CONTENT WARNING: Please note that this book contains sensitive themes and includes explicit scenes, making up approximately 20% of its content. It is intended for mature readers only. _ "Teka lang, Sir! A-Ano kasi eh..." Napangiwi si Mahal habang naghahagilap ng mairarason dito sa lalaking ito na binili siya sa Auction. "Are you kidding me? 'Teka lang?' Are you sure that's really 'teka lang?" Napayuko na lang siya dahil sa pagalit na natanong ng lalaki. Halatang napipikon na sa kaniya. Inilapit pa nito ang mukha sa kaniya para iparamdam sa kaniya ang inis nito at nagsalita, "Remember, I paid a hefty 10.5 million at the auction just to purchase you. You wouldn't have even set foot in that auction if you hadn't given your consent. So now that you're under my ownership, don't think you can fool me with your usual 'teka lang, sir' tactics kasi kabisado ko na 'yan." Para siyang tinanggalan ng utak na nakatunganga sa pinagsasabi nito na ang tanging naintindihan lang ay ang salitang, 'kabisado ko na 'yan.' Ano naman ang alam niya sa English kasi tulog naman siya lagi sa subject na iyon noong nag-aaral pa siya. Para naman huminahon ito, nagsalita na lang siya. "Ahm...wag ka na magalit sir, maghuhugas lang naman ako. Ayaw mo naman ng mabaho, diba?"
View More"Tita, paano kung malaki pala ang ano ng makakuha sa akin?" tanong ni Mahal sa tiyahin habang inaayos nito ang suot niyang palda na hanggang kalahating hita lang ang haba.
Kasalukuyan namang nilalagyan ng makeup ng bakla ang mukha niya na natatatawa pang sinabing, "Edi swerte mo, malaki eh. At bukod doon may pera ka pa.""Very true..." gatong naman ng kasama nitong bakla din na inaayos ang buhok niya.Terry and Marry ang pangalan ng mga ito. Ang nag-lalagay ng make-up sa kaniya ay si Terry, si Marry naman ang nagkukulot ng buhok niya.Ang rason kasi kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon dahil isasalang siya sa Auction."Ang isipin mo na lang kasi, ang nanay mo. Kung hindi mo ito gagawin màmàmàtay siya. Dito nakasalalay ang pambayad natin sa hospital, Mahal," muling paalala ng tiyahin niya.Naalala naman niya ang nanay niya kaya malungkot siyang tumango at determinadong gawin ang bagay na ito.Mawala lang ang lahat, huwag lang ang nanay niya. Kailangan kasi nito ng puso para mabuhay ulit pero ang puso ay talagang mahal ang halaga, bukod pa sa halaga ng puso may bayad pa rin sa operasyon, shempre.Huminga siya nang malalim at nagsalita naman si Marry na nasa likuran niya. "At isa pa, karamihan sa mga babae na bini-bid dito sa Auction ay naging maganda ang buhay, halos lahat yumaman. Si ano nga, madam-madam na ngayon..."Tinuro ni Terry si Marry at sinabing, "Oo si ano...si Trishia! Balita ko nasa New York na yun ngayon, CEO na ng kompanya ng asawa niya, diba?" Binaling nito ang paningin sa mukha niya, at sinenyasan siyang pumikit, sinabi rin, "Sige pikit ka muna..."Pumikit rin siya. Nasanay na ang mukha niya sa make-up dahil ito naman ang unang natutunan niya noong manatili siyang isang buwan sa bar.Naramdaman niya ang lambot ng brush sa mukha niya at naki-join ang tiyahin niya sa topiko ng mga ito, "Iyon ba yong nabili ng medyo bata na bidder?""Oo, si Mr. Schmidt," sagot ni Terry. "Pero weird ng spelling ng apelyido nun, aleman kasi.""Hindi naman bata iyon, mga nasa 50 na nga yata yun," istimasyon naman ni Marry.Napangiwi siya kasi parang hindi naman niya nakikita ang sarili niyang may asawang matanda katulad ng pinag-uusapan