Share

Chapter 037

Author: Author Rain
last update Last Updated: 2025-10-14 23:43:43

-Sienna-

Habang nasa loob ng box ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig kong nagtatawanan at nagkakantahan na sila sa labas ng happy birthday, kaya alam kong ano mang oras ay ilalabas na nila ako dito.

Ang sabi ni Dave, sasayawan ko lang daw si Mr. Anderson, pero pano ko malalaman kung sino sa kanila ang taong iyon? Wala naman siyang binanggit na pagkakakilanlan ko.

Napatda ako sa kinauupuan ko nang marinig kong bumukas ang pinto sa guest room, at maya-maya nga ay naramdaman ko na ang paggalaw ng box. “Sienna, be ready.” narinig kong sambit ni Dave, at panay ang dasal ko na sana walang makakilala sa akin dito.

“Mr. Anderson, nandito na ang regalo namin sa’yo!” sigaw ni Dave, at malakas na naghiyawan at nagpalakpakan ang mga bisita.

“I think I know what’s in there.” isang pamilyar na boses ang narinig ko, at nanlaki ang aking mga mata. Ipinilig ko ang ulo at inisip na baka guni-guni ko lang iyon.

“Ready, one, two, three… surprise!” at nakangiting lumabas ako sa box habang nak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 046

    -Sienna-Pagkatapos tuyuin ang aking buong katawan, naglakad si Tyler patungo sa closet at binuksan ito. Kumuha sya ng panty at bra, at saka ng malaking t-shirt sa loob.Pagbalik sa akin, lumuhod ulit siya at saka tinulungan akong isuot ang kulay black kong panty. “Dahan-dahan lang.” bulong niya habang hinihila ito pataas, at nang umabot na ito sa aking kaselanan, napahinto sya at napalunok. “Kaya mo bang iangat ang balakang mo?”Umiling ako dahil masakit pa rin talaga.“Lie down first.” inalalayan niya akong mahiga, bago niya unti-unting itinaas ang panty hanggang sa bewang ko. Ramdam ko ang pag-aalangan sa bawat galaw niya, at ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Tyler, you don’t have to do this…” mahinang bulong ko, at pilit kinukuha mula sa kanyang kamay ang hawak niyang bra, pero binalewala nya lang ulit ako, at tinulungang maupo, bago isinuot sa dibd*b ko ang itim na bra.Sumunod ay isinuot niya naman ang malaking tshirt sa akin na umabot lang ang haba hanggang g

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 045

    -Sienna-“I’m coming with you…” Tyler said, and I sighed, nodding my head.Sabay kaming bumaba ng kanyang sasakyan at nilusob ang ulan. Patakbo kaming pumasok sa loob ng bahay habang nakatakip ang suit niya sa mga ulo namin. Pero wala na itong saysay pa dahil basang-basa na din naman ako.Agad akong pumasok sa kuwarto at kumuha ng dalawang malinis na towel. Ibinigay ko ang isa kay Tyler na nakita kong wala nang damit pantaas paglabas ko ng kuwarto. “Pasensya ka na. Medyo magulo ang apartment ko. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis.”“It’s okay. Hindi ako tumitingin sa bahay. Yung may-ari ang tinitignan ko.” komento niya habang pinapasadahan ako ng tingin, at namumulang napakagat-labi ako.“Gusto mo bang maligo?” tanong ko sa kanya habang itinatakip ang towel sa halos hub*d ko nang katawan dahil sa manipis na suot ko.“No, thanks. Sa bahay na lang.” sabi nya at nagsimula na siyang punasan ang kanyang katawan.Tumalikod ako nang bigla na lamang niyang ibinaba ang zipper ng kanyang pantalo

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 044

    -Sienna-Pagkagising ko ng madaling araw, wala na si Clyde sa tabi ko, pero naiwan ang kanyang amoy at ang bakas niya sa kama. Lukot at bahagyang lubog ito, kung saan siya nahiga.He spent the night here holding me, and I smiled, hugging the pillow he used. Naiwan dito ang amoy ng kanyang shampoo at ang kanyang pabango.Dahan-dahan akong bumangon at saka nag-inat. Lumabas ako ng kuwarto, at binuksan ang bintana para sumilip sa labas. Umuulan, pero hindi gaanong malakas.Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kotse ni Tyler na nakaparada sa may di-kalayuan. Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito? Don’t tell me, hindi siya umuwi kagabi!Naiinis na binuksan ko ang pinto at lumabas. Hindi alintana na manipis na pantulog lamang ang suot ko. Madaling-araw pa lang at madilim pa kaya wala pang gaanong tao sa kalsada. Bahagya akong nanginig nang mabasa ng ulan ang aking buong katawan habang tumatawid sa kalsada.Idinikit ko ang noo sa tinted na salamin ng sasakyan ni Tyler at sinilip siya s

