Naitukod ni Psalm ang mga kamay sa matigas na dibdib ni Ymir nang hapitin siya nito papadiin sa katawan ng doctor. Gumagalaw ang mga panga nito at pigil ang hininga. Ilang segundo lang naman ang halik, hindi nga ito nakaganti dahil sa gulat sa ginawa niya."Y-Ymir," napaantada niyang sambit. Paano nga pala kung nagalit ito? Baka siya lang ang nag-assume na magugustuhan nito ang halik niya. "Para saan ang halik na iyon? Ransom sa selos ko sa ex-husband mo?" Seryoso ang mukha nito at pakiramdam niya ay bigla nitong nakalimutan kung paano ngumiti. "Pasok na roon sa sasakyan." Istrikto ang tono nito at itinuro ang Bently.Masunurin siyang nagtungo sa sasakyan at sumakay. Nakipagsukatan pa ito ng titig kay Darvis mula sa bintanang nakababa ang salamin bago sumundo sa kaniya."Nagseselos ka?" kunyari ay inosente niyang tanong pagkapuwesto ni Ymir sa driver's seat."Gusto mong makitang ipapa-laminate ko ang pagseselos ko at nang maniwala ka? Bigla ka na lang pumasok sa sasakyan niya, akala
Nagkalat ang mga unan sa sahig, pati throw pillows ng couch at ilang gamit na kanina ay nakapatong sa sidetable. Doon ibinunton ni Pearl ang galit kay Psalm. Nagmukha siyang tanga at sampid ngayong gabi. Walang ibang tinitingnan ang dalawang lalaki kanina kundi si Psalm. Para bang ito ang tao roon sa garden at hindi mapuknat ang titig nina Ymir at Darvis.Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Nagbago na siya ng mukha at katauhan. She is the Samaniego heiress, dapat siya ang sentro ng atensiyon nina Ymir at Darvis. Pero kabaliktaran ang nangyari kanina. Hindi na nga siya sinagip doon sa pool, iniwan pa siya at hindi man kinumusta kung okay siya. Gigil siyang lumabas ng kuwarto at hinanap si Don Romano. Kausap pa rin nito sa presidential table ang mga magulang ni Darvis. Wala itong kamalay-malay sa nangyari sa kaniya roon sa lawa. "Lolo," nilangkapan niya ng pagsinghot ang boses. Kunwari naiiyak."Felizz, what's wrong?" nag-aalalang dinaluhan agad siya ng matanda."Hija, ano'ng nangya
Basang-basa na ni Psalm ang galawan ng kapatid niya kaya hindi na niya ikinagulat pa ang pagkalaglag sa lawa. Buti na na-kondisyon masyado ang sistema niya sa tubig dahil tuwing umaga roon sa isla ay nagbababad siya sa dagat ng sampu hanggang labing-limang minuto. Nakatulong iyon sa mabilis na paghilom ng operasyon niya. Ini-ahon niya ang ulo at umawang ang bibig dahil sabay siyang niyakap nina Ymir at Darvis."Psalm/Psalm," sabay pang sambit ng dalawang lalaki."Are you hurt?" pahabol na tanong ni Ymir na habol ang hininga. Pumiglas siya mula sa apat na mga bisig na nagbakod sa kaniya at itinulak ang mga ito. Nagkatinginan ang dalawa at parehas na umigting ang mga panga."Back off, Florencio," angil ng doctor at muling kinabig si Psalm. "Si Felizz ang tulungan mong makaahon sa tubig." "Dr. Venatici, the woman you're holding is still the mother of my child. Maaring iniisip mong wala nang bisa ang kasal namin pero hindi mo mai-aalis na mag-aalala ako sa kaniya para sa kapakanan ng a
Nanuot sa mga laman ni Psalm ang init ng palad ni Don Romano na hawak ang kanan niyang kamay at banayad na pinipisil. Matiim na nakatitig sa kaniya ang matandang lalaki na para bang may hinahap na palatandaan sa mukha niya."Bakit naalala ko sa iyo ang aking anak, hija? Pasensya ka na sa akin," natatawa ito pero may nakakubling lungkot sa tono. "Psalm Hermosa ba ang pangalan mo? Napakaganda mo, hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa iyo itong si Ymir."Hindi makaimik si Psalm. May bumabara sa lalamunan niya at lumalambot ang kaniyang puso habang pinagmamasdan si Don Romano. Tiningala niya si Ymir na nakatayo sa gawing likuran niya at nakatuon ang kamay sa sandalan ng silya. "Ang babaeng iyan ay manu-""Mom!" awat ni Darvis kaya naudlot ang gustong sabihin ni Senyora Matilda. "Don Romano, I am interested in discussing a possible business venture with you. How about we set a separate meeting?""Hey, don't be rude, Mr. Florencio," sabat ni Pearl mula sa upuan nito. "May gustong sa
Photos, love letters, gifts, the pregnancy test and report from the hospital. Nakalatag ang mga iyon sa table sa loob ng study room. Mga bagay na iniingatan noon ni Psalm pero ibinalik kay Darvis noong umalis ito at nagpanggap na patay na. Kumuha ng picture ang lalaki. Bagong kasal lang sila roon at makikita sa mga mata niya ang pagmamahal sa asawa. Kailan ba siya nagbago? No. Hindi siya nagbago. Walang ganoon. Naging mayabang siya at arogante. Inisip niyang ang pagkakaroon ng kapangyarihan at yaman ay sapat nang lisensya para gumawa ng kasalanan. Bumigay siya sa hamon ng mga kaibigan at kinalimutan ang pangako niya kay Psalm. Huli na nga ba ang lahat para sa kanila? Wala na bang second chance para sa kaniya? Ang dali lang gumawa ng mali at piliing magkasala pero ang hirap ayusin ng tiwalang nasira. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang buong buhay na pagsisisi.Dinampot niya ang kopitang may alak at inubos ang laman. Ibinalik niya sa latag ng mga pictures ang kinuhang larawan. Inutusa
"Come on, Psalm." Ymir tilted his head towards the car. Kinuha nito ang kamay ni Psalm at pilit pinakakapit sa braso nito. They walked away, leaving Pearl or Felizz, whoever she is portraying unable to decide on what to do. Susunod ba sa kanila o hindi. Pero alam ni Psalm na maya-maya lang ay hahabol ang kapatid niya. Makapal ang mukha nito. Kasing-kapal ng plastic surgery na ginawa nito, malamang matapos niyang isprehan ng asido. "Ignore her," sabi ni Ymir pagkasampa nila sa loob ng Bently. "Okay lang naman ako, wag kang mag-alala. Never ko siya gagawing big deal as long as hindi niya ako bubwesitin gaya noon. Nga pala, she is flirting with you? Mukhang kina-career niya ang pagiging Felizz.""Fake heiress, you mean?" Nilingon siya ng doctor matapos nitong buhayin ang makina ng sasakyan. "Hawak pa rin niya lahat ng karapatan ng tunay na Felizz kahit fake siya.""We will expose her in no time, just wait and see." Umusad ang sasakyan at hindi pa man din sila nakakalayo sa premises