Share

Chapter 2:

Penulis: Juls
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-21 12:21:46

“D-Dad, hindi ko naman inaasahang mangyayari ang ganoong bagay kahapon. Hindi naman ako seryoso sa babaeng iyon, eh, she was just a passed time!” Saad nito.

“Passed time? Huh! How dare you flirt with someone else while being in a relationship! Sa tingin mo ba ay nasa mataas ka ng posisyon? Masyado ng mataas ang iyong tingin sa iyong sarili na madali na lamang sa iyong kumuha ng babaeng mapaglilibangan!” Parang kulog sa lakas na sigaw ni Samuel Lopez, ang ama ni Xavier Lopez.

Napalunok si Xavier at napayuko. Hindi niya alam kung saan siya titingin, sa makintab na sahig ba o sa tuhod ng ama. Masyado siyang takot sa ama para tingnan ito sa mga mata.

“Ngunit Dad, hindi ko mapigilan!” Naglakas siya ng loob na mag-angat ng tingin at salubungin ang galit na mata ng ama. “Hindi ninyo po ako masisisi dahil mahigpit isang taon na kaming engaged ni Luna ay kailanman hindi niya ako pinapayagang hawakan siya! It was my right to touch her since I will be her soon-to-be husband! Besides, I am a man, Dad. May pangangailangan din ako!”

“Isang kahibangan!” Dumagundong sa buong kabayahan ang malakas at ma-awtoridad na tinig ni Ephraim Gray habang naglalakad papalapit sa mag-ama.

Mabilis at malalaki ang kanyang hakbang. Galit na galit siya dahil kahit kailan ay hindi siya makapapayag na may mangbastos ng ganoon-ganoon lamang sa kanyang prinsesa!

Subalit nang inangat na niya ang kanyang kanang kamay upang sampalin ang walang hiyang manloloko ay bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig.

Sa loob ng van, halos tirisin na ni Sofia Vergara si Luna. Gusto na niyang biyakin ang ulo nito para malaman kung anong laman sa sobrang inis. Kung hindi lang talaga niya ito alaga ay talagang babalatan niya ito ng buhay.

“Sa lahat ng lalaking pwede mong kasama, si Giovanni Cortez pa? My gosh! He's a lawyer for God's sake!” Halos sabunutan na ni Sofia ang sariling buhok. “Alam mo bang maaari ka niyang i-report sa paratang mong isa siyang bayarang lalaki? Jusko naman, he's a high paying attorney in the country tapos babayaran mo lang ng ganoong halaga?”

Kumunot ang noo ni Luna. Hindi naman iyon gagawin ng lalaki, hindi ba?

“Edi kung ganoon, lalabas din ang katotohanang babaero talaga siya!” Matapang niyang sinabi.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sofia ang alaga. “Mas nawalan ka ba nang bigyan mo siya ng limang libo o mas mawawalan siya sa pagiging isang babaero lang? Luna naman, hindi mo pa nga lubusang na-establish ang kasikatan mo tapos heto at madadawit ka sa abogadong iyon? Alam mo bang maraming artista ang gustong maging abogado ang Cortez na iyon dahil sa galing niya?” Mataas ang boses nitong sinabi. “Sisiw lang sa kanya ang balitang isa siyang babaero dahil iyon naman talaga ang bansag ng mga mayayaman at single na katulad niya!”

Sumasakit na ang ulo ni Luna sa dami ng sinasabi ni Sofia. Kaya naman ay naglalambing niyang inilingkis dito ang kanyang braso at saka ihinilig ang ulo sa balikat nito. “But Sofia, the damaged has been done. Kahit sabunutan mo pa ako hanggang maubos ang buhok ko, wala ring saysay dahil nangyari na. Bakit hindi ka na lang gumawa ng paraan para naman hindi makuha sa akin lahat? Pretty please…” mahaba ang ngusong paglalambing niya rito.

Mga endorsements, pelikula at mga advertisements na naka-line sa susunod na mga buwan ay kaliwa’t kanan na ang pagtawag sa kanya ngayon dahil sa nangyari. Kung totoong ilalabas nga ng abogadong iyon ang isa na namang eskandalong ito, siguradong sa kangkungan na talaga siya pupulutin sa laki ng mababayaran niyang liquidated damages!

Ayaw niyang mangyari iyon, ‘no! Masyado siyang maganda para maging kaawa-awa.

Masamang tingin ang iginawad ni Sofia kay Luna. Dismayado siya sa mga nangyari ngunit tama ito, wala na siyang magagawa dahil nangyari na.

“Alam mo bang pinaalis na ng bansa ng pamilyang Lopez si Xavier kasama ang babae nito?”

Sa narinig ay napaahon si Luna at napaayos ng upo. “Kailan pa?”

Ni hindi pa nga siya nakakapaghiganti ay umalis na ito? Anong pumasok sa isip ng mga Lopez at hinayaan ang ganoong pangyayari?

“You're kidding me, right?” Hindi makapaniwalang niyang sinabi.

“Para saan naman at makikipagbiruan ako sa'yo?” Pairap na tugon ni Sofia. “Nawalan ng malay ang ama mo sa pamamahay nila, kung hindi dahil sa nangyari sa ama mo ay anong mukha ang ihaharap nila sa’yo? Ngayon ay nasa panganib ang buhay ng iyong ama, siyempre ay mag-iisip na iyan sila ng paraan upang masalba ang anak nila sa kahihiyan! Isa pa, nagdadalang-tao ang babae kaya siguro ay mas nagkaroon sila ng lakas ng loob upang pangalagaan ito.”

Kumuyom ang kamao ni Luna sa galit. Talagang nagawa pa ng mga itong idamay ang kanyang ama!

Ang orihinal na plano ni Luna ay mag-gym kinahapunan. Masyado siyang napagod sa ginawa nila ng lalaking iyon nang gabi kaya dapat lang na nasa kondisyon ang kanyang katawan, kahit na ang totoo ay gusto lang niyang kalimutan ang bakas ng nangyari dahil kahit anong pikit niya ay iyon ang paulit-ulit na nakikita niya sa isipan!

Hindi ba dapat ay wala siyang maalala dahil lasing nga siya sa gabing iyon? Ngunit hindi! Para iyong bangungunot na ayaw siyang tantanan!

Nang magsimula na siya sa kanyang warm up ay tumunog ang kanyang telepono.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 141

    Habang tumatagal, dumarami ang mga nanonood sa eksena. May ilan na kunwaring tumatawa sa tabi, ang iba'y may hawak nang cellphone, tila pipindutin na lang ang “record.”Lalong namutla ang mukha ni Francesca. Parang nauupos na kandila ang yabang niya, unti-unting kinakain ng kahihiyan. Nakatayo siya sa gitna ng kainan, parang batang nahuli sa pandaraya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tingin.At sa harap ng buong crowd, wala siyang masabi.Lumingon siya kay Xavier ang huling pag-asang mahila siya palabas sa kahihiyang ito.Ang lalaking minsang pinagpalit ni Luna ay tumikhim, waring sinusubukang buuin ang natitira niyang dignidad. At least, sa sandaling iyon, pinilit niyang kumilos na parang lalaki.Ngunit sa totoo lang?Mas huli pa siya sa dapat. At mas mahina pa kaysa sa inaasahan.Humarap si Xavier kay Luna, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, sinubukan niyang magsalita nang diretso, para bang kaya pa niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mahinahong tono.“Totoo nama

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 140

    “Miss Francesca,” sambit ni Luna habang nakatayo pa rin sa gitna nilang dalawa, ang tono ay mapanuri ngunit may halong mapanuksong ngiti. “Magkano ba ang kinain n’yo ngayong gabi?”Tahimik si Francesca. Nagtama ang mga mata nila, ngunit hindi siya sumagot.“Alam mo,” patuloy ni Luna habang tumuwid ng tayo’t inayos ang laylayan ng kanyang damit, “mula nang mabuntis ka, parang wala man lang matinong alahas sa katawan mo.”Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa.“Hindi ko na nga babanggitin ang iba pa. Pero ni isang gold na singsing wala? Nakapanganak ka na para sa kaniya, pero nasaan ang kotse? Nasaan ang bahay?”May bahagyang katahimikan. Ngunit ang bawat salita ni Luna ay parang martilyong dahan-dahang ibinabagsak sa dignidad ng babae sa harap niya.Si Francesca, namutla ang mukha.Ang manipis niyang mga labi ay pinipigang huwag manginig. Mariin niyang sinara ang bibig walang salitang lumabas. Hindi dahil hindi siya marunong sumagot, kundi dahil kahit anong sabihin niya, hin

