Share

Chapter 52 - Payne's Other World

Dahan - dahang iminumulat ni Payne ang kaniyang mga mata, nararamdaman niyang parang may naka dagan sa kaniyang buong katawan. Mula ulo hanggang sa kaniyang mga paa ay hirap na hirap niyang igalaw. Tanging ang kaniyang mga daliri ang may natitirang lakas para damhin ang hangin sa kaniyang paligid. 

Tila  hinaharangan ng hangin ang kaniyang mga tainga kung kaya't sinasala nito ang mga tunog bago pa pumasok sa loob at iproseso ng utak niya. Ang kaniyang pang - amoy ay mas naging sensitibo, ngunit hindi mawari kung anong amoy ang nag- aagawang pumasok sa kaniyang isipan. Nagugulan. Namamagha. Naaaliw. Dahil sa unang pagkakataon, ang kaniyang kaisipan ay malaya at naninibago.

Sa kabigatan ng nararamdaman ni Payne sa pagkakataong iyon ay minabuti niyang muling pumikit at damhin ang lamig ng kapaligiran. Ang lamig na dumadaloy sa bawat balahibo ng kaniyang mga braso. Dahan - dahang makikita sa kaniyang mga labi ang kaligayahan sa sandali

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status