Share

Kabanata 1

"Ouch!" Napatabi ako nang mabangga ako ng lalaking tumatakbo. Tinanaw ko siya hanggang sa mawala at pabuntong hiningang inayos ang uniform ko na nagusot.

"Best!" I looked behind me when someone called my name. Nakita ko ang kaibigan ko na nagpapalinga-linga at hinahanap ako.

Nang dumapo sa akin ang kaniyang mga mata ay mabilis siyang tumakbo palapit at niyakap ako kaagad. I frowned as I push her away.

"Kanina ka pa ba rito?" Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. "Okay ka lang ba? Wala bang nangyari sa 'yo rito? Nagtatakbuhan 'yong mga basketball players, mga siraulo."

I smiled. "Oo, don't worry about me."

Simula no'ng malaman ng mga magulang ko na nabuntis ako ay nagalit sila at tinanong ako kung sino ang ama ng dinadala ko. Sinabi ko na hindi ko alam dahil natatakot ako kay Liam. I don't want us to get into trouble and the situation will only get worse.

Iyon lang, hindi ko inakalang mas makapagpapagalit pala iyon sa mga magulang ko kaya pinalayas nila ako bahay. They said that I was too young to be this flirt. I was hurt so I chose to leave. I was currently staying with my friend—Shakira— for now at hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal doon.

"May plano ka na ba, best?" Shakira asked me out of the blue, we started walking away.

I smiled bitterly before shaking my head.

Wala pa akong plano at alam kong hindi pa talaga ako handa. Oo, kailangan ko si Liam pero sa ngayon ay bibigyan ko muna siya ng oras para mag-isip, baka nagulat lang siya. Tama... Baka magbabago pa ang isip niya. Maybe, I need to have a temporary job for now. Ayokong i-asa na lang sa tulong ng kaibigan ko ang lahat.

"I don't know, best," bulong ko.

"Ano ba naman kasi ang nasa isip ng parents mo para palayasin ka?! Susmaryosep, you're just a 3rd year college. They know that you need their support! At 'yang hayop mong boyfriend, stress niya 'yong bangs ko! Bwisit!"

"Ako 'yong nagkamali, Shakira. Kung naging responsable lang ako—"

"No! Don't blame yourself! Hindi ka naman pupunta sa party na 'yon kung hindi ka pinilit ni Liam, 'diba?!"

Ngumiti lang ako.

Hindi ko nga alam kung saan pa ako kumuha ng kakapalan ng mukha para pumasok. I don't deserve to be here. But I still also don't want to give up my studies yet.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapatingin sa dulo ng ORN. Nakuha ng dalawang tao ang atensiyon ko. There were a couple kissing while sitting on the bench. Nakakandong ang babae sa kandungan ng lalaki at hinahalikan ito. Napansin ko rin ang pagkagusot ng kaniyang uniporme dahil sa malikot na kamay ng lalaki.

My nose wrinkled in disgusted. Is this some kind of show? Are they even aware that this is a PUBLIC place?!

"Omg!" Shakira's lips parted. Kinurap niya ang mga mata at kalaunan ay biglang tumawa. "There you are! Ang angas talaga ng lalaki na iyon."

My forehead slightly furrowed and stared at the guy again, wondering why my bestfriend seemed to know him. Nakatagilid kasi ito kaya hindi ko masiyadong makita, humaharang pa sa mukha niya ang bagsak na buhok.

"Best, that's the transferee! 'Yong lumipat weeks ago!" paglilinaw sa akin ni Shakira. Umarko ang kilay ko. "'Yan 'yong babaerong sinasabi ko! Ilang days pa lang yan dito pero lampas bente na ang ex."

"Oh..." I nodded my head. I remember him. 

That guy named Andrix Elyazer. Ilang araw pa lang siya rito pero sikat na sikat na ang pangalan niya. I am no longer surprised whenever I see him somewhere with different womens. He has his own life kaya hindi namin siya dapat pakialaman. I'm too busy to even care.

Ang sabi nila, may taste raw iyan sa babae. Pero hindi ako naniniwala, tingin ko ay halos lahat naman ay papatulan niya. May narinig pa akong bastos daw ang ugali niya at walang modo. I'm not sure, just some gossip.

"Anyway, let's eat lunch na. I'm kinda hungry," I said but she kept staring at the two people kissing. I bit my lip. Hindi ba sila nahihiya sa dami ng nakakakita? 

"Best." Kinaway ko ang kamay ko sa harapan niya. Hindi pa rin ito natinag. "Are you seriously enjoying to watch them?" I laughed a bit.

"Of course not. That's ew! I prefer doing it myself!" She rolled his eyes. 

