One Secret Night I Accidentally Surrendered

One Secret Night I Accidentally Surrendered

last updateLast Updated : 2024-05-11
By:  Charis AshOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
30Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Meisha Louise Resnik Colin nature lover na nagmula sa isang mayamang pamilya. Siya ay umiibig sa isa sa pinakamatalik na kaibigan ng kanyang nakatatandang kapatid mula pa noong elementarya, na nagngangalang Dwayne Ian Fuentebella Van Damme, but this guy doesn't love her back. Sa tagal ng panahaon na nanirahan ito sa kanila ganoon din katagal itong itinatangi ng kanyang puso. Pero masakit ang katotohanang hindi kayang suklian nito ang pagmamahal na mayroon siya para dito. "Stop it, Meisha. How many times do I tell you that I don't love you, or even like you? I despise brat women and especially party goers. So stop dreaming that you will be a part of my life because it will never happen." Ngunit isang gabing hindi inaasahan ang nangyari sa kanila at isang rebelasyon ang naganap kinbukasan na kapwa nila tinutulan na magpapabago ng lahat. Sapat na kaya ang mga pagbabago pagkatapos ng lihim na gabi para mabuhay silang masaya kasama ang pagmamahal na nagbubuklod sa isa't isa? O ito ang magiging dahilan kung bakit pinili ni Meisha na layuan si Dwayne at isuko ang pagmamahal na meron siya rito. At hayaan ang tadhana na makahanap ng paraan para marealized nila ang tunay na damdamin para sa isa't isa at punan ang mga araw at taong kanilang nasayang. Paano kung nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila? Matatanggap kaya ito ni Dwayne na ayaw magkaroon ng sarili niyang anak at tagapagmana?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1 - Great Crush

Hatinggabi na, pero nasa labas ng isang engrandeng hotel si Selena. Malamig ang simoy ng hangin sa labas pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng kanyang dibdib.

Hawak ang kanyang cellphone, mariing nakatingin sa mensahe mula sa hindi kilalang numero.

‘Kung gusto mo malaman ang lihim tungkol sa iyong nobyo na si Klyde, pumunta ka sa lokasyon ng hotel na ipapadala ko. Pumunta ka sa Room 127 at malalaman mo ang katotohanan.’

Sinubukan niyang tanungin kung sino ang nagmensahe sa kanya pero hindi ito nagpakilala. Ramdam niyang hindi ito isang prank.

Sinubukan niyang alamin kung totoo dahil matagal na rin siyang kinutuban na may lihim na tinatago sa kanya si Klyde.

Naging mailap ito sa kanya sa tuwing nais niyang makipagkita sa nobyo. Lagi itong may dahilan tuwing nais niyang makipagkita. Madalas pa ay hindi niya alam kung saan ito nagpupunta.

Nagdesisyon na siyang pumasok ng hotel at huminto sa tapat ng front desk. “Miss, may nag-check-in ba rito na ang pangalan ay Klyde Strathmore?” tanong niya sa receptionist.

Tumango naman ito sa kanya pagkatapos tignan ang records sa kompyuter. “Oo, Miss. Kaka-check-in lang ni Mr. Strathmore. Puwede ko ba malaman kung ano ka niya?” tanong naman nito pabalik.

“Nobya niya,” direktang sagot niya.

Napatakip sa bibig ang receptionist. Base sa reaksyon nito ay tama ang hinala niya na may kasamang iba si Klyde nang pumasok ito sa hotel.

Pagkatapos magpasalamat ay mabilis siyang naglakad papasok ng elevator, paakyat sa ika-limang palapag. Nang makalabas ng elevator ay hinanap niya agad ang room number na nakasaad sa mensahe.

Sa harap ng Room 127, nanginginig ang kamay ni Selena habang dahan-dahan na pinihit ang seradura. Marahang itinulak ang pinto at iniwang bahagyang nakabukas.

Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili pero nanlamig ang katawan niya nang marinig ang boses ng dalawang tao sa loob.

“Ibang-iba ka talaga sa kapatid mo,” ani ni Klyde. Bakas sa boses nito ang pagod pagkatapos ng kanilang ginawa.

“Mukhang, sobra kang natuwa sa ginawa natin ngayon,” sabi ni Nessa na pigil ang tawa.

Nakangisi si Klyde habang nakahiga, pinagmamasdan ang babaeng nasa tabi niya. “Nagagawa ko ang gusto ko sa ’yo, hindi kagaya sa kapatid mo.”

“Bakit, hindi ka pa rin ba pinagbibigyan ni Selena? Apat na taon na kayong magnobyo,” tanong ni Nessa.

Napailing si Klyde, kita sa mukha ang bahagyang inis. “Hindi. Gusto niya magpakasal muna kami bago may mangyari sa amin.”

Napatawa nang mahina si Nessa saka dahan-dahang humarap kay Klyde. “Hmm… kaya ka ba lumapit sa ’kin kasi paulit-ulit ka niyang tinatanggihan?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi habang hinahaplos ang dibdib ng binata.

Napangisi ulit si Klyde. “Ikaw kasi, magaling kang mang-akit.”

“Pero bumigay ka naman,” bulong ni Nessa bago idinikit ang labi sa leeg ng lalaki.

Sumandal sa ulunan ng kama si Klyde, nagsindi ng sigarilyo. “Mabuti siguro hindi muna tayo magkita. Baka makahalata na si Selena.”

Naupo sa higaan si Nessa dahil sa sinabi ni Klyde. “Kung malaman niya, ano? Iiwan ka niya?” mariin niyang tinitigan ang lalaki, ramdam ang init ng emosyon sa kanyang dibdib. “Mahigit tatlong taon mo na siyang niloloko at nakikipagkita sa ’kin. Ngayon ka pa natakot sa—”

Biglang bumukas nang malakas ang pinto. Naputol ang sasabihin ni Nessa. Sabay na napalingon ang dalawa at parang naninigas ang katawan ng mga ito nang makitang nakatayo si Selena sa pintuan.

Bakas sa mukha ni Selena ang halo-halong emosyon. Gulat. Galit. Sakit.

“Kaya pala ang dami mong dahilan,” galit niyang sambit.

Hindi agad nakakilos si Klyde. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan habang mabilis ang tibok ng puso. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magpaliwanag.

Pero bago pa siya makahanap ng tamang salita, isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Klyde. Hindi pa kuntento ay bumaling si Selena kay Nessa. Parehas may pulang marka ng kamay mula sa sampal ang makikita sa pisngi ng dalawa.

Napaatras si Nessa, hawak ang pisngi. Nakatitig ito nang masama sa kanya.

Nanlilisik ang kanyang mata habang tinititigan ang dalawa. “Magsama kayo sa impyerno!” sigaw niya na puno ng hinanakit at galit.

Umiiyak ng lumabas ng hotel si Selena. Kaysa umuwi, napagdesisyunan niyang maglakad-lakad para maibsan ang sakit hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa isang bar.

Sa loob ng bar, nilunod ni Selena ang sarili sa alak para pawiin ang sakit sa kanyang puso.

Ilang bote ng alak na ang kanyang nainom. Nang maramdaman niyang umiikot na ang paligid, tumayo na siya sa mesa at pasuray-suray na naglakad palabas ng bar.

Malapit na siya sa pintuan nang aksidente niyang nabangga ang kasalubong niyang lalaki.

“Woah!”

Bago pa siya mawalan ng balanse ay hinawakan siya nito sa beywang.

Nang itinaas ni Selena ang tingin, bahagya siyang natigilan. Sa kabila ng kalasingan, hindi niya maiwasang mapansin ang matangos na ilong at ang asul na mga mata ng estranghero.

Nakangiti siya habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki. “Ang gwapo mo.”

Kumunot ang noo ni Axel nang maamoy ang hininga ng babae.

“Sa susunod, mag-iingat ka na,” malamig at walang emosyon ang boses niya habang inaalalayan siya palayo sa kanyang katawan.

Nang bitawan siya ng lalaki ay lumakad na ito palayo. Subalit hinabol niya ang lalaki at agad niyang hinawakan ang braso nito.

“Sandali!”

Napilitang huminto ang lalaki at lumingon sa kanya. Sa isang iglap, niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, at agad itong nagpumiglas.

“Bitiwan mo nga ako. Ano ba ang kailangan mo?” malamig na sabi ni Axel.

Kaysa sumagot ay hinalikan siya ni Selena. Nagulat si Axel. Hindi siya agad nakakilos, nanigas lang siya sa kinatatayuan niya habang nararamdaman ang malambot at mainit na labi ni Selena sa kanya. Isang iglap lang iyon, ngunit sapat para guluhin ang kanyang isip.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Arnela Avila
Arnela Avila
update na miss a gand. ng kwento mo ipagpatuloy mona
2024-10-01 08:04:57
1
0
monteevs
monteevs
nice story...️
2023-12-30 01:52:37
2
1
Charis Ash
Charis Ash
.................................
2023-11-13 20:07:19
1
0
30 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status