Share

Chapter 3:

Author: Juls
last update Last Updated: 2025-02-21 13:45:35

Ang opisina ni Giovanni ay matatagpuan sa huling palapag ng pinakamatayog na gusali sa pinakasikat na gusali sa bansa. Okupado nito ang pinakagitna kung saan mula sahig, mga salaming bintana at ceiling ay kitang-kita. Mula roon ay matatanaw ang buong kamaynilaan.

Ang napapabalita ay may isang director sa drama na gustong mag-rent ng office niya para mag shoot. Pero ang hinihingi ni Atty.

Cortez ay 50M bawat araw dahilan upang galit na umalis ang mga ito.

Prenteng nakaupo si Giovanni sa pang-isahang itim na leather sofa habang mayroong hawak na tasa ng kape sa kanang kamay. Nakatitig ito kay Luna.

Ang babaeng ito, kapag nakasuot ng magarang damit ay parang isang puro at inosenteng uri ng babae. Subalit kapag n*******d, para itong dyosang bumaba galing sa langit upang hatulan ang mga makasalanan. Noong sumapit ang ikawalong taong gulang nito ay halos magkandarapa ang mga kalalakihan para lang mapansin nito.

“Attorney Cortez, I have a case to consult. Could you help me?”

Marahang inikot ni Giovanni ang kutsarita sa kanyang tasa, may pilyong ngisi na dumaan sa kanyang mga labi. “Is a beast in human clothing worthy of Ms. Gray’s help?”

Nagpakawala ng matamis na ngiti si Luna, kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niyang hambalusin ang lalaki. “Hmm… Atty., ang katagang ‘beast in human clothing’ ay isa ring uri ng papuri kung minsan?” Maarte niyang pinagkrus ang mga hita.

“Halimbawa ng?” Naningkit ang mga mata ng abogado.

“Sa kama,” makahulugan at may diing sinabi nito.

Sumilay ang kakaibang kislap sa madilim na mata ni Giovanni. “Ms. Gray, pinapaalala ko lang na sampung libo ang bawat oras ng consultation f*e ko.

Halos lumuwa sa pamimilog ang mata ni Luna. “Nahiya ka pa talagang magnakaw sa bangko sa lagay na iyan, huh!” Bulalas nito.

Gumalaw ang balikat ni Giovanni nang humalakhak ito. “Well, kompara naman sa pagnanakaw sa bangko, mas gugustuhin ko pang tumanggap ng pera galing sa mga mayayamang walang utak kagaya ninyo.”

Natameme si Luna sa labis na galit na nararamdaman. Bakit parang ang bilis naman yata ng karma niya?

“So Attorney, kukunin niyo po ba itong kaso ko o hindi?” Hindi na makapaghintay pang sinabi niya.

“Hindi,” deretsahang sagot niya.

“At bakit?”

“Mas magaling pa sa akin ‘yung mga leading men sa adults films, Ms. Gray, bakit hindi ni’yo na lang sila i-consider? O kaya iyong mga atleta. Mas magandang choice naman ‘yon.”

Kumuyom ang kanyang kamao. Sana ay hindi na lang siya nagpakalasing kagabi nang sa ganoon ay hindi siya napunta sa ganitong sitwasyon ngayon!

Ang dami namang lalaki sa mundo. Bakit si Giovanni Alexander Cortez? Hay naku!

Napailang si Luna. Siya pa naman si Luna Gray, yung pinaka-magandang babae sa Manila! Kilala siya bilang isang malinis at butihing babae sa larangan ng industriya, tapos mahuhulog lang siya sa bitag ng lalaking’ to?

“Atty., wala naman tayong samaan ng loob, hindi ba?” Malambing na sinabi ni Luna, sinusubukang kuhanin ang loob ng lalaki.

Tamad na isinandal ni Giovanni ang buong bigat sa sandalan ng sofa. “Ms. Gray, pinunan mo ang kakulangan ng iyong dating nobyo sa pamamagitan ko. Hindi ka pa nakuntento, ginawa mo pa akong bayaran! Ngayon, sino ang hindi magtatanim ng sama ng loob?” Humugot ang hawak nito sa tasa ng kape. “Pasalamat ka at hindi ko pa kinakalkal ang baho ng mga ninuno mo.”

