Sabado. Mag - aalas - singko ng hapon. Sa isang madilim at puting kwarto na may malaking salamin ay makikitang nakaupo si Payne na naka - khaki shorts with brown sleeveless top sa dulo ng kama, at si Neal na nakadamit ng white t-shirt at faded jeans ay nakatungo habang nakaupo sa silyang malapit sa isang 32 inches na TV.
Mag sasampung minuto nang nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga buntong - hininga ng magkabilang panig ang maririnig sa bawat sulok ng silid.
Biglang tumayo si Payne at itiniklop ang kaniyang mga braso sa unahan ng kaniynag dibdib, "Fine! Nakapag - desisyon na ako. Ako rin naman ang mahihirapan kapag tinuloy ko ito, hindi ba? Katawan ko ito, buhay ko ito. Wala kang pakialam!" Nanginginig ang mukha ni Payne at pinipigalan ang kaniyang mga mata na ilabas ang luha dahil nagtatapang - tapangan siya sa harap n Neal.
Tumalikod si Payne at humarap sa bintana upang hindi makita ni Neal ang kaniya
Tanging ang mahinang ilaw sa poste na nasa labas gate ang nagsisilbing sinag sa maliit at madilim na silid na pinasukan nina Neal at Payne. Sa mabilis na pagbukas ni Neal ng pinto upang maiwasang mabasa sila ng ulan ay napaatras siy ang tatlong segundo at saka dahan -dahan namang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa papasok sa silid.Nag - alangan ang mga paa ni Payne na pumasok nang makita niyang madilim at tila nakakatakot ang silid, "Umuwi na tayo Neal, tara na, baka makasabay pa natin sin Maya papalabas ng gate baka may dala silang payong makisilong nalang tayo."Dahan - dahang naglakbay ang mainit na palad ni Neal sa kaliwang kamay ni Payne at buong higpit niya itong tinitigan na para bang sinasabi niyang ibigay lang ang buong tiwala sa kaniya dahil nasa mabuti siyang kamay , bumulong ito ng, "Magpapatila lang tayo ng ulan, baka magkasakit ka, mapagalitan pa ako ni Tita Ayla, saglit lang tayo rito."&nbs
Mabilis ang pag-paling ng ulo ni Payne sa kaliwa't kanan, naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kaniya. Pilit na kinakalma ni Neal ang kaniyang sarili upang hndi maramdaman ni Payne ang kanyang pag- aalala. Si Ayla naman ay mas nangingibabaw sa kaniyang damdamin at kilos ang pagiging doktor kaya naman nanatili siyang kalmado at may kontrol sa lahat ng nangyayari kaysa pagiging ina na magpapanic sa pinapakitang kilos ng kaniyang anak."Sandali Payne anong nangyayari sa' yo? Sinong baby? Anong baby ang sinasabi mo?" mababakas ang panginginig sa boses ni Neal at halos gusto niyang yakapin si Payne.Nakatingin si Payne sa kawalan habang dahn- dahang tumutulo ang kaniyang mga luha, "Tinanggal nila ang baby natin Neal. Nasaan na ang baby natin? Sorry Neal, sorry...""Mommy sorry po nakagawa kami ng kasalanan ni Neal Patawarin mo po kami mommy."Kumunot ang noo ni Ayla na tila ba nahihiwagaan siya sa rebelasyon ngkaniyang anak. Nakatitig lamang si Neal habang mahigpit niyang hawak ang kama
Tanging ang kaunting sinag ng araw na kumakawala sa bawat siwang ng bintana na nakapalibot sa loob ng gymnasium ang nakikita ng lahat ng mga estudyante, guro at mga magulang. May spotlight na nakatutok sa dulong bahagi ng stage kung saan napukaw nito ang atensyon ng lahat. Dahan - dahang naglakad si Neal papalapit kay Payne na may hawak na bouquet of roses, kasunod niya ang kanilang mga kaibigan na kumakanta ng “We’ve Only just Began”. Iniabot ni Neal ang bouquet kay Payne at tila nanginginid ang luha ng dalagang ng kaniyang iunat ang kaniyang mga kamay at hawakan ang mga bulaklak, tumingin siya ng bahagya kay Maya at ang ngitian nila ang tanda ng pagpapasalamat nila sa isa’t isa. Nagsitayuan ang lahat ng mga magulang, mga guro at lahat ng estudyante ng sabayan nila ang pagkanta ng mga magkakaibigan sa stage. Natapos ang isang awitin ngunit inulit ng mga estudyante ang chorus habang nagyayakapan silang magkakaibigan, magkakaklase at kahit ang kanilang mga saglit na nakaalitan. Reco
Rriiiinnggg!!!Nakakabinging tunog na halos gumuho na ang buong campus at dahilan ng pag ka-panic ng mga estudyante."Time naaaa!!!!" sigaw ng isang freshmen student na pawisang-pawisan at May dala-dalang mga libro habang tumatakbo ng mabilis papunta sa court.Malakas na tumunog ang bell ngayong araw na ito na halos ika-basag ng eardrum ng mga estudyante.Ipinaayos kasi ng aming principal na si Mrs. Martinez sa aming napakasipag at friendly janitor na si Mang Danny ang isang buwan nang sirang bell na kung tumunog e daig pa ang paos na singer, minsan naman sintunado pa.Nung Monday napadaan ako sa principal's office at nakita ko sa bintana na pinagagalitan ni Mrs. Martinez si Mang Danny.Kahit hindi ko naririnig, alam kong nagagalit si Mrs. Martinez dahil sa expression ng mukha niyang lumalaki ang kaniyang ilong, umuusok ang kaniyang tainga at nanlalaki ang kaniyang mga mata na parang lalamon ng tao.Simula kasi nang mag-pa
Ber month na. Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin. Kahit panaka-naka ang pag-ulan ay mainit pa rin ang panahon dahil siguro sa global warming. Maririnig mo na rin si Mr. Jose Mari Chan everywhere.At isang buwan nalang at isa nanamang most awaited event ng school year ang magaganap, ang Foundation Week. Tuwing Foundation Week lang kami nagkakahiwalay ni Maya. Sa Chess tournament ako at siya naman ay sa Volleyball. Si Maya yung tipong walang pakialam sa balat niya kung masunog ito basta makapalo lang bola. Mas matangkad sa akin si Maya, medyo chubby, mahaba at kulay medium-brown ang ka niyang buhok, extrovert at parang bata sa salita at sa gawa. Pabebe words lagi ang maririnig mo sa kaniya at gustung-gusto niya ang Hello Kitty character. Minsang pumunta ako sa bahay nila para sa isang group study sa isang academic competition nuong third year kami tungkol sa buhay ni Rizal. Kami lang namang dalawa lagi ang nag-eeffort na m
"Paaayyne!" bulong ni Maya sa tainga ko habang nanlalaki ang mga mata niya na bumulabog ng mga cells sa eardrum ko. "Enebe Meye...?" pabebe kong sagot habang sumisingkit ng 30 percent ang mga mata ko kay Maya. Pero pansin pa rin niya na nakangiti at nakatitig ako kay Neal. "Juskupuu, Rudy! Something fishy something porky ka besprend! OW Em Tee!! Crush mo si Neal?", sinasabi niya ito habang lumalaki ang mga ilong at mata niya, ngiting amazed pero may halong pang-aasar. "OMT ka jan, OMG!" sagot kong may pag-irap sa kaniya. "OMT besprend! Oh My Tunay!!!" "Tunay yan besprend yang ngiti mong parang naka-glue at blocked ang mga nasa peripheral vision mo." ,dagdag pa ni Maya habang patawa-tawa siyang binibitawan ang mga mapang-asar na salita. "Maya... stop me ha, super wrong ka jan sa mga assuming statements mo at baseless conclusions!", pagsagot ko kay Maya habang tinanggal ko ang pagtitig ko kay Neal at inayos ko a
Habang nakatungo ang ulo ko ay pasulyap-sulyap ako at pilit kong ibinabaling ang tingin sa mga taong lumalampas sa amin ni Maya. Nagbubulungan sila at tumitingin sa amin na tila ba hinuhusgahan kami. "Maya, huwag naman dito, nakakahiya sa mga dumadaan. Dun nalang tayo umupo malapit sa canteen. Dun nalang tayo sa bench mag-usap please." pag mamaka- awa ko kay Maya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako, "Sige Payne, pero mangako kang sasabihin mo sa akin ang lahat." Naunang naglakad si Maya papuntang canteen at sinundan ko siya na may pag-aalinlangan. Halos ayaw kong ihakbang ang mga paa ko. Naisip kong magdahilan pero wala na akong magawa dahil na-corner na niya ako. Hindi ako sigurado sa mga sasabihin ko kay Maya. Hindi ako siguradong maiintindihan niya ako. Hindi ko siguradong maiintindihan niya ang pagtatago ko ng feelings kay Neal. Baka ito pa ang makasira ng friendship namin ni Maya.
Hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras. Bahagyang nawawala na ang matinding sikat ng araw sa hapon na nakakapaso sa balat. Kahit nasa ilalim kami ng puno ni Maya at hindi na rin natatamaan ng araw ang aming mga balat ay nararamdaman ko ang init sa mga salita ni niya, nakakapaso ng puso, parang sinisilaban ang buong pagkatao ko at natutunaw ang kaluluwa ko. Dahan-dahang nababawasan ang ingay sa canteen habang patuloy ang tensyon at makapigil-hiningang pag-uusap namin ni Maya. Sa unahan ng tainga ko ay naririnig kong unti-unting nag-aalisan ang mga estudyante sa campus dahil sunud-sunod na pagpapa-alam sila sa isa't- isa. Ngunit sa dulo naman ng tainga ko ay nananatili ang maanghang na salita ni Maya sa akin na hindi ko kayang lunukin. Dapat kong ipagtanggol ang sarili ko, sasabog ang puso ko na parang nagngangalit na bulkan at kailangan kong ipaliwanag kay Maya na malaking parte siya ng mundo ko, isan