MasukCHAPTER 1 : Ang Bagong Simula sa Lumang Maleta
"Ang ordinaryong araw ni Maeve ay simula pala ng isang pambihirang kuwento." Kung may kompetisyon para sa pinakamaraming kamalasang pwedeng maranasan sa loob ng isang araw, sigurado si Maeve Quinn Ramos na pasok siya sa Top 3. Hindi Top 1. Kasi kahit malas siya, naniniwala pa rin siyang may mas malas pa sa kanya dahil katulad ng taong nahulugan ng durian habang nakasakay sa motorsiklo. O kaya naman iyong napagkamalang holdaper dahil nakasuot ng bonnet at face mask habang bumibili ng pandesal at least, hindi pa naman umaabot doon ang buhay niya. Sa ngayon. "Aray ko!" Napangiwi si Maeve nang madulas ang hawakan ng isa sa kanyang maleta at dumiretso iyon sa kanyang paa. Napapikit siya sa sakit. Huminga nang malalim at saka ngumiti. "Pangatlong beses pa lang ngayong umaga. Progress." Napatingin sa kanya ang tricycle driver na tumulong magbaba ng kanyang mga gamit. "Ayos ka lang ba, iha?" Ngumiti siya. "Opo. Sanay na po ako masaktan." Natawa ang matanda. "Parang may hugot." "Meron naman po pero mamaya ko na lang iiyak." Lalong napatawa ang driver. Iyon si Maeve. Dalawampu't isang taong gulang at isang fourth-year student sa Bulacan State University. Dean's Lister and Academic achiever, isa sa mga pinakarespetadong estudyante sa kanilang kolehiyo. Kapag nasa loob siya ng classroom, akala mo ay isang napakaseryosong babae ay palaging may mataas na grado. Laging handa sa mga recitation. Laging may dalang notebook at laging maayos ang mga proyekto. Pero kapag nakilala mo siya nang mabuti, mapapaisip ka kung paano siya naging top student sa dami ng katangahang ginagawa niya araw-araw. Minsan naiwan niya ang cellphone sa loob ng refrigerator. Minsan napasok siya sa maling classroom at umupo nang tatlumpung minuto bago niya napansing ibang subject pala iyon at minsan, nakipag-away pa siya sa isang lalaki dahil akala niya ay ninakaw nito ang tumbler niya. Pareho lang pala sila ng tumbler. Tatlong araw siyang nahiya pagkatapos noon. Pero iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit siya minamahal ng mga tao sa paligid niya. Dahil natural lang siya at totoo higit sa lahat ay marunong tumawa sa sarili niyang mga pagkakamali. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang condominium building sa harapan niya dahil sa wakas. Narito na siya sa Tikay, Malolos, Bulacan. Ang lugar na magiging tahanan niya sa susunod na mga buwan. Hindi naman kalayuan ang dati nilang bahay ngunit dahil sa sunod-sunod na internship, research, at thesis requirements, nagpasya siyang lumipat upang mas mapalapit sa paaralan at mas makatipid sa oras. Hindi siya mayaman, hindi rin sila mahirap importante ay sakto lang. Iyong klase ng pamilya na kailangang mag-ipon bago bumili ng bagong appliances. Iyong klase ng pamilya na espesyal ang fried chicken kapag sweldo. Iyong pamilya na hindi perpekto pero puno ng pagmamahalan. Ang kanyang ama ay isang jeepney driver. Ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho bilang mananahi. Lumaki siyang nakikita ang sakripisyo ng mga magulang maya bata pa lamang siya, alam na niya ang halaga ng edukasyon. Alam niyang hindi madaling kumita ng pera at alam niyang hindi pwedeng sayangin ang bawat oportunidad. Kaya nagsikap siya. Nag-aral nang mabuti, nagpuyat, nagtiis at ngayon, isa siya sa pinakamahuhusay na estudyante sa kanilang kurso. "Mae!" Napalingon siya nang marinig ang boses ng kanyang ina. Kumakaway ito habang may hawak na plastic bag. "Anak, baon mo." Napakurap siya. "Ma, kakakain ko lang. May tinapay, may pagkain na po ako, may biskwit, may pera ako at may paborito kong saging." Napabuntong-hininga siya. Hindi talaga matatalo ang isang Pilipinong nanay kaya't tinanggap niya ang plastic bag. "Salamat po." Ngumiti ang kanyang ina. "Alagaan mo sarili mo rito ha." "Oo naman, Ma." "Kumain ka sa tamang oras." "Opo..." "Huwag kang masyadong magpuyat." Tahimik siyang tumingin sa kanyang ina at pareho nilang alam na imposibleng mangyari iyon. Napailing ang kanyang ina. "Bahala ka!" Napatawa si Maeve. Pagkatapos ng ilang minutong paalala at yakapan, umalis na rin ang kanyang mga magulang at sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ay mag-isa na siya. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid may kakaibang pakiramdam, parang halo ng excitement at kaba. Ito na yata ang tinatawag nilang adulthood. Iyong puntong kailangan mo nang gumawa ng sarili mong desisyon. Iyong puntong wala nang magpapaalala sa iyong uminom ng tubig. O magsaing. O maghugas ng pinggan. Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Teka." Napatingin siya sa langit. "Sino magsasaing para sa akin?" Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na siya ng kanyang bagong unit. Simple lamang ito may maliit na sala, may kusina, siyempre may banyo at may isang komportableng kwarto. Hindi rin ito itsurang marangya, hindi sosyal pero sapat at higit sa lahat, kanya. Inilibot niya ang paningin at pagkatapos ay ngumiti. "Hello, bagong bahay." Tahimik. "Wala man lang sumagot." Napakamot siya sa ulo. "Okay. Mukhang ako na naman ang magdadala ng usapan." Inumpisahan niyang ayusin ang kanyang mga gamit ngunit makalipas lamang ang sampung minuto ay nakaupo na siya sa sahig. Pagod. Hingal. At walang motivation napatingin siya sa natitirang kahon. "Tingnan niyo nga ako." Parang nakatingin siya sa mga mortal na kaaway. "Bukas na lang tayo mag-usap." Syempre, hindi siya nakinig sa sarili niya dahil maya-maya lang ay tumayo rin siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos. Habang ginagawa iyon, hindi niya maiwasang isipin ang mga susunod na araw. Bagong kapaligiran, bagong routine, bagong kabanata ng kanyang buhay. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya, hindi niya alam kung sinu-sino ang makikilala niya, hindi niya alam kung anong klaseng mga problema ang darating pero handa siyang harapin ang lahat. Dahil iyon naman ang buhay walang kasiguraduhan, walang script, walang spoiler. Kailangan mo lamang magpatuloy. At minsan... Ang pinakamagagandang kwento ay nagsisimula sa mga araw na akala mo ay ordinaryo lamang. Hindi alam ni Maeve na sa loob lamang ng ilang araw, may isang taong gugulo sa kanyang tahimik na buhay. May isang lalaking magpapabilis ng tibok ng kanyang puso at may isang gabi na magpapabago sa lahat. Isang gabi. Isang maling desisyon at isang kama na hindi pala para sa kanya ngunit sa ngayon, wala siyang ideya sa mga iyon. Sa ngayon, ang iniisip lamang niya ay kung paano bubuksan ang natitirang kahon nang hindi napuputol ang kanyang kuko. At para kay Maeve Quinn Ramos... Iyon na yata ang pinakamalaking problema sa mundo. Nang matapos niyang ayusin ang ilan sa kanyang mga gamit, napagdesisyunan ni Maeve na magpahinga muna. Humiga siya sa kama habang nakatitig sa puting kisame. Tahimik. Napakatahimik. Iyon ang klase ng katahimikan na hindi niya nakasanayan. Sa bahay kasi nila, palaging may ingay, minsan ay tunog ng telebisyon, minsan ay boses ng kanyang ama habang nanonood ng basketball at kung minsan ay sigaw ng kanyang ina dahil may nakalimutan na naman siyang gawin. Ngunit dito... Wala. Siya lang at ang tunog ng electric fan niya . Napabuntong-hininga siya at nakakamiss din pala ang maingay