Napahawak si Luna sa kanyang sentido at saka iyon marahang minamasahe. Pinapakalma niya ang sarili upang hindi magalit at makagawa ng masama sa lalaki, sampung milyon pa naman ang nakasalalay rito!

Ang taong walang pera ay mas nakakaawa pa sa asong nakatira sa kalye.

“Sige nga, Atty. Cortez, halukayin mo nga iyang sinasabi mong baho ng pamilya ko!” Marahas na nagtaas baba ang kanyang dibdib. “Ang pagtatanim ng sama ng loob ay hindi nakagaganda ng kalusugan. Kapag ang tao ay nabubuhay na may itinatanim na sama ng loob, nakakalbo! Kaya alang-alang sa iyong mahal na buhok, sasamahan pa kitang manghalukay sa libingan ng mga ninuno ko!”

Umingos si Giovanni. Nakitaan ng takot ang mga mata nito sa mga pinagsasabi ng babae. “Tsk. Hindi ko alam na ganoon ka kamapamahal sa iyong mga ninuno, Ms. Gray.”

Nagkibit ng balikat si Luna. “Matagal na panahon na rin nang mailibing ang mga ninuno ko, siguro ay maganda na rin kung mailipat sila sa ibang lugar. New environment to start anew, kumbaga. Bakit? Mga buhay lang ba ang may karapatang maghangad ng bagong bahay? Tsh, pati rin kaya patay!”

Naiiling na ngumisi si Giovanni. “Hindi ko lubos akalain na isa kang mabait at mabuting anak at apo Ms. Gray, kahit na hindi ka naman ganoon kaganda.”

Doon na naputol ang tali ng pasensyang kanina pa niyang pinipigilan. Kailanman ay wala pang nangahas na magsabi sa kanya ng ganoon! Lahat ng kanilang angkan, mga taong labas sa kanilang pamilya ay walang ibang tingin sa kanya kundi ang kanyang kagandahan! Itong lalaki pa lang na ito ang nag-iisang naglakas ng loob na sabihin iyon!

Ang kapal ng mukha!

Sa galit na hindi na mapigilan ay tumayo si Luna sa kinauupuan at marahas na hinablot kay Giovanni ang hawak nitong kape ay wala iyong pagdadalawang-isip na isinaboy sa mukha ng lalaki.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong si Giovanni na umiwas. Tiim-bagang niyang dinamdam ang pagkakabasa ng kanyang mukha at saka madilim ang tinging iginawad kay Luna.

Umawang ang labi ni Luna, natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Maging siya ay nabigla rin sa kanyang ginawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 141

    Habang tumatagal, dumarami ang mga nanonood sa eksena. May ilan na kunwaring tumatawa sa tabi, ang iba'y may hawak nang cellphone, tila pipindutin na lang ang “record.”Lalong namutla ang mukha ni Francesca. Parang nauupos na kandila ang yabang niya, unti-unting kinakain ng kahihiyan. Nakatayo siya sa gitna ng kainan, parang batang nahuli sa pandaraya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tingin.At sa harap ng buong crowd, wala siyang masabi.Lumingon siya kay Xavier ang huling pag-asang mahila siya palabas sa kahihiyang ito.Ang lalaking minsang pinagpalit ni Luna ay tumikhim, waring sinusubukang buuin ang natitira niyang dignidad. At least, sa sandaling iyon, pinilit niyang kumilos na parang lalaki.Ngunit sa totoo lang?Mas huli pa siya sa dapat. At mas mahina pa kaysa sa inaasahan.Humarap si Xavier kay Luna, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, sinubukan niyang magsalita nang diretso, para bang kaya pa niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mahinahong tono.“Totoo nama

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 140

    “Miss Francesca,” sambit ni Luna habang nakatayo pa rin sa gitna nilang dalawa, ang tono ay mapanuri ngunit may halong mapanuksong ngiti. “Magkano ba ang kinain n’yo ngayong gabi?”Tahimik si Francesca. Nagtama ang mga mata nila, ngunit hindi siya sumagot.“Alam mo,” patuloy ni Luna habang tumuwid ng tayo’t inayos ang laylayan ng kanyang damit, “mula nang mabuntis ka, parang wala man lang matinong alahas sa katawan mo.”Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa.“Hindi ko na nga babanggitin ang iba pa. Pero ni isang gold na singsing wala? Nakapanganak ka na para sa kaniya, pero nasaan ang kotse? Nasaan ang bahay?”May bahagyang katahimikan. Ngunit ang bawat salita ni Luna ay parang martilyong dahan-dahang ibinabagsak sa dignidad ng babae sa harap niya.Si Francesca, namutla ang mukha.Ang manipis niyang mga labi ay pinipigang huwag manginig. Mariin niyang sinara ang bibig walang salitang lumabas. Hindi dahil hindi siya marunong sumagot, kundi dahil kahit anong sabihin niya, hin

