Share

CHAPTER 3 - Embarrassing Moment

Sunod sunod na katok ang narinig ko na nagpagising sa akin.

Nakatulog pala ako.

Naalimpungatan pa yata ako, kaya dere deretso akong nagtungo sa pintuan ng aking kwarto upang tingnan kong sino ang istorbo sa sarap ng tulog ko dahil sobra kung makakakatok balak pa yatang sirain ang pinto na akala mo may sunog.

"Andyan na po". Matamlay na sigaw ko.

Pupungas pungas pa ako kasabay ng paghihikab dahil inaantok pa talaga ako, mahilo hilo pa ang pakiramdam ko. Sumasagot na ako katok parin ng katok nakakainis. Bigla ko ngang binuksan ang pinto ng aking kwarto habang pupungas pungas ako. Nang walang kaabug abog ay may yumakap sakin at natumba ako kasama niya nakadagan siya sakin naamoy ko ang isang pamilyar na pabango.

Natigilan ako, tila nag slow motion sakin ang lahat, nang marealized kong ang future husband ko pala ang nakadagan sa katawan ko ngayon. Wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis ng tibok ng puso ko at parang mayroong mga nagliliparang paru-paro sa tiyan ko. Nakatitig lang siya sa akin napansin ko p ang ilang ulit na paggalaw ng kanyang adams apple dahil sa ilang beses na pag lunok, muntikan ng maglapat ang aming mga labi kunting kunti nalang, na tila gusto kong tawirin nalang ang space para maramdaman ko ang labi noyang lumapat sa aking labi. Mabuti nalang at hindi naging malakas ang impact, dahil kung nagkataon parehong putok ang nga labi namin. Saka ko lang na realized mukhang nasapul ang pagkaba*** ko ng nakabukol niyang harapan ramdam na ramdam ko ang pagkakasentro nito, hindi naman ako masyadong inosente sa bagay na yon para hindi ko malaman.

"What the hell?" mura niya.

Agad siyang tumayo. Habang hinila niya naman ang braso ko para makatayo din agad.

"Wagas naman makahila, muntik ng matanggal braso ko."

Nagmamadali niyang sinarado ang pinto ng kwarto ko. Naalarma ako, I'm not prepared.

"Anong ginagawa mo, hindi porke't patay na patay ako sayo, pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo ah, naku Dwayne future hubby nga kita pero pwede bang wag mo akong biglain or manligaw ka muna,pls. Pakiligin mo muna ako ng bongga" mahabang litanya ko sa kanya. Parang Kinakabahang , naeexcite ako eh.

"F**k! Anong pinagsasasabi mo? Look at you, maraming lalaki kayong bisita dito sa bahay nyo, gusto mo bang pagpyestahan ka nila? Mukha akala mo ba, talagang papatulan kita hindi no, not even in my dreams." ayan na naman umaandat na naman ang pagka insensitive niya.

"So?" tinatasan ko siya ng kilay."Hindi kita ma gets."

"Fu*k, look at you. What the hell are you wearing? Halos hubad kana, are you trying to seduce me?" pero sa kabila ng pagsigaw niya napansing ko ang mga paglunok nia.

"Kung alam ko lang sanang ikaw ang kumakatok dapat naghubad na ako eh. Akala ko nga may sunog. And what's wrong with my" napatakip ako ng aking bibig.

"Oh my, oh my gosh, oh my gosh I've forgot? Nakatulog kasi ako. It's your fault." sabi ko sa pagitan ng pagkatarantang tumakbo ng mabilis patungo sa banyo ng kwarto ko.

Pagpasok ko isinandal ko agad ang katawan ko sa nakasaradong pinto nito. Sapo ko ang aking dibdib sa kaba, gusto kong maiyak sa hiya, halos nakita na niya ang lahat sa akin nakakahiya. Wala naman sana akong dapat ikahiya kong simpling panty lang ang suot ko ang problema. I'm wearing a lacey T-back and a nipple tape only. Mabuti, mabuti parin talaga at hindi ko natanggal bago ako nakatulog.

"Kunwari ka pa sinasadya mo naman."

"Tssss...bale wala din naman, para ngang hindi ka naman tinalaban?"

"Bilisan mo dyan, baka hindi ka aware hapunan na, ipinatatawag kana nila tita, Alam mo namang ayaw non na pinaghihintay ang pagkain." sabi ni Dwayne sa labas ng pinto ng banyo.

"Sige na bumaba kana don, susunod na ako. Unless gusto mo pang makakita ng porn ng walang bayad."

"Tssss. Nababaliw ka na, Meisha."

"Oo na baliw na baliw sayo."

Nakakahiya ang ganap namin kanina, may pagka balahura lang talaga ng bibig ko pero, pag sa aktwal pala lakas makakababa ng confidence. This is the most embarrassing moment I have ever had.

"Ewan ko sayo. Bababa na ako." Hindi na ako sumagot ulit. Narinig ko nalang ang papalayong yapak niya at ang pagsarado ng pinto na inilock pa.

Magkikita at magkikita kami ni Dwayne sa hapag; hindi pa ako nakakamove sa nangyari. Pero bakit nga ba ako mahihiya, siya naman ito nang abala sa tulog ko. Hindi ko naman siguro kasalanang maalimpungatan at magbukas ng kwarto na halos n*******d na.

Sunod sunod ang paghinga ko ng malalim, bahala na mabilis akong naligo at nagbihis.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.

Pagdating ko sa dining room nandon na ang lahat pati ang mga kaibigan ni kuya dito na naman makikikain ako nalang ang hinihitay. Si Dwayne nandito din. Bahala siya, hindi ko kailangang mag-adjust para sa kanya.