na bahay, napangiti siya habang inaabot ang kanyang cellphone. May ilang mensahe mula sa kanyang mga kaibigan. Group chat. Puro memes. Puro kalokohan. Puro pananakot na huwag daw siyang magdala ng lalaki sa condo. Napailing siya. "Parang sila pa talaga ang may karapatang magsalita." Natawa siya sa sarili. Ngunit bago pa niya maipagpatuloy ang pagbabasa, may narinig siyang mahinang kalabog mula sa katabing unit. Napalingon siya sa dingding. Kasunod noon ay isa pang kalabog at isa pa na parang may nagbubuhat ng mabibigat na gamit. "O bagong lipat din?" Mahina niyang bulong. Wala naman siyang pakialam. Natural lamang iyon sa condominium. Ngunit hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na parang may nagsasabing magiging mahalaga ang taong nasa kabilang unit. Napailing siya. "Maeve, tigilan mo kakapanood ng K-drama." Tumawa siya at muling ibinaba ang cellphone. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog din siya. Hindi niya nakita ang lalaking kararating lamang sa kabilang unit. Hindi niya nakita ang matangkad na binatang may seryosong mukha habang binubuksan ang pintuan nito at lalong hindi niya alam na sa loob lamang ng ilang araw... Magkakabanggaan ang kanilang mga mundo. Sa paraang hindi nila pareho inaasahan.Dear Readers,At sa wakas… narating na rin natin ang dulo ng kuwento nina Maeve at Keiv. ❤️ Kung nakarating ka hanggang dito, maraming-maraming salamat.Sa totoo lang, hindi naging simple ang paglalakbay nila. Nagsimula ang lahat sa isang maling unit, isang maling kama, at isang pagkakamaling hindi nila kailanman inakalang magiging simula ng isang napakalaking bahagi ng kanilang buhay.Pero marahil, iyon ang isa sa pinakamagandang mensahe ng kanilang kuwento:Hindi lahat ng pagkakamali ay kailangang pagsisihan. May mga pagkakamaling nagiging daan upang matagpuan natin ang bagay na hindi natin kailanman hinahanap.Sa kuwento nina Maeve at Keiv, nakita natin na ang pagmamahal ay hindi lamang tungkol sa kilig, sweet moments, dates, holding hands, kisses, at mga pangakong madaling sabihin ang tunay na pagmamahal ay nasusubok kapag dumating na ang mga bagay na hindi natin inaasahan.Nang malaman ni Maeve ang tunay na pagkatao ni Keiv, maaari siyang umalis. Maaari niyang piliing huwag nang
Ang Kamang Nagbago ng LahatIsang taon ang lumipas mula nang araw ng kanilang graduation. Isang taon mula nang matapos ang magulong kabanata na muntik nang tuluyang maghiwalay sa kanila. At ngayon, sa halip na graduation gown ang suot nina Maeve at Keiv, puting kasuotan at elegante at pormal na damit ang kanilang pinili para sa araw na matagal nilang pinangarap.Araw ng kanilang kasal.Sa isang napakagandang venue na pinalamutian ng mga puting bulaklak, maliliit na ilaw na tila mga bituin, at mahahabang mesa na maingat na inayos para sa mga bisita, abala ang bawat miyembro ng dalawang pamilya.Hindi na lamang simpleng salu-salo ang okasyon.Naroon ang pamilya ni Maeve, kasama ang kanyang mga magulang, mga kapatid, mga tiyuhin, tiyahin at iba pang kamag-anak. Halos hindi pa rin makapaniwala ang ilan sa kanila na ang dating simpleng dalagang nakatira sa isang unit sa Tikay ay ngayon ay ikakasal sa tagapagmana ng isang napakalaking pangalan sa negosyo.Sa kabilang panig naman ay ang pami
