ANMELDENCHAPTER : Ang Reyna ng Grado at ang Prinsipe ng Hangin
"Sa mundong puno ng inggit, ang tunay na lakas ay ang kakayahang ngumiti habang lumalaban." May mga estudyanteng pumapasok sa paaralan para matuto. May mga estudyanteng pumapasok para makipagkaibigan. May mga estudyanteng pumapasok para maghanap ng lovelife at mayroon ding mga estudyanteng pumapasok para mang-inis ng kapwa estudyante. Sa kasamaang-palad, lahat sila ay magkakasama sa Bulacan State University at ngayong unang araw ng pasukan, parang reunion ng lahat ng klase ng tao sa mundo. Mula sa gate pa lamang ng BSU ay ramdam na ni Maeve ang enerhiya ng bagong semestre, may mga estudyanteng naghahabulan, may mga estudyanteng nagkukuwentuhan, may mga estudyanteng nagpipicture na parang artista at mayroon ding mga estudyanteng mukhang gusto nang umuwi kahit wala pang klase. Kasama si Maeve doon. "Lord," bulong niya habang naglalakad. "Unang araw pa lang. Pwede bang graduation na agad?" Natawa ang kaibigan niyang si Bea. "Ikaw lang yata ang estudyanteng gusto nang grumaduate bago magsimula ang klase." "Efficient kasi akong tao." "Ang sabihin mo, tinatamad ka!" "Mas magandang pakinggan iyong efficient." Napailing si Bea at para sa kanya ay hindi na bago iyon. Kung may talent si Maeve bukod sa pag-aaral, iyon ay ang kakayahan niyang gawing katatawanan ang kahit anong sitwasyon. Kahit gaano kahirap. Kahit gaano kapagod. Kahit minsan siya na mismo ang punchline. Habang naglalakad sila papunta sa kanilang building, hindi maiwasang mapatingin ang ilang estudyante kay Maeve. Hindi dahil artista siya, hindi dahil influencer siya, hindi rin dahil anak siya ng kung sinong politiko kundi dahil kilala siya dahil isa siya sa pinakamagagaling na estudyante sa kanilang departamento. Palaging nasa Dean's List. Palaging mataas ang marka. At palaging laman ng mga academic recognition programs at gaya ng inaasahan... hindi lahat masaya para sa kanya. Sa kabilang bahagi ng hallway, nakatayo ang grupo ng mga babaeng kilala sa campus. Mga magaganda, mayayaman at masyadong mataas ang tingin sa sarili walang iba kundi ang grupong tinatawag ng ilan bilang Campus Queens. At ng karamihan... Campus Peste. "Look who's here." Napalingon si Maeve at agad niyang nakita ang nagsalita. Si Vanessa Montenegro. Ang self-proclaimed queen ng kanilang departamento. Kasama ang dalawa nitong kaibigan na parang mga alalay sa teleserye. Ngumiti si Vanessa pero hindi iyon iyong klaseng ngiti na nakakagaan ng loob. Iyon iyong klaseng ngiti na parang may binabalak na masama. "Top student." Napabuntong-hininga si Maeve. "Ayan na. Good morning, Vanessa." "Good morning?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Mukhang excited ka ngayong semester." "Oo naman." "Bakit?" "Dahil buhay pa ako." Napatigil ang tatlo. Samantalang si Bea ay halos matawa. Minsan kasi hindi alam ni Maeve kung seryoso siya o hindi at iyon ang dahilan kung bakit madalas hindi alam ng mga tao kung paano siya aatakihin. "Alam mo," sabi ni Vanessa, "ang yabang mo talaga." Napakurap si Maeve. "Ako?" "Oo." "Teka." Napatingin siya sa paligid. "Tayo ba ang pinag-uusapan?" Namula sa inis ang babae. Napangiti si Bea at lalong sumama ang mukha ni Vanessa. Ilang taon nang ganito na paulit-ulit. Hindi naman bully nuon itong si Vanessa noong una. Nagsimula lamang ang lahat nang matalo siya ni Maeve sa isang academic competition. Pagkatapos noon, parang naging personal na ang lahat. Hindi matanggap ni Vanessa na ang babaeng simple manamit, hindi sosyal, at hindi mayaman ay mas mataas pa ang marka kaysa sa kanya at lalo siyang naiinis dahil hindi naman nakikipagkompetensya si Maeve. Natural lang talaga itong matalino. "Siguro ngayon mas mahihirapan ka na." "Bakit naman?" "Mas mataas na ang standards ngayong taon." Tumango si Maeve. "Good." Napakurap ang tatlo. "Good?" "Oo." "Bakit good?" Ngumiti si Maeve. "Kasi ibig sabihin mas marami akong matututunan." Natahimik ang lahat, sobrang tahimik na parang gusto nang sumabog ni Vanessa at iyon ang pinakaayaw niya kay Maeve. Hindi ito madaling masaktan, hindi rin madaling matakot. Oo, naaapektuhan ito. Tao rin naman siya. Nasasaktan, napapagod at naiinis pero hindi siya nagpapatalo pero kapag binato mo ng pang-iinsulto, ibabalik niya iyon sa paraang hindi mo inaasahan at iyon ang dahilan kung bakit lalong nagngingitngit ang mga taong gusto siyang ibagsak. "Baliw ka talaga." "Thank you." "Hindi iyon compliment!" Naiiritang wika ni Vanessa. "Sayang." Napasapo si Bea sa noo. "Maeve." "Ano?" "Please stop." "Nag-uusap pa kami." Muntik nang matawa ang ilang estudyanteng nakarinig at lalong napahiya si Vanessa. "Let's go." Nagmartsa itong palayo kasama ang mga kaibigan ngunit nang makalayo ang mga ito ay saka lamang napabuntong-hininga si Bea. "Paano mo nagagawa iyon?" "Ang alin?" "Hindi ma-stress." Napaisip si Maeve at pagkatapos ay ngumiti. "Na-stress din naman ako." "Hindi halata." "Dahil kung iiyakan ko lahat ng taong galit sa akin, mauubusan ako ng tubig sa katawan." Natawa si Bea at ganoon lamang na parang walang nangyari. Ngunit hindi alam ni Maeve na may isang pares ng mata ang tahimik na nakamasid mula sa ikalawang palapag ng gusali. Tahimik na nagmamasid, malamig at tila walang interes sa kahit ano. Nakatayo ang lalaki habang nakatanaw sa ibaba. Matangkad, malinis manamit at may mukha na parang hinulma ng mga diyos para manggulo ng buhay ng mga babae. Hindi siya nakangiti, hindi rin nakikipag-usap tahimik lamang siya na parang hindi interesado sa mundo. "Keiv." Napalingon siya sa lalaking tumawag. "Orientation na." Tumango siya at muling tumingin sa ibaba. Saktong nakita niya ang grupo ni Vanessa na muling humarang kay Maeve sa hallway. Napabuntong-hininga siya sabay sabi sa kanyang isipan: 'Mga bully, napakakomon at napakababaw.' Akala niya ay umiiyak na iyong babae, o kaya ay natatakot, o baka naman nagpapaawa ngunit nagulat siya nang makita ang eksena. "Bakit nakaharang kayo?" tanong ni Maeve. "Wala." "Sige." At saka ito dumaan mismo sa pagitan ng tatlo narang walang pader na humaharang, parang walang drama, parang wala itong pakialam. Napatigilan si Keiv, namamangha sa babae, 'Kakaiba' sa isip niya. Hindi siya kagaya ng inaasahan niya, hindi mahina, hindi rin pa-victim at lalong hindi mukhang nangangailangan ng tagapagligtas ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng interes... May narinig siyang bulungan mula sa mga estudyante sa paligid. "Siya iyon." "Transfer student." "Nakita mo?" "Grabe." "Ang gwapo." "Diyos ko! Sakin ka na lang." Napakunot-noo si Maeve. Napatingin siya sa direksyong tinitingnan ng lahat at doon niya nakita ang lalaking nakatayo sa itaas ng hagdanan. Matangkad. Puti. Malinis at nakakainis ang mukha. Hindi dahil pangit, dahil kabaligtaran ito. Nakakainis dahil sobrang gwapo iyong tipong parang hindi patas sa ibang tao. Mukha itong prinsipe pero iyong prinsipe na mukhang alam niyang gwapo siya at mukhang ipinagmamalaki pa. Tahimik itong bumaba ng hagdan. Hindi tumitingin sa kahit sino, hindi ngumingiti, hindi nakikipag-usap. Parang may sarili itong mundo at lahat ng tao ay extra lamang sa kwento niya. Napangiwi si Maeve. "Wow." "Ang alin?" tanong ni Bea. "Mukha siyang supladong mayaman." Natawa si