로그인Ano yarn, selos?
YslaPatuloy kami sa kwentuhan ni Grace at kahit na nasa opisina si Nathan ay hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako mayat-maya. Busy daw siya, pero gusto niya na maramdaman niya na kasama niya ako kahit wala siya through messages.“Love na love ka talaga ni Nathan ha, I’m sure hindi rin siya mapakali at gusto nang umuwi para makita ka.” May halong panunukso ang pagkakasabi ni Grace. Syempre pa, kinilig naman ako.Napahawak ako sa aking tiyan na agad niyang napansin. “Excited ka na ba?”“Oo. Hindi ko na mahintay ang paglabas niya sa mundo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa biglang pagpasok ni Nathan sa isip ko.“Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo. Talagang sobrang salamat sa Diyos. Siguro yung kaba ni Nathan habang pinagmamasdan ka niya sa hospital na walang malay ay sobrang lakas.”“Kaya nga. Ngayon, hindi lang ang kumpanya niya at ang Cheatime ang kailangan niyang harapin. Pati ang pagsampa ng kaso sa pagkakaaksidente ko ay nadagdag na rin sa dal
YslaIlang araw pa akong nanatili sa ospital bago tuluyang pinayagang umuwi. Sa wakas, nakahinga rin ng maluwag si Nathan. Pero kahit na naka-discharge na ako, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Halos ayaw niya ngang ilayo ang katawan niya sa akin ng higit sa tatlong hakbang. Para siyang sariling personal bodyguard na talagang bantay-sarado.Kasalukuyan kaming nasa lanai at nag-aalmusal. Maaliwalas ang hangin, malamig pa kahit sumisikat na ang araw. Naririnig ko mula sa loob ang tahimik na paggalaw ng mga katulong, at si Lola Andrea, sa awa ng Diyos ay nasa kanyang silid pa rin, malakas pa rin at paminsan-minsan ay nagpapatawag kung gusto niyang makibalita sa lagay ko.“May trabaho ka pa,” sabi ko habang naglalagay ng butter sa tinapay ko. “Kawawa naman si Damien. Baka mamaya tuluyan nang hindi magka-love life ‘yon dahil ikaw ang unang taong hinahanap niya araw-araw.”Tumigil si Nathan sa pagbabalat ng orange at tiningnan ako na parang sinasaktan ko siya emotionally. “Bakit pa
YslaPakiramdam ko ay parang binuhusan ng tingga ang buong katawan ko—mabigat, nananakit, at para bang may kung anong humihila pabalik sa pagkakahiga ko. Pero nang marinig ko ang boses ni Nathan, ‘yong paos pero pamilyar na timbre na kay tagal kong nakasanayan, bigla akong parang umangat mula sa kailaliman. Nang maramdaman ko pa ang kamay niya—mainit, magaan, pero nanginginig nang kaunti—para bang gumaan ang lahat ng hindi ko maipaliwanag.Pero nang tuluyan kong makita ang mukha niya… doon ako nilamon ng lungkot.Pumayat ang pisngi niya, halos lumiit na parang hindi kumain nang isang buwan. Nangangalumata, nangingitim ang ilalim ng mata, at ang facial hair niya—dati ay laging trim at malinis—ngayon ay halos parang balbas ng isang taong nakipagsuntukan sa pagod. Para siyang nagbantay ng ilang gabi nang hindi umuuwi. At alam kong ako ang dahilan.Hindi ko isinatinig ang kahit isang napansin ko. Ayaw kong maramdaman niyang iyon agad ang nakita ko pagkadilat ko pa lang. Kahit hindi niya sa
NathanDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa banayad na paghagod sa ulo ko. Hindi agad sumagi sa isip ko kung gising ba ako o nananaginip pa. Magaan ang haplos at masyadong pamilyar para balewalain, pero masyado ring imposible para paniwalaan nang agad-agad.Sa loob ng ilang segundo, hindi ko muna tuluyang inangat ang aking tingin. Nanatili lang akong nakayuko, nakasubsob sa braso ko, habang pilit kong iniintindi kung totoo ba ang nararamdaman ko.Parang may mabigat na buhol sa dibdib ko na unti-unting humihigpit. Hindi ko alam kung matatakot ba ako… o iiyak… o tatakbo papalayo dahil baka isa lang itong malupit na ilusyon na gawa ng pagod at pag-aalala.Tumigil ang kamay.At sa pagtigil na iyon, may bahagyang pag-atras, parang natakot ang kamay na iyon na baka nagising ako.Doon mas lalo akong napahigpit ng kapit sa emotion ko, half terrified, half hopeful. Ang daming sensasyon ang sabay-sabay na umatake: Kaba na parang bubulusok palabas ang puso ko na may halong pag-a
NathanAgad kong pinindot ang maliit na button na nasa kanang side ko para tumawag sa nurse's station. Halos nanginginig pa ang daliri ko, parang doon nakasabit ang huling piraso ng pag-asa ko. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan ng silid, kasunod ang mahinang tunog ng malamig na hangin mula sa hallway.“Mr. Del Antonio, may nangyari po ba?” tanong ng nurse, halatang nagulat sa ekspresyon ko.Tinignan ko siya at itinuro ang kamay ni Ysla na ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin na mas mahigpit kaysa kanina, na para bang may desperasyon na gusto niyang iparating.“I'll call her doctor.” Pagkasabi ay agad na umalis ulit ang nurse. Halata ang pagmamadali sa bawat hakbang niya, para bang ramdam din niya na maaaring ito na ang pinakahihintay naming senyales.“Hey, Ysla. It's me, Nathan…” bulong ko, halos pumipigil sa panginginig ng boses. Lumapit ako nang kaunti, inilapit ang mukha ko sa kanya na para bang mas maririnig niya ako kung mas malapit ako. Naghintay ako saglit at
Third PersonHabang nagkakagulo sa social media dahil sa pagkakadakip kay Blythe Borromeo na kinikilalang magaling na designer at sa mag-amang Sandro at Lizbeth ay nasa hospital pa rin si Nathan at nagbabantay sa asawa.Ilang araw nang walang malay si Ysla at ang tanging pag-asang meron si Nathan ay ang ilang beses na nakita niyang gumalaw ang kamay nito. Bukod doon ay wala na.Sa kabila non, hindi pa rin sumusuko si Nathan pati na ang doktor ni Ysla naniniwala na muling magigising ang babae.“My love,” sabi ni Nathan habang pinupunasan ang kamay ng asawa. “‘Yan na ang itatawag ko sayo lagi para hindi mo makalimutan. Kung ayaw mo pang gumising ay okay lang, magpahinga ka muna.”Muntik ng pumiyok si Nathan kaya kailangan niyang tumigil sa pagsasalita. Ayaw niyang marinig siya ni Ysla na umiiyak lalo nakaratay pa ito. Hindi niya gustong pag-alalahanin pa ang asawa. “Habang nandito ka, ginagawa ko na ang lahat upang mahuli ang lahat ng may kagagawan nito sayo. Pangako ko sayo na hindi ako