"Don't you dare! Gusto mo bang matulad sa akin?"

"Duh?" Muli siyang umirap. "'Yong sa 'yo, hindi sinasadya. 'Yong akin, i-e-enjoy ko."

I scoffed. Bastusan ba 'to?

I crossed my arms while looking at her, idly. "Seriously, what are you thinking?" Alam kong may kalokohan na naman ang nasa isip niya. Hindi siya ganito kachismosa kung wala siyang gagawin.

And I am right.

Because she automatically smirked after hearing my question. Her expression lighten as she stared at me. 

"I have plans..." Her gaze dropped to my tummy and she gently caressed it. "Do you want a complete family, baby?"

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko gusto ang iniisip niya!

Mas lumawak tuloy ang pagkakangisi ni Shakira nang makita ang reaksiyon ko. She's planning something... At natutuwa siya dahil naintindihan ko agad ang gusto niyang iparating. I shook my head repeatedly. Minsan ay hindi ko na nagugustuhan ang pagiging mautak niya.

"For your baby, best. I thought you want your family accept you, again? You won't need Liam this time."

My heart started to throbbed faster.  May parte sa aking pumapayag sa gusto niya pero may parte ring na-g-guilty dahil 'pag nagkataon, ang lalaking iyon naman ang maaapektuhan at mahihirapan. Hindi kakayanin ng konsensiya ko.

"Ask him to meet you, Hailey."

Napalunok ako.

"But—"

"Go!" Nagsimula na siyang itulak ako palapit sa bench. Hindi ko malaman ang gagawin. "Kaya mo 'yan! Tsaka hindi mo ba naisip? Na kapag nangyari ang pinaplano nating dalawa, matitigil na ang kasakiman ng lalaking 'yan sa babae! At ikaw naman, babalik sa maayos na kalagayan ang buhay mo. Gusto mo 'yon, diba?"

I stunned.

Tila nabuhay ang loob ko dahil sa sinabi niya. Ang magkaroon ako ng maayos na kalagayan... Sa paraang iyon ay makakapagplano ako para sa kinabukasan ng magiging anak ko. I can go home and my parents will finally accept me... 

I looked at Shakira with my despairing eyes. She smiled, urging me.

I think... I am desperate.

For my future baby... I will do it.

Binitiwan na ako ni Shakira at ako na ang kusang naglakad palapit sa dalawang taong gumagawa ng milagro. Parang sasabog ang puso ko sa kabang nararamdaman. Habang nababawasan ang distansiya namin ay ang pagbilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Huminto ako nang makarating sa harapan nila. They unconciously stopped because of my sudden appearance. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Sino ka? Don't you see? We are busy!" iritang sabi sa akin ng babae at mukhang handa na akong sabunutan.

I didn't pay attention to her. Nilampasan ko lang ng tingin ang babae at sinalubong ang malamig na tingin ng lalaking nakaupo. Parang may kung anong lumundag sa puso ko nang matitigan siya sa malapitan. Gusto kong lumubog sa kahihiyan... This guy was really freaking handsome... and hot! Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit ganoon na lang kabaliw sa kaniya ang mga babae sa unibersidad na ito.

"Are you planning to stare at us for the whole time?" he asked me. Andrix combed his hair using his finger so it wouldn't block his face. Wala akong nagawa kundi matulala.

Wala akong plano na purihin ang hitsura niya pero hindi ko maiwasang humanga sa bawat parte ng mukha niya. He has this long eyelashes, brown eyes and perfect long nose. Nang tingnan ko ang labi ay para pa akong malalagutan ng hininga. His lips was red as roses and it looks so soft to touch.

"Miss?" The guy called me again.

I scoffed. I shouldn't be thinking about it. Gosh, Hailey, focus on your plans!

Muli akong nagpakawala nang malalim na hininga bago magsalita, "Let's meet later. I'll text my address."

Shit! I didn't ask him! Desisyon ka, Hailey? Napapikit ako. Si Shakira na ang bahala rito. It's her plan in the first place. Bahala na siya kung saan niya kukunin ang cellphone number nito.

Nagmulat ako ng mga mata at nasalubong ko ulit ang tingin ni Andrix Elyazer. Mula sa pagkakasalubong ng kaniyang mga kilay ay dahan-dahan itong tumango.

My lips parted. Is that it?

"I knew it," he whispered before letting a playful smirk. Hindi ko inaasahan 'yon. "Okay, sure." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. The smirk on his lips widened. "Interesting..."

After that, he stood up and lowered his gaze to me. Iam expecting him to say something again but he just fixed his torn polo shirt before passing me and started walking away.

My brows furrowed in confusion. What was that?

