Nagising lang si Mahalia na walang may nangyari sa kanila ni Matteo. Siguro pang-apat araw ng wala itong ginawa sa kaniya. Ang akala niya, noong nasa Pilipinas pa lang sila, nag-hahanda lang ito ng lakas, kaya hindi nagsasayang pero hindi niya akalain pati dito sa Korea ay mananatili itong tulog lang sa tabi niya na niyayakap siya, at yun lang. Nanibago rin siya sa sitwasyon kasi gusto niyang magluto para rito ngunit sinabi nitong wag na raw at hindi rin niya alam kung saan banda ang kusina sa laki ng mansion."Pitong kusina, tatlong swimming pool, grabe," bulong niya kahit nakahiga pa. Kung ano-ano lang ang sumasagi sa isipan niya at nababanggit niya itong wala sa sarili. Hinintay na lang niyang magising si Matteo lalo na't ang kamay nito ay nasa baywang niya. Nasanay na siya na ganito ito lagi matulog, yapos na yapos siya sa kama. Tinitigan lamang niya ang mukha nito, sa kilay sa ilong, sa bibig, sobrang gwapo. "Siguro gwapo ka pa rin kapag maitim ka," bulong niya. Dahan-dahan
"On the way na ako, Buck," mensahe ni Hunter kay Matteo. Ni-replyan lang niya ito ng okay at saka binalik sa bulsa ang phone. Tiningnan niya ang orasan at alas siyete na ng gabi, napahingin siya sa hagdan at wala pa si Mahalia. Napabuntunghininga siya dahil sa excitement na nararamdaman niya. Madalas niya itong naramdaman kapag nasa paligid niya ang babae. Excited siyang makita na suot ang gown na binili niya sa halagang limang milyon. Gown pa lang iyon, hindi pa kabilang duon ang halaga ng heels and jewelry nito na hindi rin nagpapahuli ng million. Walang kaidea-idea ang babae kung gaano kamahal ang suot nito ngayon. Pagkalipas ng ilang minuto, nilapitan siya ng alalay niya. "Sir, Miss Ramirez is done now."Miss Ramirez...mas gusto niya ang Elioconti na karugtong ng pangalan nito. It's not that na asawahin niya, since ampon lang si Mahalia ng kinikilalang ina nito, may kakayahan siyang baguhin ang apelyido nito. Pero siguro wag muna, gusto niyang malaman muna kung sino ang pamil
Pinagmasdan ni Matteo ang reaction ni Mahalia habang tinititigan ang lalaki sa entablado at katulad ng inaasahan niya nawala na ito sa sarili nang makitang hinalikan ni Sabrina Geun ang lalaki. Nagkunwari pa siyang inosente. "Are you okay, Mahalia?" Sinalo lang niya ito nang biglang mawalan ng balanse. Inalalayan niya itong makaupo ngunit nasagi nito ang baso sa ibabaw ng lamesa at nahulog ito sa sahig. Nagkanda pira-piraso itong nakakuha ng attention ng lahat. Lihim siyang napangiti dahil ito ang gusto niya, ang masira si Timothy sa lahat bilang kabayaran ng ginawa nito sa kompanya nila. Nalaman niyang si Timothy ang may kagagawan ng lahat at alam niya ang rason kung bakit. Malinaw si Mahalia ang dahilan kung bakit siya nito pinagdidiskitahan. "What's going on?" tanong ng ama ni Timothy sa entablado nang mapansin si Mahalia na tila kulang na lang lumupaypay ito sa sama ng loob. Inalalayan niya itong makaupo nang magsimula na itong umiyak. Binulungan lang niya ito, "Bakit?" Luma
"Grabe ka Korea! Kabago-bago ko palang dito sa lupain mo, sinaktan mo na agad ako! Ayaw mo ba sa akin?!" Hinayaan ni Matteo na magsisigaw ang babae sa tabing dagat. Malapit pa sila sa police station, na located din sa tabing dagat, malawak lang ang espasyo ng kalsada. Kumalabit lang ang kilay niya pataas habang pinapakinggan ang sinasabi nito. "Pinagkaitan na nga akong makilala ang totoong mundo, maraming bagay na nga akong hindi alam. English nga hirap na hirap na ako. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang mishap, tapos saktan mo pa ako ng ganito. Ganon ka na ba talaga kalupit Korea?" Si Hunter naman nakasandal lang din sa tabi nito na todo kain ng hawak nitong Kkochi na nilagay sa isang meal box na itim. Pagtingin niya kay Mahalia na umiiyak nakita niya ang lalaki na nakatingin rin dito at napahinto pa sa pagnguya. "Bakit mo naman sinisisi ang Korea, kasalanan ng Timothy na yun, kasi asshole siya. Tsaka yung mishap ibig sabihin tulad ng nangyayari sayo ngayon. Nagkamali
