"TIGILAN NA NATIN 'TO."
Sandali, tama ba ang narinig ni Neal?
Pangalawang beses na yata ito na gusto nang bumitaw ni Payne. Sa maraming pagkakataon na hindi pinansin ni Neal ang bulung-bulongan at tawanan ng mga tao sa paligid nila kapag magkasama sila, ay parang mababalewala lang lahat. Parang kulang pa ang mga naipakita niyang pruweba kay Payne para patunayan niyang totoo siya kay Payne, para patunayan niyang mahalaga si Payne sa buhay niya.
Pakiramdam ni Neal kahit ilang beses na niyang naipakitang malinis ang intensyon niya kay Payne, kapag nagkakaroon sila ng ganitong problema, bumabalik siya sa dati, sa step one, na ipapaliwanag nanaman niya ang lahat para makumbinsi si Payne na mahal niya nga ito.
Ilan pa kayang pagpapatunay, ilang beses pa siyang magpapaliwanag ng totoong nararamdaman niya kay Payne? Trust? Paano ka na magtitiwala sa sarili mo kung ang taong mahal mo ayaw kang p
"Hindi ako mawawala sa'yo Payne, nandito lang ako maghihintay ako sa'yo kapag buo ka na, kapag kaya mo na ulit pumasok sa mundo natin."Nakatakip ang mga palad ni Payne sa kaniyang mukha at basang -basa na ito ng kaniyang luha, "Umalis ka na Neal, please."Lumipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan sa paligid. Dahil sa lagkit ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ni Payne ay napilitan siyang tanggalin ang nanginginig nyang mga palad sa pagal nyang mukha. Pagmulat ni Payne ay wala na si Neal, "Andaya mo naman eh! Akala ko ba hindi ka mawawala! Iniwan mo na talaga ako!" Napatayo si Payne at inihahanda na ang kaniyang mga paa sa paghakbang upang makauwi na sa kanilang bahay.Sa bawat mabigat na paghakbang ni Payne pauwi ay makikitang nasa likod ng isang malaking puno si Neal na nababalot ng lungkot ang kaniyang mga mata at ang mga
Inihahakbang ni Neal ang kaniyang pagod na mga paa sa makulimlim na daan ng Perez Street palabas ng kanilang subdivision magaala-singko ng hapon nung araw na 'yun. Matindi ang pagbuhos ng ulan dahilan upang sumilong si Neal sa isang tindahan malapit sa tigilan ng mga Jeep.Bitbit pa niya sa kaniyang basang balikat ang blue Jansport backpack niyang may lamang limang piraso ng dark-colored shirts, isang faded blue jeans, at tatlong pirasong underwear, hindi na siya nakapgdala ng school uniform.Ang mga mata ni Neal ay ay lalo pang nanliit dahil sa takot at pagka-inis sa kaniyang Mommy. Basang-basa ang kaniyang t-shirt sa pinaghalong ulan at pawis kasabay ng mapapit na luha na dumaloy sa kaniyang mukha."Saan ako pupunta? Ayaw ko ng umuwi sa bahay." Ito ang gumugulo sa isip si Neal habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagtatakbuhan sa kaniyang harapan.Kinuha niya angkaniyang cellphone sa kaniy
Ang buong akala ni Neal magiging komportable siya sa pamilya ni Maven, akala rin niya nakahanap na siya ng kakampi. Hindi tuloy alam ni Neal kung magpapaalam na siya para umalis o magpapatuloy nalang hanggang matapos siya sa kaniyang dinner at deadmahin nalang ang mga pangyayari."Pp..po?" Mabilis na pagdagundong ng dibdib ni Neal at ang pagnguya niya ay pabagal ng pabagal."Hahahaha!" Halos mailuwa ni Maven ang kanin sa kaniyang bibig dahil sa binitawan niyang halakhak.Napasulyap si Neal habang ngumunguya at naisip niyang, "Dyahe 'tong si Maven, ano kayang nakakatawa dun?!""Joke lang 'yun Neal...masyado ka kasing seryoso... masanay ka na sa pamilya namin ha..." Iniabot ni Erlyn ang isang slice ng papaya kay Neal at pinakawalan niya ang matamis na ngiti na parang anak niya ang kaharap niya."Aah... eh... pase
Sumingkit ang mga mata ni Ayla dahil parang namamalik-mata lamang siya. Isang pigura ng lalake na nakatayo sa labas ng kanilang gate, may hawak na pulang payong sa gitna ng malakas na ulan at kumikidlat na kalangitan."Si Neal ba 'yun?" Napatanong muli si Ayla sa kaniyang sarili hanggang sa..."Ding Dong!""Tao po... Tao po..."Mahinang tawag ni Neal dahil hinaharangan ng nakakabasag-tengang ulan ang kaniyang boses."Aba eh si Neal nga." Agad na kinuha ni Ayla ang kanilang berdeng payong na nakasabit sa umbrella rack na nasa likod ng kanilang pinto. Bilisan niyang binuksan ang kanilang front door at patakbong lumapit sa kanilang gate, "Anong ginagawa mo dito Neal? lampas 9 na ng gabi. Napakalakas ng ulan." Habang binubuksan niya ang gate at pinapasok si Neal sa loob ng kanilang bahay."Pasensya na po Tita Ayla, pasensya na po sa istorbo." iwinawagwag ni Neal
"BLAG!" Napamulaga si Payne at napa-atras si Neal dahil nagbukas ang pinto ng silid ni Ayla. Napatakbo ang binata sa likod ng pinto ng dirty kitchen at nagtago. Pupungas - pungas pa si Ayla dahil alas dose na ng madaling araw, "Payne, ikaw ba 'yan? Bakit nasa kusina ka pa madaling araw na ah." Humahaba ang leeg ng dalaga, "Uminom lang po ako Mommy papunta na po ako sa room." "Oh sige iihi lang ako, matulog ka na ulit." Sumensyas ang mga mata ni Payne kay Neal na papasok na siya sa kaniyang kuwarto at minsan pang hinawakan ni Neal ang kamay ni Payne hanggang sa mag-slide lang ang kamay ng dalaga sa kamay ng binata hanggang sa makalabas ito sa pinto ng dirty kitchen, ini-off ni Payne ang switch ng ilaw at bumulong sa pinto ng kanilang CR, "Pasok na po ako sa room." Hinintay ni Neal na magsara ang pinto ni Payne at bilisan siyang bumalik sa sofa, at
Bago pa man makatayo si Payne mula sa kanyang kinauupuan ay hinawakan na Ayla ang kamay ng kaniyang anak upang pigilan ito, ibinaling niya ang kaniyang ngiti kay Payne para kumalma ito.Agad namang natunugan ni Dra. Penny na si Payne ay si Lea ngayon, kung kaya't ayaw niyang pinipigilan siya. Paikot-ikot ang paningin ni Payne sa paligid, hindi mapirmi ang kanyang mga paa at kamay.Sumisimangot siya ng walang dahilan habang nagpapaliwanag si Dra. Penny kay Ayla tungkol sa mga dapat gawin dahil naiisip ni Payne na gusto na niyang maglaro sa garden ng hospital, kung saan lagi siyang naglalaro sa swing at see-saw.Si Neal naman ay walang magawa kundi pagmasdan lamang si Payne at tumingin sa kaniyang cellphone dahil tuwing kakausapin niya ang dalaga ay hindi naman siya magawa manlang pansinin nito.Biglang nag-shift ang personality ni Payne kay Jojo. Tumikas ang kaniyang katawan mula sa pagkakaupo a
"Haaay! Grabe naman! Binabaan ba niya ako ng telepono? Ewan ko sa'yo, selfish!" Sigaw ni Ayla habang nakatapat sa nanggagalaiti niyang bibig ang kanyang cellphone.Nagtext si Shane kay Ayla ng, "Ipagpapalit mo ba ang friendship natin dyan sa doktorang kabit na 'yan?! Alam mo namang sukang- suka ako sa pagmumukha nyan!"Sinagot naman ito ni Ayla na gigil na gigil na nagtext, "Grabe ka naman, malay ko bang 'yun si Snakie, 'wag mo na nga akong idamay dyan sa galit mo kay Snakie, matatanda ang mga anak nyo, matagal ng patay ang asawa mo, move on din pag may time.""At pinagtatanggol mo pa ang anak nyang Snakie na 'yan ha! Dahil ba dyan sa anak mo? Sabagay sino ng naman ang magkakagusto sa anak mong abnoy!""Sumosobra ka na Shane ha! Si Snakie lang ang kaaway mo, bakit pati kami ng anak ko dinadamay mo! Siguro nga kaya pinagpalit ka dahil dyan sa ugali mo, makasarili ka! gusto mo ikaw lagi ang bida!"
"Actually po Ma, pang- apat na po kayong tao na nagsabi sa akin nyan, na para rin sa ikakabuti ko kung hihiwalayan ko si Payne or ititigil ko na ang nararamdaman ko sa kanya." Napalingon si Penny kay Neal nang itinigil ng anak nya ang pagkuha ng pagkain, "Talaga? Sino naman ang unang nag-oppose sa feelings mo kay Payne? "Si Maya po Ma." Mabilis na tugon ni Neal. Tumatango si Penny at napapangiti, "Maya... Shane's daughter. Payne's best friend. Are you close with her?" at hiniwa ng kanyang steak knife ang malutong na balat ng fried chicken. " Hmm... You know Payne very well, pati best friend nya, at first po galit na galit sya sa akin pero nakuha ko rin po ang loob nya in the end. Naging close po kami simula nung Inter- School competitiom. Gusto ko rin namang mapalapit sa kanya, dalawa na nga lang kaming magkapatid." Bago si Penny sumubo ng kanin na parang nagmamadali ay sinabi nyang, "Anyway, how I wish lang di m