***

"Kira, are you sure about this? I don't know that man!" I couldn’t stop scolding my friend as we ate lunch.

Hindi ko matanggap na gagawin ko ang bagay na iyon sa lalaking hindi ko pa naman ganoon kilala at babaero pa. But I know, I am the one who needs him so I shouldn't be complaining like this. Isa pa, natatakot akong baka hindi ito kayanin ng konsensiya ko.

"Best, iisipin mo pa ba 'yang mga 'yan? Easy lang naman ang gagawin mo, e. Hindi niyo naman kailangan magpakasal—"

"Hindi talaga, best! Desisyon ako, ha? He won't marry me, either. Wala naman siyang obligasyon sa akin," putol ko sa kaniya. Thinking about marriage, napapaatras na ako. It's just one thing, to entrust my future child to him. Other than that, wala na.

Shit. Do I look like a villain? I'm such a desperate bitch.

"Okay, let's have a deal," sabi ni Shakira at pinagkrus ang mga braso niya. "Before tayo mag-assume, let's make sure if pupunta ba talaga siya sa sasabihin mong address." K-in-amay niya ang kinakaing fried chicken at marahang nginuya iyon habang malalim na nag-iisip, nakatitig sa akin.

Pabuntong-hiningang ibinaba ko ang hawak kong tinidor, nawawalan na ng gana. Tinaasan ako agad ng kilay ni Shakira.

"Hoy, kumain ka pa. You need to be healthy!" Mas inilapit niya pa sa akin ang mga vegetable salad and fruits na i-n-order niya. "Back to the deal, ganito, kapag hindi ka sinipot ng Andrix Elyazer na 'yon, hindi na matutuloy ang plano nating dalawa. Minsan, Hailey, huwag din masiyadong mabait 'no? Kaya ka napagsasamantalahan, e."  She rolled her eyes. "So, kapag hindi natuloy ang plano, ako na ang bahala sa 'yo. I'll help you hanggang sa manganak ka. Let's just say, magiging sugar mommy mo ako," pabirong sabi niya kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Mas okay pa sigurong maging sugar mommy kita, best."

Umiling siya. "Sisiputin ka ni Andrix."

Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. "No."

Bago kami bumalik sa classroom ay dumaan muna ako sa banyo at siya naman ay naiwan sa labas para kausapin ang mommy niya na biglaang tumawag. I went straight to the mirror to look at myself. My face look pale and the smile on my lips already vanished. 

Now that I'm alone, I want to cry, again.

Hindi ko maiwasang masaktan tuwing maiisip ko na nadisappoint ko ang mga magulang ko. My family used to be proud of me dahil hindi ako kagaya ng ate ko na maagang nagkaroon ng asawa at iniwan kami para sumama sa lalaki niya. As well as my brother, too, na bumuo agad ng sariling pamilya. While me, ako ang bukod tanging naiiba. I focus more on my study, kaya naman taon-taon ay umaakyat sila sa entablado para magsuot sa akin ng mga medal at iba pang awards. 

But now, I am more than worse than my siblings. I got pregnant but my boyfriend didn't even want this child. Si ate, nagkaroon agad ng pamilya but she's now happy with his two children. Unlike me, being desperate to find my child a father. 

Huminga ako nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mga mata para maiwasan ang pag-iisip. Ipinatong ko ang gamit ko sa harap ko at inilabas ang powder. Naglagay ako sa mukha. Nang mapansin kong parang may kulang ay ang liptint naman ang inilabas ko.

Naglagay ako kaunti sa labi ko at chineck sa salamin kung pantay na ito. Nang masigurong maayos na ay nagsuklay lang ako bago ayusin ang mga gamit ko. Nakuntento na agad ako sa hitsura ko.

While I was busy arranging my things, I felt someone's presence behind my back. At first, hindi ko siya pinansin pero nang marinig ko ang pagtunog ng lock sa pinto ay awtomatiko na akong napatingin.

"What—" Namutla ako nang makita si Andrix. He was smirking at me while his hands are inside his pocket. Naglakad siya palapit at sumandal sa pader malapit sa akin, pinapanood ako. 

Dinamba ang dibdib ko.

"What are you doing here? This is strictly for girl's only!" natatarantang sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at paano ako kikilos. Kanina lang kami nag-usap!

What the hell?! Hindi pa ako nakakarecover sa pag-alok ko sa kaniya and this? I'm not yet ready to face him. My goodness.

Lumipat siya tabi ko at tiningnan ako sa salamin.

"Don't expect me to wait for your text. My patience is low," he answered, still smirking. "Have you got my number, now?"

I swallowed hard as I looked away, I could feel my hands shaking. "N-no," sagot ko.

He chuckled. "Shall we start?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status