heto na, heto na, babawi na po hehe. peace po tayo sa ud kahapon. tinablan ako bigla ng tamad e huhu pero babawi na po ako. i hope napangiti ko kayo sa chapter na ito ^_^
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak ngunit wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kung dala ng kanyang lungkot at pagkalasing ay nagha-hallucinate na siyang si Lucifer ang kanyang kaharap ngayon at nagpapakalma sa kanya.All she knew is that… she feels a little better. Pakiramdam niya ay nakunan ang sakit na kanyang kinikimkim sa dibdib. This is really a big help. Niyakap siya nito nang mahigpit na mas lalong nagpaiyak sa kanya. She bit her lower lip and closed her eyes. Maybe this is her hallucination. Maybe she’s just longing for him to comfort her. Kasi ganon naman lagi, e. Yung tipong ‘yung taong nanakit sa ‘yo ang nais mong magkomporta sa ‘yo.And because of crying so hard, Lyla didn’t notice she passed out. Nagising na lang siya nang maramdaman niyang may magaang kamay ang dumampi sa kanyang pisngi. She slowly lifted her eyelids and the moment she saw him, she closed her eyes again.Napahawak siya sa kanyang ulo. Lasing pa ba siya? Dalawang bote lang naman
A month had passed. Sa susunod na araw ang launching ng design na dahilan ng pagkakulong ni Zaylee ngayon. Yes, she’s in prison right now. Akala niya nga ay tutulungan ito ni Lucifer ngunit mukhang nagkamali siya. “Mommy, are you really gonna leave?” tanong ng bata habang nakatingin sa kanya. “I’m going to mis you.” Napangiti siya sa sinabi ng bata. Tinotohanan ni Lucifer ang sinabi nitong hindi ito magpapakita sa kanya. It’s been a month since she last time saw him. Nandito na siya nakatira sa bahay ni Lucifer ngayon at masasabi niyang nagiging komportable na siya rito. Malaki ang naging tulong ni Lucky para kahit papano ay maaliw siya sa bahay. Ngunit sa isang buwan na ‘yon, hindi pa rin niya mabanggit sa kanyang ina ang tungkol dito. Sure as hell, her mother will be overly dramatic again. “Yes, baby.” Tipid siyang ngumiti rito. “I don’t think your father will let you come with me.” Kasi sa totoo lang, gusto niyang makasama si Lucky pabalik sa New York. She wanted to introduce h
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang panyong may burda ng pangalan na hinding-hindi niya makakalimutan. Her heart is beating erratically and she wanted to cry. Sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang dibdib ay halos mahirapan na siya sa paghinga. Luciann… Nanghihina siyang napaupo sa lapag at humikbi. Hindi siya maaring magkakamali. This hanky is his. Pinagawa niya ito sa manugang ni Daylinda nang mapagdesisyunan niya ang pangalan ng kanyang anak. Sa ganoong pagkakataon siya naratnan ng taong bumukas ng pinto ng silid ni Lucky. She covered her face with her palm and sobbed silently while holding the hanky. Agad naman siyang dinaluhan ng taong pumasok sa silid at huli na nang malaman niyang si Lucifer ‘yon. “What happened? Are you okay?” he asked. She looked up at him and cried even harder. Mabilis naman siyang binalot ng binata sa isang mahigpit na yakap. Pinikit ni Lyla ang kanyang mga mata at umiyak nang umiyak. Pakiramdam niya ay nabuksan ang sugat sa kanyang puso na
“NAKAHANDA NA BA ANG lahat?” tanong ni Lin sa hindi mabilang na beses. Mahinang natawa si Pammy na tanging responde nito sa tanong ng kapwa niya sekretarya. Hindi na lang ito pinansin ni Lyla at muling nag-scroll sa kanyang hawak na tablet. It’s been six months. Yes. She has to move her design launching for six months kasi hindi niya pa kayang humarap sa maraming tao habang sa loob-loob niya ay gulong-gulo pa siya. It took her a lot of sleepless nights thinking what’s wrong with her. Kung bakit ganoon ang mommy niya. And luckily, her father sends her flower every time she feels down or anything. Kahit papano ay nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa. She took a very deep breath and caressed her tummy. It took her a lot of courage to finally reschedule her design launching. At sa totoo lang, kinakabahan siya. Alam niyang maraming magkukwistyon sa kanya tungkol sa tiyan niya at tungkol kay Lucifer. “Grabe. Parang hindi pa seven months si baby,” sambit ni Lin habang nakatingin sa kan
