Masuk-Sienna-Kasalukuyan noong nagpepaint si ate Peachy sa isang black and white piece. Hindi ko alam kung ano ito, but all I could make out was a sky filled with stars.“Ate…” I called out again, pero hindi siya lumingon sa akin.“Ano ‘yun?” tanong niya habang patuloy siya sa ginagawa.“Malapit na akong kumuha ng driver’s license. Gusto kong magpractice magdrive. Nagugutom na kasi ako. Mamaya pang eight o’clock dadating sina mommy. Bili na tayo ng pagkain.” sabi ko sa kanya.“Sige. Pagkatapos ko dito.” she said, smiling at me.“Mamaya mo na yan tapusin. Alas siyete na. Mamaya, nandiyan na sina mommy.” sabi ko sa kanya.I wished I didn’t ask her to go with me.Sana sinabi na lang niya na ayaw niya, pero dahil sobrang bait niya, binitawan niya ang kanyang paintbrush at sinamahan ako.“Sige. Treat na lang kita dahil birthday ko naman.” sabi niya, at saka kinuha ang kamay ko.Sabay kaming lumabas ng kuwarto at ng bahay papunta sa garahe. Sa kotse niyang kulay black. Sinigurado kong naka-seat
-Sienna-Four years ago, I had a perfect life. May mga magulang akong mapagmahal at mayaman. Naibibigay nila ang lahat ng pangangailangan ko. Ng pangangailangan naming magkakapatid.Si kuya Paulo na tinuturuan na noon ni daddy na imanage ang company, at si ate Peachy na sobrang galing magpaint. Pakiramdam ko noon, napakaswerte ko dahil itinituro niya sa akin ang lahat ng alam niya, lalo na sa teknik sa pagpepaint.Mahal na mahal din ako nina mommy at daddy at ng mga kaibigan ko. Kahit pasaway ako noon, they still accepted me and loved me because mom said I was beautiful like her.They allowed me to blossom and grow as a person. They supported me through everything.Birthday noon ni ate Peachy nang mangyari ang isang bagay na nagpabago sa buhay ko. Sobrang lakas ng ulan noon at walang ibang tao sa bahay dahil nasa trabaho pa sina mommy at daddy.Si kuya naman, nakipag-date sa long-time girlfriend niya na si Camilla. Sa gabi pa naman kasi kami magcecelebrate ng birthday ni ate. And it w
-Sienna-Hindi ko alam kung ano ang ibinulong ni Brad kay Clyde, pero bigla ulit dumilim ang mukha niya.“Siraulo ka! Girlfriend ko si Sienna!” sigaw ni Clyde sa mukha niya. Nagtitigan muna sila bago tuluyang kumalma si Clyde.Nang yakapin siya ni Brad, hindi na siya umalma. Tumalikod na siya at tumabi sa akin sa leather couch.“I’m sorry, bro.” agad siyang tinabihan ni Brad, at saka tumingin sa akin na parang humihingi ng pasensya.“Stop staring!” Clyde shouted at him again and hugged me. “Are you okay?” tanong niya habang hinahagod ng kamay ang likod ko.Tumango ako. Bigla akong kinabahan. He almost killed Brad dahil lang hinawakan niya ang tuhod ko. Pano pa kaya kapag nalaman niyang ilang beses nang may nangyari sa amin ni Tyler. Ano kayang gagawin niya sa ninong niya kung sakali?“Alright, we need some time alone.” Sabi ni Clyde at hinila na ako patayo. Naiwan sina Brad at Oscar na pinapanood kami habang papalayo sa kanila.We reached the balcony area, and I could finally breathe
-Sienna-Halos hindi ako makahinga dahil sa nalaman ko. Si Tyler nasa France?No. It couldn’t be him. Hindi pwedeng siya ang nagpadala ng painting materials sa akin. Dapat si Clyde. Si Clyde yun eh. Hindi niya lang maamin sa akin.“Earth to Sienna?” napalingon ako kay Brad nang ipinitik niya ang daliri sa harap ko. “Hindi ka na sumagot diyan? Parang ang lalim naman yata ng iniisip mo.”“Oh, I… I’m sorry. Ano nga ulit yung tanong mo?” “Kung close ba kayo ni Tyler. Bakit kilala mo siya?”“Oh, I’m sorry, pero di ba, ninong siya ni Clyde? Ipinakilala siya sa akin noong unang punta namin sa La Fortuna.” I said, my voice dropping. Hindi ko alam kung bakit bigla kong namiss si Tyler.“Okay.” sagot ni Brad at lumipat ng pwesto sa tabi ko. Sa sobrang lakas ng music, halos magsigawan na kami para magkarinigan lang kaya siguro siya lumapit sa akin. Hinanap ko naman si Clyde. Parang ang tagal naman nialng bumalik.“Sienna…” tinawag ako ulit ni Brad at paglingon ko sa kanya, halos mapatili ako d
-Sienna-“I understand. Alam kong mali ang mga ginawa ko, ang mga nasabi ko. And I’m sorry. Pati si ninong napag-isipan ko ng masama. Sorry dahil nasaktan kita, hon.” Clyde said, his voice barely above a whisper.“Yeah. To think that he’s your ninong and he’s been so nice to us. You should know him better.” sabi ko at saka ako sumimsim ng red wine sa baso ko. Hindi ako makapaniwalang umaamin siya ngayon sa kasalanan niya. First time niya itong ginawa.“You know what? You look hot when you’re angry.” sabi niya, at inirapan ko lang siya. “Basta ipangako mo sa akin na kapag hindi nagwork out ‘yang proposal ni ninong sayo, ititigil mo na ‘to ha.”Pano nga pala yun? Next week pa babalik si Tyler, so postponed ang pagpapasa ko sa kanya ng portfolio?Bigla kong naalala ang easel na dumating kanina sa bahay. Hindi naman ako bibigyan ni Clyde ng easel at ng canvas kung hindi siya naniniwala sa talent ko at magtatagumpay ako. I knew he was expecting me to succeed. Ito siguro ang paraan niya pa
–Sienna-Sinundo ako ni Clyde ng alas-sais ng gabi sa bahay para sa dinner date namin. Saktong nakabihis ako, bumusina siya sa harap ng bahay. Paglabas ko, agad niya akong pinagbuksan ng pinto. “You look gorgeous, hon.” sabi niya, at napangiti ako.I was wearing a black sleeveless dress. Hanggang tuhod lang ang haba nito, na tinernuhan ko ng mataas na sapatos. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok.“You too, Clyde.” sabi ko at pinasadahan siya ng mabilis na tingin. Nakataas ang harap ng medyo mahaba at itim niyang buhok, at ang ilang hibla ay bumabagsak sa kanyang noo tuwing gagalaw siya. A look I knew all too well.The black suit fitted him perfectly, one that strained against his muscles as he turned the car into a different lane. Clyde looked really good, pero mas guwapo at mas maporma pa rin sa kanya ang ninong niya.Wait! Bakit kailangang magcompare?After twenty minutes, we arrived in front of a grand building. Napakunot-noo ako habang tinitignan ang signage.“We’







