Share

CHAPTER 1

Author: kkyrieehale
last update Last Updated: 2025-01-21 16:44:46

ENRIQUEZ SISTER

5:30 ng umaga ay bumangon na si Amythist para magluto ng agahan nila ng kambal niyang si Amberlyn. Sila nalang dalawa ang magkasama sa buhay matapos mamatay ng kanilang ina mula sa malubhang sakit.

Hindi maganda ang relasyon ng kambal, madalas silang magbangayan, sumabatan at di gaanong naguusap kahit na silang dalawa na lamang sa kanilang bahay.

Magkamukhang magkamukha ang dalawa, identical twin kung tawagin. Pero lingid sa pagiging magkamukha ay ang pagkasalungat naman ng kanilang mga hilig at pag uugali.

Masyadong mapagkumbaba si Amy kaya naman lahat ng hindi magandang ginagawa or sinasabi sakaniya ni Amber ay inuunawa nalamang niya simula noong bata pa sila magpa sa hanggang ngayon.

Malaki ang pagkakasalungat ng ugali nila. Kung si Amythist ay mapagparaya at maintindihin ay siya namang kabaligtaran sa kapatid nitong si Amber.

Wala pa ni isang naging nobyo si Amy, sa edad na 25 ay hindi siya nakaisip na makipagrelasyon man lang. Marami ang naglakas loob na ligawan siya pero bigo ang sino mang sumubok. Hindi dahil sa pihikan si Amy kundi ayaw niya ng may iba pang pagkaabalahan. Tutok kasi ito sa trabaho kahit na may kaya naman sila at may magkahiwalay na savings ayaw niya na tutunga tunganga lang.

Manager si Amythist sa isang tanyag na Hotel and Restaurant sa Pampanga, habang si Amberlyn naman ay isang Freelance model at doon niya nakilala ang matipunong si Dominic Montevantez.

"Aray!" Napatalon si Amy matapos matalsikan ng mantika sa kamay niya, nagpprito kasi ito ng bacon ngayon. Napalingon nalang siya sa likuran niya matapos magsalita ni Amber habang kumukuha ng inumin sa fridge.

"Bat di ka nalang kasi mag order, kesa sa nagpapakahirap ka sa pagluluto jan e ikaw lang naman kakain niya e. " suwesyon ng kambal niya.

Napabuntong nalang si Amy sa inasta ng kapatid, hindi na niya ito pinatulan dahil sanay na sanay na ito sakaniya.

"by the way, pakilinisan mo ung pool and side area mamaya ha? pupunta ngayon si Dominic." walang emosyong utos ni Amberkay Amy habang nanunuod ito sa TV.

Tinitigan lang ni Amy si Amber umaasang tatapunan siya nito ng tingin pero bigo siya.

Matapos magluto ni Amy ay agad na niya itong inihain sa Glass table malapit sa couch.

"Halikana, sabayan mo na akong mag breakfast." pag aaya ni Amy sa kakambal, ngunit tinaasan lang siya ng kilay ni Amber at inirapan pa ito.

"Ayoko, i'll to my order nalang, baka mamaya may lason pa yan" namintig ang tainga ni Amy kaya sinamaan niya ang kapatid ng tingin at sinigawan.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Amy sa kapatid, ngumisi naman si Amber at tumayo mula sa pagkakaupo nito sa couch.

"You! stop annoying me will you? para kang langaw na umaalingaw ngaw sa earlobe ko, kaya please! kung hindi kita kinakausap wag kang kuda ng kuda! ang aga aga nakakairita!" muli nanamang nanggilid ang mga luha ni Amy dahil sa mga binitawang salita ng kapatid. parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ni Amy sa tuwing pagsasalitaan siya ng masakit ni Amber.

Pinunasan ni Amy ang tumulong luha sa kaniyang pisnge at itinuloy nalang ang pag kain, binilisan nalang nya ang pagsubo sa pagkain dahil may pasok pa ito.

Matapos niyang kumain ay dumaretsyo na ito sa banyo a naligo, matapos niyang magbihis at mag ayos ay agad na siyang umalis ng bahay.

Baliwala rin kasi kung magpapaalam pa siya sa kapatid.

Sumakay siya sa kotse niya at nagsimula ng magmaneho, may sarili nang kotse si Amy, ito ang kauna unahang naipundar niya sa tatlong taon niyang pagtatrabaho bilang manager sa isang tanyag na Hotel and Restaurant sa Pampanga. Madalas itong hiramin ng kapatid lalo na kapag may pupuntahang gimikan, hindi naman mahindian ni Amy dahil paniguradong magbabardagulan lang silang magkapatid

Matapos mag park ni Amy ay dali dali na siyang pumasok ng building at binati ang Guard na lagi naman niyang hinagawa. "Good morning kuya, nag coffee ka na??" nakangiting tanong ni Amy sa guard.

"Tapos na po mam, magandang umaga rin ho!" bati rin ni manong guard. Halos yata lahat ng guard na nagduduty ay talaga namang kaclose ni Amy maliban lang sa mangilan ngilan na receptionist at waitress.

Marami kasing inis at galit sakaniya pagdating kasi sa pag ttrabaho ay masyado siyang istrikto. May mas matatanda sakaniya kaya naman kahit Manager pa siya ay talaga namang hindi parin siya nirerespeto ng mga galit at inis sakaniya pero di naman niya pinapatulan dahil napakaimmature naman kung papatol pa siya sa mga ganon.

"Hoy mare! grabe akala ko late na ako" humahangos na bulong ni Trisha sakaniya. Kaibigan ni Amy si Trisha, simula ng matanggap si Amy sa pinagtatrabahuang hotel and restaurant ay naging ka kaclose na niya si Trisha at sa hanggang ngayon.

Ayaw ni Amy na tinatawag siyang Mare ng kaibigan pag sa oras ng trabaho kaya isang tingin lang nito kay Trisha ay mananahimik na ito.

Isang CCTV monitor si Trisha ang trabaho niyang ay umupo at tumutok sa screen ng mga computer na nasa harapan niya.

Gustong matawa ni Amy matapos makitang natutulog ang kaibigan nito sa ors ng trabaho kaya naman agad niya itong nilapitan at tinapik upang gumising.

Nang magising ang kaibigan ay umalis na ito at nagpunta sa siya lobby.

Halos umusok ang ilong ni Amy dahil sa inis matapos maaktuhang nagttsismisan lang ang mga receptionist habang ang mga guest ay naghihintay lang sa kung sino ang mag aasikso sakanila.

"Hindi ba kayo nahihiya sa mga guest? mukhang kanina pa sila naghihintay habang kayo puro chismisan lang?" lumapit na si Amy at sinermunan ang mga ito.

"Kanina pa kami ng lola ko dito, pero wala ni isang umasikaso samin." litanya ng isa sa mga guest.

Agad na binalot si Amy ng inis, sinamaan niya ng tingin ang mga receptionist na nasa harapan niya.

"Di ba kayo nahihiya? hindi kayo binabayaran ng kumpanya para lang magtsismisan kayo. Gawin nyo naman ng maayos ang trabaho nyo." sermon ni Amy, nabigla siya ng duruin siya bigla ni Lea, Head Receptionist.

"Hoy Amy! di porke manager ka rito e pwede mo na kaming insultuhin at ipahiya! pare-pareho lang tayong mga trabahante dito! wag kang umasta na ikaw may ari ng hotel na to! baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo at ang iba dito!" mahabang litanya ni Lea.

Matanda ng limang taon si Lea kay Amy kaya hindi talaga nito sinasanto ang dalaga kahit pa kayang kaya siyang ipatanggal ni Amy sa trabaho.

"Yes Lea, we all same na nagtatrabaho dito, but we're not same kung paano kumilos at gampanan ang trabaho. Ginagampanan ko ng maayos ang trabaho at posisyon ko, sana kayo din!" Matigas na wika ni Amythist sa mga ito.

Humingi siya ng paumanhin sa mga taong kanina pa naghihintay na asikasuhin sila, agad naman kumilos ang mga receptionist at nag umpisa ng magtrabaho.

Sa oras lang ng trabaho nagagawang magsungit ni Amy, kung hindi kasi siya magmamatapang ay lalong mawawalan ng respeto ang mga kasamahan niya sakanya.

Tahimik siyang naglalakad patungo sa office niya when suddenly there was a call from her phone. Agad niya itong sinagot matapos malaman na si Amberlyn ang tumatawag.

