تسجيل الدخول-Sienna-Tyler was racing me to the hospital after seeing my water break. Mas ninenerbiyos pa siya kaysa akin, at kinailangan ko pa siyang pigilan sa pagsigaw sa mga medical staff na sinasabihang asikasuhin daw nila ako.“Tyler, ano ba!” sinigawan ko siya nang makitang hawak niya ang collar ng isang nurse. Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Actually, hindi ko alam kung saan ang masakit. Sa likod, sa tiyan, sa tagiliran. Diyos ko! Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang manganak, dumagdag pa itong asawa kong sobra ang takot na nararamdaman dahil sa trauma niya.“Sir, hindi pa po manganganak ang asawa ninyo. Naglelabor pa po siya.” mahinahon namang sagot ng lalaking nurse sa kanya.“Anong naglelabor? Manganganak na siya! Asikasuhin nyo!” malakas na sigaw ni Tyler. “Ano ba! Baka kung anong mangyari sa kanya! Mananagot kayong lahat!”“Tyler, wala pa!” sigaw ko ulit sa kanya nang makitang halos himatayin na siya sa sobrang takot. “Dito ka muna, hawakan mo ang kamay ko.”Lumapit naman s
-Sienna-Today is the big day we’ve been waiting for. Sa wakas, ikakasal na kami ni Tyler. It took us five months to get married dahil lumuwas pa kami ng South Korea para sa plastic surgery ko. Walang pakialam si Tyler sa pilat ko. Ang sabi niya, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Pero ako, meron. Ayokong mapahiya siya. Ayokong sabihin ng mga kakilala niya na nagpakasal siya sa isang halimaw kaya nagpumilit akong magpa-plastic surgery.Ayokong makabasa o makanood ng balita na sinasabing he’s a billionaire with a monstrous wife. Alam kong makakaapekto ito sa negosyo niya at ayokong mangyari iyon. Pinaghirapan ni Tyler kung nasaan man siya ngayon, at hindi ako ang sisira non.Lumalaki na rin ang tiyan ko kaya kinailangan na naming magmadali sa pagpapakasal. Pero napaghandaan na namin ito bago pa kami lumuwas sa South Korea.Tyler made sure I had the most spectacular wedding possible in the country.Si Oscar ang nagsilbing best man niya at dahil wala naman akong ibang kaibig
-Tyler-Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasinghap nang makita ang mukha ni Sienna. It was worse than I ever anticipated. Akala ko, maliit lang na hiwa ito. Akala ko maliit lang na sugat. Napakalaki pala. Damn it! Valentina really destroyed her face!Ipinikit ni Sienna ang kanyang mga mata nang makita ang reaksyon ko. Akala niya nandidiri ako. Akala niya napapangitan ako sa kanya. But she was wrong.Muli niyang ibinalik ang face mask sa kanyang mukha at isinuot muli ang shades sa kanyang mga mata, pero pinigilan ko ang kamay niya.“Please, don’t!” bulong ko, at dahan-dahan kong muling tinanggal ang kanyang face mask. Ang daliri ko ay gumalaw at masuyong pinasadahan ang kanyang pilat sa mukha. “I’m so sorry, Sienna. Hindi ko alam…”“Hindi mo ito kasalanan, Tyler.” sabi niya habang patuloy sa pagluha ang kanyang mga mata.Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa pagtrato ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Nagulat lang talaga ako nang malamang buntis siya. Ayokong mangyari sa kan
-Sienna-At hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon. Ano, magsosorry siya na parang wala lang? Hihingi ng tawad dahil sa hindi niya pagpansin sa akin ng ilang araw na hindi man lang sinasabi ang tunay na dahilan?“Please lang. Huwag mo na akong guluhin pa, Tyler. Malinaw ang sinabi ko sayo kahapon. Kapag umalis ka, hindi mo na ako madadatnan pa sa bahay mo. Umalis na ako kaya wala ka nang dapat pang alalahanin.” huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. “Pwede ka nang umuwi sa bahay mo. Wala ka nang iiwasan, wala nang iistorbo sayo. Aalis na ako.”“Sienna, stop talking nonsense! I’m sorry. I’m really sorry.” at bigla na lang niya akong kinabig ng yakap. “I want you and our baby. I’m so sorry, Sienna.”Itinulak ko siya palayo sa akin. The way he apologized and hugged me, it should soften me. Pero hindi. Wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit, disappointment at pagkairita.“Sorry din, Tyler. Pero ayoko na. Kung hindi mo kami kayang tanggapin ng anak mo, hindi ka rin namin
-Sienna-Magdamag na hindi umuwi si Tyler kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang mag-empake ng mga piling gamit ko. At habang ginagawa ito, hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Saan ako nagkulang. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Sa amin ni Tyler? Bakit kami humantong sa ganito?Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng mga gamit ko, pinilit kong matulog dahil alam kong masama para sa baby ko ang magpuyat. Siya ang pinakaimportanteng nilalang sa buhay ko ngayon, at hindi ako papayag na pati siya ay mawala sa akin.Naghintay ako ng text at tawag ni Tyler sa buong magdamag, pero mukhang hindi niya ako naalala. Mukhang nawili na siya sa kung anuman ang ginagawa niya sa bahay ni Oscar.Kinabukasan, dumiretso muna ako sa hospital dahil tatanggalin na ang tahi sa mukha ko, bitbit ang maleta ko at isang shoulder bag kung saan nandoon ang mga importanteng gamit ko. Hindi ko dinala ang iba. Saka ko na lang babalikan ang iba ko pang gamit kapag nakah
-Sienna-Kinabukasan, dumating naman sina Mr. and Mrs. Cordero. Ang tunay kong mga magulang. Wala na ang angas sa kanilang mga mukha. At sa tingin ko ay parang nadagdagan ng 20 years ang edad nila base sa kanilang mga itsura.“Laila…” umiiyak na lumuhod sa harap ko ang nanay ko. “Laila, anak. Patawarin mo kami! Hindi namin alam. Wala kaming alam! I’m sorry, anak! I’m so sorry!”Tahimik lang ako habang pinapanood siya. Si Mr. Cordero naman ay lumuluha lamang sa isang tabi habang yumuyugyog ang mga balikat.Nang hindi ako sumagot sa kanila, hinawakan ni Mrs. Cordero ang mga kamay ko. “Sumama ka na sa amin. Sa bahay ka na tumira. Anak ka namin kaya nararapat lang na sa amin ka tumira. Please, anak. Ang tagal ka naming hindi nakasama. Ito na ang pagkakataon para mabuo ang pamilya natin.”Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. “I’m sorry, pero ito na ang bahay ko. Dito na ako nakatira.” sabi ko, kahit hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako mananatili dito
-Sienna-Nang makarating kami sa kuwarto ni Tyler, agad siyang kumuha ng pwede kong pamalit at ng malinis na towel bago ito iniabot sa akin. “Thank you.”Dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo, at hinvbad ang lahat ng damit na suot ko. Maingat kong tinupi ang mga ito at inilagay sa ibabaw ng coun
-Sienna-“Tyler, ano to?” tanong ko sa kanya habang isinasakay sa stretcher si Tita Gina. “Ikaw ang nagbayad ng private room at ng downpayment para sa operasyon ni tita?”“I’m sorry, I just wanted to help.” he said with a shrug of his shoulders.“Help?” naiinis na sambit ko. “Hindi ito tulong, Tyle
-Sienna-“Sienna, hindi ka naman siguro nagpunta dito para tawagin lang akong pervert.” sabi niya habang nakangiti. “What brings you here? May problema ba?” he asked, trying to bring the conversation to its focus.Bumuntong-hininga ako ng malalim bago ako sumimsim sa mainit na chokolate at pagkatap
-Sienna-Tyler’s car stopped in front of his house, at hindi ko maiwasang mapalunok nang matanaw ko ang malaking bahay nya. Akala ko sa La Fortuna niya ako dadalhin, hindi pala. Kunsabagay mas tahimik dito. Mas malaki. Iyon nga lang, may mga katulong siya na makakakita sa amin. Bumaba mula sa kany