Sa tanang buhay ni Mahalia, hindi niya akalain na sa kabila ng nakakaawang sitwasyon niya mararanasan niya ang mga bagay na ito. Roller X Train ang tawag ng sinasakyan nila ngayon at sobrang bilis ng takbo nito sa iba't ibang direction. May biglang babagsak, tataas, tatagilid at may nakatuwad pa ng na mas lalong ikinatili niya. "Wooi! Mahuhulog ako!" Sobrang takot ang nararamdaman niya, halos maihi siya. Ngunit sa kabila ng takot na iyon, natutuwa siya kaya nagawa niyang sumigaw ng malakas at tumawa nang tumawa. "Tama na! Baba na tayo, mahuhulog ako dito!" Paano kasi naangat ang katawan niya sa upuan. Kung hindi lang dahil sa suporta bumulusok na siya. "Wag mong isiping mahuhulog ka, sumigaw ka lang!" sigaw naman ni Hunter na nasa likuran nila. Si Matteo kasi ang nasa tabi niya at ang katabi ni Hunter ay si Finn. Sigaw din nang sigaw ang dalawa at humahakhak pa. Si Matteo lang talaga ang hindi niya naririnig na sumigaw pero kung tanungin ito ni Hunter kong kamusta ang reply nito
Kumurap-kurap si Mahalia, dahil pati si Hunter tila natigilan din sa sitwasyon nila. Hindi ito nakabangon agad at ang labi nila ay nanatiling nakadikit. Maya maya umangat si Hunter, at siya naman napatakip ng bibig, sabay sabing, "Hala.""Oh shït!" sabi naman nito at mabilis na bumangon. "Sorry hindi ko sinasadya.""Nasaan si Matteo? Nandiyan ba?" mabilis niyang tanong at bumangon, tumayo at palinga-linga sa paligid. "Wala, wag mo na lang sabihin, baka magalit sa akin," sabi na lang nito na parang hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Naiilang naman siya at paglunok-lunok na lang. "Okay ka lang?" mukhang sinikap na lang nitong itanong. Pinagpagan naman niya ang sarili niya. "Oo, dumi lang naman to, natatanggal.""Lokong mga bata yun ah, parang mga bulag," sabi naman nito, parang napikon. "Hayaan mo na, hindi naman siguro nila sinasadya." "Tara na, bili tayong pagkain," pag-aya na lang nito sa wakas matapos din pagpagan ang sarili. Nahihiya rin siyang tumingin. Parang nalalangha
"Upo na lang tayo, para hindi matapon. Baka may bumangga ulit, sayang pagkain," sabi ni Hunter kay Mahalia nang makahanap sila ng food card na may upuan. Natapon kasi ang pagkain nila kanina dahil sa mga bata. Kaya umupo na lang sila para safe. "Sarap ng pagkain ng Korea no?"Tumawa siya, "Oo nga.""So hindi mo na hate ang Korea kasi masarap ang mga pagkain niya." Humalakhak siya. "Hindi na mahal ko na siya," aniyang umiiling. "Sana all mahal," bulong naman nito at sumubo. Pagkatapos nilang kumain na talagang tinikman niya lahat. Bumalik na sila kung saan naroon sila Matteo. "Nge nasaan sila?" tanong niya. "Gumala siguro, wait tawagan ko," sabi naman nito at siya naman palinga-linga sa paligid. Napatingin pa siya sa phone niya at alas kuwatro na pala ng hapon. "Saan kayo?" tanong naman ni Hunter sa phone. "Okay punta na kami." Pagkababa nito ng phone, sinilip niya ang mukha nito. "Nasaan daw sila?" Parang nailang pa itong tumingin sa kaniya. "Nasa cherry blossoms."Hindi niya
Lumipas tatlong araw pa ang pananatili nila sa Korea. Sa loob ng tatlong araw na iyon, wala silang ginawa ni Matteo kundi ang mag-boxing sa fitness area nito. Nais ni Matteo na matuto siyang dumipensa, at ang rason naman ni Mahalia kung bakit nagpakaabala siya sa presensiya ni Matteo ay dahil gusto niyang makalimutan nang tuluyan si Teehan. Sa loob ng tatlong araw na iyon, ramdam ni Mahalia ang pananakit ng katawan. Pero sabi ni Matteo ganoon daw talaga sa una. May mga technique din na tinuro si Matteo sa kaniya, at ang tawag naman dun teakwando. Kinabukasan ulit, tamad na tamad siyang bumangon, pero nauna siyang nagising kay Matteo. Hindi naman siya magluluto ng pagkain nito kaya okay lang magbabad sa higaan. Pareho silang walang damit, para kasing pati siya ine-enjoy na rin ang katawan ng lalaki, minsan siya na ang nangunguna para may gawin silang dalawa. Naadik siya sa halik nito, na kapag ginagawa nila parang ayaw na niyang huminto. Sobrang himbing ng tulong nito sa tabi niya,