"Napata---" hindi natapos ni Amy ang sasabihin matapos bumungad sa tainga niya ang malakas na sigaw ni Amber.

"ANO KA BA NAMAN! DIBA SABI KO SAYO LINISAN MO UNG POOL!" sigaw ni Amber na nagpakulo sa dugo ni Amy, madalas silang mag away lalo na kapag hindi nagagawa ni Amy ang mga inuutos ng kapatid.

"Alam mo namang may trabaho ako diba?! tsaka wala ka namang ginagawa ba't dinikaw ang maglinis tutal kayo naman ang gagamit ni Dominic!" litanya ni Amy, narinig niya ang panggigigil ni Ambet kaya biglang nanuyo ang lalamunan niya.

"PAPUNTA NA SI DOMINIC! TANGA TANGA KA TALAGA KAHIT KAILAN!" sigaw ni Amber at binaba na ang tawag.

Nagpakawaa ng buntong hininga si Amythist, wala yatang araw na hindi sila magtatalo ng kapatid niya. Lagi nalang siya napapaisip, ano ba ang dapat niyang gawin para lang maging maayos ang pakikitungo sa kaniya ng kambal niya.

Gustong gusto nu Amy na makabonding si Amber at makipagtawanan sa kapatid, pero mukhang malabo na yatang mangyari iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 17

    DOMINIC'S POV. Naipaliwanag na sakin ni Amy na si Jared ang lalaking kasama ni Amber sa video, and si Jared rin yung nakita ko kaninang kasama ni Amber. I know that Guy, nung first day na nakilala ko si Amber at nakita sa isang tulay na balak tumalin, siya yung guy na naikwento niya sakin na sobra niyang mahal peri niloko lang siya... kaya napapatanong ako ngayon-- bakit magkasama parin sila? "Ang sakit sakit, sobrang hirap tanggalin na matapo akong gamitin ni Amber sa panloloko niya sayo ako pa yung pinagmukha niyang masama-- ang sakit kasi kapatid ko pa siya " hagulhhil niya si ki narin napigilan ang luha ko, bakit ang sakit na makita siya na umiiyak sa harapan ko ngayon? Sana hinayaan ko na muna siyang magpaliwanag nung gabing yun... Sana sinabi niya sakin ang totoo... nagpadala agad ako sa emosyon ko, sa galit ko. Akala ko ako at si Amber ang biktima rito, si Amy pala. Si Amy na ginawa kang ang bagay na yun dahil mahal niya ang kapatid niya. "Shhh, im sorry for what i

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 16

    AMYTHIST POV. Gabi na ng makaramdam ako ng gutom, kahit napakarami mg snacks ni Trisha sa ref at pantry niya ay wala akong mabetan, may gusto akong kainin na hindi ko naman alam kung ano. Napagpasya kong lumabas kaya kumuha ako ng hoodie jacket at dahan dahan na akong lumabas, baka kasi magising pa si Trisha paniguradong sasamahan ako non kapag nalaman niyang trip ko kumain sa labas. Nakakahiya naman kung gigising lang siya para samahan akong masatisfied sa cravings ko. Naglakad nalang ako palabas ng village at hindi na gumamit ng kotse, para maisa isa ko ang mga convenient store sa daan. Hayst! grabe ano ba talagang gusto kong kainin!! Sa sobrang pagod ko ay naupo muna ako sa isang upuan ng isang convenient store. Bigla nalang kumalam ang sikmura ko ng may maamoy akong barbeque, at doon ko lang napagtanto na barbeque pala ang gusto kong kainin. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang amoy mg barbeque na yun at may nakita akong Bar at sa tabi non ay may nag babarbeque

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 15

    DOMINIC'S POV Hindi ko parin alam kung bakit sinasabi nila na tanga at bovo ako na andali lang ako paikutin ni Amber, anong alam nila na hindi ko alam? anong meron kay Amber? Gusto kong tanungin si Amber tungkol sa mga bagay na yun pero paniguradong magagalit lang siya sakin. Ayonong paghinalaan ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. "Hi babe" bati ni Amber sakin at agd akong Hinalikan. "Babe, can i have a favor?" she asked. Tunango tango naman ako bilang sagot. "Meron kase kaming outing bukas with girls, if okay lang sayo na.." diko na siya pinatapos at agad na siyang pinayagan. Ayoko namang magalit siya sakin at sabihan ako na ayoko siya maging masaya. "Anyways, ngayon nga pala yung scehdule ni Mom sa dialysis niya.. sasama ka ba?" tanong ko kay Amber, agad naman siyang umiling na siya namang ikinalungkot ko. "Magpapahinga na muna ako" sagot niya. Tumango nalang ako bilang pagsang ayin at agad ng umalis. Iniwan ko muna sa condo si Am

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 14

    MAGHAPON na akong naghihintay kay Trisha hindi ko ko alam kung darating pa ba siya ngayong araw, sobrang nagugutom narin ako.Yumuko muna ako at sumandal sa pader, iniisip kung magtatagal ba ako dito sa loob ng kulungan na ito. Ayokong manganak ng ganito ang lagayan, may pangarap pa ako para sa baby ko. "Amy! omg, okay ka lang ba? nagugutom ka na ba? eto pinagdala kita ng makakain mo, pasensya ka na ngayon lang ako hinanap ko oa kase yung kuha sa cctv pero wala talaga mukhang deleted na." halos pagtakluban ako ng langit at lupa dahil sa nalaman ko."Paano na ako ngayon? bakit kasi hindi ko vinid... teka! yung phone ko? oo tama, vinideohan ko yun nung araw na ipinakita mo sakin yung cctv footage."masaya kong saad kay Trisha. Agad niyang kinausap ang pulis nakumuha ng phone ko para ipakita sakanila ang copy ng cctv sa hotel at ang picture namin ni Dom nung masa resort kami. ---TRISHA'S POV. "Ayan sir, nung gabing yan nakita namin si Amber na may kasamang ibang lalaki, sa totoo lang

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 13

    MAAGA akong nagising, agad aking lumabas ng kuwarto para magready ng break fastpero naabutan ko nalang si Trisha na patapos na. "Gising ka na pala, tara magbreakfast na tayo." pag aaya ni Trisha at inabot ang tasa na may Kape. "Ang aga mo naman atang nagising?" tanong ko sakaniya. "Syempre may pupuntahan pa tayo, aba!" bigla ko naman naalala na upunta nga pala kami sa police station ngayon.Matapos namin kumain ay agad na kaming nag ayos para maagang makarating sa police station ."Kalmahan mo mare, wag kang kabahan." paalala ni Trisha sakin, medyo nabuhayan ako ng loob dahil sa positive vibes na ibinibigay niya sakin. Nagmadali na kam ng umalis para agad kaming makarating sa station at malinis ang pangalan ko. "Ano hong sa atin?" tanong ng pulis na nasa harapan namin ngayon. "I'm Amythist Enriquez, gusto ko lang po sanang i-clarify na wala hong katotohanan ang binibintang sakin ng kapatid ko na si Amberlyn Enriquez, nais ko ho sanang linis ang pangalan ko." sagot ko naman. Til

  • PRETENDING AS MY TWIN SISTER   CHAPTER 12

    AFTER TWO WEEKS na nag stay ako kay Trisha ay nagpaalam na ako ngayon sakaniya na umuwi. Sinamahan naman ako ni Trisha, hindi ko al pero habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ay mas lalong tumitindi yung kabang nararamdaman ko. Napansin kong bukas ang gate kaya agad na akong pumasok at laking gulat ko sa nakita ko. "Amy?!! anong ginagawa mo dito? babe ilayo mo ako sakaniya sasaktan nanaman niya ako!" sigaw ni Amber at nagtago sa likod ni Dom. Di ako makapaniwala sa inaasta ngayon ni Amber halos maistatwa na ako sa kinatatayuan ko dahil gulong gulo ako ngayon. "Amber anong sinasabi mo?!" mangiyak ngiyak kong sigaw lalo pa niyang siniksik ang sarili sa likod ni Dom at ngumisi pa ito sakin. "Babe please ilayo mo ako sakaniya, sasaktan nanaman niya ako!" pagmamakaawa n Amber kay Dom. "Amber ano bang sinasabi mo? anong sasaktan? tangina anong drama to?!" sigaw ko oa ulit kay Amber, parang gusto ko syang hilain mula sa likuran ni Dom at alug alugin ang ulo niya ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status