Nang sumunod na araw ay binulabog ang bansa ng balitang naglagay ng bagong head ng clan ang angkan ng mga Florencio. Si Dell. Laman ng balita ang lalaki. Maski sa social media ay nag-trending ito. Nalaman ng lahat ang achievements ni Dell sa business at sa larangan ng motor racing."Sunod nilang hakbang ay tatanggalin ka bilang CEO ng Florencio Group. Maniwala ka sa akin, hindi ko alam ang tungkol dito. I received the notice last week, hindi sinabi ang dahilan kung bakit ako pinauuwi. Huli na rin kung tatanggi ako." Nagkuwento si Dell. Sinadya ng lalaki si Darvis sa opisina. Lahat ng privileges na ibinigay noon ng clan ay binawi na at inilipat sa bagong head ng angkan. "Useless din kung tatanggi ka, ibibigay lang nila sa iba." Bumuntong-hininga si Darvis at pabagsak na sumandal sa head rest ng swivel chair. "Kumusta si Mommy?""She decided to move into your house as soon as possible. Ipinaglaban ka niya, Darvis. Hindi siya sumuko, pati si Uncle Dave. But it's hard to convince the cla
Lunes pa lang ng umaga pero masisira na yata ang araw ni Psalm at baka buong linggo pa niyang dadalhin ang negatibong energy na pasalubong ng dalawang bisita niyang naghihintay sa waiting area ng operations department. Sina Senyora Matilda at Pearl, acting Felizz. Sa hilatsa pa lamang ng mga mukha ng dalawa'y halatang naghahanap ng gulo. Tama lang din na hindi pinapasok ni Fred ang mga ito sa office niya. "Madam, hindi ko po sila maawat, I'm sorry po..." hindi magkamayaw sa paghingi ng tawad si Frederick."Okay lang, Fred. I will talk to them." Tinapik niya ito sa likod at tumuloy sila sa waiting area. "Pero mukhang hindi po sila nandito para makipag-usap.""So, nandito sila para makalbo?" Tumikwas ang kilay ni Psalm.Natawa si Fred sa terminong ginamit niya. "Sige, Madam, kung kailangan mo ng resbak, nandito lang kami. Nasabihan ko na ang staff kanina na maging alerto. Sumigaw ka lang.""Iyon naman pala, walang dapat ikatakot. Sila ang matakot sa akin." Bumungisngis siya. "Go, Ma
Napagod sa kalalaro nila si Angelu at nakatulog. Maingat na ibinaba ni Darvis ang anak sa kama at lumabas sa balkonahe. Mula roon at tanaw niya sa tabing-dagat sina Ymir at Psalm. Nagkukulitan marahil ang mga ito. May hawak na kung ano ang doctor at pilit iyon inaagaw ni Psalm. Lumundag na ang babae hanggang sa nawalan ng balanse at nabuwal sa mga bisig ni Ymir. Pinangko ito ng lalaki at dinala sa malaking bato na hindi abot ng tubig-dagat dahil low tide pa. Ibinaba ito roon ng doctor. Bumuntong-hininga si Darvis at humigpit ang hawak sa railing. Masokista na nga siguro siya. Kahit pinipilipit ng kirot ang puso niya pero natitiis pa rin niyang panoorin ang dalawa. Obviously, they owned up the world, they're happy and he is not part of it. Tanggap niya kahit masakit pa rin. Tatanggapin niya kahit mahirap umusod at parang imposible ang paghilom. Kailangan niyang tanggapin kasi mahal niya si Psalm at ang paglaya nito ang patunay na totoo ang kaniyang nararamdaman.Nag-vibrate ang cellph
Bakas ang pagtutol sa mukha ni Pearl pagkatapos marinig ang sinabi ni Don Romano. "Pero, Lolo! Nauna nang kasunduan ang tungkol sa kasal bago ang merging, di ba?" apela ng dalaga."Pero tumanggi si Darvis sa kasal. Hindi natin siya maaring pilitin, hindi iyon makabubuti sa kompanya. You can still work at the finance department; I will make sure of that."Bumagsak ang mga balikat ni Pearl. Kung hindi matutuloy ang kasal nila ni Darvis, magmumukha siyang joke sa lahat. Rejected sa dalawang lalaking parehas niyang hinahabol. Samaniego heiress pero binasura ng dalawang prospected grooms? "Lolo, dapat siguro i-discuss muna natin ito kina Senyor David at Senyora Matilda.""Nakapag-usap na kami ni David. Sang-ayon siyang i-kansela na lamang ang kasal ninyo ni Darvis. Hanggang ngayon daw ay umaasa pa rin si Darvis na maibalik sa piling niya sina Psalm at ang anak nila. The more reason that I have to cancel your marriage to him."Frustrated siyang umakyat sa kaniyang kuwarto at iniwan sa lawn
Naudlot ang paghikab ni Psalm nang mapansin si Ymir na nakatitig sa kaniya. Mabagal na naglakbay ang mga mata nito pababa sa katawan niya hanggang sa humantong sa bahagi kung saan nakakubli ang iniingatan niyang pagkababae. Itiniklop niyang maigi ang mga hita at tumikhim. Ibinaba sa kaniyang kandungan ang sketchpad. "Bawal kang antukin, mag-o-overtime tayo ngayon," seryosong pahayag ni Ymir. "O-overtime?" inosente niyang tanong. "Gagawa tayo ng tatlong bata, akala mo ba nagbibiro ako? Ipasok na ang mga iyan," utos nito sa crews na nasa labas ng cabin at naghinintay. Nasa yate sila at kasalukuyang naglalayag pauwi ng isla. Umawang ang bibig niya nang ipasok ng tatlong crews ang tatlong malaking boxes. Itinuro ni Ymir sa mga ito ang sulok para doon iparada ang binubuhat na mga kahon. Kanina napansin niyang maraming kargamento ang iniaakyat sa yate bago sila umalis. Nakalimutan lang niyang magtanong dahil nawili siya sa panonood ng sunset mula sa top deck. "Ano'ng laman ng mga iyan
Scroll and click, scroll and click. Thirty minutes nang ginagawa iyon ni Darvis sa desktop computer. He can't put his mind into the job without Psalm's face get in the way. Dumagdag pa ang bagong release ng Ford Magazine women's edition. Para siyang bumalik noong una niyang nakilala ang asawa. Her timid eyes yet artsy. Kung tumitig para bang may nakikitang kamangha-mangha. Laging maningning ang mga mata, larawan ng magandang bagay sa mundo na nanaisin mong hindi kumupas tulad ng bituin at buwan, mga bulaklak at valleys. "Ang ganda ni Madam sa headshot photo niya, Sir," komento ni Frederick na sinilip ang magazine."Um, she is always beautiful, nothing's change.""Siya ba ang kauna-unahang Pinay na nafi-feature sa Ford, Sir?"Tumango siya. "She deserved to be noticed. Magiging inspiration siya ng mga modelong kasama niya noon, pati ng ng young model aspirants ngayon.""Tama po kayo. Nag-notify nga pala ang staff ni Don Romano, Sir. Parating daw siya at kakausapin ka." Natigil si Dar