Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
View MorePearl: Ate, buntis ako. Ang asawa mo ang ama.
Umuga sa sakit ang buong katawan ni Psalm nang mabasa ang chat. Gusto niyang bitiwan ang cellphone at ihulog na lamang sa sahig. Pero may bagong message na pumasok. Pearl: Huwag mo akong sisihin. Tatlong taon na kayong kasal pero hindi mo pa rin mabigyan ng anak si Darvis. Ilang beses lang kaming nagtalik at heto nabuntis ako agad. Mariing kinagat ni Psalm ang ibabang labi at hindi na tinikis ang mga luha. Pinabayaan niyang isa-isang malaglag hanggang sa mistulang ilog iyon na bumaha pababa sa mga pisngi niya. Hindi niya inasahan na darating siya sa puntong ito. Kahit minsan ay hindi niya pinagdudahan ang pag-ibig ng kaniyang asawa. Ano pa ba ang kulang sa kaniya? Ano ba ang naging pagkakamali niya para parusahan siya ng ganito ni Darvis? At sa dinami-rami ng babae, kapatid pa talaga niya ang kinabit nito? Pearl: Ate, wala ka naman talagang kuwenta, alam mo iyan. Kasunod ng huling chat na iyon ay ang photo ng pregnancy test pack. Nakabandera roon ang dalawang pulang linya, indikasyon na buntis nga ang kapatid. Banayad na hinaplos ni Psalm ang kaniyang tiyan at sumilip ang mapait na ngiti sa sulok ng labi. Tatlong taon na siyang kasal kay Darvis. Buong Sto. Dominggo ay naniniwalang mahal siya ng lalaki at kahit kailan ay hindi siya nito magagawang saktan. Ayon nga sa karamihan, mabuting lalaki raw ang natagpuan niya at pagpapala iyon dahil sa mga kawanggawa ng kaniyang ninuno noon. Pero walang nakakaalam. Si Darvis Florencio ay anak lamang sa labas at hindi tanggap ng pamilya nito. Ramdam ni Psalm noon ang pait ng mga pinagdaanan ng lalaki dahil dumanas din siya ng kaparehas na karanasan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang patuloy na pagmamaliit kay Darvis at ang pagkasadlak nito sa impeyernong pinagkulungan dito ng sariling mga kamag-anak. Buong tapang niyang hinawakan ang kamay ni Darvis noon at inakay ito palabas sa madilim na mundong nilikha ng pamilya nito. Sinamahan niya ang lalaki, pinapalakas ang loob upang magkaroon ng pag-asa habang hinahabol nito ang tiwala ng mga Florencio, kungsaan ang pagmamahal ay mahirap makamit dahil sariling interes ang inuuna ng bawat isa. Tinulungan niya ang asawa na maging lider ng angkan at makuha ang kapangyarihang kailangan nito. Nagtagumpay ang lalaki. Saka siya nito inalok ng kasal at kaagad siyang pumayag. Galante si Darvis. Hindi siya tinipid bagkus ay binigyan siya ng engrandeng kasal. Lahat ng bagay na kailangan niya ay nakukuha niya sa isang pitik lang ng daliri. Isa siyang asawa na kinaiinggitan ng mga kababaehan sa buong bansa. Kompleto at masaya ang buhay niya. Pero kailan nga ba nagbago si Darvis? Tatlong buwan na ba? Tama. Tatlong buwan na nga ang lumipas mula nang gabing iyon. Ang gabing kasing itim ng tinta at naglunod sa kaniya sa matinding pagkawasak. Nagpunta noon si Psalm sa Haven 101, isang exclusive club na madalas bisitahin ni Darvis. Balak niya kasing sorpresahin ang asawa. Ngunit sa bungad pa lang ng pinto'y narinig na niya ang kaibigan at kababata ng lalaki na tinutudyo ito. "'Tol, plano mo bang manatiling loyal sa piling ng asawa mo habang buhay? Ayaw mo talagang tikman ang ligaw na mga bulaklak sa tabi-tabi?" kantiyaw nitong naglalaro ang halakhak sa tono. "Tigilan mo nga ako, Jun." "Grabe, ano'ng klase kang lalaki kung hindi ka marunong magtaksil, di ba, guys?" Naghanap pa ito ng kakampi mula sa ibang mga naroon. "Matagumpay ka, ma-impluwensya, tinitingala. Dapat may mga babae ka sa labas ng tahanan mo na handa laging bigyan ka ng good time." Natanaw ni Psalm na napawi ang ngiti sa labi ni Darvis. Pahinamad itong sumandal sa sofa at sinuyod ng malamig na tingin ang mga naroon. "Gusto mo ba ng gulo?" may babala sa timbre nito. Natahimik ang lahat. Ang iba na kanina ay natawa at nakisali sa asaran ay biglang natakot at namutla. Halos lumuhod ang mga ito at pagsasampalin ang sarili. Alam ng mga kaibigan nito na si Psalm ang kahinaan ni Darvis. Ngunit, biglang nagsalita ang lalaki. "Pero, ano nga ba ang lasa ng ligaw na mga bulaklak. Nasubukan mo na ba, Jun?" Muli nitong binalingan ang kaibigan. "Boring mag-stay sa iisang tao. Masyadong makaluma si Psalm. Isang posisyon lang ang alam at hindi marunong lumandi. Kahit sino mabo-bore sa kaniya. At tama ka. Pag-aari ko na ngayon ang Florencio Group of Companies. Pero siya lang ang babaeng pinayagan kong tumayo sa aking tabi. Kapag nalaman ng buong mundo, pagtatawanan ako." "Iyon naman pala! Nagising ka rin sa katotohanan!" hiyaw ni Jun. Naging maingay ulit ang paligid at pumaligid kay Darvis ang iba pang mga kaibigan nito, kaniya-kaniyang hirit kung gaano ka-exciting ang ligaw na mga bulaklak. Ginuguyo ng mga ito ang lalaki na huwag hayaan ang sariling tumandang mag-isa. "Pero huwag ninyong ipaalam kay Psalm ang tungkol sa usapan natin dito, may kalalagyan kayo sa akin," babala ni Darvis. Halatang matagal na nitong sumubok na gumamit ng ibang babae para pawiin ang libog. Mahal siya nito, alam ni Psalm iyon. Siya ang babaeng mapalad na nakapuwesto sa tuktok ng puso nito, ang nag-iisang pag-ibig na kikilanin nito sa buong buhay. Pero dapat nga siguro niyang tanggapin. Lalaki ang asawa niya, hindi monghe. Sobrang hirap siguro para rito ang suklian ng katapatan lahat ng sakripisyo niya. Nawalan ng ganang umiyak si Psalm o ang pumasok at gumawa ng eksena. Tahimik siyang umalis, sa gitna ng malamig na gabi ay binalot ng hindi maipaliwanag na kirot ang puso niya at marahil ay hindi kinaya ng sistema niya ang sobrang stress. Nilagnat siya pagkauwi siya ng bahay nila. Umuwi rin naman agad si Darvis nang malaman nitong nagkasakit siya. Nanatili sa tabi niya ang asawa ng halos buong linggo para personal siyang alagaan. Kaso nang makatanggap ito ng tawag na alam niyang galing sa ibang babae, nagdahilan ito agad na may madaliang trabaho sa kompanya na kailangang ayusin. Iniwan din siya kahit may sakit. Kailangan niyang manatiling mahinahon. Sinikap ni Psalm na ikalma ang sarili. Pagkaalis ni Darvis ay tinawagan niya ang isang malapit na kaibigan. "Tulungan mo akong gumawa ng pekeng car accident. Gusto kong iwan si Darvis. Pero babawiin ko muna lahat sa kaniya bago ako aalis." "May nangyari ba?" "He is cheating on me and I can't take it. Please, tulungan mo ako." "Ano bang ginawa niya? Nahuli mo ba in act?" "Kailangan ko pa bang dumating sa puntong iyon? Baka mapatay ko lang sila." "Sige, titingnan ko kung ano'ng magagawa ko. Kaya lang buo na ba talaga ang isip mo? Paano kung naguguluhan lang pala si Darvis sa ngayon?" tanong ng kaibigan niya. "Dinig ko ang lahat ng sinabi niya. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala. Hindi kita idadamay sakaling malaman niya ang plano ko." Nasa tono ni Psalm ang determinasyon na tapusin na kung anuman ang mayroon sa pagitan nila ng asawa niya. Dapat lang din. Sa kaniya nagsimula ang pagmamahalan nila. Pero dahil sa kataksilan ni Darvis, matatapos iyon at siya ang gagawa.Mount Elizabeth Hospital - Orchard, Singapore.Nag-stop over ang barko alinsunod na rin sa mungkahi ng private doctor ni Psalm na mas ligtas kung doon siya manganganak. Maayos naman silang tinanggap doon lalo at may programa ang pagamutan para sa foreign patients na kagaya niya. Nailagay kaagad siya sa priority list at top class ang suite na binigay sa kaniya. "Nandito lang kami, Madam, huwag kang matakot. Hindi ka namin iiwan. Maisisilang mo ng ligtas si baby." Hawak ni Lucille nang mahigpit ang kamay niya.Tumango siya, kagat ng mariin ang labi. Paisa-isang bumabagsak ang mga luha niya hindi dahil sa sakit ng paghilab ng kaniyang tiyan kundi sa disappointment sa sarili at sa takot. Hindi pa niya kabuwanan pero kailangan na niyang maisilang ang bata. Kahapon pa siya dinudugo. Lalabas na pre-mature ang baby niya. "May pagkukulang siguro ako. Hinayaan kong bumuhos sa akin ang stress at depression kaya apektado ang anak ko," sambit niyang sinisisi ang sarili."Hindi, Madam, wala kayon
MV Queen Felizz.Napabuntong-hininga na lang si Psalm habang nagche-check sa designs ni Mellow na nasa shared email nilang dalawa. Originally, designs niya iyon at nilagyan lamang ni Mellow ng mga innovations. Saglit na inalis ng babae ang paningin mula sa tablet at ibinaling kay Roy. Ni-report sa kaniya ng bodyguard ang tungkol sa ginagawa ni Darvis. "Kung ganoon hindi natin siya nakumbinsi na patay na nga ako?" tanong niyang dismayado."Parang ganoon na nga, Madam. Hinahabol niya ngayon ang abo no'ng babaeng sangkot sa staged accident. May nalaman yatang impormasyon si Mr. Florencio kaya matibay ang paniniwala niyang hindi ikaw ang natagpuang bangkay.""Isang buwan na tayo rito sa dagat. Ibig sabihin kahit makarating pa tayo ng Japan by three months time hindi ako pwedeng bumababa. For sure, na-contact na ni Darvis ang friends at ilang connections niya roon. Baka pati si Dell ay pinapasundan na rin kaya mas safe kung hindi na muna ako magkaroon ng communication sa kaniya.""Tama iy
Wala sa sariling nakatunghay sa kaniyang cellphone si Darvis, pinagmamasdan ang soft photo ni Psalm. Marami siyang nai-save na headshots ng asawa noong nagmomodelo pa ito pero paborito niya ang larawan nito noong nasa beach sila at nakaupo ito sa malaking bato habang pinapanood ang pagsikat ng araw. Hinilot ng lalaki ang nagpupulsong sentido nang pumasok ang sunod-sunod na chat ni Fred. Inangat niya ang haggard na mukha at saglit na pumikit. Nagpasa na ng motion ang board para tanggalin siya bilang CEO ng Florencio Group. Hindi pa naman majority pero kung wala siyang gagawin makukumbinsi rin ni Ernesto Montero ang natitirang mga miyembro.Hindi siya makakilos. Walang ibang laman ang utak niya kundi si Psalm. Naihatid na sa huling hantungan ang bangkay ng babae pero malakas pa rin ang loob niyang hindi iyon ang asawa. Hindi rin niya nakita maski minsan man lang sa lamay si Ymir Venatici. Imposibleng hindi sisilip ang doctor na iyon kung si Psalm nga ang nakaburol. Paano kung planado
"Doc, updates from the authority," abiso ni Lui kay Ymir na subsob sa mga dokumentong nakatambak sa desk."Speak," sagot ng doctor na hindi inaalis ang mga mata sa papeles na pinipirmahan."Nag-submit na ng request si Darvis para sa genetic comparison.""Ikaw na ang bahala mag-execute ng plano natin. Provided na lahat ng kakailanganin mo, mag-iingat ka. Not single data should leak out from the source pocket. Sisingilin kita kung may kunting discrepancy sa resulta ng DNA testing.""Lumabas na rin ang autopsy findings. Nakaligtaan natin ang bahagi ng pagbubuntis ni Psalm. Buti na lang nakita ko sa findings at nabago kaagad ng mga tao natin sa loob. Pagkatapos ng genetic comparison ay itutuloy na sa crematory ang bangkay."Tumango si Ymir. "Sounds great." Iniwan siya ni Lui roon. Sakto ring tumunog ang cellphone niya. Si Dell Florencio ang nag-pop up sa screen. "Gumawa ako ng initial investigation tungkol sa cruise ship na pinaglagyan mo kay Psalm. I wonder if your intention is really
Dumalo sa meeting ang mga magulang ni Darvis at ilang elders ng Florencio clan na may share of stocks sa kompanya. Present lahat ng miyembero ng board of directors. Kahit nagluluksa ay napanatili ni Darvis ang dating tikas ng kaniyang otoridad at kapangyarihan nilang CEO ng Florencio Group. Kaniya pa rin naman ang mandato at responsibilidad na hawakan ang buong kompanya. "Kahit walang direktang posisyon dito sa kompanya si Mrs. Psalm Florencio pero malaking kawalan sa atin ang nangyari sa kaniya. We need to face to public and issue an official statement with regards to the accident. Iminungkahi ko ring ibuburol siya rito ng mga ilang araw for public viewing sa ating employees. Marami sa mga trabahante rito ang hinangaan siya." Isa sa mga board members ang nag-propose. "Hindi pa tayo sigurado kung ang asawa ko ang sakay ng kotse. Nag-request na ako ng DNA test sa hospital, the police force will oversee the process. When the result is out saka lang tayo gagawa ng plano sa funeral at
Nanatili lamang sa cabin si Psalm. Nasa kandungan niya si Chowking, nakapamaluktot at tulog. Kalalayag lamang ng cruise ship patungo sa bansang destinasyon nila. Nakahinga na siya ng maluwag. Tiyak ngayon ay pumutok na ang balita tungkol sa aksidente at sa huwad niyang kamatayan. "Madam, dinalhan ko po kayo ng snacks, baka nagugutom po kayo." Pumasok doon si Lucille, bitbit ang tray na naglalaman ng miryenda niya."Salamat, Lucille." Ngumiti ang katulong at nilapag ang tray sa mesitang nasa harapan ng puting leather couch na inuupuan niya. Sliced fruits and home-made potato chips."Masarap ang chips, Madam. Pinaluto ni Roy iyan sa chef. Isa sa mga favorite mo."Tinikman niya iyon. Malasa nga. Hindi maalat at medyo matamis. Nag-blend ng husto ang asin at asukal. "Pumasyal ako sa bar, Madam, ang ganda roon.""Kasama mo si Roy?" "Opo, naglibot kami para makabisado ko raw ang buong barko at kung aling section ang pwede nating puntahan. Tatlong buwan pa tayo rito.""Dito na ako mangang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments