Share

Chapter 22

    

    

   NAGDALAMHATI ang halos lahat ng mga maggagawa sa hacienda sa pagkawala ng Don. Lahat ay nakisimpatiya sa kanya na labis niyang pinagpapasalamat. Higit pa roon ay ang pananatili ni Eugene sa tabi niya. Hindi siya nito kailanman iniwan at halos ang binata na rin ang nag–asikaso sa mga taong nais makiramay. 

    

    Muli ay naglandas na naman ang masaganang mga luha sa mga mata niya. Nababalot ng lumbay ang puso niya sa pagkawala ng papa niya, iniwan na rin siya nito kagaya ng mama niya. Kung sana’y nananaginip lamang siya ay gugustuhin na niyang magising kaagad. 

    

    Naroroon lamang siya sa tabi ng labi ng ama. Hindi niya ito gustong iwan kahit saglit man lang. Wala rin siyang ganang kumain kundi lamang siya pinipilit ni Eugene. Ayaw din niyang matulog dahil pakiwari niya ay lalo lamang niyang nararamdaman ang pagkawala ng kan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status