PRETENDING AS MY TWIN SISTER

PRETENDING AS MY TWIN SISTER

last updateLast Updated : 2025-04-05
By:  kkyrieehale Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
18Chapters
555views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Amythist at Amberlyn ay kambal at talaga namang magkamukhang magkamukha ang mga ito, kung wala lang pagkakaiba sa ayos ng buhok, pananamit at ugali ay malilito ang kahit na sino kapag nakita ang dalawa. Hindi maganda ang pakikitungo ni Amber kay Amy kaya lahat gagawin ni Amy upang magkaayos silang magkapatid. Hanggang sa humingi ng pabot si Amber sa kapatid na magpanggap ito bilang siya. Kahit Labag sa loob ni Amy na magpanggap bilang Amber sa nobyo ni Amber na si Dominic ay pumayag na ito alang alang sa pangako ni Amber na magiging maayos na ang pakikitungo nito kay Amy sa loob ng dalawang buwang pagpapanggap. Mabuko kaya si Amy ni Dom na hindi talaga siya ang totoong Amber? at ano ang dahilan kung bakit gusto ni Amber na magpanggap si Amy bilang siya? Magiging maayos ba talaga ang relasyon nilang magkapatid o mas lalo pang kamumuhian ang isa't isa.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

"D-dom I-i--" Hindi na magawang maituloy ng babae ang sasabihin matapos siyang sigawan ng lalaking nasa harapan nito.

Halos hindi siya makapaniwala sa nakikitang reaksyon ng lalaki, para siyang papatayin ano mang oras dahil sa panlilisik ng mga mata nito sa galit.

"Kailan pa nagsimula? kailan mo pa ako niloloko?!" Sigaw ng lalaki sa babaeng nakahiga sa hospital bed. niyang buhay na niya ang nakataya oras na kainin niya iyon, pero wala siyang mapagpipilian dahil paniguradong doon na magwawakas ang pagpapanggap niya.

Maglalaho narin ang pangako ng kapatid niya.

"How dare you! where's Amber!" Halos hindi na makahinga si Amy sa sobrang sakit na nararamdaman niya, Hindi akalain ni Amy na ganito ang magiging epekto ng galit ni Dom sakaniya. Parang pinipiga ng kung sino ang puso ni Amy, nakayuko lamang ito at naghihintay pa sa mga sunod pang sasabihin ni Dom.

"How can you do this to your sister? nagpanggap kang siya para lang makuha ang atensyon ko ha?! ano bang plano mo? paghiwalayin kami at angkinin ako? mali ako ng inakala sayo! I thought you're innocent woman but I'm wrong, you are evil!" dikdikang sigaw ni Dom kay Amy.

Hindi makapaniwala si Amy sa pinapakitang ugali ni Dom, iba pala itong magalit at inaasahan na iyon ni Amy.

"Wala kang alam Dom, H-hindi mo naiintindihan." tanging sabi ni Amy, tumawa ng pagak si Dom at tinignan siya nito ng masama.

"San ba? san ba ang hindi ko naiintindihan? naiintindihan ko lahat Amy!! ginagawa mo to because you want to have me! you want to hurt your sister!" sigaw ulit nitong si Dom.

Gusto nalang ni Amy na maglaho sa harapan niya ang lalaki dahil sobra na ang mga binabato nitong masakit na salita sakaniya. Dahil sa galit ni Dominic napaisip si Amy na ganoon nalang kamahal ng lalaki ang kapatid niya.

Pero siya lang at ang kapatid niya ang nakaalam ng katotohonan kung bakit naiipit siya sa sitwasyon niya ngayon.

Gustuhin man niyang sabihin kay Dominic na hindi niya kagustuhan ang pagpapanggap na ginagawa ay paniguradong hindi naman ito maniniwala sakaniya.

"W-wala kang alam Dom, at wag mo ako agad husgahan." matigas na sabi ni Amy, sinamaan narin niya ng tingin ang binatang kaninapa nag aapoy sa galit.

"Kung wala ka ng ibang sasabihin pa-- pwede ka ng umalis." prenteng sabi ni Amy, labag man sa loob niya ang mga katagang binitawan niya ay iyon ang nararapat para hindi na siya muling makarinig ng kung ano pang masakit na salita mula kay Dom.

