Share

9.4

__________

LLANERA, NUEVA ECIJA

At dumating nga ang next week! Dumalo rin si Ana sa birthday ni Melinda. Grabe ang garden birthday party ng kaibigan! Ang akala niya ay simpleng birthday party lang ang magaganap. Iyon pala, bonggang celebration complete with lights, drinks, foods and sounds. Dinner-dance birthday party pala!

Kaya hayon, kamuntikan pang ma-out of place ang suot niyang damit kumpara sa mga bisita roong sosyal na sosyal ang dating. Mabuti na lang at kahit simple ang suot niyang puffed sleeve, floral tank na kulay blushing pink at may floral print sa bandang upper left ng kaniyang dibdib at black denim skirt niya na may side slits ay bumagay naman at nagpalutang sa ganda niyang mala-celebrity.

Eye-catcher pa rin siya kumpara sa iba pang bisita roon, lalo na pagdating sa mga kalalakihan na ang ilan ay mukhang interesado siyang makilala. Tuwang-tuwa at proud na proud nga siyang ipinakilala ni Melinda sa mga ito.

Hayon, nakipagkuwentuhan na rin siya sa mga bisitang karamiha'y
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status