Hay naku, Nathan!
NathanGaling ako sa isang lunch meeting. Nang paalis na ako at tinignan ko ang table niya at wala siya doon. Uminit ang ulo ko hindi dahil sa kung ano pa man. Sinabi niya na kailangan niya ng trabaho tapos ay ganito ang gagawin niya?Pagbalik ko galing sa meeting ayun na nga at may nasasabi na naman ang kasamahan niya. Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga hindi ginagawa ang kanilang mga trabaho.“Sir, may meeting ka pa po sa marketing.” Nag-angat ako ng tingin kay Damien saktong pagkaupo ko.“Ngayon na ba yon?” “Yes Sir,” tugon niya at tumango na nga ako.“Tawagin mo lang ako kung magsisimula na.”“Sige po, Sir.”Lumabas na ng aking office si Damien kaya napatingin na ako sa aking orasan. Pasado alas tres na pala. Then naalala ko na parang hawak ni Ysla ang lunchbox niya. Hindi pa ba siya kumakain or kakakain lang niya?Pinilig ko ang aking ulo. Bakit ba kailangan ko pang isipin ‘yon?Nagdesisyon na lang na akong pumunta na sa meeting room at ‘wag ng hintayin na tawagin pa ni Damien ng tu
YslaMabuti na lang at Biyernes na ngayon at sa aking kaibigan na si Grace ako mag-i-stay. Nang-umalis ako sa poder nila Tiyo ay mukhang kinakalaban na rin ako ng husto ng pinsan kong si Lizbeth.May vlogging kami at sa tuwina ay siya ang humaharap sa camera bukod pa sa masked singer na paandar namin. At ang masked singer na yon ay pinalalabas niya na siya kaya ngayon ay sumisikat ang mukha ng bruha.Ang kapal ng mukha!Mabuti na lang at si Grace ang inatasan kong magmanage ng page namin at pinaalam niya sa akin iyon. Ngayon ay pag-uusapan namin ang dapat naming gawin dahil sa inangkin niyang katauhan ko.Oo. Ako ang masked singer at alam niya yon pero inangkin pa rin niya. Talagang gusto niyang kunin ang lahat sa akin ha.Bago namin gawin ang masked singer segment niya na ‘yon ay nagkasundo kami na babayaran niya ako. Mabuti na lang pala at gusto kong magkaroon ng raket ang bestfriend ko at hindi alam ng malandi kong pinsan na si Grace ang aming page manager.Lahat ng may kinalaman sa
Ysla“A-Ano sa tingin mo ang ginawa mo?” galit at gulat kong tanong, nanlalaki ang mga mata habang itinutulak ko siya palayo nang pakawalan na niya ang mga labi ko. Mabilis kong pinahid iyon gamit ang likod ng aking palad na parang may duming ayaw kong manatili sa balat ko.“Anong sa tingin mo? Pinapaalala ko lang sa’yo, may asawa ka na. At bilang may asawa, hindi mo na dapat pinapalapit pa ang ibang lalaki sa’yo.”“Kanino ako nakipaglandian, ha?” napasinghal ako, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha niya. “Simula pa nung Biyernes ganyan ka na! Kung makapagsalita ka, parang sigurado ka sa lahat ng sinasabi mo. Wala ka namang alam sa totoong nangyari!”Nakita kong natigilan siya, parang binunggo ng katotohanan ang ego niyang akala mo'y hindi kailanman matitinag. Sinamaan ko siya ng tingin. Yunng matatalim na parang tinging kaya siyang sunugin ng buhay kung pwede lang.“Then tell me,” malamig niyang sabi. “Nasaan ka simula Biyernes ng gabi hanggang nagyon? Sino ang kasama mo?”“Sa best f
NathanHindi ko akalain na magagawa kong halikan si Ysla. And yes, she was right. Sinabi ko ng hindi dapat ng maulit ang nangyari sa amin sa Batangas pero hindi na ako nakapagpigil lalo na ng tugunin na niya ang halik ko.I demanded it. Hindi ko naman akalain din na susundin niya. But I didn’t regret it. I even liked it.Nakita ko ang galit sa mukha niya matapos kong sabihin ang tungkol sa ibagn lalaki. And napaisip din naman ako.Oo nga naman, sinong tangang babae ang tatalon na naman sa isang relasyon matapos siyang lokohin at pagtangkaan ng masama ng lalaking muntik na niyang pakasalan?Napatingin ako ulit kay Ysla na ngayon ay mahimbing ng natutulog matapos ang mainit naming sandali.I chuckled.She’s not even clingy.Nakakatulog siya ng hindi umaalis sa pwesto niya. As in kapag gagalaw siya or papaling siya sa kabilang side ay umaangat ang katawan niya tsaka siya pipihit kaya yun at yun pa rin ang espasyong sinasakop niya.Hindi ko alam kong ayaw lang ba niya akong katabi or what
YslaInis na inis ako sa sarili ko. Sa sobrang inis, parang gusto kong suntukin ang sarili ko at paulit-ulit kong sinisisi ang sarili sa nangyari kagabi. Maaga akong nagising, mas maaga pa sa sikat ng araw, at dali-daling umalis ng bahay. Hindi lang dahil sa may trabaho ako dahil sobrang aga ko talaga, kundi dahil ayokong makita si Nathan. Ayokong makaharap ang taong ‘yon matapos ang lahat.May nangyari "ulit" sa amin matapos magkasundo na hindi na dapat na maulit ang unang beses.At hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya tititigan nang hindi namumula sa hiya o nababalot ng galit.Kaya heto ako ngayon, naglalakad sa sidewalk habang tangan-tangan ang isang maliit na brown bag na galing sa botika pabalik sa nakaparada kong motor. Kailangan kong uminom ng afterpills.Hindi ako pwedeng magbuntis. Hindi ngayon. Lalo na’t ang sira-ulong ‘yon, ni hindi man lang nag-abalang mag-withdrawal! Walang protection, walang pasintabi. Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at hin
Ysla“Oh dear, mas lalo kang gumaganda ah…” nakangiting bati ni Lola Andrea habang nakaupo sa gitna ng sala. Kakaibang sigla ang napansin ko sa kanya ngayon, hindi na siya nakahiga tulad ng una ko siyang makita.Halatang lumalakas na talaga ang kanyang katawan, at may ningning ang kanyang mga mata habang nakatitig sa amin ni Nathan na magkatabing nakaupo sa harap niya.“Thank you po, Lola,” sagot ko, sabay abot ng ngiti. “Masaya po akong makita kayong malakas na."“Hay naku,” ani Lola habang nagpupunas ng kaunting pawis sa noo, “paanong hindi ako lalakas? Ikaw ba naman ang maging asawa ng apo ko. Talagang natupad ang kahilingan ko sa chapel ng hospital noon.”Napayuko ako sa hiya nang marinig ko ‘yon. Parang may mainit na dumaloy sa mukha ko na hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa, kaba, o halo ng lahat. Ang bigat ng sinabi ni Lola, at para bang itinaas niya ako sa pedestal na hindi ko sigurado kung karapat-dapat ba akong tumayo roon.“Kaya magpagaling ka, Lola,” biglang singit ni Natha
NathanTahimik lang si Ysla mula nang umalis kami sa bahay ni Lola hanggang sa makabalik kami sa sarili naming tahanan. Wala siyang sinabi kahit isang salita habang nasa sasakyan kami. Wala man lang tanong. Wala man lang reaksyon. Para bang wala siyang narinig, o mas malala pa, wala siyang pakialam.Mas lalo akong nainis. Mas lalo kong naramdaman na ako lang ang apektado sa nangyari. Ako lang ang nasasaktan, habang siya ay parang bato at walang emosyon.Pagkarating namin, dumiretso siya sa aming silid. Ako naman ay deretso sa study room. Ayokong makasama kahit sino. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong huminga sa gitna ng buhol-buhol na damdaming hindi ko maintindihan.Dapat ay sanay na ako. Sa tuwing magkikita kami ng aking ama, lagi na lang ganito. Parehong eksena, parehong sakit. Walang bago. Paulit-ulit.Lumaki akong malamig ang pakikitungo sa akin ng sariling ama. Para bang palaging may lamat ang tingin niya sa akin. Palagi siyang may distansya, parang may pader sa pagitan namin. Ang
YslaSa totoo lang ay naawa ako kay Nathan. Pero syempre, hindi ko pinahalata iyon dahil baka masamain niya. Ang taas pa naman ng pride, abot hanggang langit.Pero ng tumabi siya sa akin ng higa at yumapos, hinayaan ko na lang. Nakainom siya at sa palagay ko ay kailangan niya ng isang taong uunawa at magko-comfort sa kanya.Bilang asawa kahit na sa kontrata lang, pakiramdam ko ay kailangan ko pa rin gampanan ang responsibilities ko kahit na nga nakakailang dahil naka boxer shorts lang siya at hindi ko maiwasang maalala ang nangyari sa amin ng nagdaang gabi lang.“Hay naku, Ysla, umayos ka!” sabi ko sa aking sarili at tsaka muling tumingin sa aking cellphone. Tinitignan ko ang bagong vlog ni Lizbeth at ang kapal ng kanyang mukha dahil talagang inangkin na niya ang pagiging masked singer.“Tignan natin kung ano ang gagawin mo sa biglang paglitaw ng isa pang masked singer,” sabi ko ulit sa aking sarili bago inilapag ang aking cellphone sa bedside table at umayos na ng higa.Hinayaan ko ng
YslaGrrr... nakakainis talaga! May nangyari na naman sa amin, at gaya ng dati, hindi ko na naman siya napigilan. At ang mas nakakairita pa roon? Nagustuhan ko na naman ‘yon! Oo, gusto ko. Hindi lang basta nagustuhan, parang hinanap-hanap pa ng katawan ko.Para akong baliw kagabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya, para bang iyon na lang ang alam kong sabihin.“Nate...” Ang pangalang ayoko nang banggitin, pero kusang lumalabas sa bibig ko, tila nakaukit na sa bawat ungol at bawat buntong-hininga. At ang mas ikinagugulat ko, binanggit din niya ang pangalan ko. “Ysla...” Sa gitna ng lahat, narinig ko iyon. Totoong pangalan ko. Hindi si Blythe, hindi ibang babae kung hindi ako.Kaya ba hindi na ako nababagabag tulad dati? Kasi sa wakas, sigurado akong ako ang nasa isip niya. Ako ang kasama niya. Ako ang gusto niyang makasama... kahit sa sandaling iyon lang.Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Ako ba ito? Ako ba itong unti-unting nahuhul
Ysla“Kamusta si Lola?” agad na tanong ni Nathan pagpasok na pagkapasok niya sa aming silid. Halatang galing pa siya sa biyahe at mukha pang pagod at bakas ang pag-aalala para sa matanda.Hindi pa man siya nakakaupo ay ang lagay na agad ni Lola Andrea ang nais niyang malaman. Nakakatuwa at nakakataba ng puso na sa kabila ng lahat ng nangyayari, si Lola pa rin ang una sa isip niya. Doon ko muling napagtanto kung gaano talaga sila kalapit sa isa’t isa. Isang uri ng koneksyon na hindi kayang dayain. Mahal na mahal ni Nathan ang matanda, at ramdam ko iyon sa bawat kilos niya.Sa mga oras na magkasama kami ni Lola Andrea sa bahay kanina, hindi ko rin maiwasang humanga sa lalim ng pagmamahal niya para kay Nathan. Sa bawat kwento niya, sa bawat sulyap at ngiti tuwing nababanggit ang pangalan ng apo, ay makikita mo ang walang pag-aalinlangang pagmamalasakit.Aniya, wala siyang masabi sa manugang niyang si Rocelia, ang ina ni Nathan. Sobrang bait daw ito, maalalahanin, at laging inuuna ang kapa
Ysla“Hija, finally! Kanina pa kita hinihintay. Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala bilang assistant ni Nathan,” masayang bungad ni Lola Andrea habang nakaunat ang kanyang mga braso, handang-handang yakapin ako.Hindi ko na rin siya pinaghintay pa. Agad akong lumapit at niyakap siya nang mahigpit, ‘yung tipong parang matagal ko siyang hindi nakita at sabik na sabik akong muling makasama siya. Ramdam ko ang init ng kanyang yakap na may halong pagmamahal at pangungulila, na tila ba kahit saglit lang kaming hindi nagkita ay napakatagal ng kanyang pag-aabang.Hindi man ganun katindi ang emosyon ko kagaya ng inaasahan niya, hindi ko rin maikakailang masaya ako sa imbitasyon niya. Sa totoo lang, malaking ginhawa rin ito sa akin. hindi ko kailangang makasabay si Nathan sa tanghalian. Isa pa, bihira ang pagkakataong may mapagpahingahan ang damdamin ko gaya ngayon.“Oh, Lola Andrea, mukhang napakalakas niyo pa rin po,” biro kong may halong pagkamangha. Bahagya akong lumayo mula sa kanyang yak
Ysla“Seryoso ka ba?” gulat na tanong ni Jette, napalakas pa ang boses niya sa pagkabigla. Halos malaglag niya ang hawak niyang tasa ng kape. “Naku, baka kung ano ang gawin sa akin ni Ms. Raquel kapag nalaman niya ‘yan. Sa akin pa naman niya ipinagkatiwala ang pagkuha kay Masked Singer.”Napailing ako nang bahagya habang nakatingin sa kaniya. Sa totoo lang, naiintindihan ko ang kaba niya. Hindi basta-basta si Ms. Raquel pagdating sa trabaho, sobrang istrikta nito dahil very devoted sa trabaho.“Gusto mo pa yatang mawalan ng trabaho si Jette,” sabat ni Marichu habang nakakunot ang noo, halatang hindi rin boto sa ideya ko.“Nagsa-suggest lang ako,” kalmado kong tugon, habang sige ang halo ko sa aking kape gamit ang kutsarita.“Bakit iyon pa ang na-suggest mo?” hindi pa rin mapakali si Jette, lumapit pa siya sa akin na parang gusto niyang bulungan ako ng pagsaway. Halatang-halata sa mukha niya ang pagsabog ng curiosity.“Ikaw pa naman ang naging assistant ni Lizbeth simula’t simula ng vlo
YslaPapasok ako ng pantry, agad kong narinig ang pabulong ngunit inis na tanong ni Jette kay Marichu.“Naiinis na talaga ako, siya ba talaga ang masked singer?”Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang tinutukoy nila. Sigurado akong si Lizbeth iyon, ang pinsan kong mahilig sa atensyon.“Bakit, ano bang nangyari?” usisa naman ni Marichu habang nagbubukas ng ref para kumuha ng tubig.“Ang arte kasi!” bulalas ni Jette. “Ang dami-dami niyang demands. Hindi ko tuloy alam kung artista ba talaga siya o feeling celebrity lang!”Napailing ako nang bahagya. Kahit hindi ko pa alam ang buong kwento, naniniwala na agad ako kay Jette.Kilala ko si Lizbeth. Noon pa man, kahit noong magkasundo pa kami o mas tamang sabihin na noong akala ko'y magkasundo kami at talagang maarte na siya.Masyado siyang maraming hinihiling, mga bagay na ngayon ko lang napagtanto na baka noon pa man ay sinadya niyang gawin para pahirapan ako. Habang iniisip ko iyon, sumagi rin sa is
YslaHindi ko talaga maintindihan kung anong problema ng orangutan na ‘yon at kung bakit ba hindi niya tinatantanan ang paglapit sa akin.Sa loob ng aming silid, ramdam ko ang matindi at mainit niyang titig sa na parang binabalatan niya ako gamit lamang ang kanyang mga mata. Kaya ang nangyayari tuloy, pinipilit kong umiwas at huwag siyang pansinin. Baka kasi kapag nagkataon, mapahiya pa ako sa sarili ko.Buong weekend, nagkulong lang ako sa bahay, at syempre, ganoon din siya. Hindi rin kami nagpunta kay Lola Andrea, na sa totoo lang ay mas gusto kong gawin dahil nga ayaw kong mapag-solo kamiHindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya sa study room niya, na pinag-pasalamat ko dahil kahit papaano ay hindi ko nakikita ang mapang-akit niyang tingin sa akin.Mas mabuti na ang ganoon. Dahil kung palagi kaming magkaharap, baka hindi ko na makontrol ang sarili ko at sa isang iglap ay bigla na lang akong kumandong sa kanya at magpaka-baliw. Iba kasi talaga ang epekto niya sa akin. Para ban
Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho habang pilit na pinapawi ang mga gumugulo sa isip ko. Maingat kong kinuha ang folder na naglalaman ng report tungkol sa pamilya ng tiyuhin ni Ysla at inilagay ito sa aking bag. Plano kong dalhin iyon pauwi upang mapag-aralan nang mas maigi sa mas tahimik na kapaligiran.Gusto kong siguruhing walang kahit anong detalye ang makakalusot sa aking pagsusuri lalo na’t mahalaga ito para sa asawa ko at sa kinabukasan niya. Nakasalalay din dito ang tanong sa isip ni ysla, kung bakit nagawang planuhin ng pamilyang pinagkatiwalaan niya ang pagkawasak niya na mabuti na lang ay hindi natuloy.Tungkol naman kay Blythe... hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon ang naging pahayag niya kay Damien. Wala kaming napagkasunduan na magkikita sa susunod na araw lalo at Sabado iyon dahil maaring magpunta kaming mag-asawa kay Lola na nakakatuwang makita na malakas na.Ang totoo, niyaya ako ni Blythe na mag-lunch sa labas kanina pero maayos ko siyang tinanggihan. Sinabi kon
NathanNa-receive ko na ang initial report ng private investigator na hin-hire ni Damien para silipin ang nakaraan ni Sandro Dela Peña.Bilang isang negosyante, alam ko kung gaano kahirap magsimula mula sa wala.Hindi madali.Hindi biro.Hindi lang basta ideya ang puhunan kung hindi pati oras, pagod, at buong pagkatao ang nakataya.Kaya’t bilang tagapagmana ng kumpanya ni Lolo, at sabay na pinapatakbo ang sarili kong itinayong negosyo, sanay na akong makakita ng mga pattern, ng inconsistencies, ng mga numerong hindi nagsisinungaling.Kahit na may pangalan na ako dahil nga sa kumpanyang namana ko ay nahirapan pa rin akong mag-established ng sarili kong brand name. At talagang ipinagmamalaki ko 'yon.Kaya nagtataka ako sa tiyuhin ni Ysla. Owner ng number one fast food chain sa bansa, pero walang nakaraan, walang pinagmulan.Iyon ay ayon sa report na binigay sa akin ng private investigator kaya naman may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ko. Parang may kulang. Parang may hindi tama.
YslaHindi ko maipaliwanag, pero parang biglang lumundag ang puso ko. Naging mabilis ang tibok, walang babala, parang tambol na sunod-sunod ang hampas. Para akong biglang natahimik sa sarili kong mundo habang magkahinang ang aming mga mata.Para bang huminto ang oras, at sa pagitan ng titig na iyon, may lihim kaming naiintindihan na kahit kami mismo ay hindi kayang ipaliwanag.Ilang segundo pa lang ang lumipas, ngunit pakiramdam ko'y habang-buhay kaming na-stuck sa sandaling iyon. Hanggang sa napansin kong pareho naming pinakawalan ang bahagyang ngiti sa aming mga labi. Sabay, tulad ng kung paanong sabay ding tumigil ang aming mga titig sa isa’t isa.Teka lang… paano ko nalaman 'yon?Dahil sa mga labi niya ako nakatingin.Bigla akong napalunok, para bang nanuyo ang lalamunan ko. Naramdaman ko ang init na dahan-dahang umaakyat mula leeg ko hanggang sa pisngi.Umiinit ang mukha ko, hindi dahil sa kahihiyan lang, kundi dahil sa alaala. Ang maalab at mapusok na alaala ng kung paano niya ak