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 043

    -Sienna-“Talaga ba, Clyde? Kaya pala hanggang ngayon, ayaw mo akong ipakilala sa kanila dahil ikinakahiya mo ako!” malakas na sigaw ko sa mukha nya.“Sienna, please. I’m sorry, I…” biglang lumambot ang mukha nito, at ang mga mata ay nagsusumamo.“No!” itinulak ko siya palayo nang magtangka siyang yakapin ako. “Kailangan ba maging manager muna ako ng bangko para ipakilala mo ako sa parents mo? Huh, Clyde?”Nagulat ito sa sinabi ko. “What the hell are you talking about?”“Oh, hind ba totoo? Mabuti pa si Valentina, nakakasama at nakakadinner ng parents mo, samantalang ako…” naiinis na pinahid ko ang luhang basta na lang tumulo.“Kaibigan ng pamilya namin ang pamilya ni Valentina.” paliwanag nya sa akin. “Of course, kilala siya ng parents ko. “Don’t tell me nagseselos ka sa kanya?” matigas na saad nya. Nang hindi ako magsalita, bigla na lamang itong tumalikod at naiinis na isinuklay ang daliri sa buhok. “Wala sa lugar ‘yang pagseselos mo, Sienna! I can’t believe it! Bestfriend mo si Val

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 042

    -Sienna-Inihatid ako ni Tyler sa apartment ko, at habang nasa byahe ay tahimik lang kami sa loob ng kanyang kotse. Bigla kong naalala ang sinabi nya kanina na marami siyang alam na lihim na hindi ko nalalaman.“Tyler…” I called for him in a hushed tone. “Gusto kong malaman kung ano ‘yung mga sinasabi mong lihim.”Napabuntong-hininga siya ng malalim. Sinulyapan nya ako saglit, bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “I’m sorry. Huwag mong intindihin ang sinabi kong iyon.”Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Alam kong nagsisinungaling sya. Alam kong may alam sya na hindi ko alam, and that’s what I’m going to find out.Nang makita ko sa di-kalayuan ang kotse ni Clyde na nakapark sa harap ng apartment ko, hinawakan ko ang braso ni Tyler. “Stop your car!” at agad naman nitong tinapakan ang preno.“What?” nagtatakang tanong nya sa akin.“N-nandiyan si Clyde sa bahay ko.” kinakabahang sambit ko. “Hindi niya pwedeng makita na inihatid mo ako.”“Why not?” nakangising sagot ni Tyler. “Kap

  • One-night Stand with My Boyfriend's Ninong Tyler   Chapter 041

    -Sienna-“Aagawin?” Natawa ng mapakla si Tyler. “Kailangan pa bang agawin kita sa kanya? Eh ikaw na ‘tong kusang lumalapit sa akin.”“Ako, lumalapit sa’yo? In your dreams, Tyler! Trabaho ang ipinunta ko dito, hindi ikaw!” galit na sigaw ko dito.He just shrugged his shoulders, at lalong nagpanting ang tenga ko sa galit.“Trabaho? Okay, sabi mo eh. Bakit hindi tayo maglaro?” panghahamon nito.Napalunok ako sa sinabi niya. Laro na naman? Alam niyang may dala siyang swerte kaya lagi niya akong hinahamon. At alam niyang mananalo na naman siya kaya malakas ang loob niyang hamunin ako.“Ayoko.” nakataas ang noong sagot ko. Para ko na rin iginisa ang sarili ko sa sariling mantika kapag pumayag ako sa gusto niya.“Why? Dahil takot kang matalo?” natawa ito, bago napailing-iling habang pinapasadahan ng mata ang katawan kong halos hub*d na sa harapan niya. “So coward, Sienna. Akala ko pa naman matapang ka.”Hindi ako takot matalo. Ayaw kong sumugal dahil alam kong matatalo din ako sa bandang hul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status