Share

10.1

Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.

“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.

“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.

“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status