Share

Chapter 45: MAKE HER BEAUTIFUL

Nagising lang si Mahalia na walang may nangyari sa kanila ni Matteo. Siguro pang-apat araw ng wala itong ginawa sa kaniya. Ang akala niya, noong nasa Pilipinas pa lang sila, nag-hahanda lang ito ng lakas, kaya hindi nagsasayang pero hindi niya akalain pati dito sa Korea ay mananatili itong tulog lang sa tabi niya na niyayakap siya, at yun lang.

Nanibago rin siya sa sitwasyon kasi gusto niyang magluto para rito ngunit sinabi nitong wag na raw at hindi rin niya alam kung saan banda ang kusina sa laki ng mansion.

"Pitong kusina, tatlong swimming pool, grabe," bulong niya kahit nakahiga pa.

Kung ano-ano lang ang sumasagi sa isipan niya at nababanggit niya itong wala sa sarili.

Hinintay na lang niyang magising si Matteo lalo na't ang kamay nito ay nasa baywang niya. Nasanay na siya na ganito ito lagi matulog, yapos na yapos siya sa kama.

Tinitigan lamang niya ang mukha nito, sa kilay sa ilong, sa bibig, sobrang gwapo. "Siguro gwapo ka pa rin kapag maitim ka," bulong niya.

Dahan-dahan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
sakura
anondaw mahalia...hahahaha..wag ka mag alala same taubwalang nintindihan....hahahaha...sana ol, most beautiful woman in da world....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status