"Bumaba ka din sa wakas bunso. Kanina ka pa namin hinihitay, gutom na gutom na kami." Sabi ni kuyang ata't ng kumain, paborito niya kasi ang isang menu sa hapag.

'Oh bakit? Dala ko ba ang kaldero kuya?"

"Meisha agad naman akong nag peace sign kina mommy at Daddy".

"Ok anak, upo na. At dahil ikaw ang huling dumulog sa hapag. You may lead the prayer so we can enjoy our dinner na." hindi ito utos ni mama, rules talaga sa mesa namin na once nahuli ka sa pag upo sa oras ng pagkain sa kahit ano pa mang dahilan, or kahit nakaupo kana pero umalis ng Hindi pa nagsisimula sa pagkain at sa pagbalik mo ikaw nalang ang hinihintay, ikaw ang maglelead ng prayer.

"Opo, ma."

"Lord God, our Father in heaven, we thank You for faithfully providing for all our needs, and we lift up our grateful hearts today and thank You for this meal. Bless us, O God. Bless our food and our drink. Since you redeemed us so dearly and delivered us from evil, as you gave us a share in this food, so may you give us a share in eternal life. take sickness away from us. We thank You for what is placed before us and ask You to protect and guide us always. In Jesus Mighty Name, we pray. Amen. "

Kanya kanyang kalansingan agad ng mga plato at kutsara pagkatapos na pagkatapos kong maglead ng prayer, akala mo mga gutom na gutom sa mga ginagawi nila. Parang mga batang sabik na sabik sa pagkaing nakahain sa hapag. Naiiling nalang sila Daddy at Mommy.

"Kainan na po." masayang wika naman ni kuya sabay kuha ng pagkain. Hmmm...sarap. Sarap talagang magluto ng chicken curry ni mama.

"Palibhasa, favorite mo. Kaya binobola mo ako." sagot ni Mommy sa papuri dito ni kuya.

"Totoo naman po talaga tita, ang sarap nio pong magluto, kahit anong lutuin nio masarap po." salo ni kuya Gab

"Oo nga po hindi nakakasawa." segunda ni Kuya Arcie.

"Ano po bang sekreto? Sa tagal ko na dito, hindi ko pari po alam ang sekreto nio sa pagluluto, kung bakit ang sasarap." tanong naman ni Dwayne.

"Naku, mga bolero talaga kayo mga anak. Meisha ano nga bang sekreto ng masarap na luto?" pasang tanong ni mama sa taong ng mga ito sa kanya.

"Mommy naman, bakit ako pa ang sasagot?"

"Sagutin mo nalang, bunso" si papa.

"Ganito kasi yan my future hubby dapat samahan mo ng pagmamahal ang pagluluto, dapat nakangiti ka at totoong masaya, kasi kahit marunong kang magluto o kahit kumpleto ang mga sangkap ng menu na lulutuin mo, baliwala, kulang ang linamnam kapag wala ang pinaka mahalagang sangkap, which is PAGMAMAHAL." tatangu tango lang sa sinasabi ank ang mga boys.

"Kaya nga masarap ang luto ng mga nanay dahil, they're happy cooking foods for their families that they love. Dugtong ni papa.

"At isa pang makapagpapasarap ng lutuin ay ang pagiging fresh ng mga ingredients." at pahabol pa ni kuya.

"Lumalabas ang pagiging agriculturist ninyong mag anak," nangingiting wiki ni kuya Arcie. Kaya gustong gusto naming makikain dito sa inyo palaging sariwa ang nakakain."

"Naman para always healthy." sabi ko sa pagitan ng pagsubo."Kaya ikaw future hubby paghihinayang mo talaga ng sobra kapag pinakawalan mo pa ako. Good catch na ako no kung bago complete package. Marunong gumwa ng pagkain, I mean magtanim, magluto at kumain." sabay kindat sa kanya

"Ano daw." magkakapanabay pang sabi nila.

"Naku, Dwayne anak, wag mo nalang pansinin itong si Meisha sa katabilan nito at masanay kana, greatest crush ka talaga nitong si Meisha. Buti nga hindi pa ito obsess sa iyo, kasi nagkataon baka ginapang kana sa kwarto mo."natatawang sabi ni Mommy na ikinasamid ko, hindi pa nga ako nakamove on sa pagkapahiya kanina, bumanat naman ai mommy. Sakto pa naman pag inom ko ng tubig, mabuti nalang at hindi ko naibuga ang laman ng bibig ko, kasi siguradong bulwak lahat kay Dwayne lalo pa't siya ang katapat ko a hapag. Pero infairness bait ng lolo ko este ni Dwayne ngayon inabotan agad ako ng tubig nag-uunahan pa sila ni kuya. Hinahagod naman ni kuya ang likod ko.

"Magdahan dahan kasi bunso hindi ka naman mauubusan ng pagkain." tinaliman ko si kuya ng tingin.

"Kuya, bulag kaba sa tubig ako nasamid sa tubig. Igaya mo naman ako sayong malakas kumain nauubos isang kaldero." irap ko sa kanya.

Nagtawanan anaman ang mga kasamahan namin kum "Sige ka baka ma turn off sayo mga nililigawan mo matatakot mamulubi kayo pag napangasawa ka dahil sa paglamon mo palang kulang na sahod mo. sinabayan ko ng taw ng umasim ang mukha niya.

"Baka totoo nga Buds ayaw mo pa kasi malaman ng nililigawan mo na isa kang tagapagmana."

"Nice one kuya Gab." nag apiran pa kami ni kuaya Gab. Pero wait, namalikmata lang ba ako ang talim yata ng tingin sa kamay namin nitong future hubby ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status