“Lyla?”Napatingin siya sa kanyang Mommy nang tawagin siya nito. Tinigil niya ang pagbabasa sa kanyang dokumentong hawak at bumaling sa kanyang Mommy na may malawak na ngiti sa labi.“What is it, Mom?”Tipid na ngumiti ang kanyang ina at umupo sa visitor’s chair ng kanyang opisina. It’s very unusual for her mom to visit her during working hours. Alam nito ang schedule niya kaya naman nakakapagtakang pinuntahan siya nito ngayon lalo na’t may meeting siya thirty minutes from now.“Uhm, I know you’re busy, anak, but I want to give you this…”Nilapag ng kanyang ina ang isang invitation card at ganoon na lang ang pagparte ng kanyang labi sa gulat. She looked at the card and looked at her mom. Hilaw itong nakangiti sa kanya na para bang alam nitong hindi siya ini-expect ang bagay na ito.“You’ve got to be kidding me, Mom.” Pinulot niya ang invitation card at binasa ito. “Wedding? Mr. and Mrs. Russo? Mom? You just met that guy!”“I know, sweetie. But I just knew it’s him.”Natampal ni Lyla a
As he deepened the kiss, Lyla was fast to push him off and slapped him hard. Gulat ang kanyang mga matang nakatingin dito. The man’s head tilted a bit after that big slap. Lahat ng mga taong nagsasayaw malapit sa kanila ay bahagyang napatingin sa kanilang gawi.Rinig niya kung paano nagkantyawan ang mga kaibigan ng lalaking kanyang hinalikan kaya naman parang nawala ang kalasingan sa kanyang katawan at agad siyang yumuko rito.“I’m sorry!” she exclaimed before she hurriedly walked out of the bar.Rinig na rinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan ngunit masyado siyang nahihiyang humarap sa mga ito. She’s too shy and embarrassed to go back and act nothing! Kaya naman agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinausad ito.Tuluyang nawala ang kalasingan niya habang nagmamaneho. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ni Lyla ang nangyari kanina sa bar. Hindi na niya siguro kaya pang harapin ang kanyang mga kaibigan matapos ng kanyang ginawa kanina.She was the one who kissed him! And s
Pinalibot ni Lyla ang paningin sa kabuoan ng paliparan. Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa habang siya ay hindi alam kung ipagpapatuloy pa ba ang paghakbang palabas ng paliparan na ito. Walang ni isa sa kanyang mga kakilala ang alam na nandito siya… bukod sa isang tao.Bahagya siyang pakislot nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Agad niyang sinuot ang kanyang dalang sunglasses at saka sinagot ang tawag ng kanyang butihing pinsan. “Hello?”“Where the hell you still at?” masungit nitong bungad.Mahinang napailing si Lyla. “Hindi ka ba marunong maghintay?”“You’re nothing special. Why the hell would I wait for you?”That made her smile. Doon na siya nagdesisyong humakbang para maglakad. She’s planning to surprise her mother that she’s already in the Philippines kaya naman agad niyang tinawagan ang nag-iisang pinsan niya rito sa Pinas.“Because I am Lyla Tolentino, duh?” she sarcastically replied. “Anyways, I’m heading out now.”Habang kausap ang pinsan sa telepono at hindi niya
She tilted her head and bit her lower lip. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking hinalikan niya sa New York! Pero baka naman magkamukha lang? Maybe she’s just overthinking things. Sobrang coincidental naman siguro kung ito nga ang lalaking hinalikan niya.And she was drunk that time, okay? Hindi siya sigurado sa kanyang nakita. Baka sadyang namamalik-mata lang talaga siya. It would be really so awkward kung ito ang lalaking nakahalikan niya, ‘di ba?“It’s so nice to finally meet you, Lyla.”Wala sa sarili siyang napatingin sa lalaking may edad niya. It was Hades, ang gustong mapangasawa ng kanyang ina. She wanted to smile to him but she can’t help not to look at the handsome man beside him.Sa tindig at postura nito, mahahalata ang pagiging arogante nito. At sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng pagkairita si Lyla. She hates men who thinks high of themselves. Lalo na ‘yung mga nagiging customer niya na gustong bigya ng regalo ang kanilang mga babae.“Lyla?” pukaw ng kanyan