"Malalampasan din natin ang lahat ng ito, papa." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa ama, pigil niya ang mga luhang nais maglandas sa kanyang mga mata.
Kailangan niyang magpakatagtag upang sagayon ay hindi panghinaan ng loob ang ama. Batid din niya ang labis na paghihirap nito dahil sa karamdaman nito.
Kung paano at saan siya magsisimula para matubos at mabawi ang Hacienda ay hindi niya alam. Alam niyang mahirap ngunit ayaw niyang sumuko at panghinaan ng loob. Alang-alang sa nasira niyang ina gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang lahat ng nawala sa kanila.Ilang araw nalang ang makikita na nila ang bagong may ari ng kanilang mga ari-arian. Dalangin niya na sana'y hayaan sila nito na tumira sa mansion habang hindi pa lubusang magaling ang ama. At habang pinagiipunan niya ang pambayad sa kanilang Hacienda.
"Salamat, hija. Don't worry, hindi na ako muling iinom," nakangiting tugon ng matandang don.
"I love you, papa. At kahit anong mangyari hindi po iyon mag-iiba." aniya ang mga luhang kanina ay nagbabadya ngayon ay kusang naglandas sa magkabila niyang pisngi.Nakangiti ngunit luhaan nakamasid sa kanila si Nana Delia. Maging ang mayordama ay labis na nalulungkot para sa mag-ama. Naging napakabuti ni Don Feliciano sa kanilang lahat at itinuring silang mga kasambahay na bahagi ng pamilya. Maging sa mga trabahador at magsasaka sa Hacienda. Kung bakit pa kailangan isanla at ibenta ang mga ari-arian ng mga ito ay labis na ikinalulungkot ng ginag."Nakahanda na ang hapunan, hija." Pinahid ni Danna ang mga luha sa mata at nakangiting bumaling kay Steff. Sige po nanay Steff. Maraming maraming salamat ho." mula sa pusong aniya. Inalalayaan ang Don upang dumulog sa mesa.Sumisimsim ng alak si Eugene habang nakatanaw sa mga gusaling nagtataasan. Kasalukuyan siyang nasa loob ng sariling opisina. Nagmumuni-muni kung ano ang dapat gawin upang pag bayarin ang don sa mga kasamaan at kawalanghiyaan nito."Sisiguraduhin kong maghihirap ka Don Feliciano. Pagbabayaran mo ng mahal ang kahayupang ginawa mo sa mga magulang at kapatid ko!"
Muling nanalasa ang sakit Sa dibdib niya. Nag-iigting ang mga bagang Na waring nais na niyang ipatikim sa don ang lupit ng kanyang paghihiganti.
Maya-maya'y bumukas ang pinto, niluwa n'yon ang kinikilalang mga magulang ni Eugene. Ang mag-asawang Bermudez ang kumupkop sa kanya mula noong natagpuan siya ng mga ito sa kalsada at kamuntikang mabundol.
Dahil hindi pinagpala na mabigyan ng anak ang mag-asawa. Itinuring siyang tunay na anak at kadugo ng mga ito na labis-labis niyang ipinagpapasalamat.Ibinigay sa kaniya ang luho at respeto na kailanman ay hindi niya tinamasa noon. Utang niya ang lahat sa mga kinikilalang magulang na nag-aruga, nagpalaki at nagmahal sa kaniya bilang tunay na anak ng mga ito."Hijo, I miss you son." anang ginang nilahad sa ere ang mga braso upang salubungin ng yakap ang anak.
"I miss you too, Ma. " yumakap ng mahigpit na tugon ng niya bago hinagkan sa noo ang may edad na babae."Hi, dad, handsome as always huh?" birong wika niya sa ama. Humiwalay sa pagkakayakap sa ina at yumakap sa ginoo.
"Just like you, son." may ngiti sa labing sagot ni Dommon sa anak. "Conratulation, son. You made it! We are so proud of you, hijo." dugtong pa nito tinapik-tapik ang balikat ng anak. Naisara kasi niya ang business deal kay Mr. Kert kahapon.
"Thanks dad, nagmana lang po sainyo."
"So, let's celebrate to that, hijo. Magpapa-party ako para sa'yo, anak." suhestiyon ni Beatris.
Sa tuwing may naisasaradong business deal ang anak ay ipinagdidiwang ito ng ginang. Ayaw man ni Eugene ay hindi siya makatanggi sa ina.
"May hihilingin lang po sana akong pabor, Ma, pa. " panimula niya na pjnaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
"What is it, son?" diretsong tanong ni Dommon.Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Eugene bago nagpatuloy. "I'm leaving." tipid nitong wika na ikinagulat ng mga magulang."Babalik po ako ng Pilipinas. May branch po ang company natin doon ako na lamang ang magmama-manage doon.""Is that the real reason why you want to leave, son?" hindi kumbinsidong tugon ni Dommon.Panandalian natigilan si Eugene. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang ang tungkol sa kaniyang paghihiganti kay Don Feliciano. Matagal na sana niyang ginawa iyon pero ayaw ng kanyang ina. But this time he has the guts and strenght to fulfill what is right.
"Dad, Ma. I already owned his properties, perhaps it's the right time to-""No! Your not leaving!" mariing putol ni Beatris sa sasabihin ng anak."Ma..."