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 139

    “Ang daming second-generation sa lungsod na ’to,” bulong ng manager, halatang nag-aalangan. “Sino ba talaga ang tinutukoy n’yo, Miss Luna?”Tahimik lang si Luna. Hindi na siya nag-abala pang ipaliwanag.Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang telepono, mabilis na nag-scroll sa album, at itinapat sa mukha ng manager ang larawan ni Xavier pormal, gwapo, suot ang signature na salaming may manipis na frame, at ang ngiti na minsan niyang minahal.Napatingin ang manager sa larawan, at agad na kumurap ang kanyang mga mata.May munting gulat sa ekspresyon nito hindi dahil hindi niya kilala si Xavier, kundi dahil ngayon lang niya naalala."Ah siya po pala."Tumingin siya sa paligid, saka yumuko ng bahagya.“Nasa compartment number two po siya, doon sa balcony.”Tahimik na tumango si Luna.So he is here after all.Ang dating wala sa mapa ng social scene, heto’t biglang lumitaw sa mismong lugar na dulo ng lahat ng bulung-bulungan.At ngayong alam na ni Luna kung nasaan siya ang tanong pupuntahan

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 138

    Napaisip si Luna saglit. “Gusto ko pero ayokong mapunta sa hot search na kasama si Abogadong Giovanni.”Tumango si Giovanni, may misteryosong ngiti sa labi. “Ayos.”Napataas ang kilay ni Luna. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ayos’?”Tumagilid si Giovanni, parang may itinatagong lihim na regalo. “Ibig sabihin, bilang paghingi ng tawad bibigyan kita ng isang hot search entry na ikaw lang ang laman.”Napapikit si Luna, parang may sumabit sa lalamunan niyang tawa. ‘Iba talaga ang lasa ng mga kapitalista. Iba kung umasta, iba kung mag-sorry.’Pagpasok nila sa restaurant, agad silang sinalubong ng manager pormal, maayos, parang alam agad kung sino ang importante sa pagitan ng dalawa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 137

    “It seems that the next meal is the key,” ani Giovanni, may bahagyang ngiti habang nakatingin kay Luna. Hindi iyon biro. Alam niya kapag sumablay siya sa susunod na hakbang, baka hindi lang pagkain ang hindi niya makuha. Luna, hindi man tumingin agad, ay ngumiti ng bahagya habang sumasagot, “Mabuti naman at alam mo Giovanni.” Sa tono pa lang niya, malinaw: Gusto kong suyuin mo, pero hindi ko sasabihing gusto ko. Habang umaandar ang sasakyan, ini-adjust ni Luna ang kanyang pagkakaupo, naghahanap ng mas kumportableng posisyon. Sa bawat galaw niya, parang sinasadya ang pagiging effortlessly elegant pa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 136

    Si Luna ay lumabas na suot ang isang body-hugging na palda, na may malalim na V-shaped back. Wala siyang suot na bra. Ang makinis na balat niya ay lantad mula batok hanggang baywang, hubog na parang hinulmang tula sa liwanag ng boutique. Sa harap, isang simple at eleganteng babae. Sa likod, isang anyayang hindi masambit sa salita. Si Giovanni ay biglang nakaramdam ng pamamanhid sa mga daliri hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi sa pananakop ng init na umakyat mula sa dibdib pababa sa tiyan. Putangina. Napatingin si Luna, parang wala lang, pero may mapaglarong sulyap. “Okay ba?” tanong niya, kunwari inosente. “Maganda,” sagot ni Giovanni, halos hindi naririnig ang boses niya. Simple lang ang kanyang sagot, pero ang titig niya’y matalim para bang sinasabi: ‘Maganda’ ang nasabi ko, pero ang gusto kong sabihin ay ‘Delikado ka.’Larong Salamin at T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status