ng mga ito."Atleast hindi senior citizen, tsaka hindi naman halata na nasa 50 na iyon eh. Parang mukhang 30 nga lang. Ang importante mayaman," rason naman ni Terry."Aanhin mo ang gwapo kung gutom ka?" singit naman ng tiyahin niya na kinuha ang ribbon na pula sa ibabaw ng lamesa. "Sa panahon ngayon, kailangan praktikal ka, madiskarte, huwag mong atrasan ang pera kasi pera yan. Bibigyan ka ng magandang buhay. Kung habulin mo ang gwapo, paglipas ng panahon, papangit din yun.""True..." ani pa ni Terry at sinabing sa kaniya, "Sige patingin..."Dumilat siya at kumisap-kisap ng mata. "Hmm... perfect."Binaba nito ang brush at hinawakan ang baba niya. "Kaya ikaw, huwag mong pakawalan ang pera. Yong ibang babae nga basta-basta na lang sinusuko ang vïrgïnïty nila sa kung sino-sinong poncio-pilato na lang, basta mahal nila, pero pagkatapos maisuko ang perlas gutom naman sila at wala pang laman ang bulsa.""Shempre, walang pera ang sinukuan eh, gutom talaga," gatong pa ng tiyahin niya."Kaya ikaw, Mahalia, swerte mo kasi may halaga ka, imagine mo ang pinakamababang presyo mo dito sa Auction kalahating million, tapos tataas pa iyon ah. Hindi natin alam kung ilang million ang makukuha niyo dito," ani pa ni Terry.Huminga siya nang malalim. Million na kasi ang binabanggit nito. Magkaroon nga lang siya ng isang libo noon, ramdam na niyang marami na siyang pera, milyones pa kaya?Kaya kung sa mata ng iba, mali itong ginagawa niya na ibebenta siya para may pambayad sa puso para sa nanay niya gagawin niya at may punto naman ang mga ito.Vìrgìn siya, at may presyo iyon, ang iba kinikilalang malinis ang sarili pero sinusuko ang mga perlas sa mga mahihirap na lalaki lamang.Pero shempre para sa kaniya, pangarap din sana niyang magkaroon ng lalaking mamahalin. Yung hindi katulad ng ama niya na pinabayaan lang sila ng ina niya.Mabuti na lang nandiyan ang Tita Rosie niya. Taga-hila nila ito sa kahirapan. Floor manager kasi ang trabaho nito Enflame Roses, isang malaking fantasy club iyon, at maraming performer ang naroon.Nanatili siya doon mga isang buwan at tanging pag-inom at pag-entertain niya sa mga guest ang ginagawa niya dahil bawal siya sa gimik.Bagkus, naghakot ng bidder ang tiyahin niya, binigyan nito ang mga iyon ng flyer tungkol sa kaniya. Illegal na medyo legal ang auction na ito, dahil ang mga babaeng bini-bid dito ay mga hindi pinipilit, katulad na lamang niyang sumang-ayon sa plano ng tiyahin niya.Hindi madali sa kaniya shempre pero kung hindi niya ito gagawin mawawalan siya ng ina._"Oh heto na ha! Tatawagin na ang pangalan mo. Wag mong kalimutang ngumiti," bilin ng tiyahin niya sa kaniya.Huminga ulit siya nang malalim. Kabado kasi siya, at hindi niya alam ang maging buhay niya pagkatapos ng araw na ito. Kung sino man ang makakabili sa kaniya, siguro bahala na."Sige po, Tita." Pilit siyang ngumiti rito."Basta isipin mo na lang, para ito sa nanay mo. Kung may iba lang akong option, hindi natin ito gagawin, kaso wala eh, kailangan ng nanay mo ang pera. Hindi tayo, susuko, Mahalia, okay?" Panay lang ang tango niya sa sinasabi nito.Gusto niyang umiyak, pero sinikap niyang pigilan at tumango na lang. "Tita, kapag ba may nakakuha na sa akin, makikita pa ba kita mamaya?"Naging malungkot ang mukha nito. "Depende sa...sa taong maka-bid sa'yo. Pero gagawa ako ng paraan, wag kang mag-alala. Mag-dasal na lang tayo na mabuting tao ang makakabili sayo," anito.Tumango siya, pero ang sa isip niya, mukhang