Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagbabasa, abangan ang iba pang kapana-panabik na kabanata. Kung paano babaliktarin ni Psalm ang mundo ni Darvis.
Hindi na matigil si Darvis sa paghalik kay Angelu habang tulog ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Pinaghehele niya ito kanina pagkatapos nilang maglaro. Masikip ang puso niya sa sobrang kaligayahan at hinanakit sa sarili. Masaya siya dahil nagkaroon ng pagkakataong makita, makilala at makasama ang anak sa kabila ng kaniyang kasalanan. Kung hindi lang siya naging gago, buo sana ang pamilya nila ngayon. Malaya sana siyang ikulong sa mga bisig si Psalm gaya ng nagagawa niya kay Angelu. Hindi sana ibang lalaki ang nagpapangiti sa kaniyang asawa. Ayaw na niyang mangatwiran pa para sa sarili. Kahit saang anggulo tingnan, siya ang mali, siya ang nagkulang. Siya lang ang dapat sisihin. Pero sa kabila ng lahat, kahit dinurog niya ang puso ni Psalm, binigyan pa rin siya nito ng pagkakataong maging ama ni Angelu. Kung mayroon man siyang tamang ginawa sa buhay niya, iyon ay ang piliin niya ang asawa na maging ina ng kaniyang anak at mahalin ito."Tulog na po pala siya, Sir. Ilipat na natin sa ka
Tulad nang ipinangako ni Ymir kay Psalm, dinala siya ulit ng boyfriend sa Luxury Villa ng mga Samaniego. Kasama nila si Don Francisco. Nasa likuran ang sasakyan nito at ang escort car ng matanda. Sumisikdo ang kaba ni Psalm habang papalapit sila sa lokasyon. Hindi niya maintindihan, may kunting takot sa puso niya ang ideyang baka may lilitaw na namang weird na alaala sa kaniyang utak. "May photos ka ba noong bata ka? About 7 or 8 years old," tanong ni Ymir na humigpit ang hawak sa manibela. Hindi niya matukoy kung ano ang tumatakbo sa isip nito at biglang naghanap ng pictures niya noong bata siya. "Sinunog ni Mommy lahat ng photos ko noong muntik nang mahulog sa hagdan si Pearl dahil nag-agawan kami sa photo album na ginawa ko. Sa galit ni Mommy, mga gamit ko ang pinagbuntunan niya." Halos makalimutan na niya ang tagpong iyon. Marami siyang pangit na alaalang gustong ibaon sa limot, lahat ay konektado sa immediate family niya."Wala kang naitago kahit isa?" Makulit talaga si Ymir."
Naluha si Darvis nang matanggap ang MOA for co-parenting sa pagitan nila ni Psalm para kay Felizz Angelu, ang anak nila. May schedule na rin doon kung kailan at ilang beses niya pwedeng bisitahin ang bata o kung gusto niyang hiramin. "Three times a week," bulong niyang nakangiti. Sabik na siyang makita ang anak. Kanino kaya nagmana ang bata? Malamang hindi sa kaniya. Hindi gugustuhin ni Angelu na magmana sa tulad niyang mas pinili ang kasalanan kaysa responsibilidad bilang mabuting ama. "Move up the meetings, Fred. Kailangan kong i-blangko ngayong weekends ang kalendaryo ko. May importante akong lakad," abiso niya sa secretary.Noong general assembly ng Venatici Empire at gumawa ng engrandeng marriage proposal si Ymir kay Psalm, saksi ang buong mundo dahil naka-live broadcast. Kitang-kita niya ang ligaya sa mga mata ng dating asawa. Sinasabi ng utak niyang sumuko na pero ang puso niya ay patuloy na nagmamatigas. Kahit posibleng ilusyon na lang ang kinakapitan niyang may pag-asa pa
"Kailangan ko bang sumama roon sa regular assembly ninyo? Baka makaabala lang ako," tanong ni Psalm habang inaayos ang kuwelyo ng white coat ni Ymir. "You will attend as the chief operations officer of Florencio Group, no one will ever question your legitimacy anymore. The linkages between Venatici Empire and Florencio Group will take off after the assembly and you will be handling it," paliwanag ng doctor at pinisil ang baba niya. Ngumiti siya. Iyon siguro ang dahilan kaya pinaluluwas siya nito ngayong araw. Bukod sa Green Tech, may ibang kompanya na rin ang nagpahayag ng cooperation interest sa FG dahil sa consistent promotions ni Ymir pero ang term of conditions ay laging sa kaniyang opisina napupunta ang kontrol. Alam niyang ipinapakilala siya ng binata sa business world, once step at a time. Kahit nagsusunog siya ng kilay para pag-aralan ang mga dapat niyang matutunan, minsan ay nadi-drain siya. Sa tuwina naman ay sinasalo siya ni Ymir."Okay na ba 'tong suot ko?" Niyuko niya a
Pumuputok ang kirot sa sentido ni Darvis. Gusto niyang magpahinga pero napilitan siyang bumiyahe patungo sa fine dining ng Melrose Hotel. Tumawag ang kaniyang ina, nag-host ito ng lunch para kina Don Romano at Felizz Samaniego. Mula nang bumisita sa Florencio Group ang matandang lalaki, napapadalas na rin ang imbistasyon ng kaniyang ina kay Felizz. Alam ni Darvis na pilit silang pinalalapit ng dalaga para sa nakatakdang merging ng kompanya. Kahit malinaw niyang sinabing hindi siya bukas sa usapin ng kasal kay Felizz. "Ayusin mo iyang mukha mo, Darvis. Huwag mo akong ipahiya sa bisita natin," sikmat ng senyora."I'm not feeling well, Mom. Nagpapahinga ako nang tumawag ka," iritado niyang sagot."Lagi kang wala sa mood kung si Felizz ang pinag-uusapan natin.""I don't like that woman. Naalala ko sa kaniya si Pearl.""Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Darvis. Matagala nang patay ang Pearl na iyon. At uulitin ko, maging mabuti ka kay Felizz alang-alang sa kapakanan ng kompanya natin. Nakita
Nahihirapan si Pearl na kumbinsihin si Don Romano na ilatag na publiko ang tungkol sa kasunduan noon ng kasal nina Ymir at Felizz. Kapag nilabas ang official announcement, mapi-pressure ang doctor na iyon dahil sa supporter ng Samaniego Global Enterprise. Pero pati yata si Don Romano ay wala nang balak na tuparin ang kasunduan. "Hindi ko alam kung bakit mas nakikinig pa yata si Lolo kay Ymir kaysa sa akin, eh," angal niya habang kausap sa video call si Madam Daisy. Ito ngayon at si Sheena ang nakatira sa Hermosa residence. Naghintay pa rin kasi sila ng pagkakataong mabayaran ang kulungan at nang makalaya na ang mga magulang niya. "O, baka si Psalm ang pumipigil na naman sa swerte mo. Salot talaga ang babaeng iyon."Sinabi mo pa. Pero hindi na ako basta makakikilos ngayong dala ko ang apelyidong Samaniego. Binalaan ako ni Don Romano. Kunting pagkakamali ay masisira ang reputasyon niya at pagbabayaran ko iyon. Ngayong may pera akong magagamit ay hindi naman ako malayang magawa ang gu