Main Office, Florencio Group.Banaag ang iritasyon sa mukha ni Darvis ngunit agad naglaho iyon pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Psalm. Matinding ligalig ang umukit sa mga mata ng lalaki. "Hon, masyadong busy ngayon sa kompanya dahil sa pagpasok ng bagong investors. I'm sorry kung nawalan ako ng oras para samahan ka. Uuwi ako ng maaga, okay? Huwag ka nang magalit." Nilangkapan niya ng lambing ang boses.Walang sagot mula sa kabilang linya. Humigpit ang puso ni Darvis. Masyado na ba niyang napabayaan ang asawa? Huminga siya ng malalim at muli sanang magsasalita pero naunahan siya ni Psalm."Ano'ng oras ka uuwi?" Bakas ang pagod sa tono ng babae.Nakahinga siya ng maluwag at sinipat niya ang suot na relos."Six o'clock," may alanganin niyang sagot. "Okay," kaswal na tugon ni Psalm at tinapos ang tawag nang hindi man lang nagpaalam.Nang marinig ang pagkaputol ng linya ay naupo muli sa swivel chair si Darvis at bahagyang ngumiti. Clingy pa rin talaga ang asawa niya. Hindi naman
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya