Chapter: 24 - doubtsBUMUNTONG-HININGA na lamang si Celso matapos pakinggan ang paliwanag ni Rosela. Hindi tama ang ginawa ng dalaga pero hindi rin makatutulong kung sisisihin niya ito. Kung tutuusin may pagkukulang siya. Dapat kinausap niya si Aling Renata at ipinahayag ang sensiridad ng layunin niya sa dalaga. "Sorry na, natatakot kasi akong may gawin si Tiya para magkahiwalay tayo." Humawak sa braso niya si Rosela habang magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kuwarto niya."Naintindihan ko. Halika na, ayusin natin ang mga gamit mo sa cabinet." Banayad niyang pinisil ang kamay nito at tumayo.Buti na lang may spare cabinet pa siya roon sa kuwarto niya. Marami rin kasi siyang gamit na dinala sa guard's quarter niya sa mansion kaya naiwang walang laman ang kabilang compartment ng cabinet. "May duty ka ba ngayon?" tanong ni Rosela. Kahit papaano ay sumigla na ang tono nito. Umaliwalas na rin ang mukha. Nahawi ang ligalig sa mga mata. "Mamayang alas-diyes ang relibo ko. Kung takot kang matu
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: 23 -escape"LUMAYAS ka! Layas!" singhal ni Aling Renata kasunod ang sampal na nagpatulig kay Rosela. "Tiya..." naiiyak na sambit ng dalaga, tutop ang kanang pisngi. Natatakot siya sa poot na nakikita sa mga mata ng tiyahin. Pero kung aalis siya, saan siya pupunta? Kina Celso? Hindi ba siya magiging pabigat doon? May dalawang kapatid ang lalaki na pinagpaaral nito bukod sa ito pa ang bread winner sa pamilya. Dadagdag ba siya roon?Pwede siyang humingi ng tulong kay RJ, alam niyang hindi siya papabayaan n'on. Kaya lang magkikita pa rin sila roon ng tiyahin niya. "Renata," si Mang Lando, ang tiyuhin niya. Umahon sa kahoy na sofa ang lalaki at nilapitan ang asawa. "Pag-usapan ninyo ng maayos iyan. Dalaga iyang si Rose, normal lang ang magkaroon ng boyfriend sa ganyang edad."Pero hindi ito pinansin ng tiya niya, bagkus ay hinaklit siya sa braso at nagmartsa patungo sa silid niya. Kinakaladkad siya. "Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi iyan makakatapos ng pag-aaral. Siguradong mabubuntis iyan. Pina
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: 22 -the past9 years ago...NAPAIGTAD si Rosela sa inuupuang bench sa cafeteria nang ibagsak ni Samantha ang mga aklat. Nagtataka siya at nakasimangot na naman ito. "Ano'ng nangyari?" tanong niya sa kaibigan."Lilipasan ka na ng gutom kung hihintayin mo pa sina Celso at RJ. Kumain ka na," sabi nitong binuksan ang box ng special siopao. "Alam mo ba kung nasaan sila?" pahabol niya at nagpasya na ring kumain na. Kanina pa kumukulo sa gutom ang sikmura niya. "Ayon, nakipagrambulan na naman. Binitbit ng mga guwardiya at dinala sa guidance. Malamang suspended na naman ang dalawang iyon. Wala nang ginawa kundi magbasag-ulo, eh." Nilagyan ni Samantha ng sauce ang siopao. "Gusto mo?" alok nitong itinulak palapit sa kaniya ang box. May dalawang siopao pa roon. Paborito nito iyon at solve na ito kahit buong araw siopao lang ang kinakain. "Baka naman may dahilan kaya sila nakipag-away." Depensa niya sa dalawang lalaki. Binuksan niya ang bento box na binili niya roon sa cafeteria. "Itong si Celso talaga
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: 21 - CelsoPASADO ALAS-DIYES na ng gabi. Umaambon kanina pero nawala rin at pumalit ang malamig na simoy ng hangin mula sa direksiyon ng kalakhang bahagi ng iilang unexploited rainforests ng Gallero. Tiningala ni Celso ang buwan na kanina lang ay tila dalagang nahihiya at nagtago sa likod ng makapal na ulap. Inalog niya ang inumin sa loob ng baso kasama ang ice cubes at dinala sa bibig. Ibinuhos para sa isang lagok. Kaharap niya sa pabilog na wine table sina Harry at Ryan. Si RJ ay pasaglit-saglit lang doon. May pinagpupuyatan itong bagong house bill na ihahain nito sa kongreso sa susunod na regular session. Sila na lang ang naiwan pagkatapos ng boodle fight kanina kasama ang buong team ng security. Bumalik na sa trabaho ang ibang naka-assign sa field, mga moving guard at ang mga bantay sa gate. Bawal sa mga itong uminom at maglasing kapag oras ng trabaho. Mahigpit niyang ipinatutupad ang batas na iyon. "Malutong na iyang edad mo, Celso. Wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik?" komento ni R
Last Updated: 2025-05-05
Chapter: 20 - the fatherChapter 20NARINIG ni Jovy ang malakas at matinis na palahaw ng sanggol. Pilit niyang pinanghahawakan ang kaniyang kamalayan kahit pagod na pagod at kumikirot ang buong katawan niya. Naisilang niya ng maayos at matagumpay ang anak niya. Ang batang nabuo sa kasagsagan ng pagsubok at pagsasakripisyo niya pero naging bagong lakas na pinagmumulan ng kaniyang determinasyon bilang ina at pag-asang nagdadala sa kaniya sa mas maliwanag na pananaw ng buhay na gusto niyang tahakin. Karangalan para sa kaniya na itinakda siya ng langit na maging ina at pinaranas sa kaniya ang maging asawa. Biyaya para sa kaniya ang mga anak niya. Mga anghel na ipinagkatiwala ng Diyos sa kaniyang pangangalaga upang hubugin at turuang mamayagpag balang araw. Pumatak ang butil ng luha sa kaniyang mga mata nang ilapag ng nurse sa kaniyang tabi ang umiiyak na sanggol. Huminto ang pagpalahaw nito pagkalapat ng init niya sa mamula-mula nitong pisngi. Agad itong naglikot at hinagilap ng cute na nguso ang nipple niya. M
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: 19 - repentanceChapter 19NAPALUHA na lang din si Jovy habang pinapanood ang biyenang babae na yakap ni Kris at histerikal na nag-iiiyak. Nasa labas sila ng ICU at nakaantabay sa doctor at mga nurse sa loob. Tatlong beses nang ni-revive si Karlo at ito ngayon ang pinakamatagal. Parang sasabog ang ulo niya sa takot tuwing tumatalbog ang katawan ng binata dahil sa electric shock para mapatibok muli ang puso nito.Nabangga ng wing van si Karlo at malubha ang injury sa ulo. Marami ring dugo ang nawala sa binata. Nasalinan na ito kanina at kailangang ma-operahan kaagad pero hinihintay pa ang neurosurgeon. Ang ama naman ni Kris ay admitted din dahil inatake sa alta-presyon nang malaman ang aksidenteng sinapit ng bunsong anak. Makaraan ang ilang saglit ay muling nag-register sa vital machine ang pintig ng puso ni Karlo, pumatak na rin mula sa monitor ang blood pressure nito at ang oxygen. Binigyan ng doctor ng instruction ang mga nurse pero hindi nila marinig dahil sa harang na salaming dingding. "Ang ka
Last Updated: 2025-05-01