Eugene came back to Philippines to take his revenge against Don Feliciano. But the old man was already in the hospital bed and can’t able to talk nor to feel his ultimate anger. However, his daughter will pay for it. He will make sure that she will suffer like hell. Eugene was the new owner of the hacienda and all properties of Don Feliciano including the mansion where Danna lives. But those are just a material and not enough payment for what he has done to his family. But there was one thing Eugene wasn’t ready for. And that’s when he fell in love with Danna. He tried to suppress his feelings towards her, but his heart and carnal desire failed him. Danna will do everything to please him. But she never felt the sudden and rapid beats of her heart every time she talked to Eugene. Like as if she was drowning and saved at the same time. She knew that she loved him, needless, to say his cruelty towards her. After the night he made love with her, Eugene found out that Don Feliciano has nothing to do with his parents' death. At the same time, Eugene found his long lost eldest brother Nube. He was Danna’s best friend and the same man he used to jealous with. His treatment towards Danna has been changed as well. He thought everything would be all right between him and Danna as they both found out that she was pregnant. But his ex-girlfriend, Jennifer came along and ruined everything. Danna left him without his knowing that almost lost his mind. However, Eugene found her and did his very best to take her back along with her heart—love.
Lihat lebih banyak"Huwag!" Awat na sigaw ng Ginang sa ginagawang pagpapahirap ng mga armadong lalaki sa esposo.
Hilam na rin sa luha ang mga mata. Wala itong magawa maliban sa pagmasdan ang pagpapahirap ng mga tauhan ng Don sa asawa. Subalit nagmistulang bingi ang mga armadong lalaki na patuloy sa pananakit kay Doglas. "Maawa kayo sa asawa ko, wala kaming ginagawang masama!" Halos lumuhod sa pagmamakaawang sigaw ng Ginang. Sinugod ang isa mga ito upang itigil ang pananakit sa walang kalaban-labang asawa. "Huwag kang makialam!" Mabagsik na turan lalaki, hinablot ang buhok ni Ara at kinakaladgad sa damuhan. "Ara?!" Duguan ang mukha at tila mawawalan ng ulirat na tawag ni Doglas sa pangalan ng asawa. "Itay.......inay...." hilam na rin sa luhang tawag ng dalawang batang lalaki na hindi nagkakalayo ang edad. "Peste! Iyan ang nababagay sa mga taong mahirap pakiusapan!" Galit na saad pa ng lalaki pagkatapos ay inundayan ng malakas na sundok sa sikmura ang kawawang si Doglas. Manlaban man ang Ginoo ay wala rin panama sa mga ito. "Layuan n'yo ang tatay namin." umiiyak na saad ng batang lalaki, pinagsusundok ng malambot nitong kamao ang tila bakal na likod ng lalaking nananakit sa ama. Sa halip na maawa ay nakakalukong ngumisi lamang ang lalaking nambubugbog kay Doglas. "Matapang ka ah!" Pagkuwan ay mabagsik na wika nito. Nasa anyo ang kawalang pasensiya. Binalingan ang batang lalaki saka hindi ito nagpatumpik-tumpik na sikmuraan ang wala pang muang na batang lalaki. "Kuya ko!" humahaguhol sa iyak na tawag ni Eugene sa nakatatandang kapatid. Kitang-kita niya ang kung paano pinapahirapan ng mga malalaking lalaki ang buo niyang pamilya. "Yan ang nararapat saiyo Doglas. Kung pumayag ka lang sana'y hindi na humantong pa sa ganito. Masuwerte ka't iyan lamang ang napala mo! Siguro naman ay magtatanda ka na ngayon!" Dagdag pa nito. Walang mababakas na konsensiya sa mukha ng lalaki. "Bitawan mo ako, hayop ka! Mga hayop kayo!" nagsisigaw at nagwawalang wika ni Ara. "Tumahimik ka!" Malakas at nakabibinging sampal ang ipinataw dito ni Doglas. Naging sanhi iyon upang humandusay sa damuhan ang babae. Ngunit bumangon pa rin ito at muling pinaghahampas sa likod ang lalaking nanakit sa asawa. "Ubos na ang pasensiya ko sa 'yo babae ka!" Nag–iigting ang mga bagang na lintaniya nito. Hindi ito nagdalawang isip na hugutin mula sa tagiliran ang baril. Ang sunod na nangyari ay ang pag–alingawngaw ng malakas na putok sa kadiliman ng gabi "Ara!" "Inay!" "Nanay!" Pumalahaw sa iyak na tawag ng dalawang bata sa nakahandusay at wala ng buhay na ina. "Bruko, bakit mo binaril?!" galit na singhal ng isang lalaki sa kasamahan. "Ayoko ng sagabal!" "Malalagot tayo sa Don niyan!" "Putang ina! Problema ba 'yon? Eh di sabihin natin nanlaban sila! At huwag ka ngang takot Mario!" walang pusong sagot ng lalaking nagngangalang Bruko. "Mga hayop kayo!" Sigaw ni Doglas. Tumayo buhat sa pagkakasalmapk sa damuhan pagkatapos ay marahas na hinablot ang baril sa tagiliran ng lalaki sa tabi nito at itinutok iyon kay Bruko. Pero naging mabilis ang pagkilos ng mga kriminal. Bago pa man nito makalabit ang triger ng baril. Bumulagta sa damuhan si Doglas. Duguan at wala nang buhay. "Itay!" Humaguhol sa iyak na dinaluhan ng magkapatid ang wala nang buhay na mga magulang. "Anak ng! Bakit mo na naman binaril?!" "Gago ka ba?! Inunahan ko lang siya! Kung hindi ko binaril malamang bulagta na ako ngayon! Balik na singhal ni Bruko. Mabilis na kumilos si Dylan at dinakma ang kamay ng nakababatang kapatid. "Kailangan natin makatakas," mahinang usal nito sa bunsong kapatid bagamat hilam sa luha ang mga mata'y nakapag-isip pa rin ito para sa kaligtasan nilang magkapatid. Durog ang batang pusong binitawan ni Eugene ang ina at sumunod sa nakatatandang kapatid. "Hoy!? Saan kayo pupunta?" malakas na tawag ni Bruko mahigpit pa nitong hinawakan ang baril at hinabol ang mga bata. "Bilisan mo Eugene!" Magkahawak ang kamay na tumatakbo ang dalawa habang nakasunod ang tatlong mga lalaki. "Kuya si inay at itay?" umiiyak na tanong ni Eugene "Babalikan natin sila. Kailangan natin makahingi ng tulong." anito. "Tumigil kayo?" tawag ni Bruko na pinaputukan ang dalawang bata. "Takbo!" "Bilisan mo!" Muling nagpaputok si Bruko at sa pagkakataong iyon ay natamaan ang target. "Kuya!" Walang awang pinagbabaril ni Bruko ang landas na tinatahak ng magkapatid. Tinamaan sa likod si Dylan naging dahilan iyon upang matumba ang walang kalaban-labang bata. "Takbo Eugene! Takbo!" Mahinang usal ni Dylan bago ito tuluyan mawalan ng ulirat. HUMIHINGAL at pawisang napabalikwas ng bangon si Eugene buhat sa pagkakahiga sa malambot na kama. "Nigthmare!" Nakatiimbagang at kuyom ang mga kamaong aniya sa sarili.Inabot niya ang switched ng ilaw sa side table ng kama pagkatapos ay marahas siyang tumayo, ang sunod niyang ginawa ay naglakad siya patungo sa may balkonahe. He opened the glass sliding door at lumabas. Nagpakawala siya ng marahas at malalim na buntong–hininga. He could felt the raging anger deep inside his heart. Maraming taon din niyang kinimkim ang galit at poot sa dibdib niya.
Mabilis na lumipas ang mga taon ngunit hindi pa rin niya makalimutan ang masaklap pangyayaring iyon sa kanyang pamilya. Nakatakas nga siya sa mga lalaking walang hangad kung di ang mapatay silang mag-anak. Subalit kailan man ay hindi nawaglit sa kanyang diwa ang masakit, masalimoot at kalunos-lunos na bahaging iyon ng pagkatao niya. Dala-dala pa rin niya ang sakit at kinikimkim na galit sa loob ng dibdib niya. "Don Feliciano, pagbabayaran mo ng mahal ang mga kasamaang ginawa mo sa pamilya ko!" Muli ay napakuyom ng kamao at nagtatagis ang mga bagang na turan niya. Narinig niya ang pagtatalo noon ng mga lalaki kung kaya't alam niyang ito ang may pakana ng lahat. He could still remember that Don Feliciano visited her parents days bago mangyari ang krimeng 'yon. Marahil ay nagpunta ito upang paki-usapan ang ama niya na ibigay na ang anim na ektaryang sakahan nila. Hindi marahil pumayag ang mga magulang niya kung kaya't idinaan na lang sa kasakiman st karahasan ng Don ang lahat."Damn you Feliciano! Ako naman ang maniningil!" He clenched his teeth as he fisted his hands in anger.
*****
"PAPA?" mahinang tawag ni Danna sa pangalan ng ama na kasalikuyang sumisimsim ng alak. Mula nang maisanla ng Don ang Hacienda ay naging mabisyo na ito. Nababahala siya rito dahil sa malaki ang ihinulog ng katawan nito. Naging abala siya sa trabaho nitong nakaraan. Kailangan kasi niyang magsikap upang makapag-ipon para matubos nila ang kanilang Hacienda. Pero kahit buong buhay niya ang igugol niya sa pagtratrabaho ay hindi pa rin niya kikitahin ang ganoong kalaking halaga. "hija," mahina't malungkot na sagot ng Don. Lumapit si Danna at kinuha ang kamay ng ama. Pinisil niya ito upang kahit paano ay maibsan ang sakit at lumbay nito. "Papa, mababawi rin natin ang Hacienda, magsisikap akong magtrabaho para makaipon." "I'm sorry, Hija. It's all my fault." nangilid ang mga luhang anang Don. "Isn't your fault, papa. Walang may kasalanan. Kaya huwag n'yo na pong sisisihin ang inyong sarili." Nakangiting aniya upang itago ang totoong nararamdaman. "Magtulongan po tayo papa, para mabawi natin ang Hacienda at para makapagsimula uli." "Salamat hija, hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka sa tabi ko," madamdaming pahayag ng Don, mahigpit na niyakap ang nag-iisang anak.Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga
NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok
HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t
PASADO alas–dos na ng madaling araw nang maulingan niya ang tonog ng mamahaling sport car ni Eugene. Ang totoo ay sinadaya niyang huwag isara ang glass sliding door sa may balkonahe niya nang sa gayon ay marinig niya kaagad ang pagdating nito. Bumangon siya buhat sa kama at dahan–dahang lumabas ng balkonahe. Aminin man niya sa hindi ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Kung sa bagay ay nakasanayan na niyang manatiling gising hangga’t hindi nakakauwi ang lalaki. Isa pa’y nag–alala rin siya na baka napaano na ito sa daan. Pero mukhang wala naman nabali alin mang bahagi ng katawan nito dahil nakabalik ito ng mansion. Natural ay kasama nito Jennifer. Walang meeting na tumatagal hanggang alas–dos ng madaling araw. Nagngingit ang kalooban na na aniya. Nag–over time? At kailangan kasama pa nito si Je
NASA harden siya nang hapong iyon at nagdidilig ng mga bagong sibol niyang pananim ng ibat–ibang uri ng mga bulaklak nang daluhan siya ni Nanet. Ayon dito ay may babaeng bisita sa living room na naghihintay sa kanya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon araw. "Ano raw ang sadya Net?” "Hindi sinabi eh, mas makakabuti kung puntahan mo na lang sa loob para malaman mo. Pero sinasabi ko sa'yo, my friend. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. May pakiramdam akong hindi maganda ang pagparito niya." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi pagka–gusto sa mukha ng kaibigan. Inabot niya buhat dito ang hawak–hawak nitong maliit na tuwalya upang tuyuin ang basang kamay. "Taga rito ba siya sa San Ignacio?"
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen