Share

Pregnant

Author: Marghie
last update Huling Na-update: 2025-10-19 16:45:03

NANCY

Akala ko ay nakamove on na ako kay Sir Dwayne dahil halos mag-iisang buwan na ang lumipas mula ng umalis ako at magpakalayo. Pero ng muli ko siyang makita ay mas nadagdagan ang kirot at sakit.

Napatunayan kong mahal ko pa pala siya at hind nagbabago iyon. Medyo naguluhan ako sa sinasabing mga papeles tungkol sa divorce pero agad naman iyon inayos para itama dahil atat na atat talaga siyang mahiwalay sa akin. Wala naman kami kasing relasyon talaga so understandable naman.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Shane habang naglalakad kami papuntang sasakyan niya. Si Bj ay hindi nagsasalita pero dama ko sa higpit ng hawak sa kamay ko na nag-aalala rin ito. Kaya pinilit ko ang sarili na ngumiti pero agad akong nakaramdam ng hilo at natumba.

“Mommy!” sigaw ni BJ.

Iyon lang huli kong naaalala pagkatapos ay kadiliman na sumunod. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay at ng magising ay nasa hospital na ako nila Shane.

Dahan dahan ko dinilat ang mga mata at nakitang nakaupo si Shane
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • One Year Contract with my Boss   Your days are counted

    JanellaNapapangisi ako habang kausap ko sa telepono yung spy ko na si Glenda, "Kumusta na diyan?" tanong ko sa kanya."Okay naman, Ma'am," sagot niya. "Naging kapitbahay na nila ako. Mukhang hindi naman sila naghihinala sa akin.""Good," sabi ko. "Gawin mo lahat para makuha mo yung tiwala ni Doc. Lesley. Kailangan mong maging malapit sa kanya.""Yes, Ma'am," sagot niya. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.""Pag nakuha mo na yung tiwala niya, kunin mo si Baby Jake," sabi ko. "At pagkatapos, patayin mo na silang lahat.""Yes, Ma'am," sagot niya. "Naiintindihan ko."Binaba ko yung telepono at napangisi ulit ako. Ang dali-dali talagang magmanipula ng mga tao. Lalo na kung pera ang usapan."Malapit na," sabi ko sa sarili ko. "Wala ng magiging sagabal sa akin."Ginagawa ko ang lahat para hindi na niya maisip si Baby Jake. Lagi kong sinasabi sa kanya na mag-focus na lang kami sa aming anak, kay Baby Dwayne Jr. Lagi kong kinukwento sa kanya kung ano yung mga plano ko para sa anak namin pag

  • One Year Contract with my Boss   Miles Away

    Doc. LesleyNapakalaki ng mansion na binili ni Dwayne para tirahan namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ganito kalaki. Parang ang lungkot tuloy. Kami lang naman ang titira dito: ako, si Baby Jake, si Manang Kendra, at si Giselle.Si Giselle... kawawa talaga siya. Pipi na siya, at wala pang mga paa dahil sa ginawa ni Shane. Pero kahit ganun, ang bait-bait pa rin niya. Nakakapag-communicate naman siya sa amin sa pamamagitan ng text o kaya sa maliit niyang white board. Ang bilis din niyang mag-adjust sa mga nangyayari.Pagpasok namin sa loob ng mansion, agad naming inayos yung mga gamit namin. Inayos namin yung incubator ni Baby Jake sa isang kwarto na malapit sa kwarto ko. Gusto kong malapit lang siya sa akin para mabantayan ko siya nang mabuti.Habang nag-aayos kami, hindi ko pa rin maiwasang mainis at malungkot. Inis ako kay Dwayne dahil hindi man lang siya sumama para icheck si Baby Jake. Hindi man lang siya nagbago ng isip na paalisin kami. Parang wala na talaga siyang pak