Gusto ng humagulhol ni Amythist dahil sa sakit at takot na nararamdaman niya ngayon, halos hindi na siya makahinga dahil sa walang awat na bibig ni Dominic.

"Where she is?" Walang emosyong tanong ni Dom kay Amy, si Amber ang tinutukoy nito.

Lumapit si Dom kay Amy at hinawakn ang braso nito ng pagkahigpit higpit.

"N-nasasaktan ako D-dom.." daing ni Amy habang pilit binabawi ang braso mula sa pagkakasakmal ni Dom.

"Bitiwan mo'ko nasasaktan ako!" nagpumiglas si Amy, ngunit lalo lang hinihigpitan ni Dom ang pagkakasakmal nito.

Muli nanamang nanindig ang balahibo ni Amy ng titigan siya muli ng masama ni Dom.

"You'll pay for this! pag nalaman kong may ginawa kang hindi maganda kay Amber ako ang makakalaban mo!" napalunok ng paulit ulit si Amy sa sinabi ni Dom, hindi niya inaasahan na may itinatago palang bangis ang binata lalo na kung ang pinag uusapan ay ang babaeng pinakamamahal nito.

"Kailan ma'y wala akong binalak na masama sa kambal ko, kaya dahan dahan ka sa pananalita mo!" lakas loob na sumbat ni Amy kay Dom.

Ngumisi si Dom at tinitigan ulit ng masama si Amy, kanina pa pinipigilan ni Amy ang mga luhang nagbabadyang kumawala, ayaw niyang ipakita sa binata kung gaano ito kahina.

"Wag na wag ka ng lalapit sakin! at ito ang tatandaan mo! hahanapin ko si Amber at sisiguraduhin kong magbabayad ka oras na malaman kong may ginawa kang masama sakaniya!" Banta ni Dom at pwersahang binitawan ang braso ni Amy.

Maglalakad na sana ito palayo ngunit napahinto siya ng biglang humagalpak ng tawa si Amy.

"Kaya kong sabihin sayo kung nasan si Amberlyn, who knows kung masaya ba siya ngayon kung saan or kung sino man ang kasama niya. Pero di ko iyon sasabihin, ayaw kong magkaroon ng dahilan para hindi kami magkaayos ng kapatid ko." saad ni Amy.

Lumapit sakaniya si Dom at muling sinakmal ang palapulsuhan naman nito. "Nasaan siya Amy!" sigaw ng binata.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo Dom, kung gusto mo siyang makita go on and find her, pero wag mo sakit lahat isisisi, wag ka rin sana magsisi sa huli oras na malaman mo na ang katotohonan." naistatwa si Dom matapos marinig ang mga sinabi ni Amy, batid niya na seryoso at nagsasabi ito ng totoo.

Hindi alam ni Dom ang gagawin matapos mapagmasdan ang mapupungay na mata ng dalaga, pati na ang lungkot na bumabalot rito.

Napaatras siya at kusang napabitaw sa kamay ni Amy. "Magpagaling ka." huling sabi ng binata pag kuwan ay agad na itong umalis.

Naiwang tulala si Amy, hindi niya maipaliwanag ang halo halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Mas lalong nanikip ang dibdib niya matapos ang huling sinabi ni Dom sakaniya.

Hindi lubos maisip ni Amy na hahantong siya sa ganitong sitwasyon matapos tanggapin ang alo ng kapatid niya, hindi niya ito mahindian dahil ayaw niyang magtalo nanaman sila.

Pero hindi niya alam na magkakasala siya sa kambal at sa mga taong nasa paligid niya.

Napakapit nalamang si Amy sa kumot niya at nagsimula ng humagulhol, iyak lang siya iyak at dinig na dinig sa apat na sulok ng kuwarto ang bawat hikbi niya.

Niyakap niya ang unan at sinubsob ang mukha niya rito, mas lalong lumakas ang iyak niya... iyak lang siya ng iyak at kalaunan ay nakatulog rin ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Elena Arioder Aragon
bkit wl p po update ang pretending twin sister
2025-04-19 12:27:39
1
18 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status