Ang Araw na Nauwi sa Luha "VANESSA!" Dalawang mabilis na galaw ang naganap bago siya tuluyang napahawak sa sarili niyang katawan at napaluhod. Nalaglag ang patalim sa sahig, nagkagulo ang lahat may mga sumigaw, may napaatras, may mga estudyanteng napahawak sa bibig, may ilan na agad umiwas ng tingin. "CALL AN AMBULANCE!" "Please, someone help her!" "Move!" Hindi na nag-isip si Art Leo at tumakbo siya papunta kay Vanessa. "Vanessa!" Lumuhod siya sa tabi nito. "Vanessa, look at me!" Namumutla ang mukha niya. "Art..." "I'm here." Nanginginig ang kanyang mga kamay. "Don't close your eyes." "Baby..." Iyon lamang ang nasabi ni Vanessa at agad napaluha si Art Leo. "Yes." Hinawakan niya ang kamay nito. "Your baby. Think about your baby." Napahikbi si Vanessa. "I didn't..." "I know." "I didn't hurt..." "I know." "I-I tried..." "I know." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. "Stay with me." Sa paligid nila ay patuloy ang kaguluhan ngunit para kay Art Leo, tila
Ang Araw na Dapat Para sa KanilaDumating rin ang araw na matagal nang hinihintay ng buong batch.Graduation Day.Maagang-maaga pa lamang ay buhay na ang buong campus ng Bulacan State University. Ang dating mga hallway na puno ng pagmamadaling estudyante ay napalitan ng mga graduates na suot ang kanilang toga, mga magulang na abala sa pagkuha ng litrato, at mga kaibigang halos ayaw nang bitawan ang isa't isa dahil alam nilang maaaring ito na ang huling araw na magkakasama sila bilang magkakaklase.May mga bulaklak sa paligid. May mga tarpaulin. May mga kamera. May mga iyakan at tawanan.Sa bawat sulok ay may mga pamilyang nagsisikap na i-freeze ang sandaling iyon sa isang litrato.Para sa karamihan, iyon ang araw ng tagumpay.Ang araw ng mga pangarap.Ang araw na pinaghirapan nila sa loob ng ilang taon.At para kay Maeve, higit pa roon ang araw na iyon.Dahil kasama niya ang kanyang pamilya.Kasama niya si Bea.At higit sa lahat...Kasama niya si Keiv.Nang makita niya itong nakasuot
Sa Likod ng Isang PangalanKinabukasan, tila ibang-iba ang naging takbo ng buong campus ng Bulacan State University.Hindi na kailangang magtanong ni Maeve kung ano ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Kahit saan siya dumaan, may mga pabulong na usapan, mabilis na pag-scroll sa cellphone, at mga matang nagkakatinginan na para bang may iisang malaking lihim na alam ng lahat.At ang pangalan sa gitna ng lahat ng iyon ay iisa.Vanessa.Hindi na lamang tungkol sa pag-drop out nito.Hindi na lamang tungkol sa pagkaka-engage nina Maeve at Keiv.At hindi na lamang tungkol sa kontrobersiyang ilang linggo nang pinag-uusapan ng campus.Ngayon, maging ang kalagayan ni Vanessa at ang tungkol sa mental health nito ay naging paksa na ng halos lahat.Sa hallway pa lamang, naririnig na ni Maeve ang ilang estudyanteng nag-uusap."Grabe, nakita mo yung post kagabi?""Oo. Ang bilis kumalat!""May nagsabi na nasa private facility daw siya.""Legit ba yung tungkol sa mental health condition niya?""Hindi
Ang Babaeng Hindi Na Nakilala ang SariliHindi niya agad alam kung nasaan siya.Ang unang naramdaman ni Vanessa ay ang bigat ng kanyang katawan. Para bang ilang toneladang bigat ang nakapatong sa kanyang mga braso at binti. Mabagal ang kanyang paghinga, mabigat ang kanyang mga talukap, at tila ayaw sumunod ng kanyang katawan sa bawat utos ng kanyang isip.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.Puting kisame.Puting dingding.Puting kurtina.At isang malamig na liwanag na nagmumula sa maliit na ilaw sa gilid ng silid. Hindi niya kilala ang lugar, hindi ito ang kanyang kwarto, hindi ito ang kanilang bahay at lalong hindi ito ang kama na ilang taon niyang kinagisnang higaan.Napakunot ang noo niya habang pilit na inaalala kung paano siya napunta roon. Ngunit sa halip na malinaw na alaala, mga pira-pirasong eksena lamang ang dumaan sa kanyang isip.Si Art Leo, ang isang baso, ang kanyang vitamins, ang bigat ng kanyang mga mata at pagkatapos ay wala na.Agad siyang kinabahan.Sinubukan