Bea. "Narinig mo ba pangalan niya?" "Hindi." "Clarence Keiv Spencer." Napakurap si Maeve. "Tao ba iyon o pangalan ng luxury car?" Napatawa si Bea. "Hahaha iba ka talaga girl, pero mas kilala siya bilang Keiv." "Ayan mas normal." "Tingnan mo." Napatingin muli si Maeve at saktong napalingon si Keiv sa direksyon niya at nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang segundo. Dalawang segundo. Tatlo. At pagkatapos... wala. Literal na wala. Tiningnan siya ng lalaki na parang isa lamang siyang poste sa daan at pagkatapos ay naglakad itong palayo. Hindi ito ngumiti, hindi rin ito tumango at hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya na parang hindi siya nakita, parang hindi siya mahalaga at parang wala siyang existence. Napatayo nang tuwid si Maeve. "Excuse me?" Napatingin si Bea. "Ano?" "Mayabang." "Sino?" "Iyon." "Ni hindi ka nga niya kilala." "Exactly." At sa hindi malamang dahilan... Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon... May isang tao na agad nakakuha ng inis ni Maeve at ang mas nakakainis? Pakiramdam niya... Hindi iyon ang huling pagkakataong magkikita sila.Isang Imbitasyong Hindi Niya Alam ang LihimKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa opisina na si Keiv. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng malaking desk ng kanyang ama, habang hawak ang isang tasa ng kape na ilang minuto na niyang hindi nagagalaw. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin niya. Sanay siyang humarap sa mga business meeting, investors, at mga taong kayang magbigay sa kanya ng matinding pressure, pero pagdating sa isang bagay na may kinalaman kay Maeve, bigla siyang nagiging isang anak na naghahanap ng tamang salita.Napansin iyon ng kanyang ama."May problema ba?" tanong nito habang ibinababa ang hawak na dokumento.Umiling si Keiv."Wala naman, Dad.""Then why do you look like you're about to negotiate a billion-peso deal?"Bahagyang natawa si Keiv."Mas mahirap pa yata rito."Napataas ang kilay ng kanyang ama."Love?"Tahimik na tumango si Keiv.Agad namang ngumiti ang kanyang ama."Maeve?""Yes."Ibinaba ni Keiv ang kanyang tasa at sandaling tumingin sa labas n
Ang Isyu na Hindi Niya HinilingKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa campus na si Maeve. Dahil wala naman silang major activity ngayong araw, ang nasa isip lamang niya ay tapusin ang ilang readings at makapag-review para sa quiz nila kinabukasan. Hawak ang ilang libro at notebook, tahimik siyang naglalakad papunta sa kanilang classroom habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang cellphone niya. May ilang mensahe mula kay Keiv na binasa niya habang naglalakad.Keiv: Good morning, Mahal.Napangiti siya.Maeve: Good morning din. Huwag kang magpalate, kailan ka ba babalik dito sa unit? Wala tuloy akong kasabay...Agad na dumating ang sagot.Keiv: Soon, Mahal! By the way I'm already here.Napailing siya."Maaga pa nga."Pero bago pa siya tuluyang makarating sa building, napansin niyang kakaiba ang dami ng mga estudyanteng nakatingin sa kanya. May mga nagbubulungan. May ilan pang biglang tumitigil sa pag-uusap kapag napapadaan siya.Napakunot-noo siya.Ano na naman kaya 'to?Hindi niya iyon p
Ang Date na Hindi Naging SimplePaglabas nila sa sinehan, bahagyang huminga nang malalim si Maeve. Akala niya, tapos na ang pinaka-weird na bahagi ng date nila.Pero mali pala siya.Pagbukas pa lamang ng pinto ng private elevator, dalawang lalaking nakaitim na agad ang sumalubong sa kanila."Sir, clear na po ang route."Napatingin si Maeve kay Keiv."Route?""Maeve...""Keiv."Napabuntong-hininga ang binata."Please don't start.""Hindi ako nagsisimula. Nagtatanong ako."Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang malaking glass door papunta sa isang private lounge."What's that?""Restaurant.""Alam kong restaurant.""Then?""Bakit walang tao?"Napakamot si Keiv sa batok."Reserved.""Buong restaurant?""Yes."Napatingin si Maeve sa kanya nang matagal."Keiv.""Hmm?""Date lang 'to.""I know.""Hindi business meeting.""I know.""At hindi rin state visit."Napangiti nang bahagya si Keiv."I know that too.""Then bakit parang presidente ang kasama ko?"Napatawa nang mahina ang butler
Ang Date na Hindi Naging SimpleMaulan ang araw na iyon.Mula pa noong umaga ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan sa Malolos. Madilim ang kalangitan, malamig ang hangin, at ang mga kalsada ay unti-unting nababalutan ng tubig. Para sa karamihan, isa iyong ordinaryong maulang araw na mas gugustuhing manatili na lamang sa bahay kaysa lumabas.Pero para kay Maeve, perfect iyon.Dahil matagal na niyang gustong magkaroon sila ni Keiv ng isang simpleng date.Kaya bago pa man siya tuluyang makapagbago ng isip, nagpasya siyang sorpresahin si Keiv sa mismong kumpanya nito.Hindi naman siya nagbihis nang bongga.Sa halip, pinili niya ang isang simpleng eleganteng outfit—isang cream-colored blouse na may maliit na ribbon detail sa neckline, ipinares sa high-waisted dark brown midi skirt na bumabagsak hanggang ibaba ng tuhod. Nakasuot siya ng simpleng closed-toe flats, maliit na shoulder bag, at manipis na cardigan dahil malamig ang panahon. Bahagyang inayos lamang niya ang kanyang buhok at naglag
Ang Katotohanang Hindi Na Kayang ItagoMaagang nagtipon ang pamilya ni Vanessa sa kanilang malaking bahay sa Malolos. Maayos ang pagkakahanda ng dining area, nakaupo sa magkabilang panig ng mahabang mesa ang ilang malalapit na kamag-anak, habang nasa gitna sina Vanessa at ang kanyang mga magulang. Maging ang ilang kinatawan ng kanilang pamilya sa negosyo ay naroon din. Para kay Vanessa, kakaiba ang araw na iyon dahil alam niyang may mahalagang bagay na iaanunsyo ang kanyang ama."Vanessa," panimula ng kanyang ama habang ibinababa ang baso ng tubig, "matagal na naming pinag-uusapan ng iyong ina ang tungkol sa kinabukasan mo."Tahimik lamang siyang nakikinig.Alam na niya kung saan patungo ang usapan."At dahil nag-iisa kang anak namin, nais naming tiyakin na magiging maayos ang magiging buhay mo."Bahagyang ngumiti ang kanyang ina."Kaya napagdesisyunan na naming ipagpatuloy ang matagal nang pinag-uusapang kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya."Nanatiling tahimik si Vanessa.Hangga
Ang Lihim sa Likod ng LahatNanatiling nakatayo si Maeve sa loob ng unit, ilang hakbang ang layo mula sa pinto. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya iyon o mananatili na lamang siyang tahimik. Ang boses na narinig niya ay hindi pamilyar sa kanya, ngunit may kakaibang lamig itong nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib.Samantala, sa kabilang panig ng pinto, tahimik na nakatayo si Art Leo. Bahagyang nakayuko ang ulo nito habang nakikinig sa katahimikan mula sa loob.May kung anong alaala ang muling sumagi sa isip niya.Ang mukha ni Vanessa.Ang mukha ni Maeve.Magkaiba sila, ngunit may isang bagay na pareho sa mga mata nila—ang takot na minsan na niyang nakita sa isang taong akala niya ay hindi kailanman matitinag.Bahagya siyang napangiti."Maeve..." bulong niya. "Hindi mo pa alam kung gaano kalalim ang pagkakadawit mo rito."Hindi niya agad binuksan ang pinto. Sa halip, umatras siya at naglakad palayo sa hallway.Ngunit bago siya tuluyang makalayo, muli niyang naalala ang isang gabi ilan