malabong mabuting tao ang makakabili sa kaniya kasi nga, Auction ito. Baka nga mapunta pa siya sa leader ng sindikato.Para siyang naduwag sa isiping iyon, ngunit nagtanong siya, "Paano kong hindi pala pinoy ang makabili sa akin, hindi ako marunong mag-english, Tita."Awkward itong natawa, nalulungkot na pinipilit lang tumawa. "Matutunan mo rin iyan, kasi sigurado, tuturuan ka rin ng taong makakuha sa'yo. Shempre alangan naman na habang buhay ka niyang hindi makausap, di ba?"Ngumiti siya at napatingin sa suot niyang pang-kikay, para siyang barbie na pinasuotan ng sexy na damit. Puti ang pang-itaas niya at pula ang palda niya.May ribbon pa siya sa leeg na kulay pula din at sa braso, tapos isa sa ankle niya, silver din ang kulay ng heels niya, mataas pa ang takong nito.Nasa ganoon silang sitwasyon nang umalingawngaw ang boses ng host binabati ng magandang araw ang mga bidder.Napatingin naman siya sa paligid at nakita niya ang ibang mga babaeng may mga magagandang suot ng damit na katulad niya na mukhang isasalang din sa auction na ito.Katulad niya, halatang kabado rin ang mga ito at ang isa ay nakatamaan pa niya ng tingin. Pait itong ngumiti sa kaniya, ginantihan naman niya.Curious siya kung ano ang dahilan nito kung bakit ito pumirma sa auction. Pero shempre pera rin. Hindi kaya isa rin sa pamilya nito ay nangangailangan ng operation katulad niya?Nag-hintay siya ng ilang minuto kasi may naunang kasalukuyang bini-bid ngayon. Mabuti na lang hindi agad ang pangalan niya ang tinawag.Pero alam naman niya ang gagawin, tatayo lang naman siya sa entablado at ngumiti para maraming magkainteres sa kaniya.Ngunit habang naghihintay siya, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Pinipiga lang ng tiyahin niya ang braso niya para kumalma siya."Next we have, Mahalia Ramirez!"Napaangat siya ng mukha at napanganga. Parang pinalong drum ang dibdib niyang lumakas ang pagkahuramentado nito. Tumango-tango sa kaniya ang tiyahin niya."Ikaw na...sige na." Naiiyak ito, at gusto niyang umiyak pero wala siyang choice kundi ang magpakatatag.Para bang matutumba siya sa kaniyang paghakbang. Mataas na nga ang takong ng sapatos niya, kinakabahan pa siya.Bumukas ang makapal na pulang kurtina, may umalalay naman sa kaniya paakyat at bumungad sa kaniya ang sandamakmak na kalalakihan sa harapan ng stage.Ang spotlight ay talagang nakatuon lang sa kaniya at kahit madilim ang nasa unahan niya, naaninag pa rin niya ang mga ito."Mahalia Ramirez is a captivating 20-year-old hailing from the alluring establishment of Enflame Roses. She has been attentively nurtured to maintain her timeless allure. With her perfectly curved body and smooth complexion Mahalia is a versatile presence for any occasion. Whether you are seeking a devoted partner. A mesmerizing entertainer. Or a captivating brand model, she is a perfect fit. Her exquisite beauty ensures that your generous bid for her will yield substantial rewards!"Pagkatapos siyang ipakilala maraming nagtaasan ng kamay at bumida ng mga milyones nila.Nagsimula sa isang milyon, hangang may nag-1.5 million, tapos may 1.6 million, umabot pa ng two million.Ang ikingiwi lang siya dahil ang karamihan sa mga nagbi-bid ay mga matatanda na. Kaya napabulong na lamang siya ng salitang, "Ew...bakit puro lolo?""Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang
Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M
Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments