa naman ako this year at excited na akong dumating ang graduation day next month na yon. At syempre ang tumanggap ng deplomang pinaghirapan ko ng apat na taon.Pareho kami ni kuya na engaged sa farming, kaya pareho din ang kurso namin sa college BS in Agribusiness, which combines core agricultural disciplines like crop science, animal science, and agricultural economics with business courses in accounting, finance, marketing, law, and management to provide a solid orientation in the business of agriculture. Dating karaniwang magsasaka ang mga ninuno ng parents namin na pinaunlad nila at ngayon isa na sa may malaking farm sa Pilipinas at may mga investment din sa mga agribusinesses sa ibang bansa. Kaya naman naipamana din nila samin ni kuya ang passion ng pagiging agriculturist. I am very happy sa karerang napili ko because I love working in nature and feeling malaya ako. Kaya ang mga negosyo namin na may kinalaman sa office works ipapaubaya ko na kay kuya, ako naman ang bahala sa fields like farms and ranches.Love life nalang ang kulang sakin para mas maging makulay ang mga araw ko.Alam ko si kuya may pinopormahang babae malapit sa RICEMILL na pagmamay ari namin kung saan siya ang namamahala. Ang mga nasa mataas lang na posisyon ang nakakaalam non, ewan bakit ayaw niyang ipaalam na anak siya ng may ari. Ang masaklap ayaw sa kanya ni girl dahil mayaman ang gusto, magpanggap ba nmang kargador ng sarili niyang Ricemill e di poor talaga ang iisipin sa kanya, mabilis lang naman ang solusyon sa problema niya ayaw lang gawin, ibang klase ang trip niya bahala nga siya may sarili naman siyang kwento. Basta ako aasikasuhin ko ang sarili kong love story para maging maganda ang takbo lalo na ang ending.."Hoy, lalaki." Pandalas ang lingon ni Dwayne. Hinahanap niya kung sinong hino-hoy ng kaibigan. Pero wala naman siyang makitang ibang taong kasama nila dito sa rooftop. "Bantam." ito na naman ang kaibigan niyang mapang asar pangalawa talaga ang isang ito kay Gab. Ikinakabit na naman ang salitang ito sa surname niyang Van Damme. "Bantam my ass. Tssss." sa pagkaka - alam niya isa itong lahi ng manok. Which is a small variety of chicken. It is a smaller than standard size of chickens. "Ayan ka naman, huwag mo nga akong matawag tawag sa ganyan nakakadegrade ng pagkatao, naliliitan ka ba sa akin ha? Ano suntukan nalang kaya tayo?" nangingiwing kong sabi sa kanya nililis ko pa ang manggas ng damit ko, itinaas ko papuntang balikat para lumutang at makita niya ang namumutok kong muscles para naman magtiggil na siya. Ano bang tingin nia sakin maliit? Eh mas hamak na mas matangkad naman ako sa kanya. Namana ko yata ang aking height sa ama kong may dugong half Dutch and half Filipino. Id
"Bakit sinabi ko bang magsipagsuguran kayo dito? Ako patuloy ang mag adjust." Mahinahong wika ni Meisha na kababakasan parin ng pagkairita ang mukha. Nakapagsuot na siya ng roba para maitago ang katawan na ayon sa kuya niya ay masagwa daw tingnan. Hindi kasi talaga siya komportable pag may suot sa bra kapag nasa bahay lang naman. Actually, hindi naman talaga masyadong masagwa ang suot niya nakamalaking t-shirt siya at pajama wala nga lang siya bra sa loob ng malaking white t-shirt na suot hindi naman kasi ito ganon ka-nipis. OA lang talaga ng kuya niya ang reason pa nito hindi lang daw sila ang tao doon at may ibang lalaki pa bukod dito na malamang ay si Dwayne ang tinutukoy nito. Kung alam lang ng kuya niya na ilang beses ng higit pa sa porma niya ngayon ang nakita na nito. Una ay ang naaksidenteng pagkakita nito sa kanya ng halos naka hubo't hubad na noon dahil sa pagkatok nito na nagkataong naalimpungatan din siya. Bukod kasi sa pagod na pagod siya ng mga oras na yon mahilig d
Pilit kung inaalala kong saan ako nakatulog kagabi matapos kong kumuha ng family pictures kahit tulog sila. Magkaroon man lang kami ng family pictures kahit stolen man lang. Sa pagkakaalala natulog ako sa sofa dahil nga nasa kama si Dwayne katabi ang dalawang bata. Ngunit ngayon nagtataka akong kung bakit nandito na ako nakahiga sa kama, katabi nila. At ang worst pa ay may milagro pa akong nagawa. Pero panalo ang pinagawa ng mga anak ko sa hindi pa nila kilalang daddy, pero daddy na ang tawag nila. Assuming din talaga minsan ang mga anak ko. "Daddy, can we pray together with you?" yaya ng kambal kay Dwayne. Proud talaga ako sa mga anak ko hindi nila nakakalimutan ang manalangin sa lahat ng oras. Dear God. Thank you, Lord, for all the blessings you have bestowed on our lives. You have provided us with more than we could ever have imagined. You have surrounded us with people who always look out for me and for Dee. You have given us a complete family that blesses us every day with
Malalaki at mabilis ang hakbang na tinungo ko ang aking silid na matagal ding nabakante. Miss na miss ko na agad ang mga anak kahit sandaling oras pa lamang silang nawalay sa akin. Ganito din kaya ang nararamdaman ni mommy? Siguro'y ganito nga lalo pa at matagal din bgo akong nagpakitang muli kaya sobrang higpit ng yakap ang ibinigay niya sa akin ng magtagpo kami kanina. Ganon ang mga luhang pinakawalan niya. Ganoon nga siguro ang pagiging ina. Ito ang unang gabi ko dito sa aming mansyon kasama ang dalawang kong anak. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto hindi iyon naka lock kaya binuksan ko na at dahan dahan pumasok baka maistorbo ko pa ang tulog nila. Pagkapasok ko hindi ko muna sila nilapitan dumeretso muna ako sa banyo to take a quick shower. Magboblower nalang ako ng buhok para makatulog agad. Kanina pa ako nakalbas ng walk-in closet. Ready na ako para matulog ngunit hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ng dilat na dilat kong mga mata. Matapos ang aking mg
Napag-alaman ko kay kuya na si Dwayne ang pinagbilinan n magbantay sa mga anak ko katuwang ang mga maids sa bahay ng mga magulang ko. Nagtalo pa nga kami dahil bakit niya dito ipinagkatiwala ang mga anak ko. Ano bang alam ng isang Dwayne Ian Fuentebella Van Damme sa pagbabantay ng dalawang bata eh ni ayaw nga nong magkaroon ng anak. Paano pa pagkasama nito ang bruhildang si Megan? Baka madagdagan pa ang truama ng mga anak ko, kapag nagkataon tuluyan ko na siyang ipakulong. Sa huli ako pa rin ang talo hindi ko pa nga inaamin sa kanila kung sino ang ama ng mga anak ko pero alam kong may ideya na sila ayaw lang nilang magsalita. One of this days alam kong hindi ko na matatakasan ang katotohanang kailangan kong ipaalam sa pamilya ko ang koneksyon ng mga bata kay Dwayne. Nakakakunsinsiya nga ako dahil wala pa akong inaamin dahil balak kong pag nakauwi na si daddy sa bahay saka ko sasabihin sa kanila ang lahat. Pero syempre hindi kasama doon ang part ng sagupaan namin. Akin nalang ang al
Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ng puso ng isang inang matagal na nangulila sa anak na ngayo'y makikita at makakapiling na niya. Sa halos anim na taon na hindi niya nakita ang anak bagamat nag - a - update itong nasa maayos na kalagayan sa pamamagitan ng g***l hindi iyon naging sapat kailanman upang mapawi ang pangungulila sa nawalay na anak lalo pa't babae pa ito. "Really?" Bakas ang tuwa sa mukha ni Maurice ng malaman sa panganay nyang anak na si Migs na umuwi na ang kanilang bunso na kaytagal nilang hinintay. Maiibsan na ang bawat gabing hindi siya nakakatulog sa kaiisip sa kanyang unica hija kung nasa maayos ba itong kalagayan. Kung sino ba ang nasa tabi nito at nag - aalaga kapag nagkakasakit. Walang araw na hindi niya ito inaalala. Kung kumakain ba ito ng tama sa oras ng pagkain at hindi pinababayaan ang kalusugan. Kakagradweyt pa lamang nito noon ng kolehiyo ng pakiusapan ito noon ng ama na asikasuhin ang suliranin sa mga pananim na peste sa farm na kanilang