  • One Year Contract with my Boss   Legal Guardian

    Doc. LesleyPagkauwi ko sa mansion, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Baby Jake. Alam ko na sobrang nasaktan si Nancy nang malaman niyang pupunta na sa abroad si Baby Jake at doon na titira. Wala siyang magawa dahil nakakulong siya. Parang kinukuha sa kanya yung huling pag-asa niya, yung pinanghahawakan niya para mabuhay.Pagpasok ko sa kwarto, tahimik. Tanging yung mahinang tunog lang ng monitor ang maririnig. Lumapit ako sa incubator ni Baby Jake at dahan-dahan ko itong tinapik. Yung pagtapik ko ay para bang isang pangako, isang pangako na hindi ko siya pababayaan."Baby Jake," bulong ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na masaktan. Aalagaan kita. Pangako." Yung pangako ko na yun ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin kay Nancy.Tinitigan ko yung maliit niyang katawan. Ang inosente ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Hindi niya alam yung gulo na nangyayari sa paligid niya. Hindi niya alam na ginagamit siya para saktan yung mga tao

  • One Year Contract with my Boss   Like an Orphan

    Doc. LesleyNawala bigla yung ngiti sa labi ko nang makita ko si Dwayne na naglalakad papasok sa mansion. May kakaiba sa aura niya, parang may mabigat siyang sasabihin. Hindi ko gusto yung pakiramdam na 'to. Parang may malaking pagbabago na naman na mangyayari sa buhay naming lahat."Lesley," bati niya, pero yung boses niya ay hindi katulad ng dati. Mas seryoso, mas malamig. "May importante akong sasabihin sa'yo."Kinabahan ako lalo. Umupo siya sa sofa sa living room, at sumenyas na umupo rin ako sa harap niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Napagdesisyunan ko na, Lesley. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Baby Jake mula ngayon."Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang sinasabi 'to. "Dwayne, anong ibig mong sabihin?""Alam kong ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Baby Jake," sagot niya. "At saka, naayos ko na rin yung titirhan ninyo sa abroad kasama sina Giselle at Manang Kendra."Parang binuhusan ako ng malamig

  • One Year Contract with my Boss   Go away

    JanellaGulat na gulat ang mukha ni Dwayne nang marinig niya ang plano ko. Kitang-kita ko ang pagtataka, pagkalito, at bahagyang pagtutol sa mga mata niya. Pero hindi ako pwedeng magpatinag. Ngayon na ang tamang pagkakataon para tuluyan nang mawala si Baby Jake sa buhay namin."Anong ibig mong sabihin na ipadala sa abroad si Baby Jake?" tanong niya."Love," panimula ko, kunwaring pinipigilan ang mga luha. "Hindi ba't nasa kulungan naman si Nancy? Wala na siyang paraan para makalapit kay Baby Jake. At isa pa, binabayaran mo naman si Doc. Lesley ng napakalaking halaga, di ba? Pwede siyang maging legal guardian ni Baby Jake. Mas okay siguro kung sa ibang bansa na lang natin siya palalakihin."Pinahid ko ang mga mata ko gamit ang likod ng aking kamay, "Dwayne, isipin mo naman. Sa tuwing makikita mo si Baby Jake, hindi ba't lagi mong maaalala si Nancy? Yung babaeng pumatay sa mama mo? Hindi ka ba napapagod na maalala yung sakit? Ayaw mo bang makalimot at move on?"Alam ko na tinatamaan siy

  • One Year Contract with my Boss   Unwanted Child

    DwayneSimula nang makulong si Nancy dahil sa pagpatay sa mama ko, hindi ko na nadalaw si Baby Jake. Alam kong kasalanan ko rin, pero hindi ko talaga maiwasan. Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko si Nancy. Naaalala ko ang krimen na ginawa niya.Nasa incubator pa rin si Baby Jake sa isa kong mansion. Pinatira ko doon si Doc. Lesley para siya ang mag-alaga. Binibigyan ko naman siya ng pera bilang personal guardian, kaya alam kong hindi ko pa rin naman masasabing napapabayaan.Mas focus ako ngayon kay Janella at kay Baby Dwayne. Inalis na rin sa incubator si Baby Dwayne at pwede na siyang buhatin. Masaya ako tuwing hawak ko siya. Pero tuwing naaalala ko si Baby Jake, nakokonsensya ako.Masama man, pero pati si Baby Jake nadamay sa galit ko kay Nancy. Nawalan ako ng pagmamahal sa kanya.Nakaupo ako sa tapat ng crib ni Baby Dwayne. Habang patuloy sa pagasalita si Janella ay lumilipad naman ang isip ko"Dwayne, kapag natapos na ang forty days ng mama mo, pwede na natin siyang pabinyagan pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status