"You're not going back to the Philippines. Hindi ako papayag!" may diing pahayag ng ginang, nasa tono nito ang hindi pagsang-ayon sa anumang binabalak niya."Ma, we talked about this before. Kapag hindi ko pa ginawa ngayon baka hindi ko na magawa kailanman. Kailangan pagbayaran ni Don Feliciano ang pagpatay niya sa pamilya ko. Kailangan mabigyan ng hustisya ang pagkawala nila. Kailangan mabigyan ko sila ng katarungan!" Patuloy na aniya."No! Ayuko!""Ma!"
"I've heard enough Eugene Bermudez!" You're not leaving!""Bea, malaki na ang anak mo at tama siya kailangan managot ang mga taong pumatay sa pamilya niya. Why don't we just support him?" wika ni Dommon.
"Why?! Aren't we enough, hijo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal namin sa'yo and you have to go back for that revenge of yours?""Ma-""You heard me! Your not leaving!" Pagkasabi nyon ay lumabas ito ng opisina.
Napahilamos na lamang ng sariling mga palad si Eugene. "I'll talk to her, son." " Thanks dad." tinapik ng ama ang ang balikat niya bago sinundan ang asawa.Kung pagmamahal din lang ang pag-uusapan ay labis-labis ang natatanggap niya mula sa kinikilalang mga magulang. He lost his parents but God sent them for him at ipinagsasalamat niya iyon at ipagpapasalamat habang buhay. Mula nang ampunin siya ng mga ito ay kailanman ay hindi niya naramdaman na hindi siya kadugo ng mga ito. Lalong-lalo na ang kanyang ina. Ito na yata ang pinakamabait at mapagmahal na ina sa buong mundo.Subalit hindi niya kayang ipagsawalang bahala nalang ang totoong pinagmulan niya. He can't just forget everything about his past. Hindi siya pinatatahimik ng nakaraan! He loved her mother for heaven's sake. God knows kung gaano niya kamahal ang kinilalang ina pero buo na ang pasya niyang bumalik ng Pilipinas at harapin ang masalimoot niyang nakaraan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagpababayaran ni Don Feliciano ang kasamaan nito. At gagawin niya ang lahat makaganti lamang dito."Anong nangyari kay papa?" Abot-abot ang kabang tanong ni Danna. Nasa Hacienda siya nang makatanggap ng tawag mula sa isa sa kanilang mga kasambahay upang ipaalam na isinugod sa pagamutan ang kanyang ama."Nasa ICU pa siya, hija." ang mayordoma ang sumagot.
"Kumusta na po siya?" nanginginig ang boses na tanong niya kay Nana Delia Nag-unahan na rin maglandas ang masaganang luha sa kaniyang mga mata."Huwag kang mag-alala, anak. Stable na raw ang lagay ng papa mo sabi ng doctor. Baka mamaya ay ilipat na rin siya ng silid." Pagpapatahan ng butihing kasambahay.Batid nitong nahihirapan na rin ang dalaga dahil sa sunud-sunod na suliraning dumating sa mag-ama. Ang nakakalungkot pa nito'y nag-migrate na sa ibang bansa ang kamag-anak ng Don. Ang nag-iisang kapatid naman ng mama ni Danna ay nasa Canada na rin kasama ang pamilya nito. Kung kaya't mag-isang kinakaharap ng dalaga ang unos sa kanilang mag-ama.
Awang-awa na ito sa dalaga at tanging maititulong lang nito rito ay ang pagsuporta, pagdamay at paggabay rito.Napahagulhol na lamang ng iyak si Danna. Batid niyang mahina na ang ama ngunit ang pakaisipin na mawala ito sa kaniya ay nagdudulot ng paninikip ng dibdib niya.Masakit pa rin sa kaniya ang pagpanaw ng ina dalawang taon mahigit na ang nakararaan. At hindi niya makakayanan kapag mawawala pa ang nag-iisang magulang.
Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga
NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok
HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t
PASADO alas–dos na ng madaling araw nang maulingan niya ang tonog ng mamahaling sport car ni Eugene. Ang totoo ay sinadaya niyang huwag isara ang glass sliding door sa may balkonahe niya nang sa gayon ay marinig niya kaagad ang pagdating nito. Bumangon siya buhat sa kama at dahan–dahang lumabas ng balkonahe. Aminin man niya sa hindi ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Kung sa bagay ay nakasanayan na niyang manatiling gising hangga’t hindi nakakauwi ang lalaki. Isa pa’y nag–alala rin siya na baka napaano na ito sa daan. Pero mukhang wala naman nabali alin mang bahagi ng katawan nito dahil nakabalik ito ng mansion. Natural ay kasama nito Jennifer. Walang meeting na tumatagal hanggang alas–dos ng madaling araw. Nagngingit ang kalooban na na aniya. Nag–over time? At kailangan kasama pa nito si Je
NASA harden siya nang hapong iyon at nagdidilig ng mga bagong sibol niyang pananim ng ibat–ibang uri ng mga bulaklak nang daluhan siya ni Nanet. Ayon dito ay may babaeng bisita sa living room na naghihintay sa kanya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon araw. "Ano raw ang sadya Net?” "Hindi sinabi eh, mas makakabuti kung puntahan mo na lang sa loob para malaman mo. Pero sinasabi ko sa'yo, my friend. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. May pakiramdam akong hindi maganda ang pagparito niya." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi pagka–gusto sa mukha ng kaibigan. Inabot niya buhat dito ang hawak–hawak nitong maliit na tuwalya upang tuyuin ang basang kamay. "Taga rito ba siya sa San Ignacio?"