PLAY WITH ME, CHELSEA
CHELSEA PASCUAL One month later "Bakit niyo ho ba ako pinipilit na magpakasal sa lalaking hindi ko kilala?" Nang masabi ko na ang mga salitang iyon ay padabog akong umupo sa aming sofa. Kakauwi ko lang galing sa school, at ito na kaagad ang bubungad sa 'kin. "Anak, kailangan natin itong gawin para sa ating business. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa pamilya natin ang kumpanyang iyon," nangongonsensyang sagot sa akin ni mama. Maya-maya lang ay biglang sumulpot si papa at diretsyong umupo sa aking tabi. "Come on anak, engagement pa lang naman. Hindi kayo ikakasal kaagad," usal nito sa 'kin. Agad akong napabuntong hininga at mabilis na tumayo para makalayo sa kanila. Hindi ko alam at wala akong ideya kung bakit gano'n na lamang sila ka pursigido. At walang tigil akong kinokumbinsi sa bagay na alam naman nilang hindi ako sang-ayon. Ilang beses pa akong nakipag-talo sa kanila, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mabago ang kanilang desisyon. Sa labis na pag-iisip ko ay hindi na muna ako lumabas sa aking kwarto para harapin ang mga magulang ko. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga katok, at hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino iyon. Kusa ko na lang naramdaman ang presensya ni mama sa tabi ko at marahang hinahaplos ang aking buhok. "Alam kong hindi ka sang-ayon sa kagustuhan namin ng daddy mo. At hindi din kita masisisi kung mararamdaman mo ang bagay na iyon," malungkot na saad ni Mommy. Huminga ako nang malalim at mabilis na bumangon mula sa aking pagkakahiga, at humarap kay Mommy. "Mom, hindi pa ako nakaka-graduate," naguguluhang sagot ko. Tipid na ngumiti ang aking ina at ilang sandali ay bigla niyang inabot ang mga kamay ko, at hinahaplos niya iyon. Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil sa ikinikilos niya. Pakiramdaman ko tuloy ay may tinatago sila ni Daddy at ayaw nilang sabihin sa 'kin. "Fine, papayag na ako sa gusto niyo," biglang bulalas ko. Agad na nag-angat ng tingin sa akin si mommy at gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit. "Pero may kondisyon iyon, Mom," dugtong ko kaya agad naman siyang tumigil sa pagyakap sa 'kin. "Gusto ko munang matapos ang natitirang isang buwan ko sa College, at pagkatapos ay yon na. Magiging fiancée na ako ng isang lalaking hindi ko kilala," mahinang saad ko pa at napairap na lang sa kawalan. Nang marinig iyon ni mommy ay dali-dali siyang lumabas sa aking kwarto, habang may kinakausap ito sa kanyang cellphone. Naiwan akong mag-isa habang nakatitig sa aming kisame. "Bakit ba hirap na hirap akong suwayin ang gusto ng mga magulang ko. Dahil ba masunurin talaga ako o sadyang ayaw ko lang na madismaya sila sa 'kin?" *** Pagkatapos nga ng engagement party namin ni Axel ay nagsama na kami sa iisang bahay. Noong una ay aminado akong takot na takot ako, sa kung ano ang pwedeng mangyari sa pagsasama naming dalawa, pero kalaunan ay nawala lahat ng takot ko nang makita ko ang kabutihan niya. He's taking care of me, at hindi niya naman ako pinipilit sa bagay na alam niyang hindi pa ako handa. Nakaramdam ako ng pagkaburyo kaya't nakapagdesisyon akong lumabas ng bahay. Wala kasi ang fiancé ko, maagang umalis dahil may trabaho pa raw siya. Kaya ako lang ay ang mga katulong ang nasa bahay ngayon. Agad na pumukaw sa aking atensyon ang isang malaking water fountain. Parang bata akong tumakbo papalapit roon, at walang mapaglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng tubig. "It's you right?" Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang baritong boses na iyon. Agad akong nanigas sa aking kinatatayuan nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Walang iba kundi ang lalaking nakasama ko noon sa resort. “Bakit siya nandito?” sa isip ko at hindi pa rin maalis ang aking tingin sa kanya. “Hey Miss, I'm talking to you,” muling saad nito na nakapagpabalik sa ‘kin sa tamang huwisyo. Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang iniiwas ang aking tingin sa kanya. “Naaalala niya kaya ako?” “O-oo, b-bakit?” kinakabahang usal ko. Ilang saglit pa ay bigla nitong inilahad ang kanyang kamay sa ‘kin. “My name is Vander, and it's nice to finally meet you. My cousin in-law,” nakangiting pagpapakilala niya. Ilang sandali ko pang tinitigan ang kanyang kamay, bago ko iyon tinanggap. “Chelsea,” tipid kong sagot sa kanya. Agad ko ring binawi ang kamay ko at pagkatapos ay agad niya din akong tinalikuran. Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papalayo sa ‘kin ay agad na nagsulputan ang napakaraming katanungan sa isip ko. “Bakit parang hindi niya ako kilala?” “Hindi niya ba talaga ako maalala o nagpapanggap lamang siya?” “Paano kung sabihin niya kay Axel ang tungkol sa nangyari noon sa resort?” Naramdaman ko ang biglang pagkirot ng ulo ko, kaya mariin kong ipinikit ang aking mga habang mahinang sinasabunutan ang sarili. “Takte talaga. Sa dinami-dami kasi ng taong pwedeng makasama nang gabing yon, bakit nagkataong sa pinsan pa ng fiancé ko!”"WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS, S*NSITIVE CONTENTS AND YOU MAY FIND IT DISTURBING."THIRD PERSON’S POV(Venue: Manila Luxe Hotel – Press)(Conference for Cyrus Dela Cruz)Matikas ang postura ni Cyrus Dela Cruz, suot ang mamahaling suit, habang nakaupo sa harap ng mga press. Sikat na modelo, endorser ng luxury brands, at fashion industry's golden boy.Sa bawat flash ng camera, tila ba isang photoshoot lang ang conference na ito. Kumindat pa siya sa ilang media personnel at confident na walang makakapagpatumba sa kanya.Humarap siya sa mic at ngumiti.“I know may mga issue tayong kinahaharap ngayon. But to be honest, this is nothing new. Madami talagang gustong manira sa ‘kin, lalo na kapag successful ka. Pero para malinaw sa lahat, I’m not involved sa kahit anong pinaparatang sa akin.”Tahimik ang buong hall, until…“Mr. Dela Cruz,” tawag ng isang babaeng reporter mula sa likod, si Amira Santos ng RealScope TV, isang independent investigative media group.“Puwede ko bang malaman kung
"PLAY WITH ME, CHELSEA"THIRD PERSON’S POINT OF VIEWThe sound of her heels echoed in the empty hallway of the Rutledge Holdings building.Tanya, poised, flawless, and burning with a fury that no one dared provoke. Stormed past the reception desk, ignoring the secretary who tried to stop her.“Ms Tanya, Mr. Vander isn’t in the office today—”“I didn’t ask where he is,” matalim niyang sagot, barely glancing back. “Send his legal team to my office in twenty minutes. If I’m going to be ignored, then let’s make this official.”She pushed the glass doors to her private office open and dropped her designer bag on the table. Tumigil siya sandali, then pulled out her phone, her fingers trembling with frustration.There it was. The photo.Sent to her anonymously last night.Vander. Sleeping beside Chelsea’s bed. Holding her hand like she was some delicate treasure he could never afford to lose.Napangisi si Tanya, isang mapait at mapanuksong ngiti.“So you really went back to her, huh?”She zo
“PLAY WITH ME, CHELSEA”CHELSEA’S POINT OF VIEWMainit ang palad niya. Matatag, parang sinasalo ang lahat ng bigat na hindi ko kayang bitbitin mag-isa.At sa sandaling nagtagpo ang aming mga kamay, bigla niyang hinila ako papalapit, sa hindi marahas na paraan. May kasama iyong pag-aalangan, takot na baka tumanggi pa rin ako.But I didn’t.Kaya nang maglapit ang aming katawan, tuluyan na akong napayakap sa kanya nang kusa. Pero nauna siya. He pulled me into his chest and wrapped his arms around me like he was scared to let go.Napapikit ako habang nakasubsob sa balikat niya. I didn’t realize how much I missed this, his warmth, his scent, the way my whole world goes quiet every time I’m in his arms.“I’m sorry,” bulong niya sa tuktok ng ulo ko. “I should’ve told you everything. I should’ve made you feel safe. You didn’t deserve to question your worth, not with me,” pabulong niyang saad sa mismong tenga ko.Hindi ako agad nakasagot. Sa halip, pinakinggan ko lang ang pintig ng puso niya s
"PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA’S POINT OF VIEWFor a moment, I just stood there, staring at him. Vander Rutledge.The man who saved me from a nightmare… but also the man who unknowingly became part of another pain.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang nakatitig ako sa kanya. Kung galit ba? Lungkot o Pangungulila? Lahat ng iyon, sabay-sabay. Kaya mas lalo akong naguguluhan.“You said you’re here because you chose me,” mahina kong bulong, pilit na pinipigil ang panginginig ng boses ko. “But you made that choice after proposing a deal that had nothing to do with me.”Napapikit siya, as if my words stabbed deeper than I intended them to.“I thought… I thought maybe for once, I mattered to someone first. Not as part of a condition, not as someone who needed saving. But just me. Chelsea." Saad ko at nanatiling nakatingin sa kanya.kitang-kita ko ang pagbitiw niya ng isang malalim na buntong-hininga.Umiling ako, sinusubukan na muling pakalmahin ang emosyon ko. Kahit na ra
"PLAY WITH ME, CHELSEA"VANDER’S POINT OF VIEWUnti-unti akong humakbang papalapit sa pamilyar na pintuan. Mula pa lang sa hallway ay ramdam ko na ang bigat ng buong lugar, sa paligid, parang mismong pader ng bahay ay sumisigaw ng matinding sakit at tampo.Huminga ako nang malalim bago kumatok. Nang tatlong beses sa marahang paraan na hindi siya magugulat.“Chelsea…” mahinahon kong tawag. “It’s me.”Ngunit, walang sagot.I pressed my palm flat against the door, pinipilit pigilan ang kaba at matinding takot sa dibdib ko.“Can we talk?” tanong ko muli. “I know you're hurt… and you probably don’t want to see me right now. But please, just give me a minute. We can't keep this longer, Wife," mahinang saad ko at halos magmakaawa na.Still nothing.Napakagat ako sa labi. Gusto ko siyang marinig. Kahit mahinang kaluskos man lang, kahit pagsigaw ng “umalis ka” ay okay lang, masiguro ko lang na nasa loob talaga siya.Maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang pagtunog ng doorknob.Bumukas ito,
"PLAY WITH ME, CHELSEA"THIRD PERSON'S POV Pagkarating ni Vander sa lokasyon ni Chelsea, at mabilis siyang lumabas mula sa kanyang sasakyan at kaagad na lumapit sa kanilang gate. Maya-maya lang ay natanaw niya ang isang babae na sa tingin niya ay isa sa mga katulong ng pamilya. “Sino po sila?” Bungad nito sa kanya. Para makumbinsi kaagad Ang babae ay inilabas niya ang kanyang ID, at ipinakita ito sa kanya. “My name is Vander Rutledge, and I'm here to see my wife, Chelsea.” Sabi niya. Nang marinig iyon ng katulong at dali-dali niyang binuksan ang man gate at hinayaan si Vander na makapasok sa loob. “Thank you,” nakangiting saad nito at tinanguhan lamang siya ng katulong. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ay sumalubong na sa kanya ang mainit na mga mata ng mag-asawa, ang ina at ama ni Chelsea. Bahagyang nagbaba ng tingin si Vander, at halos hindi nito magawang tingnan ang mga asawa at may hula na siya kung bakit ganito ang paraan ng pagtingin nila sa kanya