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 139

    “Ang daming second-generation sa lungsod na ’to,” bulong ng manager, halatang nag-aalangan. “Sino ba talaga ang tinutukoy n’yo, Miss Luna?”Tahimik lang si Luna. Hindi na siya nag-abala pang ipaliwanag.Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang telepono, mabilis na nag-scroll sa album, at itinapat sa mukha ng manager ang larawan ni Xavier pormal, gwapo, suot ang signature na salaming may manipis na frame, at ang ngiti na minsan niyang minahal.Napatingin ang manager sa larawan, at agad na kumurap ang kanyang mga mata.May munting gulat sa ekspresyon nito hindi dahil hindi niya kilala si Xavier, kundi dahil ngayon lang niya naalala."Ah siya po pala."Tumingin siya sa paligid, saka yumuko ng bahagya.“Nasa compartment number two po siya, doon sa balcony.”Tahimik na tumango si Luna.So he is here after all.Ang dating wala sa mapa ng social scene, heto’t biglang lumitaw sa mismong lugar na dulo ng lahat ng bulung-bulungan.At ngayong alam na ni Luna kung nasaan siya ang tanong pupuntahan

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 138

    Napaisip si Luna saglit. “Gusto ko pero ayokong mapunta sa hot search na kasama si Abogadong Giovanni.”Tumango si Giovanni, may misteryosong ngiti sa labi. “Ayos.”Napataas ang kilay ni Luna. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ayos’?”Tumagilid si Giovanni, parang may itinatagong lihim na regalo. “Ibig sabihin, bilang paghingi ng tawad bibigyan kita ng isang hot search entry na ikaw lang ang laman.”Napapikit si Luna, parang may sumabit sa lalamunan niyang tawa. ‘Iba talaga ang lasa ng mga kapitalista. Iba kung umasta, iba kung mag-sorry.’Pagpasok nila sa restaurant, agad silang sinalubong ng manager pormal, maayos, parang alam agad kung sino ang importante sa pagitan ng dalawa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 137

    “It seems that the next meal is the key,” ani Giovanni, may bahagyang ngiti habang nakatingin kay Luna. Hindi iyon biro. Alam niya kapag sumablay siya sa susunod na hakbang, baka hindi lang pagkain ang hindi niya makuha. Luna, hindi man tumingin agad, ay ngumiti ng bahagya habang sumasagot, “Mabuti naman at alam mo Giovanni.” Sa tono pa lang niya, malinaw: Gusto kong suyuin mo, pero hindi ko sasabihing gusto ko. Habang umaandar ang sasakyan, ini-adjust ni Luna ang kanyang pagkakaupo, naghahanap ng mas kumportableng posisyon. Sa bawat galaw niya, parang sinasadya ang pagiging effortlessly elegant pa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 136

    Si Luna ay lumabas na suot ang isang body-hugging na palda, na may malalim na V-shaped back. Wala siyang suot na bra. Ang makinis na balat niya ay lantad mula batok hanggang baywang, hubog na parang hinulmang tula sa liwanag ng boutique. Sa harap, isang simple at eleganteng babae. Sa likod, isang anyayang hindi masambit sa salita. Si Giovanni ay biglang nakaramdam ng pamamanhid sa mga daliri hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi sa pananakop ng init na umakyat mula sa dibdib pababa sa tiyan. Putangina. Napatingin si Luna, parang wala lang, pero may mapaglarong sulyap. “Okay ba?” tanong niya, kunwari inosente. “Maganda,” sagot ni Giovanni, halos hindi naririnig ang boses niya. Simple lang ang kanyang sagot, pero ang titig niya’y matalim para bang sinasabi: ‘Maganda’ ang nasabi ko, pero ang gusto kong sabihin ay ‘Delikado ka.’Larong Salamin at T

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status